You are on page 1of 17

Proyekto sa

FILIPINO
(Masining na Pagpapahayag)

1
Matabang man ang paninda,
matamis naman ang anyaya.

Ang salawikaing ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng pagiging bukas


palad ng mga tao. Ipinapahiwatig nito na hindi mahalaga ang kagandahan o
karangyaan ng imbitasyon o ng pag-aalok ng isang bagay, higit na mahalaga
ang puso na kaakibat ng imbitasyong ibinigay. Halimbawa nito ang
pagpapahalaga ng mga tao sa mga munting regalo na natatanggap. Hindi
man ito kamahalan, ang mahalaga ay naalala sila ng taong nagbigay nito.

2
Mag-aral kang mamaluktot
habang maigsi ang kumot.

Ang aral sa saliwikaing ito ay nasa pagtitipid. Sinasabi dito na matuto


dapat tayo na i-ayon ang ating pamumuhay sa mga bagay na mayroon tayo.
Hindi dapat nilalagpasan ng pagwawaldas ang kakayahang kumita.
Halimbawa nito ay sa paghawak ng salapi. Hindi dapat na gumastos ng pera
na mas malaki pa sa sinasahod kung hindi ay magkakabaon-baon ka sa
utang. Ito ang ipinapahiwatig ng mga katagang kung maigsi ang kumot,
matutong bumaluktot. Gamitin lamang kung ano ang mayroon ka at hindi
dapat lumagpas doon.

3
Ang lumalakad ng marahan,
matinik man ay mababaw.
Ang lumalakad ng matulin,
kung matinik ay malalim.

Ipinapahiwatig ng mga katagang ito na dapat tayong maging maingat


sa paggawa natin ng ating mga desisyon. Kapag mabilis magdesisyon ang
isang tao at hindi muna ito pinag-iisipan, mas malaki ang tyansa na kapag
ito ay pumalpak, mas malaki ang pinsalang matatamo bilang kapalit. Sa
kabilang banda, kung maigi muna pag-iisipan ang isang bagay bago gumawa
ng desisyon, maiisip muna ang lahat ng posibleng mangyari at mapapag-
isipan din ang mga posibleng solusyon dito. Ang aral na mapupulot sa
saliwikaing ito ay ang pagiging maingat sa paggawa ng mga desisyon dahil
ang lahat ng ito ay may kaakibat na epekto sa ating buhay.

4
Ang lakas ay daig ng paraan

Ipinapahiwatig nito ang kahalagahan ng pagiging mapamaraan ng


isang tao. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa lakas dahil ang lakas ay
nauubos din. Kapag ang tao ay marunong mag-isip at magplano ng maayos,
hindi kinakailangan na mag-aksaya ng panahon at pagod. Samantala, kung
walang pagpaplano at basta-basta nalang na kumikilos, maaaring mawalan
ito ng saysay at masasayang lamang ang ang panahong ginugol para sa
paggawa.

5
Marami ang matapang sa bilang,
ngunit ang buong-loob ay iilan

Ang salawikaing ito ay tumutukoy sa tunay na katapangan ng isang


tao. Maraming mga tao na mahusay lamang sa pakikipagtalo kapag siya ay
mayroong kakampi subalit kakaunti lamang ang mga tao na may tunay at
tamang ipinaglalaban na kayang suportahan ang kanilang sarili kahit pa sila
ay nag-iisa at walang karamay. May mga tao na matapang kapag marami na
sasangayon sa kanilang panig ngunit nagiging duwag kapag nawala ang mga
ito. Sinasabi sa salawikaing ito ang pagkakaiba sa ugali ng mga tao sa
pakikipagtalo kapag may kakampi o kung wala.

6
Ang hindi napagod magtipon,
walang hinayang magtapon.

Ipinapahiwatig ng mga katagang ito ang ugali ng mga tao na pagiging


aksaya lalo kung hindi sila ang kumita. Mayroong mga tao na magaling
gumastos ng pera na hindi sa kanila. Hindi nila nalalaman ang halaga nito
sapagkat hindi sila ang naghirap upang kitain ito. Subalit, kung sila mismo
ang nagtrabaho, nagpagod, nag-ubos ng luha at pawis upang kitain iyon,
tiyak napapahalagahan nila iyon ng mabuti sapagkat madami silang
isinakripisyo para doon.

7
Ang pag-aasawa ay hindi biro,
‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.

Ibig ipahiwatig ng kasabihang ito na ang pagpili ng mapapang-asawa


ay isang bagay na dapat pag-isipan at pagplanuhang mabuti. Hindi ito
maaaring madaliin sapagkat ang pagpapakasal sa isang tao ay
nagpapahiwatig ng buong buhay na pagsasama. Ang pag-iisang dibdib ang
hindi isang bagay na maaaring itapon, ang pagiging mag-asawa ay hindi
parang isang pagpapamiyembro sa bangko na pwedeng ipa-kansela kahit
kailan gustuhin. Ito ay pang habangbuhay na pagsasama ng dalawang tao.
Nakasalalay dito ang buong buhay ninyo pagkatapos ng kasal maging ang
buhay ng magigung pamilya nyo kaya dapat itong seryosohin at hindi dapat
ituring na biro o laro.

8
Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit,
kapag nakawala’y hindi na babalik.

Ang salawikaing ito ay maaaring para sa mga magulang ng mga


kabataan ngayon. Maraming magulang na mahigpit sa kanilang mga anak. Ito
ay rasonable sapagkat walang magulang na nais mapunta sa kapahamakan
ang kanilang anak. Normal para sa mga magulang na mag-alala at naisin na
parati lamang na nasa kaligtasan ang kanilang mga anak. Subalit, kadalasan
ay sumosobra ang pagiging mahigpit nila at ‘di maiwasan na nakakaramdam
na ng pagkasakal ang kanilang mga anak. Masyadong madaming
ipinagbabawal at sa dulo ay nawawalan na ng karapatan ang mga bata. Sa
ganitong pamumuhay, kapag umabot na sa hustong edad ang mga bata at
nagkakaroon na ng sariling kalayaan, sumusobra din sila sapagkat nais
nilang lasapin ang kalayaang ‘di nila naranasan sa kanilang kabataan. Minsan
ay mabuti din na hayaang maranasan ng mga anak na mayroon silang
sariling buhay labas sa kanilang mga magulang, ito ay hindi lamang para
huwag silang mag-rebelde kung hindi para na rin matutunan nila na tumayo
sa kanilang sariling mga paa.

9
Ang mabuting halimbawa ay higit
na mabisa kaysa pahayag na dakila.

Ipinapahiwatig nito na gaano man kadalas o kainam ang mga aral na


pinapahayag natin, hindi ito isasapuso ng mga taong nakakarinig kung hindi
nila nakikita na ginagawa mo. Higit na importante na makita ng mga tao na
ipinapamuhay mo ang mga bagay na sinasabi mo upang sila ay maniwala at
ipamuhay din ito. Kung pawing salita lamang ang iyong ipinaparinig ngunit
kulang sa gawa, malabo na tularan ito ng mga taong nakapaligid sa iyo.

10
Kadalasan, ang karikta’y ginagawang isang bitag
upang siyang ipanghuli noong ibig ipahamak.

Ibig sabihin nito na hindi lahat ng maganda at kaakit-akit sa mata ay


nakabubuti. Minsan ito ay panlabas na anyo lamang na ginagamit upang
makapanlinlang at makaengganyo ng mga tao tungo sa kapahamakan. Sa
panahon ngayon, madami nang bagay na peke ngunit napapagtakpan ng
kagandahan. Ito ay nakakapangloko ng mga tao at kadalasan ay nagiging
sanhi ng kapahamakan. Ito ay dapat iwasan sa pamamagitan ng pagiging
mapanuri at mapagmatyag.

11
Kapag ang tao’y matipid,
Maraming maililigpit.

Ang salawikaing ito ay tumutukoy sa maayos na paghawak ng salapi.


Lahat ng tao ay nagnanais na makakuha ng magandang buhay kung kaya’t
pinaghihirapang mag-aral ng mabuti at magtrabaho upang kumita ng pera.
Ngunit ang pera ay dapat na hawakang maayos, dapat matutong maging
organisado at gumastos lamang sa mga bagay na dapat talagang gastusan.
Kasama sa tamang paghawak ng salapi ang pag-pupundar ng mga bagay na
may halaga. Ang taong marunong mag-pundar ay nakakaipon ng mga bagay
na may halaga at dito makikita ang bunga ng kanyang mga pinaghirapan na
sininop upang ‘di mapunta sa mga walang kapararakang bagay.

12
Kung binigyan ng buhay,
Bibigyan din ng ikabubuhay.

Ibig sabihin ng mga katagang ito na hindi dapat mawalan ng pag-asa


ang tao. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay, hindi upang magsayang ng ating
panahon sa mga walang kapararakang bagay kung hindi upang magkaroon
saysay at kabuluhan dito sa mundo. Kung kaya’t naniniwala ako na kung
binigyan ng buhay ang tao, binigyan din tayo ng kakayahan na buhayin ang
ating mga sarili. Hindi dapat mawalan ng pag-asa sapagkat nilikha tayo
upang mabuhay ng mga saysay.

13
Ang tunay na anyaya,
Sinasamahan ng hila.

Ipinapahiwatig nito na hindi sapat ang mga salita maka-engganyo ng


isang tao. Ang tunay na nakahihikayat ay ang salitang may gawa. Makikita sa
kilos ng isang tao ang tunay na kaloobaan. Ang pinakamalakas na
imbitasyon ay ang salitang sinasamahan ng gawa. Sa kilos makikita ang
tunay na ninanais ng isang tao.

14
Ang may malinis na kalooban
ay walang kinatatakutan.

Sa salawikaing ito, sinasabi na ang isang tao na may malinis na budhi


ay walang kailangan katakutan. Ang isang tao na walang duming itinatago ay
malaya na kumilos at magsalita kahit pa sa harap ng mga akusasyon
sapagkat alam niya sa sarili niya na wala siyang masamang ginagawa kung
kaya’t wala ding magagamit laban sa kanya ang ibang tao. Walang mapupuna
sa kanya kamalian sapagkat alam niya sa sarili niya na siya ay malinis na tao.

15
Sa taong may tunay na hiya,
Ang salita ay panunumpa.

Sinasabi dito na ang dignidad at kahihiyan ng isang tao ay nakasalalay


sa kakahayan niyang tumaapad sa kanyang salita. Ang kanyang pagbibigay
ng salita ay katumbas na din ng pagbibigay niya ng kanyaang buong
pagkatao at personalidad bilang kapalit na kung sakaling hindi niya
gampanan ang kanyang sinabi, alam niya na maaari niya itong ikasira sa mga
taong nakarinig. Ang pagiging isang tao na may isang salita ay mahalaga sa
pagpapanatili ng dangal at dignidad ng isang tao. Dito makikita kung siya ay
may paninindigan o wala.

16
Proyekto sa
FILIPINO
(Masining na Pagpapahayag)

Ipinasa ni:
Geraldine Bajarias
BSEd 2A

Ipinasa kay:
Gg. Cielito O. Santos

17

You might also like