You are on page 1of 2

UNIT 4: PANANALIKSIK

Pangalan: Louie Jay D. Lleno Petsa: Abril 2, 2021


Seksyon: BSED-Filipino

Isagawa Mo!

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na terminolohiya:

1. Literatura

 Ang literatura ay ang temang ginagamit upang ilarawan ang nasusulat o


sinasalitang materyal. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang Latin na
literature na may kahulugang “kasulatan na nabuo ng mga sulat”. Ang
literatura ay karaniwang maihahalintulad sa mga gawang gumagamit ng
malikhaing imahinasyon katulad ng tula, dula, kathang-isip, hindi kathang-
isip, at minsan ay maihahalintulad din ito sa pamamahayag at pag-awit.

Sa madaling salita, ang literature ay kumakatawan sa kultura at tradisyon


ng isang wika ng isang pangkat ng mga tao. At dahil ang temang literature
ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon, ang konseptong ito ay
mahirap mabigyan ng eksaktong kahulugan. Gayunpaman, upang mas
madaling makilala ang literatura, narito ang ilan sa mga karaniwang
katangian ng mga ito:

 Karakter o Character – Ang karakter ay ang mga taong nagbibida


sa isang istorya. Ito ay ang mga taong nagpapatakbo at gumagawa
sa isang istorya. Ang karakter ay nahahati sa dalawang seksyon,
ang protagonist o ang pangunahing tao o bida at ang antagonist o
ang taong kumokontra sa protagonist o kontrabida.

 Buod o Plot – Ang buod ay ang sitwasyon kung saan umiikot ang
buong istorya. Dito nasasaklaw ang mga susunod na pangyayari sa
isang istorya na kinapapalooban din ng mga problema at solusyon.

 Lugar o Setting – Hindi mawawala sa isang istorya ang lugar kung


saan magaganap ang mga pangyayari kaya’t ito ay isa sa mga
karaniwang katangian ng isang literatura. Ang lugar ay
importanteng katangian ng isang literature sapagkat tinutulungan
nito ang mga mambabasa na maunawaan ang mga pangyayari sa
isang istorya.

2. Pag-aaral:

 Ang term na pag-aaral ay direktang nauugnay sa mag-aaral at


intelektuwal na pagsisikap na isinasagawa upang mapalawak at
makakuha ng bagong kaalaman, disiplina, halaga, estratehiya, bukod sa
iba pa, na maaaring mailapat sa iba't ibang oras at puwang sa buong
buhay.

3. Paradigm:
 Ang paradigm o paradigma ay isang natatanging kabuohan ng konsepto o
nang pag-iisip, tulad ng mga teorya, pamamaraan ng pagsaliksik,
pagmungkahi ng katotohanan, at mga pamantayan na bumubuo ng mga
lehitimong kontribusyon sa isang sangay ng kaalaman.

4. Gap:

 Ang gap o puwang sa pananaliksik ay may kinalaman sa pagkakaroon ng


mga pag-aaral na naisagawa na may patungkol sa ispeling o pagbaybay
sa Filipino. Ngunit wala pang naisasagawa may patungkol sa mga
pagbabago sa Ortograpiyang Filipino. At ito ay maaaring makaapekto
hinggil sa pagsulong nito.

5. Hanguan:

 Ito ang kinukuhaan ng mga impomasyon o datos sa pananaliksik/

6. Hanguang Primarya:

 Napailalim sa hanguang primarya ang mga indibidwal o awtoridad, mga


grupo o organisasyong, relihiyon, at ang pambulikong kasulatan. Dito
natin kadalasan nakikita ang mga impormasyon tungkol sa mga kritikal na
mga isyu at bagay.

7. Hanguang Sekundarya:
 Ang Hanguang sekondarya naman (secondary sources) ay mga aklat,
diksyunaryo, ensaklopidya, at iba pang mga kasulatan. Napapaloob rin
dito ang mga manuskripto at iba pa.

You might also like