You are on page 1of 3

Pangalan: Louie Jay D.

Lleno Petsa: Abril, 2021


Seksyon: BSED-Filipino

ACADEMIC VLOGGING: PAGSUSURI SA YOUTUBE BILANG SALALAYAN NG


MGA E-ARALING SALIG SA MAKABAGONG PEDAGOHIKONG PAGDULOG SA
PROSESONG PAGTUTURO. PAGKATUTO SA PANAHON NG BAGONG NORMAL

1.) Tungkol saan ang pananaliksik?


Ang pananaliksik ay patungkol sa Academic Vlogging: Pagsusuri Sa Youtube
Bilang Salalayan ng mga E-Araling Salig sa Makabagong Pedagohikong
Pagdulog sa Prosesong Pagtuturo. Pagkatuto sa PANAHON NG BAGONG
NORMAL.

2.) Ano ang batayan ng mananaliksik sa pagbuo nito?


Ang naging batayan ng mananaliksik sa pagbuo ng pananaliksik ay ang mga
Youtube Channel na naging lunsaran upang maipahayag ang mga E-Aralin sa
kanyang mga mag-aaral sa panahon ng Pandemya.

3.) Napapanahon ba ang paksang saliksik. Bakit?


Opo napapanahon ito. Dahil ang mga gawi at ang panahon natin sa
kasalukuyan ay tinatawag na bagong normal bunga ng pandemya na ating
nararanasan na nakaaapekto sa lahat ng mga tao lalo na sa aspektong pang-
edukasyon. Dahil dito, malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa iba pang
mga Guro na maipakita at maipahayag ang kanilang mga aralin sa pamamagitan
ng E- Aralin.

4.) Ano ang mga salitang nilutas dito?


 Ano-anong E-aralin ang nilikha ng mananaliksik bilang kagamitang
instruksyunal sa panahon ng bagong normal.
 Ano-ano ang pamamaraan ng blended na pagtuturo ang maaaring
malikha gamit ang Youtube bilang salaysayan ng mga E-Aralin sa
panahon ng bagong normal.
 Ano ang pangkalahatang performance ng mga E-Aralin na binuo ng
mananaliksik?
 Ano ang pangkalahatang performance ng Youtube Channel batay sa:
A. Subscription
B. Views
C. View Duration
D. Subscriber’s gender
E. Subscriber’s age
F. Top countries
 Ano ang feedback tungkol sa mga E-Araling binuo ng mananaliksik?

5.) Kanino mahalaga ang pananaliksik?


Ang pananaliksik na nabuo ay mahalaga para sa mga:
 Mag-aaral
 Guro
 Magulang
 Administrador ng paaralan
 Mananaliksik
 Komesyon sa lalong mataas na edukasyon
 Video editor
 Tagalinang ng kurikulum.

6.) Ilarawan ang balangkas konseptwal ng pag-aaral at ipaliwanag.

ACADEMIC Supplemtaryong
Mungkahing
VLOGGING Dulog sa
Dulog sa Bagong Normal
Dating Normal

Ang balangkas konseptwal na ito ay nagpapakita ng kabuuang pamamaraan ng


mananaliksik sa pagbuo ng pananaliksik. Sa gitnang tatsulok makikita kung tungkol
saan ang gagawing pananaliksik. Susuriin ng mananaliksik ang E-Araling nilikha sa
online landscape, pag-alam sa performance ng mga ito pati na rin ang buong Youtube
at inalam ang mga pidbak ng manonood. Sa bahaging kanan at kaliwang trianggulo
makikita ang mga iminungkahing dulog sa bagong normal sa tulan na nilikhang E-Aralin
ng mananaliksik at magiging supplementaryong dulog king manunumbalik ang dating
normal.
7.) Ano ang disenyo ng pananaliksik?
Mixed Design

8.) Ibuod ang natuklasan na aralin.


 Ang mga E-Aralin na ginawa ng mananaliksik ay mga paksa sa GEC 10
o kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino ( kom-fil), GEC 11 o
Masining na Pagpapahayag, GEC E-10 o Masining na
Pagpapahalagang pampanitikan, GEC 12 o Panitikan ng Pilipinas,
Introduksyon sa Pamamahayag, Asignaturang Introduksyon sa
Pananaliksik sa Wika at Panitikan, Life and Works of Rizal
 Ang mga klasipikasyon ng mga E-Aralin ay kinabibilangan ng video-clips
o pagtatalakay, live streaming , webinar, slide transition at awtput ng
mga mag-aaral
 Para sa pangkalahatang performance ng mga E-Aralin, natuklasan na
naging maganda ang takbo ng mga E-Aralin na ginawa ng mananaliksik
sapagkat lubos na tinangkilik ng mga manonood ang mga nasabing
bidyo.
Ang pangkalahatang performance ng buong Youtube Channel ay sinuri ayon
 Subscription – sa kabuuan ng subskripsyon ay umabot sa mahigit 2,414
mula ng nilikha noong Hulyo 5, 2014 hanggang Marso 11,2021 .
 Views – ang youtube channel ay nakalikom ng 47,283 kagao ang nanonood
ng nasabing channel

 Average view duration – natuklasan ng mananaliksik nag pababa ang datos


kung saan nangangahulugang hindi tinatapos ng mga manood ang buong
bidyo dahil sa baba ng average view duration

 Watch Hours – natuklasan ng mananaliksik na ang naturang channel ay


nakalikom ng 4372 na oras buhat na sa lahat ng bidyo na pinanood ng mga
subscriber mula Pebrero 16 hanggang Marso 16, 2021. Sa petsang Marso 17,
2020 hanggang Marso 16, 2021 naman ay natuklasan ang channel na 2,789
na ang oras sa nasabing saklaw na panahon.

 Subscriber’s gender – natuklasan ng mananaliksik na mas marami ang


porayento ng mga kababaihan ng may 66% kumpara sa kalalakihang may
34.43% lamang mula noong nilikha ang channel.

 Subscriber’s age – natuklasan ng mananaliksik na ang mas tumatangkilik sa


mga bidyo, ay mga mag-aaral na sa gulang 16.24. ito ay tugma sa mga mag-
aaral na nasa tersarya o sa kolehiyo.

 Top Countries – ang pinaka maraming manonood ay nanggaling sa bansang


Pilipinas kung saan din nakatira ang mananaliksik. Ito ay umaabot sa 93% na
kabuoang bilang ng mga manonood. Samantala, 0.6% naman sa mga ito ang
kasalukuyang naninirahan sa kaharian ng Saudi Arabia, habang nag
nalalabing 6.5% ay mula sa bansang kagaya ng Singapore, Estados Unidos,
Canada, Germany at iba pa. Sa nakalipas na isang tao mula sa petsang
March 17, 2020 hanggang March 16, 2021, 90.8% ng mga manonood ay
taga-filipinas, 0.9% ay mula sa bansang Singapore at ang nalalabing 8.4% ay
galing sa iba pang bansa.

 Pidbak ng mga manonood – pagpuna o kritisismo, pagpapasalamat,


pagtatanong, pagpapaalam at/o paghingi ng pahintulot, pagmungkahi ng
kontent o nilalaman para sa susunod na bidyo, pagbibigay ng reaksiyon,
pagpapahayag ng suporta, pagpapa-shout out at pakikilahok sa pagtatalakay
o pagbibigay ng halimbawa, pamba-bash, sarkastikong pagtutuwid, patwaang
pagkokomento, paghingi ng ideya o pananaliksik.

You might also like