Si Isabelo S. Sobrevega ang manunulat ng maikling kuwentong “Si
Pinkaw” ito ay inilathala sa Hiligaynon noong Agosto 14, 1968 at isinalin sa Pilipino para sa Philippine Collegean noong Agosto 14, 1975. Kilala si Sobrevega sa mga akda niyang lubos na matapat at gumagamit ng mga tauhang itinakwil ng lipunan, mga biktima ng kawalang katarungan, mga tagakalkal ng basura at iba pang api-apihan sa mundo.
III. Teoryang Pampanitikan:
Ang Teoryang Humanismo ay nagsimula noong ika-14 na dantaon
pagkamatay ni Kristo. Kung iisa-isahin ang mga kilalang taong kanluranin na nabuhay ng panahong iyon lulutang ang mga pangalan nina Da Vinci (1452- 1519), Raphael (1483-1520), Michelangelo (1475-1564) at Shakespeare (1564- 1616). Panahon ito ng makabangong pagtuklas kung kaya narating ni Christopher Columbus ang America (1451-1506) at ni Fernando Magallanes ang Pilipinas (1521).
Sa Teoryang ito, sinasabing ang tao ang pinakasentro ng daigdig. Siya
ang sentro ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Ang pangunahing manipestasyon ng tao ay ang pagkakahulma ng kanyang kabuuan upang malaya siyang makapag-isip, makapagpahayag at makakilos.
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas
siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
Ang panitikan ng Humanismo ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:
Nakasulat sa wikang angkop na angkop sa akdang susulatin.
Nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaaliw at nagpapahalaga sa katotohanan. IV. Mga Tauhan:
Pinkaw- Isang byuda,may tatlong anak na lalaki at mayroon siyang
mahirap na buhay.
Poray- Ang panganay na anak ni Pinkaw. Labintatlong taong
gulang, matangkad ito at napakapayat.
Basing- Ang ikalawang anak ni Pingkaw. Sungi ngunit mahilig
pumangos ng tubo.
Takoy- Ang tatlong taong gulang na bunsong anak ni Pinkaw.
Maputi ito at gwapong-gwapo.
Pisyang- Nagkakalat ng kwento tungkol kay Pinkaw bago pa ito
masiraan ng bait.
Instik- Ang tagabili ng mga kalakal ni Pinkaw.
Kapitbahay- Ang nagsilbing tagapagsalaysay ng kwento ni Pinkaw.
V. Buod ng kwento:
Si Pinkaw ay isang byuda,ang asawa nito na dapat ay katulong nito sa paghahanap
buhay at pagtataguyod sa pamilya nila ay sa kasamaang palad ay nasawi.Tanggap na ni Pinkaw ang buhay na tinatamasa nilang pamilya, binubuhay niya ang kaniyang tatlong anak na sa bali-balita ay iba-iba ang ama sa pamamagitan ng pangangalakal sa kalye.Isang marangal na tao si Pinkaw,ayaw niyang umasa sa tulong ng iba.May paninindigan kasi siyang bakit kailangang humingi ng tulong kung kaya naman niya.Mahal na mahal niya ang kaniyang mga anak na si Poray,Basing at Takoy. Isang araw, hindi sinasadyang napakain niya ang mga anak ng napanis na sardinas ay sumakit ang mga tiyan nito,dali-dali niyang isinakay ang mga ito sa kariton at humingi ng tulong sa mga duktor na kilala niya ngunit hindi rin siya tinulungan. Huli na ng malaman niyang patay na ang anak niyang panganay at sumunod ang pangalawa,masuwerteng naligtas ang bunsong anak nito ngunit ng sumunod na araw ay namayapa rin. Sa labis na kasawian hindi natanggap ni Pinkaw ang mga pangyayari na nagdulot ng pagkawala sa sarili. VI. Reaksiyon sa binasa:
Labis na pagkalungkot at pagkahabag ang aming nadama, sapagkat napakaraming
mapapait na pangyayari ang dinanas ni Pinkaw. Sinasalamin din sa kwento ang realidad ng buhay kung saan ipinapakita ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang mga anak.
VII. Kaugnayan sa kasalukuyan:
Sa kasalukuyan, maiuugnay ang kwento ni Pinkaw sa mga magulang na
nangingibang-bansa upang magtrabaho at matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi alintana ang layo sakripisyong kanilang ginagawa para sa kanilang mga anak. Handa nilang iwan ang kani-kanilang anak mabigyan lamang ito ng magandang kinabukasan.