You are on page 1of 5

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO

Kagawaran ng Filipinolohiya

KABANATA 1

SAMU’T SARING
KABATIRAN SA
PANITIKANG
FILIPINO
Layunin:
1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa
historikal na pag-unlad nito;

2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang


aspekto ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng
sambayanang Pilipino.

3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng


panitikang Pilipino.

4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika.

5. Naisasabuhay ang mga aral sa akda para sa mabuting paglilingkod.

6. Nagsisilbing kasangkapan sa pagpapalaganap ng Panitikang Filipino sa lokal at


globa na aspeto.

KAHULUGAN NG PANITIKAN

I. PANIMULANG GAWAIN:

Panuto. Mula sa lahat ng iyong naging kabatiran at mga naging pag-aaral hinggil sa
panitikan, lagyan ng katumbas na salita ang akronim na PANITIKAN na sa iyong
palagay ay naglalarawan dito at ipaliwanag.
P- ANITIKAN ang nagsilbing PORMAL NA PAHAYAG na nagpapakita ng
A- NGKING KAKAYAHAN sa iba't ibang larangan.
N- AGPAPAKILOS ITO SA KAISIPAN ng sambayanan hinggil sa
I- BA'T IBANG LAYUNIN AT BUGSO NG DAMDAMIN.
T- UMATALAKAY ito sa pagkakakilanlan ng bawat kultura ng bansa.
I- SA RIN ITONG AESTETIKONG PARAAN sa pagpapahayag tulad na lamang ng
tula, awit, at kasabihan.
K- UMPOL NG KAISIPAN, KAUGALIAN, at KARANASAN ang panitikan.
A- NIMO'Y APOY na nagpapaalab sa damdamdamin ng mamamayan sa
malikhaing paraan.
N- AGMULA PA SA ATING MGA NINUNO ANG PANITIKAN na hanggang ngayon
ay patuloy na tinatangkilik at pinag-aaralan.
URI NG PANITIKAN
I. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na


maaaring naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya)
na hindi pa nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak
o kaya’y kakilala. Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.

MACASAET: Ang Pamumudmod ng Kalupaan

Hindi na iba sa mga mamamayan ang pagbili ng lupa upang matirahan,


makapagpatayo ng iba't ibang hacienda't negosyo, at marami pang iba. Dito sa
probinsya ng Oriental Mindoro, bayan ng San Gabriel matatagpuan ang libreng
pag okupa sa bawat lupain.

Noong unang panahon, ayon sa mga kuwentong bayan dito sa amin, may isang
pamilyang naninirahan rito na "Macasaet" kung tawagin. Sila umano ang
pinakaunang nanirahan sa bayang ito kung kaya't may isang sitio dito na kung
tawagin ay "Macasaet". Wala sinuman ang nakaaalam ng mas malalim na
impormasyon tungkol sa "Macasaet".

Lumipas ang panahon na unti-unting dumadami ang naninirahan dito sa bayan


ng San Gabriel partikular sa "Macasaet". Dito matatagpuan ang napakalawak na
lupain na inokupa at inangkin ng bawat mamamayan na naunang nanirahan rito.

Magpasahanggang ngayon, nananatiling kuwento kung ano ba talaga ang


nangyari sa mga Macasaet. Ang mga lupain ay patuloy na inaangkin. Dadating ba
ang panahon na magpapakita si "Macasaet" at babawiin ang lupain na siya ang
unang umangkin?

ANYO NG PANITIKAN
I. PANAPOS NA GAWAIN:

Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc

“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag
nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos
mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong
tuluyan ay naging isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng
simpleng pahayag na ito at nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube.
Talakayin.
Likas sa mga tao ang pagiging malikhain sa anumang bagay o gawain.
Nariyan ang magiliw na pag-awit, pagsayaw, pagtula, at marami pang iba.
Ilang linggo na ang nakararaan, mababalitaan ang nangyaring isyu sa aktres
na si Kim Chiu hinggil sa pagbibigay niya ng opinyon na naglulan ng
katatawanan at panghuhusga mula sa mga matatanda't kabataan. Matatandaang
nagbigay siya ng pahayag ukol sa batas sa silid-aralan na di naglaon ay ginawan
ng awit. Ngunit paanong ang simpleng pahayag ay nagmistulang awit? Ayon sa
nagdaang talakayin kung saan pinakahulugan ni Webster (1947) na ang panitikan
ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at
kawalang-maliw.
Sa madaling salita, ang pangyayaring iyon ang kumuha sa interes ng mga
manonood upang bigyang buhay ang simpleng pahayag. Dito naipakita ang
pagiging malikhaing taglay ng mga Pilipino pagdating sa panitikan. Tandaan na
ang panitikan ay hindi nahihimlay sa nakaraan. Ito ay nananatiling buhay nang
hindi mo namamalayan.

Pangkabanatang Pagsusulit I

Pangalan: Adeva, Maria Kathreena Andrea H. Seksyon: BSA 1-11


Propesor: Bb. Diana Grace Taala Petsa: _______ Iskor: ______

I. Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga upang
mabuo ang wastong diwa ng mga ito.

1. Ang anyo ng panitikan na tuluyan o prosa ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at


patalatang paraan.
2. Ang panitikang patula ay nasusulat sa taludturan at saknungan.
3. Ang balita ay paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa iba’t ibang aspeto ng ating
lipunan.
4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan.
5. Ang anekdota ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga
mambabasa.
6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng sanaysay.
7. Ang alamat ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
8. Ang elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling buhay at
tinatawag na talambuhay.
10. Ang Koran mula sa Arabia ang pinakabibliya ng mga Muslim.

II. Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B

_____ 11. Nagsasalaysay ng gintong a. Bibliya


panahon ng Kristiyanismo b. Koran
sa Pransya c. Illiad at Oddysey
____ 12. Batayan ng pananampalatayang d. Mahabharata
Kristiyanismo sa buong daigdig e. Canterburry Tales
_____ 13. Tumatalakay sa mitolohiya f. Uncle Tom’s Cabin
at teolohiya ng Ehipto g. El Cid Compeador
_____ 14. Kinatutuhanan ng mga mitolohiya h. La Divina Comedia
at alamat sa Gresya i. Isang Libo at Isang Gabi
_____ 15. Batayan ng Confucianismo j. Analects
sa Tsina k. Aklat ng mga Patay
_____ 16. Tumatalakay sa kasaysayan ng l. Awit ni Rolando
pananampalataya sa Indiya
_____ 17. Naglalarawan ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng Arabo
at Persyano
_____18. Naglalarawan ng pananampalataya,
at pag-uugali ng mga Ingles
_____19. Nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng
mga Italyano
_____ 20. Nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kapihan ng lahing
itim

III. Talakayin ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling panitikan. (21-50)

You might also like