You are on page 1of 1

Aking Bayan

Isinulat ni: Maria Kathreena Andrea H. Adeva

Aking bayan, naaalala mo pa ba ang maliligayang araw na mayroon ka?


Mga panahong tanging kahirapan lamang ang matinding problema.
Sa pagdating ng pandemya, tila lahat ay nagbago na.
Sino ang mag-aakala na ang lahat ay mauuwi sa pangungulila?

Aking mga kababayan, kayo ba ay kumakain pa?


Sa bingit ng pandemya, tayo'y higit na naghirap pa.
Mga trabahong dati-rati'y ating inaasahan
Ngayo'y dapat isara't itigil bilang aksyon sa pandemya.

Kabi-kabilang katiwalian, biglang nag-usbungan


O magiting na pamahalaan, paano na ang mga mamamayan?
Wala bang konkretong plano ang maibibigay?
O panahon na ba upang sabihin na tayo'y sumablay?

Mga magigiting na frontliners, sa inyo ako'y saludo


Araw-araw na pakikipagsapalaran ay inyong sakripisyo
Tayo'y manalangin, aking mga kababayan.
Mukhang sa ating pamahalaan, tayo'y walang maaasahan.

You might also like