You are on page 1of 3

"Luh, Asa ka?

"

Ni Xavier Marie Sophia E. Maniago

PRMSU Masinloc, BEEd 1A

Nakatingin sa kawalan

Hindi mawari kung makagagawa nang paraan

Gulong gulo na ang isipan

Makararanas pa ba nang kalayaan?

Bakit pa kasi dumating ang araw na nagimbal ang sanlibutan?

Napuno nang krisis ang mundong ginagalawan

Iniisip na rin ang pangkalahatang kapakanan

Makakaya pa ba nang sambayanan?

Ako, isang bagong Ramonian

Nakatindig sa inyong harapan

Ibabahagi ang kakayahan

Nawa'y makatulong nang kayo'y maliwanagan

Sa bansa nating sinilangan

Mayroon tayong mga kababayan

Sa ngayo'y pikit matang lumalaban

Sumusugal kahit ang panalo'y walang kasiguraduhan

Kahit naninikip na ang dibdib nang sobra

May namumuong luha sa mga mata

Unti-unting humihina

Tila bang kandilang nauupos na

Kitang kita na lahat ay apektado sa mga sitwasyon

Kahit ano man ang estado sa buhay ngayon


Ngunit patuloy namang hinahanapan nang solusyon

Bawat isa'y nagsisipag-ahon

Matanong kita kaibigan

Isa ka rin ba sa mga nagbibigay opinyon sa mga kaganapan?

Kung oo, sana'y iyong tunay na nagagampanan

Gamitin sa mabuting pamamaraan

Sa dinami rami kasing lumabas na salita

O mga pinausong gawa

Nawawala na ang pokus ng mga bata

Nababago na rin ang pag uugali nila

Lumaganap tuloy ang hindi maganda

Kailangang na ring maghiwalay sa isa't isa

Ultimo pagsasalita o pag ubo'y isyu na

Kaya yun, hindi na magka-unawaan pa

Mga usapi'y kaliwa't kanan

Hindi na alam kung anong paniniwalaan

Kaya kung ako'y sayo kapwa ko mamamayan

Magtulungan tayo, problema'y huwag nang dagdagan

Kung alam nang mali ang impormasyon

Huwag nang ipagkalat sa buong nasyon

Binigyan mo lang ang iba nang pagkakataon

Madumihan ang isipan at iyong aksyon

Magpasalamat na lang sa ating Panginoon

Binigyan Niya tayo nang pagkakataon

Mamulat sa mas makabuluhang bagay at mga desisyon


Tayo nang magkapit-bisig sa ganitong panahon

Palaganapin ang kabutihan

Itigil na ang pababang hilaan

Bakit ba kasi pinaiiral ang kasakiman?

Puksain na lang dapat ang tunay na kalaban

Maraming pwedeng maging sandata

Dito sa kinakalaban nating pandemya

Nandiyan ang malawak na teknolohiya

Pero ang higit sa lahat ay ang pananampalataya

Wala tayong pagsubok na hindi malalampasan

Sapagkat tayo ang mga taong hangad lang ang tunay na kasarinlan

Naniniwala ring pagkakalooban

Nagtitiwala sa kataas taasan

Kaya ikaw kapwa ko Ramonian

Manguna na tayo sa pagiging boses nang bayan

Mabubuting gawa, ipangalandakan!

Hindi para sa kasikatan, kundi para sa karamihan

Ang sarili'y huwag kaawaan

Umalis sa mundo nang kalungkutan

Ibang tao'y impluwensiyahan

Hangga't umaasa, may makakamtan

Luh, Asa ka?

Yan ang laging sambit nila

Pero ngayon sasagutin ko na

Oo, pero ako'y kumikilos na

You might also like