You are on page 1of 2

" PINILI KA "

Ilang upuan ang pinag-aagawan


Nagbabatuhan ng iba't ibang isyu pagdating ng halalalan
Mga koneksyon ay talagang importante
Upang sa gustong posisyon sa resulta'y maging kampante

Pangulong Bongbong Marcos taong 2022 ikaw ay kumindidato


Karamihang Pilipino sa sayo'y botong-boto, ikaw ang panalo
Mga pangakong ibinigkas ng inyong labi kami'y nagkatiwala
Kung inyong marapatinn huwag sana itong ibalewala

Panindigam sa bayan
Talagang aming inaasahan
Nagsulputan na mga isyu bawat lipunan
Sa inyong pag-upo bakit karamihan ika'y hinuhusgahan

Takot sa mga naririnig na balitang may patayan


Sa ating lipunan minsan sahi'y kahirapan
Nauuso ang pagkidnap, laganap ang kasamaan
Napapabalitang mga babaeng ginagahasa sa lansangan

Mga druga sa bayan dumami't nagsibalkan na naman


Presyo ng mga produkto't bilihin ay nagsitaasan
Mga tanong ng bayan nagsibalikan
Nasaan na ang kaunlaran?
Nasaan na ang pagbabago?
Nasaan na ang mga pangako?

Bilang mag-aaral hindi ko man alam ang nasa inyong puso't isipan
Ikaw ay patulog na pagkakatiwalaan, ika'y pinili ng kataastaasan
Pangulo ka ng bansang Pilipinas, kapangyarihan ay malakas
Sa anim na taong panglingkod mga suliranin sana'y mabigyang wakas

Ako man ay walang sapat na kaalaman tulad mo


Ang tanging nais ko lamang ipabatid sa iyo
Anuman ang gawin, sa Diyos ipagkatiwala at manalangin
Anuman ang problema, sa Diyos walang pagkakamali at mahurap gawin

Siya ang kasagutan


Siya ang daan
Siya ang katotohanan
Siya ang pinakamakapangyarihan
Sa Pilipinas ikaw ang Presisdente
Ngunit huwag maging kampante
Siya ang nakakaalam kung ikaw ba ay responsable
Siya anv rason ikaw ay nasa posisyon
Sapagkat PINILI KA NIYA at
Siya ay may RASON

You might also like