You are on page 1of 5

PANGALAN: Glaiza Nicole M.

Cortez Seksiyon: 9 – Charity

Araling Panlipunan 9

Unang Markahang Pagganap

Interviewer: Glaiza Nicole M. Cortez


Interviewee #1: Jessica Cortez
Interviewee #2: Roger Cortez

INTERVIEWEE#1

INTERVIEWER: Magandang Hapon sa inyong lahat! Ako nga pala si Glaiza


Nicole M. Cortez mula sa 9 – Charity. At ngayon kasama ko ang
iinterviewhin ko si Ms. Jessica Cortez, Magandang Hapon Po!

Ms Jessica Cortez: Magandang Hapon din Nicole.

INTERVIEWER: At kaniyang sasagutin ang mga isyung kinakaharap ngayon


sa pilipinas. May tatlong katanungan akong itatanong sa kaniya at
kailangan niya itong sagutin. Ang unang katanungan ay Sapat ba ang
ginagawa ng gobyerno para sayo na mawala/ maiwasan ang Covid-19?

Ms Jessica Cortez: Para saakin, sapat yung ginagawa ng gobyerno.


Maraming mga binigay na bakuna, kaya lang ang problema na nakikita ko
ay yung mga tao kasi ayaw magpasakop, ayaw sumunod sa sinasabi ng
gobyerno, matigas ang ulo katulad ng pagpapabakuna. So, Nicole yung
pagpapabakuna, ah marami ng binili yung ating gobyerno sa ibang bansa
para ah pagpabakuna kaya lang ang problema ay ang mga tao ayaw, siguro
hindi rin natin masisisi kasi yung iba kasi nagpabakuna, namatay kaya
yung mga tao medyo naguluhan kung magpapabakuna ba o hindi pero
diyan sa katanungan mo, naniniwala ako na yung gobyerno talagang
gumagawa ng hakbang para maiwasan ang pagkakaroon ng Covid – 19. So
ang masasabi ko lang ay yung mga tao ay makisama, kung ano yung mga
ipinapatupad ng ating gobyerno kung sa tingin nila tama at siguro nama’y
hindi magpapatupad ng gobyerno ng hindi naman tama, siguro kailangan
makiisa tayo sa uh, pinapatupad ng ating gobyerno.

INTERVIEWER: Maraming salamat sa iyong kasagutan, magpatuloy tayo sa


pangalawang tanong. Pabor ba sayo na ang paglobo ng populasyon na ito
ay yung pinakadahilanan ng kahirapan sa pilipinas?

Ms. Jessica Cortez: Hindi, hindi ako pabor na ang kahirapan ay sanhi
kung bakit dumadagdag yung populasyon natin. Una, kahit mahirap ka,
kailangan kasi magkaroon ng sapat na kaalaman. So, pwede ka naman
pumunta sa health center about uh mag inquire ka ng family planning
para maiwasan na madagdagan yung populasyon, kaya hindi porket na
mahirap ka, wala ka ng gagawin uhm para maiwasan yung populasyon sa
ating bansa, kailangan lang natin magkaroon ng uh pag-uusap, alamin
natin kung ano yung pwedeng mga factor na makakaiwas o makakadagdag
sa ating kaalaman para kahit papano uh makatulong din tayo para maging
maganda yung ah para umunlad ang ating bansa, mabawasan ang ating
mga populasyon, yun lang Nicole.

INTERVIEWER: Maraming salamat sa iyong kasagutan. Ngayon ngang may


pandemya tayo, marami ang nawalan ng trabaho, marami ang naghihirap
o marami ang mga walang makain kaya dapat mas pagtunan natin ng
pansin ang pagbabadyet o pagtitipid at hindi na muna isipin yung
kagustuhan at isipin muna yung pangagailangan para sa pamilya or para sa
iyong sarili. At ngayon nga ay tatanungin natin ang o hihinigin natin ang
kaniyang opinion ni Ms. Jessica Cortez sa katanungang ito, bakit mahalaga
ang pagbabadyet? Paano nakakatulong ang pagbabadyet sa mapanuring
pamimili ng isang tao?

Ms. Jessica Cortez: Yan, napakagandang katanungan Nicole kasi bilang


isang nanay kailangan talaga na magbadyet kasi hindi natin inaasahan na
ganito, nagkapandemic kaya kailangan uhm pag namamalengke ka ay
parang iisipin mo na kung ano yung mga bibilihin mo. Meron munang
tinatawag na, ang una na muna natin ay “needs” na tinatawag. Isantabi
muna natin yung tinatawag na “ones”. Ang needs muna ay yung mga
pangangailangan, sa araw-araw, yan muna natin yung unahin natin,
kailangan ang pagbabadyet all the time kasi hindi natin alam kung kailan
ah matatapos yung pandemic, so kailangan talaga maging maisip tayo
when it comes sa pamamalengke. Yung mga nanaya, ang kagustuhan ng
kanilang mga anak, yung mga luho oh isantabi na muna. So, masusing
pagbabadyet talaga ang dapat gawin kasi yan yung makakatulong saatin,
kung pano ba, uh magkaroon tayo ng savings ng kaunti kahit ngayong may
pandemic, may kaunting maitabi mas maganda rin para prepare tayo sa
pwedeng mangyari sa susunod na araw.

(Paumanhin kung naputol ang bidyo sa huling part dahil nagphone


storage na ang aking telepono.)

INTERVIEWEE #2: Mr. Roger L. Cortez

INTERVIEWER: Magandang gabi sa inyong lahat ako nga pala ule si Glaiza
Nicole M. Cortez mula sa 9 – Charity. At ngayon ay may bago tayong
makakasama para aking interviewhin, ang aking ama na si Roger L.
Cortez, magandang gabi po.

Mr. Roger L. Cortez: Magandang Gabi rin sayo nak.

INTERVIEWER: At ngayon ay sasagutin niya ang mga isyung kinakaharap


sa pilipinas. May tatlong katanungan akong itatanong sa kaniya at
kailangan niya itong sagutin. Ang unang katanungang ito, ang wifi ba ay
isang kagustuhan o pangangailangan?

Mr. Roger L. Cortez: Ah, ito’y depende, sa pagkakataong ngayon, online


ang mga mag-aaral, kailangan talaga upang ito’y ahh, masasabi kong
pangagailangan.

INTERVIEWER: Maraming salamat sa iyong kasagutan, ako nga’y suma


sang-ayon sa sagot ng aking ama sapagkat, bilang isang mag-aaral, ay
sumasang-ayon rin ako na ah ngayong panahong ito ay ang wifi ay isang
pangangailangan, dahil uh ngayon nga na nasa online class tayo, at hindi
tayo maka face to face nga dahil sa pandemya, macoconsider ko itong
isang pangangailangan.

INTERVIEWER: Magpatuloy tayo sa pangalawang tanong, pabor ba kayo sa


panukalang limitahan ang unli-rice bilang pagtugon sa mga napakaraming
butyl ng bigas na nasayang?

Mr. Roger L. Cortez: Oo, ako’y pabor diyan, kasi sa dami ng nagugutom,
mga mahihirap ang iba nagpapakasarap sa halip na magpakasawa, ibigay
nalang natin ito sa mga nangangailangan, sa mga walang-wala talaga.

INTERVIEWER: Maraming salamat sa iyong kasagutan, oo ako rin ay


sumasang-ayon sapagkat ngayong nasa pandemya tayo ay napakahirap ng
buhay, madami ang nawalan ng trabaho, marami ang walang makain, kaya
yung mga di mo na makain ay pwede mo ring ibigay sa ibang tao, sa halip
na itapos o sayangin na lamang, kaya mas kailangan ito ng mga tao, kaysa
sa pangangailangan natin.

INTERVIEWER: Magproceed tayo sa pangatlong tanong, ang pagsugpo ba


ng kriminalidad ang susi sa pang-unlad ng pilipinas?
Mr. Roger L. Cortez: Sa tingin ko, hindi, dahil uunlad lamang ang
pilipinas dahil sa mga namumuno nito, kung ang mga namumuno natin ay
korupto talagang di aasenso an gating bansa sa halip na ito’y lalong lalala
kaya hindi lang kriminalidad ang dapat na tutukan ng ating bansa. Salamat
po.

INTERVIEWER: Maraming salamat sa iyong sagot, at ngayon nga ay mas


lalo pang nadagdagan yung kaalaman ko o mga nalalaman ko dahil sa
sagot ng aking ama. Ako nga ule si Glaiza Nicole M, Cortez from 9 –
Charity, hanggang sa muli at maraming salamat!

PERFORMANCE TASK IN ARALING PANLIPUNAN


Glaiza Nicole M. Cortez

You might also like