You are on page 1of 3

EKONOMIKS NGAYON!

Jobert: Magandang umaga sa inyong lahat! Ako si Jobert Corton kasama ang aking co-host na
si Karen Dellatan. Andito kami ngayon upang magbigay detalye, opinion at ipahayag ang mga
napapanahong suliranin sa ating bansa.
Karen: Ang pangunahing diskusyun na ating tatalakayin ay tungkol sa isyu ng paglobo ng
populasyon. Ngayon, alamin muna natin kung ano ang populasyon? Ikaw Jobert? May masasabi
ka ba kaugnay dito?
Jobert: Hm populasyon ba? Ah oo, ang populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na
may buhay sa isang lugar. For instance, tayo bilang tao o isang indibidwal, diba?
Karen: Yes, I agree with you.
Jobert: Sa katunayan, ang populasyon ng isang lungsod ay bilang ng mga tao na nakatira sa
lungsod na iyon.
Karen: Tama ka diyan! Sa madaling salita, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng
populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Sa katunayan, ang
populasyon ng Pilipinas ay tinatayang nasa 87 milyon na at patuloy pa rin sa pagdami.
Jobert: Oh, ganun na kadami? Agad agad?! Parang may pabrika ng bata sa Pilipinas ah?
Karen: Parang ganun na nga, at sa nangyayaring ito, walang epektibong hakbang na
ginagawa ang pamahalaan kung paano mapipigilan ang pagdami. Tila hindi na nasusunod ang
tungkulin ng pamahalaan na i-educate ang taumbayan tungkol sa mga dapat gawin para
maiplano ang pamilya. Naging batas na nga ang RH Bill, ngunit magdudulot ba ito sa
kaginhawaan ng bansa? Makakamit ba ang layunin nito?
Jobert: Maaari. Pero huwag po natin husgahan ang pamahalaan. Sapagkat malaki din ang
naging papel natin bilang isang Pilipino sa kasalukuyang kondisyon ng sarili nating bansa.
Okay, lets move on. Since naipahayag na ang kahulugan ng populasyon, patungo naman tayo
kung mabuti at masama ba ang magiging epekto ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas. Sa
mga nanonood ngayon sa programang ito, sa tingin niyo, maganda nga ba o di maganda ang
naidulot ng mabilis na paglaki ng populasyon sa bansa? Nagiging hadlang ba ito sa kaunlaran
sa buhay ng mga Pilipino o ang kabaliktaran?
Karen: Para magbigay linaw sa sitwasyong ito. Ating kilalanin ang apat na mga representante
ng Prosperidad National High School. Ating bigyan ng masigabong palakpak ang ating mga
bisita. Sila poy galing sa isa sa kilalang sekondaryang paaralan dito sa Prosperidad at silay
andito upang ibahagi ang kanilang hinuha kaugnay sa ating diskusyun.
Jobert: Maraming salamat sa inyong pagtanggap sa aming imbitasyon. Kamiy nagagalak na
kayoy sumang-ayon at ninais na sumali sa programang ito.
Estudyante 1: Wala pong anuman. Nandito po kami dahil sa sarili naming interes upang
maibahagi ang nasa isipan naming bilang estudyante patungkol sa lumalalang suliranin.
Estudyante 2: Atsaka, marami kaming nakuhang impormasyon na magpapaalala sa mga
mamamayan tungkol sa mga advantages at disadvantages ng paglaki ng populasyon.
Karen: Okay, maraming salamat. Ngayon, ating simulan ang pagtatanong kay ESTUDYANTE 1.
Para sa iyo, ano ba ang naging epekto ng patuloy at mabilisang paglaki ng populasyon?
Maganda ba o di maganda ang naidulot nito?
Estudyante 1: Masama ang maidudulot nito sa ating lahat, para sa akin lang po. Kasi kapag
hindi napigil ang paglobo ng populasyon, hindi na makaaahon sa kahirapan ang bansa. Lalo pa
ngayong may ibat ibang krisis ang kinakaharap at ang apektado ay ang mga bansang
mahihirap na kabilang ang Pilipinas.
Jobert: May point ka diyan.

Estudyante 1: Opo. Paano pa kung hindi na matapos ang krisis at patuloy pa rin sa pagdami
ang mga Pinoy. Saan pupulutin ang bansang ito? Kung patuloy ang kahirapan, tiyak na
uusbong ang krimen.
Karen: So whats youre trying to say is dahil nga sa hirap ng buhay, ang ilang tao ay
napipilitang gumawa ng krimen. At kailangang magkaroon ng madaming mga tagapagsunod
sa batas upang magkaroon ng katahimikan at kaayusan.
Estudyante 1: Opo.
Estudyante 2: Para sakin naman po eh, nagiging pangamba rin ito na hindi na makaaahon sa
kahirapan ang Pilipinas. Kung hindi pa rin nagkakaroon ng epektibong pagkontrol sa pagdami
ng populasyon ang Pilipinas, magpapatuloy ang kahirapan. Kulang na rin ang panustos na
tubig at pagkain para sa milyun- milyong taong nangangailangan nito.
Jobert: May maidaragdag ka pa ba?
Estudyante 2: Yes po. Isa pang suliranin nito ay ang pagtaas ng halaga ng mga pamilihin
dahil sa kakaunting tustos na pagkain sa mga tao. Ang mga pamilyang kakaunti o hindi sapat
ang kinikita ay hirap na hirap na makapagkain ng ikatlong beses sa isang araw.
Jobert: That means na sa paglaki ng populasyon, tumataas din ang bahagdan ng mga
mahihirap. Marami ang magugutom.. at hindi mabibigyan ng sapat na pangangailangan. How
about you? *points at ESTUDYANTE 3*
Estudyante 3: Para sakin, mabuting epekto ang paglaki ng populasyon dahil maraming mga
tao ang magtutulungan upang magawa ang isang proyekto o gawain sa takdang oras.
Magkakaroon ng mga bagong kaibigan na pagkakatiwalaan ang mga tao dahil masaya
mamuhay kung malaki ang iyong pamilya.
Estudyante 4: Ako namay sumasalungat kay Estudtyante 3 dahil maaaring maging sanhi din
ito ng suliranin sa lupa, tubig, at hangin ang malaking populasyon. Habang lumalaki ang
populasyon, mas maraming basura ang nililikha ng tao. Hanggat hindi ito naitatapon nang
tama o hindi gumagawa ang pamahalaan at ang mga tao ng tamang hakbang upang
mabawasan ang populasyon, patuloy na mananatili ang suliranin. Naaapektuhan nito ang
kalusugan ng mga tao.
Karen: Maraming salamat sa inyong mga makatwirang sagot. (Looks at the front) Mainit ang
pagtatalo sa usapin ng mabilis na paglaki ng populasyon sa Pilipinas. Isa nga ang Pilipinas sa
may pinakamataas ng paglaki ng populasyon sa Asya sa kasalukuyan. May mga nagsasabi na
ang malaking populasyon ay isa sa maraming sanhi ng kahirapan. Ngunit pag-usapan naman
natin ang mga magagandang epekto nito.
Jobert: Kung tanungin kaya natin ang mga audience?
Karen: Magandang ideya! Sige. Ikaw na pipili.
Jobert: Sige sige. Ikaw, ano sa palagay mo ang magandang naidulot ng paglaki ng populasyon
sa bansa?
Audience 1: Siguro sa paraang dadami ang mga manggagawa sa bansa. Dahilan sa pagdami
ng mga tao, maraming trabaho ang kakailanganin. Daan-daang mga tao sa bawat araw ang
naggagala sa mga daanan sa lungsod upang maghanap ng mapapasukang trabaho. Buhat
nito, mas mapapabilis ang isang gawain kapag marami ang gagawa.
Jobert: Salamat sa inyong pagpapahayag ng opinion. Now, isa nalang. Ikaw? Ano masasabi
mo?
Audience 2: Mabuti naman. Ika ng nila "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" mas maraming
bata mas maraming pag-asa...
Jobert: Ohh. Sige, napaka-convincing ah. Maraming salamat po. (Looks at the whole audience)
Maraming salamat po sa inyong mga komento at partisipasyon patungkol sa ating paksang
maganda at di magandang naidulot ng mabilis na paglaki ng populasyon.

Karen: Maraming salamat sa inyo mga matatalinong estudyante, sa pagbabahagi ng inyong


mga pananaw at nalalaman. Ngayon at nakuha na natin ang mga sagot. Hanggang dito na
lang po tayo.
Jobert & Karen: At iyon lamang po mga kababayan ang aming hatid na kabatiran ngayong
umaga.
Jobert: Once again, Ako si Jobert Corton,
Karen: At ako naman si Karen Dellatan. Para sa inyong serbisyo!
Jobert: Sana kayo ay may naalap na impormasyon patungo sa MAGANDA at DI MAGANDANG
NAIDUDULOT NG MABILIS NA PAGLAKI NG POPULASYON. Dito lang yan sa EKONOMIKS
NGAYON! Maraming salamat sa pagsubaybay, hanggang sa muli! To God Be the Glory.

You might also like