You are on page 1of 3

MGA GABAY NA KATANUNGAN SA BAWAT PAHAYAG NG MGA AWTOR

A. Naniniwala ka ba na walang umiiral na sibilisasyon sa Pilipinas bago dumating


ang mga Espanol?

Hindi. Para sa akin, may sibilisasyon na na umiiral bago pa man dumating ang
mga Espanyol dahil mayroon ng sisitema sa lipunan at pamamahala na nabuo
ang mga Pilipino. Katulad na lamang ng pagkakaroon ng rajah at datu na
nagsisilbing mga namumuno sa barangay. Mayroon narin sistema ng
pakikipagpalitan ng kalakal sa ibang karatig bansa na tinatawag na barter
system, pagsulat na tinatawag na baybayin, at mga armas ng mga mandirigma.

B. Bakit kailangan magbalik-tanaw sa nakaraan upang maunawaan natin ang


kasalukuyan?

Kailangan na tayo ay nagbabalik-tanaw sa nakaraan dahil ang mga pangyayari sa


nakaraan ay nagreresulta sa kasalukuyan. Ang mga kaganapan sa nakaraan ay
magsisilbi naging gabay upang di na muling maulit ang mga pangyayari na nagpalubog
sa ating bansa at nagpahirap sa mga kapwa natin pilipino, gayundin maaari matin itong
gamiting gabay upang mapaunlad pa ang mga bagay sa kasalukuyan.

C. Sang-ayon ka ba na kailangang maiangat ng gobyerno ang lahat ng antas ng


kabuhayan ng tao at magkaroon ng masaganang pamumuhay? Tungkulin ba ito ng
gobyerno o ng mga mamamayan? Pangatwiranan.

Para sa akin, ito ay responsibilidad ng dalawa. Kahit pa maglatag ang gobyerno ng


magandang program na makakatulong upang maiangat ang antas ng kabuhayan ng
tao, kung mananatiling walang sikap ang iba ay wala parin halaga ito. Gayundin na
kahit gaano man kasipag ang mga pilipino sa pagta-trabaho kung walang gobyerno na
tutulong sa kanila upang mas mapabilis ang pagunlad ay wala rin itong halaga. Ngunit
ang mga ganitong programa ay dapat na sinisimulan ng gobyerno at inihihingkayat sa
mga pilipino, bilang lider ng bansang ito, sila dapat ang nagpapasimula nito at hindi na
dapat pa ipinapakiusap ng mga mamamayang pilipino.
D. Ano sa iyong palagay ang isang pangunahing problema ng bansa na dapat bigyang
pansin ng pamahalaan? Bakit?

Edukasyon ang pangunahing problema ng bansa na dapat bigyang pansin ng


pamahalaan. Bagamat libre na ang edukasyon sa anumang antas, hindi maipagkakaila
na hindi kalidad ang edukasyon na naibibigay sa mga pilipino. Makikita rin na may
kinikilingan ang edukasyon sa mga unibersidad, tanging ang may mga mataas na grado
at matatalino lamang ang may tyansa na makapag kolehiyo. Pano naman ang mga
batang hindi makapag pokus sa pag-aaral dahil nagtatrabaho upang makatulong sa
pamilya? Hindi sila magkaroon ng magandang grado dahil sa hirap ng buhay nila.
Nawalan sila ng pagkakataon na makapag kolehiyo at iangat ang buhay ng kanilang
pamilya.

E. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng isang tunay na independyente at umaasa sa
sarili? Dapat ba na ang isang bansa ay hindi na dapat umasa sa tulong ng ibang
bansa? Ipaliwanag.

Ang pagiging isang independyente at umaasa sa sarili na bansa ay hindi ibig sabihin na
hindi na ito nangangailangan ng tulong ng ibang bansa. Ibig lamang sabihin nito, na ang
bansang independyente ay may kakayahan na makapag desisyon sa ikabubuti ng
bansa ng hindi humihingi ng opinyon ng bansang wala namang kaugnayan sa naturang
suliranin. Ang independyenteng bansa ay may kakayahan na magpakita ng lakas na
kaya nitong proteksyunan ang nasasakupan at gumawa ng nararapat na aksyon.

F. Sang-ayon ka ba na napapaunlad ng paggamit ng isang wika ang kalinangan at


kabihasnan ng bansa? Pangatwiranan.

Napapaunlad ng paggamit ng wika ang kalinangan at kabihasnan ng bansa sapagkat


ang wika ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng lugar o bansang pinanggalingan ng isang
tao. Kapag ang wika ng isang bansa ay kinalimutan na at pinalitan ng universal na wika,
mababaon din sa limot ang kultura at bansang pinanggalingan.

G. Ano sa palagay mo ang mahalagang pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan ang


maiaambag natin sa ating kasaysayan? Ilahad ang iyong sagot.

Bilang isang kabataan na nagnanais ng kabutihan ng ating bansa, ang nangyaring


halalan 2022 ang isa sa mga pangyayari na maiaambag sa ating kasaysayan. Bagamat
hindi nanalo ang aking sinusuportahan at marami man sa mga kabataan ang nagkagulo
at nagaway dahil dito, makikita ang pagkakaisa ng hangarin nila.. ang ikabubuti ng
bansa. Anumang partido ang sinusuportahan, hindi na muling pipikit ang mga kabataan
sa mga usaping patungkol sa ating bansa.
H. Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, paano ka nakikipagsapalaran sa mabilis na
pagbabago sa ating lipunan lalo na ngayon sa panahon ng Pandemic?

Bilang isang mag-aaral ng kolehiyo sa panahon ng pandemic, ang pagtuto sa paggamit


ng mga teknolohiya ay isa sa mga bagay na naging pagsubok sa aking pag-aaral gayun
na din ang paggamit ng internet. Ang mga ganitong pagsubok ay hindi dapat
nagsisilbing balakid upang magpatuloy sa pag-aaral bagkus ginagawan ng paraan na
madaanan lamang.

I. Dapat bang iambag ang mga katutubong wika sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino?
Ilahad ang iyong sagot.

Marapat lamang na iambag ang mga katutubong wika sa pagpapaunlad ng wikang


Filipino, ang mga salitang ito ay sariling atin at dapat na pagingatan at paglinangin
upang hindi mabaon sa limot at patuloy parin magamit at marinig sa susunod na
henerasyon.

You might also like