You are on page 1of 2

Gawain 1:

Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?

Malaki ang epekto ng edukasyong kolonyal sa mga Pilipino dahil dito nila nalaman ang
kahalagahan nito, nabuksan ang kanilang isipan at pananaw di lamang para sa sarili pati din sa
bayan, nakita nila kung gaano ang epekto nito sa pagunlad sa buhay ng isang tao at dahil sa tulong
ng edukasyon nagising ang kanilang diwang pagkamakabayan ngunit nagkaroon din ng hindi
maganda epekto ang edukasyong kolonyal para sa mga Pilipino sapagkat natanim sa kanilang
isipan na ang edukasyong kolonyal at ang mga kultura ng mga banyaga ay higit na maganda kaysa
sariling kultura, dahil sa ganitong kalagayan lumikha ito ng hiya at bumaba ang pagtingin ng mga
Pilipino sa kanilang sarili.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula sa


kasalukuyang panahon at ipaliwanag.

Ang epekto sa sistemang pang-edukasyon ay mararamdaman natin hanggang ngayon sa


kaasalukuyan at isa sa mga nabanggit dito ay dahil sa Ibinigay natin ang ating kaluluwa kapalit
ng kaunting kaalaman sa Ingles, nalisya ang ating paningin sa hinaharap kung kaya’t sa
kasalukyang panahon halos naangkop na natin ang kanilang wika at kung ating mapapansin
karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay may halong wikang ingles at wikang filipino ang
ginagamit.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng
mga Filipino?

Hindi ko man Nakita at naranasan ang edukasyon at pamumuhay ng mga Pilipino noon pero
naramdaman ko kung gaano katapang at katatag ang loob ng mga Pilipino upang hindi tuluyang
mapunta ang kanilang loob sa mga mananakop. May mga bayani tayong Pilipino na dapat nating
hangaan at tularan sapagkat sila ang dahilan kung bakit Malaya na ang ating bansa laban sa mga
mananakop. Mahalaga ang edukasyon upang mabigyan solusyon ang mga bagay na mali kung
kaya’t ang solusyong aking nakikita ay ang edukasyong makatarungan para sa lahat, dapat
mabigyan ang lahat ng mga mamamayan ng pagkakataon upang makapagral at maging mulat sa
mga nangyayari sa kapaligiran. Huwag nating hayaan na tuluyan tayong kainin ng Sistema ng
ibang bansa pahalagahan parin natin sa kung ano meron tayo, at ito ang ating kultura’t wika.

You might also like