You are on page 1of 4

Name: Asia D.

Estrada Date: November 20, 2021


Year & Section: 1BLM INDIBIDWAL NA GAWAIN

REPLEKSYON: ILANG EKSPLORASYON SA PAG-AARAL NG KULTURANG SA FILIPINAS

Ayon sa akdang aking nabasa, “Ilang Ekspolorasyon sa Pag-Aaral ng Kulturang Popular


sa Filipinas” na inilagda ni Louie Jon A. Sanchez ang “Cultural Studies” ay maaring makatulong
sa araw-araw nating pag-unawa ng mga kumplikadong mga pangyayari sa ating buhay. Ka-
akibat din dito ang aking pag-unawa sa paksa ng “edukasyon” ito ay ay nangangahulugang
pagbibigay ng wasto at nararapat na kaalaman, hindi lamang ito nangyayari sa loob ng paaralan
ngunit pati narin sa loob ng bahay at sa pang araw-araw na sitwasyong hinaharap ng bawat isa.
Ang edukasyon ay naglalayong matutunan ng isang indibidwal upang lumago at umunlad ang
lipunan; naglalayo din ito na ihulma ang pag-iisip sa paraang makakatulong ito sa pag-unlad ng
ating bayan. Sa aking palagay ay hati ang pag-aaral ng mga Pilipino ngayon, iyon ay dahil
maraming mga Pilipino ang nakapag-aral sa mataas ng bransya ng paaralan at meron din namang
mga Pilipino na sa publikong paaralan naman nag-aral, dahil dito may mga paaralan na itinuturo
sa wikang Ingles lamang ang kanilang mga asignatura at sa kabilang banda naman ay itinuturo sa
wikang Filipino ang kanilang mga paksa kung kaya’t iba iba ang pananaw ng bawat isa sa atin
tungkol sa kung ano nga ba ang wasto at hindi wastong paraan ng pagbibigay ng edukasyon sa
isang tao. Isa din sa aking nakikita na dahilan ng lisyang edukasyon ay dahil mayroong mga
pamilya o kamag-anak ang nagtrabaho sa ibang bansa. Dahil dito malaki din ang impluwensya
ng pagpapalaganap ng wikang Ingles o wikang Espanyol sa ating bansa. Sa madaling sabi, ang
aking pagkakaintindi mula sa talatang binasa, ang nilalaman nito ay tungkol sa paglaganap ng
lenggwahe, kultura, at pag-iisip ng mga Amerikano sa bansang Pilipinas mula pa noong sila ay
nagsimula ng kolonyalismo. 
Hinggil sa aking pagkakaintindi sa sanaysay na aking nabasa, ang nais ipabatid ng may-
akda sa kanyang mambabasa ay tungkol sa kolonisasyon ng bansang Estados Unidos sa
Pilipinas, isinasaalang-alang ang ating sariling edukasyon sa sistema ng edukasyon ng ibang
bansa. Nais baguhin ng mga Amerikano ang mga kamaliang nagawa ng kanilang lider sa
pamamagitan ng na nasyonalismo. Dahil sa pagsakop ng Estados Unidos sa ating bansa noon ay
nakuha ng mga Pilipino ang paraan ng pagsasalita gayon din ang pagkilos ng mga Amerikano,
dahil dito ay nagkaroon ng malaking balakid sa wikang ginagamit ngayon ng mga Pilipino
sapagkat ang impluwensyang naibigay sa atin ng ibang bansa ay nagdulot ng malaking epekto sa
atin. Ang bansang Pilipinas din ay isa sa mga bansang mahusay sa pagbigkas ng wikang Ingles.
Kabilang sa mga impluwensya ng bansang Estados Unidos sa atin ay ang paggamit ng wikang
Ingles sa loob ng bahay at sa paaralan, ang mga magulang ay tinuturuan ang kanilang mga anak
ng salitang Ingles simula noong bata pa lamang at hanggang sa ito ay lumaki, at unti-unting
nasanay ito na makapag-salita ng salitang Ingles, ngayon naman sa kanilang paglaki ay
nahihirapan naman ang mga ito sa wikang Filipino. Gayon din naman sa loob ng paaralan,
karamihan sa mga asignatura ng bawat mag-aaral ay kinakailangan magsalita ng Ingles upang
maintindihan ng bawat mag-aaral ng mabilis at maayos ang bawat paksang tinatalakay.
Patungo naman sa pagtungtong sa kolehiyo ng isang mag-aaral ay kaakibat nito ang
diskriminasyon sa kanyang nakuha o napiling kurso, dahil din dito ay maraming mga mag-aaral
ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa hirap silang makisabay sa agos ng pananalita ng mga kapwa
nila estudyante. Sa kabilang aspeto naman ay kung paano naimpluwensyahan ng media ang ating
lipunan. Pagdating din sa paggamit ng salita ng mga tao sa loob ng social media ay
kinakailangang gumamit din ng salitang Ingles dahil sa batayan ng mataas na intelektwal ang
paggamit ng wikang ito, kung ang isang tao naman ay hirap sa pagbigkas ng wikang Ingles ay
makitid ang utak nito. Malaki ang impluwensya ng media sa ating bansa dahil sa dito din
nakikita ng karamihang mga Pilipino ang mga , unang-una na riyan ang kabataang Pilipino ang
mga salitang kanilang ginagamit sa pang araw-araw na buhay.  Sa kabilang banda naman, hindi
lamang ang sosyal media ang dahilan ng patuloy paring pagkatuto ng maling edukasyon ang mga
tao ay dahil din sa mga pinuno ng ating bansa. Hindi mauunawaan ng ating mga kababayan ang
pangangailangan ng ating bansa sapagkat hindi pantay ang wikang itinuro sa atin ng mga
paaralan. Sa patuloy ng pagpapalawak ng wikang Ingles sa ating bansa mayroon ding balak ang
gobyerno na alisin na lamang ang asignaturang Filipino sa mga paaralan ngayon at iyon ay dahil
sa kanilang paniniwala na hindi naman na ito kailangan dahil tayo ay sanay at nagsasalita nang
wikang Filipino sa pang araw-araw nating mga buhay. Nagagaya ang sistema ng edukasyon ng
Pilipinas sa ibang bansa iyon ay dahil sa hirap ang mga Pilipino ibahagi ang kanilang nalalaman
noon sa panahon natin ngayon dahil sa hindi tinatanggap ng ibang bansa ang paraan ng
pagkatuto sa bansang Pilipinas. Dahil dito ay hindi mulat ang mga Pilipino sa kultura at
linggwistika ng ating bansa kung kaya’t mas pinipili nating ang wikang Ingles kaysa sa sarili
nating wika. Malaking aspeto ang wikang Filipino sa misedukasyon na mayroon ang bansa natin
ngayon. 
Malaking epekto ang pag-uugaling ipinapakita ng mga Pilipino sa kapwa nila Pilipino at
ito ay dahil sa patuloy na pagsakop sa ating utak ng mga pag-uugali ng mga Amerikano, naging
mayabang at mapagmataas ang Pilipinong nasa mataas na ranggo ng estado sa buhay. Ang
patuloy na pagbibigay ng diskriminasyon ng ibang bansa at kapwa Pilipino sa mga manggagawa
ay nagkaroon din ng epekto sa kung paano mamuhay ang mga nasa laylayan; mga nagtatrabaho
sa bukid o palayan ay nagkaroon ng pag-iisip baka sila ay hindi man lamang sila makapag
trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. 
Ang demokrasya ng mamamayang Pilipino ay nahahadlangan din na bansang Amerika.
Ginamit ang wikang Ingles sa loob ng paaralan dahil sa paggamit ng wikang ito ay namumulat at
natutunan ng Pilipino ang paraan ng pamumuhay ng mga Amerikano. Para sa kanila ang
demokrasya ay pantay-pantay, mahirap man o mayaman ang isang tao kung kaya ay pinilipit nila
itong gamitin sa loob ng paaralan upang ang mga kabataan, na mabilis makuha ang loob at
mabilog ang utak ang unang makaalam at maisakatuparan ang lahat ng kanilang plano.
Dahil sa pagtuturo nila ng wikang Ingles sa mga Pilipino ay nagkaroon pa rin ng linya
ang mahihirap sa mayamang, ang mga may utak sa hindi masyadong kagalingan. 
Noon pa lamang ay nagkaroon ng hidwaan sa paggamit ng wikang Ingles at wikang
Filipino sapagkat ang wikang Ingles at ginagamit ng mga matatayog ang estado sa buhay at ang
wikang Filipino lamang ay para sa mga mababang klase ng tao sa lipunan. 
Ang huling tinalakay sa loob ng sanaysay na ito ay ang hindi pagkakaroon
pagkakapantay-pantay na tingin sa kasarian,  pinalawig ang diskusyon na ito ng sabihin nito na
ang mga babae at lalaki lamang ang marunong magbasa at sumulat. Sa aking palagay naman
kung iyong iisipin, dapat lamang bigyan ng atensyon ang pagwawasto sa sistema na edukasyon
sa Pilipinas. Hindi lamang sa paraan ng akademya kung ‘di ay pati na rin sa kung paano
makitungo ang bawat tao sa isa’t isa; ang pagkakaroon ng respeto sa kapwa natin Pilipino. Ang
lipunan natin ngayon ay unti-unti ng nababalot ng ibang kultura, ibang pananaw, at ibang pag-
uugali marahil ito ay ang epekto ng kolonyalismo o pagtutok ng bawat indibidwal ngayon sa
balitang galing sa ibang bansa na imbis pagtuunan ng pansin ang lokal na pangyayari ay inuuna
pa rin nating pakinggan ang balitang inihahatid ng ibang bansa.
Kalakip nito ang pag-unawa natin sa sarili nating wika, ang wikang Filipino iyon ay dahil
habang tumatagal ay nag-iiba na gamit natin ng mga salita sa bawat teksto, iba na rin ang dating
ng mga likhang sining ng mga Pilipino, unti-unting kinukuha ang atensyon ng media ang mga
likha ng ibang bansa, nawawala na din ang kulturang Pilipino na nakasanayan ng mga tao noon.
Ang nais ko lamang bilang isang mag-aaral ay mamulat ang mga kabataang Pilipino na
tangkilikin pa rin ang lokal na sistema ng Pilipinas, nawa’y magising sa katotohanan ang
nakararami na mayroon pang oras upang mas bigyan natin ng atensyon ang ating bansa, oras na
din upang maipahayag ng bawat Pilipino ang kanilang saloobin sa paraang maintindihan ng
nakararami. Sa oras na mangyari lahat ng ito baka ay magkaroon na din tayo ng lakas ng loob
makipag-sabayan sa ibang malalaking bansa. 

You might also like