You are on page 1of 2

LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO

Llanera, Jafet B. Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran


BSME 1-3 Nobyembre 11, 2021
Mga katanungan:
1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?
- Noong panahon na sinakop ang Pilipinas ng mga Amerikano,
napakaraming bagay ang kanilang naimpluwensiya sa ating mga Pilipino lalo na
sa Edukasyon. Hindi maiaalis saisipan ng mga Pilipino ang paraan ng pagtuturo ng
mga mananakop na Amerikano. Ang edukasyon ang nagsilbing sandata ng mga
Amerikano upang tuluyang masakop ang bansa. Dahil dito, naging sunud-
sunuran ang mga Pilipino sa patakarang inilulunsad ng mga Amerikano. Nagpatayo
ng mga paaralan ang mga Amerikano upang ipalaganap ang ideyalismong
Amerikano at makakanluran. Ginamit ng mga Amerikanong guro ang
wikang Ingles bilang wikang panturo kesa sa wikang katutubo ng mga Pilipino.
Dinala ng wikang Ingles sa naiiba at bagong daigdig ang mga Pilipino. Natuto ang
mga Pilipino ng bagong wika at nakalimutan ang sarili nilang wika. Maraming bagay
ang natutuhan ng mga Pilipino dulot ng impluwensiya ng mga Amerikano.
Dito na rin nagsimula ang lisyang edukasyon na kung saan ang kanilang
pagkatuto ay hindi na bilang mga Pilipino kung hindi bilang mga mamamayan ng
mga mananakop sa bansa.
2. Magbigay ng tatlong (3) epekto ng nabanggit na sistemang pang-
edukasyon mula sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag.
- Tungkol sa wika, Ingles ang naging wikang panturo at awtomatikong naging wika
ng kaalaman. Hanggang ngayon, patuloy ang mga pag-aaral para matiyak kung higit
na mahusay ang paggamit ng wikang katutubo. Talagang masyado itong katawa-tawa
dahil walang ibang wikang higit na gamay ng isang tao maliban sa kanyang sariling
wika. Sa alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng katutubong wika sa
edukasyon. Pero dito sa atin, masyadong malalim ang pagkagumon natin sa kolonyal
na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas
maraming Pilipino ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang
pananaw na hindi mabubuhay ang mga Pilipino kung wala ang Estados Unidos,
gayundin ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring maging tunay na
edukasyon kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles. Dahil sa
problema ng wika, kontento na ang masa na ipaubaya sa mga lider ang pangangasiwa
sa lahat ng bagay. Ito ay isa sa mga ugat ng pagwawalang bahala, rehiyonalismo at
parokyalismo ng masa. Kaya, ang Ingles na tinitingnang wika ng demokrasya ay siya
mismong hadlang sa pag-unlad ng demokrasya sa ating bayan. Ang paggamit ng
wikang banyaga ay sagabal sa pagtuturo, sa pagkatuto at sa pag-iisip ng mga Pilipino.
Hindi naman ibig sabihin na hindi dapat pag-aralan ang dayuhang wika. Pero, dapat
itong ituro matapos mabihasa sa sariling wika. Bibilis pa ang pagkatuto ng ibang wika.
Ang wika ay kasangkapan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang
kaisipan. Sa pagunlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ang malikhain,
mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay hindi uunlad sapagkat ang mga mag-aaral ay
nahihirati sa pagsasaulo ng dayuhang wika. Dahil sa mekanikal na paraan ng pag-
aaral, pangkalahatang ideya lamang ang natututuhan ng mga mag-aaral at hindi
nagkakaroon ng malalim na pag-unawa. Totoong napabayaan ang ating Surian ng
Wikang Pambansa na dapat sanang maging isang pangunahing haligi ng isang
malayang bansa. Nagdadalawang-isip ang ating mga guro na ipanukala ang kagyat na
paggamit ng pambansang wika bilang wikang panturo dahil ipinangangamba nila ang
pagsalungat sa panukalang ito ng mga nangungusap sa ibang katutubong wika. Ito ay
malinaw na halimbawa ng pagkakaroon natin ng kolonyal na kaisipan.
3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasy
on ng mga Filipino?
- Ang aking mungkahing solusyon ay dapat ipakita natin na pinahahalagahan natin
ang edukasyon ng Pilipino. Dapat nating ituon ang mga patakarang pang-edukasyon
ng Pilipinas sa paghubog ng mga mamayang Pilipino. Kailangan na natin ng agarang
reporma sa sistema nang edukasyon lalo na nang tamang suporta mula sa gobyerno.
Una, magkatalog ng bilang ng mga guro ayon sa kanilang major at iangkop ang
asignaturang ituturo ayon dito. Ikalawa, palakasin ang insentibo gaya ng “scholarships”
sa mga “major subjects” na kung saan kulang ang supply ng guro upang mapunan ang
kakulangan sa mga guro at maiwasan ang maling impormasyon na itinuturo. Ikatlo,
madaline makuha na edukasyon para sa lahat at maiwasan ang komersyalisadong
edukasyon na pinanukala ng kolonyal na bansa sa atin. At ang panghuli, dagdag na
badyet para sa mga pribadong paaralan tungo sa kalidad na edukasyon. Sa bagay na
ito, ang pagtataguyod natin ng tunay na makabayang edukasyon at wikang Filipino,
ang magsisilbing pinakaepektibong daluyan ng mga makabayang damdami’t adhikain
ng isang bansang matagal na panahong alila ng dayuhang kaisipan at interes.

You might also like