You are on page 1of 10

Latin

Si Emerita S. Quito

- Isang babaeng propesor ng pilosopiya

- Dating Dean o Dekan sa De La Salle University

- At may akdang 20 libro

Ang Pilipinas ay dumaranas ng isang matinding complex.

- Kagaya ng pagpilit sa mga Pilipino sa paggamit ng wikang Ingles

- Kapag ang isang bagay ay Pilipino itinuturing itong mababagn uri, ang akala ng lahat tayo’y kikilalalanin sa buong mundo lalo na
sa mga taga-Asya kung tayo ay mag-i-Ingles

- Matatas o magaling ang Pilipino sa Ingles ngunit hindi sa sariling wika natin.

- Ang wikang pambansa ay isa sa mga susi o dahilan kung minsan ay umuulad ang isang bansa

- Noong panahon ng Medyebal (ika-5 – ika-15 siglo), Renasimiyento (ika-15 – ika-16 siglo) at kalagitnaan ng Moderno ay Latin
ang ginagamit ng mga itelektwal o mga matatalinong tao sa Europa.

- Sa wikang Latin din isinulat ang mga aklat sa panahong iyon upang marami pang mga dalubhasa ang maabot nito.

- Samakatuwid, inaasaahan ang lahat ng intelektwal ay hindi lamang matututo sa isang sariling wika, kundi ay makapag-aral at
makaunawa din ng iba’t ibang wika kasama dito ang Latin.

- Ito ang dahilan kung bakit sumulat ang henyo ng Renasimiyento na si Giovani Pico na tanyag sa pangalang Pico della Mirandola,
ng Compendium na naglalaman ng 899 na tesis.

Compendium – ang Compendium ay koleksyon ng maikli ngunit mga detalyadong impormasyon patungkol sa isang partikular na
paksa.

- Hinamon niya ang mga matatalinong tao sa Europa na makipagtalo sa kanya tungkol sa mga tesis na ito. Ang paghamon ay
hindi niya sana naisagawa kung hindi siya dalubhasa sa Latin.

- Ayon kay Quito, ang tao ay maaaring maging magaling sa iba’t ibang wika, sarilng wika at wikang banyaga; Mahalaga ang pag-
aaral at paggamit ng wikang banyaga dahil ito ay maaaring gamitin sa pakikilahok o pakikipagbahagi sa mga pagtitipong
internasyunal.

- Ayon din sa kanya, dapat na matutunan muna natin ang sariling wika bago mag-aral ng iba pang wika.

- Noong panahon ng mga kastila tayong mga Pilipino ay may isang natatanging kasaysayan sapagkat inumpisahan natin ang pag-
aaral sa isang wikang banyaga. Ang nagsipag-aral noong panahon ng Kastila ay namulat sa isang daigdig ng kaalaman na hinugis
sa wika ni Cervantes.

- Si Miguel de Cervantes ay isang manunulat ng Espanyol na malawak na itinuturing na pinakadakilang manunulat sa Kastila.

- Sa katunayan, hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa tayong mga kababayan na hindi marunong ng ibang wika maliban sa
kastila.
Mga solusyon ayon sa DECS

- Ang DECS o Department of Education, Culture and Sports, ito ay ang namumuno sa pagpapalawak ng wikang pambansa.

Konklusyon

- Sa paksang ito ay ating tinalakay ang mahigpit na pagkakaugnay ng Wikang Pambansa sa pagtatamo ng Edukasyong sadya na
para sa Pilipino. Mahalaga ang wikang pambansa sa edukasyon sapagkat makakatulong itong magbahagi ng mga bagay sa
madaling paraan at madaling maintindihan.

- Ang Pilipinas ay dumaranas ng isang matinding complex. Kapag ang isang bagay ay Pilipino, itinuturing natin ito na mababa ang
uri.

- Ang tao ay maaaring maging magaling sa dalawang wika.

- Ang pagkamulat ng Pilipino sa pag-aaral ng wikang banyaga o ng Ingles at ang pagpilit sa paggamit nito.

- Mga pangyayari noong ika-20 siglo, ika-60 siglo at ika-70 siglo.

- Ang pagtatalo ng mga maka-Ingles at Maka-Filipino.

- Kasunduan sa BEP noong 1974.

- Ginawang solusyon ng DECS.

Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon

Abstract:

Ang Pilipinas ay dumaranas ng isang matinding complex. Kapag ang isang bagay ay Pilipino, itinuturing natin ito na mababa ang
uri. Ang akala natin ay sasampalataya sa atin ang buong mundo, lalo na ang mga taga-Asya, kung tayo ay mag-Iingles. Hindi natin
natatalos na pinagtatawanan tayo, sapagkat matatas nga tayo sa Ingles ngunit hindi naman tayo marunong sa ating sariling wika.
Hanggang hindi natin napangingibabawan ang complex na ito, maari tayong purihin sa harapan ngunit pagtatawanan naman sa
likuran.

Ang bawat intelektuwal ng ating bansa ay dapag magbigay ng kaniyang ambag para sa pambansang pagsisikap tungo sa
Filipinisasyon. Dahil dito, masasabi natin na malaki ang pananagutan ng mga dalubhasa upang magkaroon tayo ng isang
makabuluhang patakarang pang-edukasyon. Sa papel na ito, tinatalakay ang mahigpit na pagkakaugnay ng wikang pambansa sa
pagtatamo ng edukasyong sadyang para sa Pilipino.

Bumaba ang antas ng edukasyon sa Pilipinas

Filipino ang may pinakamalaking pakinabang sa mga mag-aaral.

Ang wikang Filipino ay sinasabing magiging lingua franca sa lahat ng larangan.


Ang Filipino ay ang magiging tunay na wikang pambansa natin.

Ang Filipino ay nakatutulin sa paggising ng kamalayang pulitika ng masa.

Ang wikang Filipino ay may kakayahang maghayag ng pinakamalalim na adhikain bilang isang bansa.

Mga solusyon ayon sa DECS

Magtatag ng komite ng wikang pambansa

Patatagin ang pamamaraan sa pagtuturo ng wika at gumamit ng pantulong ng pantulong sa pagtuturo nito

Magtataag ng program para sa mga gurong magtuturo ng Filipino.

Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon

Ni: Emerita S. Quito

TANONG:

1. Gaano kahalaga sa inyo ang ating wikang Pambansa?

2. Ano ang inyong opinion na mayroon tayo ngayong dalawang wikang ginagamit sa paaralan?

• Dumadanas ng matinding Complex.

• Itinuturing na mababang uri ang mga bagay na Pilipino.

• Matatas ang mga Pilipino sa Ingles ngunit hindi sa sariling wika.

• Bakit hindi natin tinularan ang Indonesia at Malaysia na kagyat na nag-aral at natuto ng kanilang wika matapos na lumikas ang
mga sumakop sakanila?

• Ang nawawala sa atin ay ang sariling kusa, ang pagpupunyagi at ang pagnanasang matuto ng Filipino.

• Sa tuwing tayo ay mauubusan, dagli tayong bumabalik sa Ingles. Bakit sa halip na tayo ay sumuko ay hindi muna natin ito pag-
ukulan ng panahon, bakit hindi muna natin usisain kung paano nating maisasa-Filipino ang nais nating sabihin? Hindi lalago ang
ating wika kung lagi na lamang tayong kakanlong sa Ingles.

Ang bawat intelektuwal ng ating bansa ay dapat magbigay ng kaniyang ambag para sa pambansang pagsisikap tungo sa
Filipinisasyon. Dahil dito, masasabi natin na malaki ang pananagutan ng mga dalubhasa upang magkaroon tayo ng isang
makabuluhang patakarang pang-edukasyon. Sa papel na ito, tinatalakay ang mahigpit na pagkakaugnay ng wikang Pambansa sa
pagtatamo ng edukasyong sadyang para sa Pilipino.

ANG MGA PILIPINO SA KASAYSAYAN:

Ang sibol ng nasyonalismo ay hindi maaaring supilin. Paano nga namang matatalikuran ng isang bansa ang kaniyang sariling wika
samantalang naghahanap ito ng isang tatak ng tunay na Pilipino? Paano maaring maging makabayan ang mga tao kung
tatanggihan nila ang kanilang mga ugat? Sa ganitong katayuan, ang mga namumuno sa larangan ng edukasyon ay nagbalangkas
noong 1974 ng isang kasunduan sa ilalim ng tinatawag na Bilingual Educational Policy o BEP.

Buhat nang pairalin ang patakarang ito, ang Filipino ay isinabay na sa pag-aaral ng Ingles. Hindi na tayo pinarurusahan kapag tayo
ay nagsasalita sa sariling wika. Bilingual Educational Policy o BEP.

TANONG:

1. Bilang isang mag-aaral, ano ang magandang dulot sayo ngayon na mayroon tayong dalawang wika na ginagamit sa paralaan?

2. Ano naman ang negatibong epekto na mayroon tayong dalawang pangunahing wikang ginagamit sa paaralan?

DALAWANG BAGAY NA IPINAPAHIWATIG NG WIKA SA BANSA:

1. Makalipas ang 88 taon, hindi pa rin masasabing ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles.

2. Lumaganap ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino.

Sa kabuuan ng itinakda ng ika-20 siglo, tayo ay tinuruan ng Ingles. Buong pagmamalaki nating ipinangangalandakan na ang
Pilipinas ang ikatlong bansang gumagamit ng Ingles.

Latin

Ginagamit na wika ng mga intelektwal sa Europa.

Sa wikang ito isinulatang mga aklat sa pilosopiya noong mga panahong meyoebo, renasimyento at modern.

Ibig sabihin, ang isang intelektwal na tao ay hindi lamanag nakakapagsalita ng sarili niyang wiika kundi nakakapag-aral at
nakakaunawa rin ng wikang Latin.

Ang tao ay maaaring magaling sa dalawang uri ng wika: sariling wika at wikang banyaga.

Dapat munang matutunan ang sariling wika bago mag-aral ng iba pang wika.

Hindi maaaring pagsabayin ang dalawang uri ng wika dahil maaaring mahati ang pagkatao ng mga Pilipino.

Nararapat lamang na marunong ang isa Pilipino ng tatlong wika pagkatapos ng pag-aaral s akolehiyo o pamantasan: Sariling
wika, Ingles at isa pang napiling wika.

Ang pagsisikap ay kailangang bumukal sa sariling kusa.

Ang pagtulong ng pamahalaan at pribadong sector ang maka tutulong sa pag-unlad ng wika.

Lahat ng Pilipino ay dapat pagpayuhan sa pamamagitan ng radio, pahayagan at telebisyon na maghayag ng wastong Filipino.

Ang paghiram sa ibang wika ay lalo pang nagpapayamana sa isang wika


Ang mga intelektuwal ay dapat magbigay ng kani-kanilang ambag para sa pagtataguyod ng pambansang kamalayan.

Panahon ng Kastila (1521-1898)

Inumpisahan ng mga Pilipino ang pag-aaral ng wikang Kastila.

Ika-20 siglo

Natutunan ng mga Pilipino ang salitang Ingles.

Hindi pa gising ang mga Pilipino sa isyu ng nasyonalismo.

Pinapatawan pa ng multa ang mga Pilipino

Sinasabi na ang Pilipinas ang ikatlong bansa na gumagamit ng Ingles.

Ika-60 dekada

Ingles ang midyum na ginagamit sa mga paaralan at pamantasan

Ang aklat, sine, at panayam ay nasa wikang Ingles.

Ika-70 dekada

Nagising ang mga Pilipino

Inumpisahanag pag-aralan ang sariling wika kasabay ng Ingles

Nagsimulang gumamit ng pananaw-Pilipino

Maka-Ingles vs maka-Pilipino nagtagumpay ang ingles

1974, 1987

Bilingual Education Policy (BEP)

Ang Filipino ay isinabay sap ag-aaral ang Ingles ngunit napinsala ang dalawang wika.

Nagkaroon ng tinatawag na taglish


Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon

INTRODUKSYON

Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga
tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay
katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay
isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at
bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang
sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man
lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol
sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito
kahit kailan at saan man magpunta.

Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng marami na
ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas
ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas
nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring
mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose
Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong
puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na
mayroong sariling wikang maipagmamalaki ang mga Pilipino.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at
damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang
makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga
bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling
saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag
ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang
pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa
ng isang bayan.

Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid
ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong
pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong unang panahon upang
maipatuloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang magsisilbing lakas upang
maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.

Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa
sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang
siyang sentro ng mga mamamayan upang maibuhos sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

Maipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng sariling wika ang laman ng damdamin, ang lalim ng pagkatao, ang katangian ng
ginagalawang kapaligiran, ang lawak ng kultura at sining, ang kabihasaan sa anumang larangan at ang katotohanan ng pag-iral.
Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na
bansa ang isang bansa.

Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob
ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun habang nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng
interaksyon batay sa paksa na kung saan ang guro ay magtatanong at ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan.
Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o sa mga nagtatanong upang
magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan. Sa tanggapan o sa opisina ng mga empleyado at kung may
mga kliyente silang kakausapin, ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ay isang
gawaing pang-araw-araw.

Ang mabisang pakikipagtalastasan ay maaring makapagpabago ng isang paninindigan o kilos at maari ring makahikayat ng
paninindigan gaya ng mga kandidatong nagbibitiw ng mga magagandang pangako upang makuha ang panig ng mga tagatanggap
ng mensahe. Ito rin ay nakakatulong sa pagbuo, pag-unlad, pagbabago at paglikha ng maayos at mataas na antas ng ugnayan ng
isipan, damdamin at saloobin. Ito ay sining ng pagpapahayag na may kaugnayan sa pagiging malikhain sa paggamit ng wika na
may kaayusan at kawastuhan at paglinang sa mga kasanayang pakikinig, pagsulat, pagbasa at pagsasalita. Lahat ng mga ito,
samakatuwid ay nagpapatunay na ang mabisang pakikipagtalastasan ay proseso ng paghatid ng kaalaman, ideya o mensahe
kung saan ang tagapakinig ay lubos na nakauunawa sa kahulugang nais ipahatid ng lubos na nakauunawa sa kahulugan ng nais
ipahatid ng nakikipagtalastasan.

Ang pagsalita ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa kapwa sa ibat-ibang kadahilanan, maaaring
nagsasalita o nagsusulat upang maiparating ang mahalagang impormasyon at mensaheng nais nating ibahagi upang hindi
magsisi ang mga tagapagpahayag kung sakaling hindi natin naiparating gamit ang nag-iisang wikang pambansa ang wikang
Filipino na siyang sumasalamin sa pagiging isang tunay na Pilipino.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino sa Edukasyon. Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin
ang mga sumusunod na katanungan:

1.2.1 Gaano kahalaga ang wikang Filipino para sa mga mag-aaral?


1.2.2 Paano kinukumpara ang wikang Filipino sa wikang banyaga?

1.2.3 Para sa ating mga Filipino aling wika ang mas kailangan nating hasain, ang wikang Filipno na siyang ating sariling
wika o ang wikang banyaga na kung saan mas nirerequire na ngayong gamitin?

TSAPTER II

PRESENTASYON, ANALYSIS, AT INTERPRETASYON

2.1 Kahalagahan ng Wika Para sa Mga Mag-aaral

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa
pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at
makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdaman.

Sa bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng malalapit na
kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay
gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao.
Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito nang maayos. Kaya
naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak
ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais
gawin. May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa.
Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit
rin ang wikang Filipino upang mas lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa.

2.2 Pagkukumpara ng Wikang Filipino sa Wikang Ingles

Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat upang masabing intelektwalisado ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika tulad
ng wikang ingles. Kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang proseso ng intelektuwalisasyon bago pa man ito isagawa.
Kailangan ding maintindihan ng mga tao na ang ating wika ay hindi unibersal tulad ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang
lahat ng salita sa Filipino, hindi pa rin ito magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan ng ibang tao mula sa ibang
bansa. Hindi nito masisiguro na ito’y gagamitin sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa rito, hindi rin ito magiging madaling
proseso kung ito’y ituturo sa mga mamamayan. Sa kabilang banda, dapat din ay bigyang pansin at pagkakataon ang mga nais
magtaguyod ng pag-intelektuwalisa ng wikang Filipino. Mataas ang respeto sa kanila dahil bagama’t mahirap ang kanilang mga
nais mangyari ay hindi ito nagiging hadlang upang silay’y magpatuloy. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay marahil
maintindihan din kung bakit hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang wikang Filipino sa bawat larangan. Bukod sa hindi
magiging simple ay hindi rin ito ang tanging paraan upang itaguyod ang sariling wika. Ang intelektuwalisasyon ng Filipino ay hindi
imposible, ngunit sa ating panahon ngayon, hindi rin ito lubusang magagamit. Bukod pa rito ay hindi na rin mapapalitan ang
katotohanang Ingles pa rin ang unibersal na wika.

2.3 Wika na Mas Kailangang Hasain

Bilang isang Filipino mas piniprefer na hasain ang ating sariling wika kaysa sa wikang banyaga. Dahil ang wikang filpino ang
nagsisimbolo ng ating pagka Filipino ito ang siyang maipagmamalaki natin sa ating bansang kinabibilangan. Mahalaga ang
paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang
payak napagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong anumang uri ng kaalaman ay
nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino
dahil sa ang Wikang Ingles a ang pangunahing linggwahi na mas ginagamit nga karamihan kahit saan man sila magpunta sa
mundo. Pero para sa amin at sa mga mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang
napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling
bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan. Mas pinahahalagahan nila nag kanilang
sariiling wika kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa
pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi marunoong magmahal sa
sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng
buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mapapansin na hindi umunlad ang wika sa loob ng napakahabang panahon
dahil hindi na kailangan pang pag aralan ng mga banyaga ang wikang Pilipino.

Tunay na isang paraan na magkaunawaan ang magkaibang wika sa pamamagitan ng wikang Ingles, ngunit isipin naman ng mga
Filipino na hindi obligasyon na magsalita ng Ingles kung nasa sariling bayan. Sa katunayan hindi isyu kung alin ba talaga ang
dapat na gamiting opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ang tunay na isyu dito ay ang kalidad ng edukasyon. Sa huli ay
nasa estudyante pa rin kung paano siya magsusumikap upang tumaas ang kanyang kaalaman sa paggamit ng Wikang Ingles at
pagmamahal sa pamanang Wikang Filipino.

Kaleidoscope by Francis Magalona

M Chua

Das Kapital by Karl Marx

Joma Sison aka Amado Guerrero, pinuno ng NPA

Katwirang Lungsod at Lalawigan by Noel L Clemente

Kilusang Pambansang Demokratiko (KPB)

Hukbong Bayan laban sa Hapon (HukBaLaHap)

The Symptom called marketization by Sarah Reymundo

Ang Kritika – nagkrikritika sa mga tao

Ang Kritika sa Panahon ng Krisis by Efifano San Juan Jr.

Mga tinig mula sa ibaba ni Teresita Himenez

Espasyong bakla

EDUKASYON BILANG TAGPUAN NG KATWIRANG LUNGSOD AT KATWIRANG LALAWIGAN

Ang mga taga-lungsod ay mas nangunguna sa edukasyon dahil mas maganda ang ekonomoya kumpara sa mga lalawigan at may
access sila sa makabagong teknolohiya at mga impormasyon. Mas natutugunan ng maayos din ng gobyerno ang mga
pangangailangan ng mga taga-lungsod dahil mas madaling padalhan ng tulong.
Ang mga taga-Lalawigan naman po ay kadalasang mahirap tuntunin kaya mahirap dalhan ng tulong ngunit sa kabila ng pagkahuli
nila sa teknolohiya ay mas determinado silang magpatuloy sa kabila ng mga disadvantage nila.

I. 1. "MAKABAGONG EMILIO JACINTO: GINHAWA PANG MGA DALUMAT NG BAYAN AT KATIPUNAN SA MGA AWITIN NI FRANCIS
MAGALONA" ni M. Chua at A. Campomanes "

2. "BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN" ni E. Isorena

3. "LIPUNAN AT REBOLUSYONG PILIPINO' ni J.M Sison

II. 1. " FILIPINO NG KILUSANG PAMBANSA-DEMOKRATIKO: PILOSOPIYA AT PULITIKA SA PAMBANSANG WIKA" ni M. Atienza

2. "EDUKASYON BILANG TAGPUAN NG KATWIRANG LUNGSOD AT KATWIRANG LALAWIGAN" ni N. Clemente

3. "DAS KAPITAL" ni K. Marx (salin sa Filipino ni R. Guillermo)

III. 1. "MGA TINIG MULA SA IBABA" ni T. Gimenez-Maceda

2. " BIGWAS SA NEOBERALISMO, ALTERNATIBO SA KAPITALISMO: ADBOKASING PANGWIKA AT SOSYALISTANG PROGRAMA SA


NOBELANG IBONG MANDARAGIT NI AMADO V. HERNANDEZ" ni D.M. San Juan"

3. " ANG PINAGMULAN NG KAISIPANG FEMINISTA SA FILIPINAS" ni L. Santiago

IV. 1." ANG KRITIKA SA PANAHON NG KRISIS" ni E. San Juan Jr.

2. " ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONARYONG PILIPINO: SA PAGSIPAT SA PAGLALADLAD NG KATAUHAN SA LIHIM NA


KILUSAN"

3. "THE SYMPTOM CALLED MARKETIZATION" ni S. Madula

You might also like