You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

SAN CARLOS PREPARATORY SCHOOL


#15 Ilang Dist., San Carlos City, Pangasinan 2420
Taong Panuruan 2020-2021

Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


M O D Y U L blg. 2
Linggo 2 ( Setyembre 14-18, 2020)

Pangalan:_________________________________ Petsa ng Pagkuha: ________________


Marka: ___________________________________ Petsa ng Pagbalik: ________________

ARALIN 1: MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA


Sanggunian: Constantino, Pamela C., at Galileo S. Zafra. FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK). Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2016.

Panimula:
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda upang mapag-aralan mo ang MAPANURING
PAGBASA SA AKADEMIYA: Pagbuo ng Tala-Basa o Reader-Response Journal. Taglay rin nito ang mga
ilang gawain na maaaring humasa sa iyong kaalaman ukol dito.

Layunin:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:
a. naipaliliwanag ang kahulugan, katangian at proseso ng mapanuring pagbasa sa akademiya;
b. naisasagawa ang pagsulat ng talata, mga tanong, at mga panggrupo at pang-indibidwal na gawain
kaugnay ng mapanuring pagbasa; at
c. nakabubuo ng reader-response journal (tala-basa) o tala ukol sa binasa.

Paunang Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NALALAMAN!
A. Alin sa sumusunod ang minsanan lamang na tingnan o basahin? Alin naman ang binabalikan,
matagal at paulit-ulit na tinitingnan, matamang pinag-iisipan, at pinagkukunutan pa ng noo kung
minsan? Bakit mo ipinapalagay na minsanan lang dapat tingnan ang ibang aytem at bakit kailangang
busisiin at tingnan nang maigi ang iba? Isulat ang sagot sa katapat na aytem. Lagyan ng tsek ( )
ang sa iyong palagay ay angkop batay sa iyong karanasan, obserbasyon, o pag-aaral. Sagutin ang
mga tanong at sumusunod na gawain.

BINABASA MINSANAN BINABALIKAN DAHILAN


( ) ( )
1. Komersyal sa telebisyon
2. Komersyal sa tarpaulin sa tabi ng
lansangan
3. Menu sa restawran
4. Manwal ng biniling telebisyon, DVD
player, refrigerator, washing machine, o
kompyuter
5. Nobelang romansa
6. Sarbey ng National Statistics Office
7. Polyeto o leaflet ng protesta ng isang
grupo o organisasyon
8. Librong Pambata
9. Poster ng pagtatanghal ng isang dula
10. Teksbuk

Magbigay pa nng ilang halimbawa:


MINSANAN BINABALIKAN
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

B. Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek ( ) ang hanay para sa “OO” kung sa iyong
palagay ang pahayag ay mapanuri at ang hanay para sa “HINDI” kung hindi mapanuri.

PAHAYAG OO HINDI
1. “Ang babaw ng kaligayahan ng artistang iyan.”
2. “Bibilhin ko ang sapatos; syempre, mukhang sosyal.”
3. “Dapat matibay ang iyong prinsipyo kaugnay ng pamumuhay na nais mo
sa hinaharap.”
4. “Bakit kailangang bigyan ng direksiyon ng tao ang kaniyang sarili.”
5. “Ang paglaki ng industriya ng paghahayupan ay may malaking
benepisyong idudulot sa bansa.”
6. “Dahil walang aktibong partisipasyon ang tinuturuan, wala itong
natututuhan.”
7. “Ang interpretasyon ng mga mito o alamat ay nag-iiba-iba depende sa
preperensiya o pilosopiya ng gumagawa nito.”
8. “Dahil sa pagtatayo ng mga lansangan, mga trak at hindi tao ang
nagdadala ng mga kagamitang pantayo ng bahay ng mamamayan kung
kaya nawala na ang kahulugan at kulay ng selebrasyon kagabi ng mga
Ifugao.”
9. “Tatlo ang pangunahing pangkat ng mga Muslim sa Pilipinas;
Magindanaw, Maranao, at Tausug.”
10. “Ang karagatang nakapalibot sa Pilipinas ang ikinabubuhya ng mga
mangingisda.”

BASAHIN ANG HAND-OUTS NA INIHANDA NG GURO SA HULING BAHAGI NG MODYUL.


*******

Mayroon ka bang bagong natutunan? Kung oo, magaling! Balikan ang paunang gawain kung may
nabago ba sa iyong kasagutan. 

Panghuling Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NATUTUNAN!
A. Tukuyin sa kaliwa at kanang bahagi ng kasunod na artikulo ang mga bahaging nagpapakita ng
sumusunod, isulat sa likod ng modyul ang sagot:
a. Pamagat
b. Tesis ng Pangungusap
c. Problema o Isyu
d. Mga Ebidensiya
e. Katuwiran
f. Organisayon
Pagkakasunod-sunod ng mga Ideya
Sanhi at Bunga
Pagkokompara
g. Kongklusyon o Resolusyon

MALAKI NA ANG GAP

Nagmamaneho ako sa Commonwelth Avenue, makaraan ang COA, noong hapon ng Lunes, medyo dumidilim na
nang mapansin kong nagbagal ang kotseng aking sinusundan. Hindi naman aksidente. Trapik pala. Sa unahan, nag-uuwian
ang mga nakaunipormeng eskuwela sa Commonwealth Elementary School. Pamaya-maya habang umiisod ang sasakyan,
lumutang sa malamig na hangin ang taginting ng kampana. Ano ba ito? Nagtataka kong usisa

May maliit na simbahan sa aking kanan, nakatirik sa tila pampang ng kalsada. Nang mapag-ugnay ko ang tunog at
oras, naisip kong tunog ng kampana sa orasyon ang aking narinig. Tuloy ang sasakyang sinusundan ko, tuloy rin ako, at
tuloy rin sa pamamaybay at pasingit-singit na pagtawid ang mga tao. Walang pumansin sa tawag ng kampana. Mabuti pa
ako at nakagunita ng ritwal sa alas-sais, at ang kagunita ko’y sapat nang pagpupugay.

Sa lungsod, wala nang gumugunita sa orasyon. Naalala ko ang ating kultura. Noong umaga lamang, kinukumbinse
ko ang aking mga estudyante sa panitikan na bukod sa makabagong literature ay dapat lingunin ang mga obra ng
nakaraan. Ang pinag-aralan namin ay ang sersuwelang Anak ng Dagat ni Patricio ng Dagat ni Patricio Mariano, sinulat
noong 1921. Makikita ninyo ang kultura natin noon, sabi ko sa kanila. “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan”
pagpapahula ko, “ay ano-?”

“Di makararating sa paroroonan,” mabilis na dugtong ng ilan. Natuwa ako. alam pa pala nila ang kasabihan.
Karamihan sa kanila’y anak- maykaya, at habang lalong nagiging maykaya, lalong nakakalimot sa sariling kultura.
“Kailangang lingunin natin ang nakaraan,” patuloy ko, “nang malaman natin kung sino tayo.”

Habang nasa daan, naisip ko na tayo, lalo na ang kabataan, ay di natututong gumugunita at magsimpan, ngunit
hindi bale ito. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga awit nati’y galing U.S. kailangan pang lumagda ang pangulo ng isang
executive order para mapuwersa ang mga istasyon ng radyo ng mapatugtog ng kahit apat na OPM(Original Pilipino
Music) sa isang oras.

Anon a ang ideya natin sa ating kahapon- linggo. Gayon lamang kalapit. Kapag pinag-aralan natin ang Anak ng
Dagat, nagbabalik tayo sa ating nakaraan. Ang nangyayari, sabi ko sa aking mga estudyante ], puro tanggi na lamang tayo
nang tanggi sa ating nakaraan. Tanggap na lang tayo nang tanggap mula sa labas.

Naalala koi to kaugnay ng orasyon. Hindi ako palasimba at hindi naman lahat sa nakaraan ay ipinagpipilitan kong
ipagpatuloy. Sa lungsod, hindi na maaaring ipagpatuloy ang orasyon. Dito, kung ikaw ay nasa bahay, alas sais pa lamang
bukas na ang T. nanonood na ang mag-anak, hindi na nagdarasal. "The family that prays together stay together." Hindi na
totoo yan. Ang pamilya’y nakapalibot na sa tv. At mabuti sana kung pinapanood ay palabas na Pilipino. Ang kanilang
pinapanood, kalimitan, pagkaagnas ng kultura. Kabilang sa mapapanood ay mga kabataang imitasyon ng mga Amerikano,
halimbawa mga mananayaw na kita ang singit ng babae, nanggagaya sa bihis ng mga dancer sa Broadway.

Sa ganito’y parang nawalan ako. parang naiiwan ako, mabilis na nalalayo sa hugos ng pagbabago. Nakikita ko
ang pagsagasa ng dayuhang kultura at napapaigtad ako napapatapon sa tabing daan. Bumabangon ako at humahabol,
sumisigaw ng mga babala ngunit walang nakikinig. Iba ang henerasyong sumusunod sa akin. Kulturang dayuhan ang
kanilang sinuso. Sa halip na ako’y maging isa sa mga ugat, ako’y nagiging balat ng puno na nababakbak. Hindi ko alam
kung saan patungo ang bansang ito, na naghihirap na’y sayaw pa ng sayw sa tunog ng ibang tambol.

Ang mga bagay na ito’y waring ipinaalala sa akin ng orasyon sa daan. Hindi na narinig ang orasyon ngunit ako’y
natitigilan pa rin dito. Kahit ano yata’y pupulitin ko at pagyayamanin para mayroon akong maaangkin. Gusto kong
mayroon akong baunin. Gusto kong kahit paano’y may ibinalot ako na maihahatid ko sa hinaharap.

Ngunit itong estudyante ko, habang kinukwentuhan ko, ay parang nakikita ng multo ng nakaraang siglo.
Pinagbibigyan nila ako ang magbibigay ng kanilang marka. Kuwarenta’y siyete pa lamang ako ngunit ang tingin nila’y
ulyanin na akong lolo. Malaki na ang gap, sasabihin ni kuya Germs.

Rogelio Sicat
Nasa BINHI, 1990

B. Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng artikulo.


a. Magsaliksik sa Internet ng kaugnay ng orasyon. Likas ba ito sa ating kultura?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
b. Ano ang kasaysayan at kahulugan ng orasyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
c. Angkop ba o kapani-paniwala ang mga ebidensiyang ginamit ng may-akda?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
d. May mga patunay ba (teorya, balita, pananaliksik, interbyu sa eksperto at iba pa) na balido
ang ebidensiya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
e. Sumasang-ayon ka ba sa mga obserbasyon ng may-akda kaugnay ng orasyon? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
f. Dapat pa bang manatili ang orasyon sa kasalukuyan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
g. Makabuluhan pa bang pag-usapan ang paksa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
h. May bago ba itong ideya na maibabahagi?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

You might also like