You are on page 1of 1

Sa iyong palagay makatuwiran pa bang malaman kung talaga nga bang pumirma si Dr.

Jose
Rizal ng isang "retraksyon" bago sya barilin sa Bagumbayan? Bakit oo? Bakit hindi?

Sa aking palagay, makatuwirang malaman kung talaga nga bang pumirma si Dr. Jose
Rizal ng retraksyon bago sya barilin sa Bagumbayan. Ang usapin ukol dito ay hindi matapos-
tapos ngunit para sa akin ang kasagutan dito ang magpapatunay ng paninindigan ni Rizal sa
kaniyang mga isinulat. Gayunpaman, hindi maikakaila na ang kagitingan at kadakilaan niya
bilang bayani ay napatunayan sa pamamagitan ng kaniyang buhay at mga gawa dahil sa
pagmamahal sa bayan. Ang kaniyang mga gawa ang naging kasangkapan upang pag-alabin
ang ningas ng apoy ng pagmamahal sa bayan at gawing malaya ang Pilipinas.

Ipagpalagay natin na nabubuhay sa kasalukuyang panahon si Dr. Jose Rizal, sa iyong


pananaw ano ang mahahalagang isyu na nais nyang agarang maipatupad ng ating ika-17
pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr? Ilahad ang iyong
punto.

Sa aking pananaw, ang mahalagang isyu na nais ni Dr. Jose Rizal na agarang
maipatupad ng ating bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Presidente Ferdinand R.
Marcos Jr ay ang pagtutok sa pagkakaroon ng dekalidad ng edukasyon lalo’t higit sa usaping
kasaysayan. Naniniwala si Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan at kung
masosolusyonan ang isyu ukol dito at maibigay ang nararapat na edukasyon upang maging
dalubhasa sa napiling larangan, ang kaunlaran ng ating bayan ay tiyak nating matatamasa.
Kaugnay nito, kung lubos na mapag-aaralan ang ating kasaysayan, tunay na mangingibabaw
sa puso ng mga Pilipino ang kaisipang lagi’t laging gawin ang mga bagay ng may
pagmamahal sa bayan.

You might also like