You are on page 1of 8

123 Leo Street,

PARALEGAL AT MARALITA
-sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr .
Libu-libong mga maralita ang pinalalayas na
lamang na parang hayop sa mga pampubliko at
mga pribadong lupa, sa mga lupang tatayuan ng
proyekto ng gobyerno, tulad ng imprastruktura,
tulad ng kalsada, tulay, at iba pa. Winawasak
ang kanilang mga tahanan dahil nakatirik sa mga
delikadong lugar, tulad ng estero, tabing-ilog,
riles, at bangketa. Sila umano‘y masakit sa mata
ng gobyerno‘t mga kapitalista, lalo na‘t may
bumibisitang ―importanteng dayuhan sa bansa.
Kailangan silang idemolis at itapon sa
malalayong lugar.
Parang pusang gala ang tingin sa kanila ng
mga matapobreng nasa poder ng
kapangyarihan. Winawasak ng mga nasa
kapangyarihan ang mismong dignidad ng
maralita. Dinedemolis ang tahanan ng maralita
ng walang ―due process of law‖, walang
―equal protection of the laws‖, at walang
makatarungang kumpensasyon. Ang matindi
pa rito, mabilisan ang pagpapatupad ng
desisyon kapag ito ay hindi pabor sa mga tao.
Sa ganitong kadahilanan, tama lamang na malaman ng
maralita ang ilang mga batas na may kaugnayan sa
kanila at sa lipunang ginagalawan upang kanilang
maipagtanggol ang kanilang karapatang mabuhay ng
maayos at marangal, karapatang magsalita at
magpahayag, karapatang magkaroon ng disenteng
paninirahan, karapatang magkaroon ng sapat na
trabaho, karapatang ituring na tao at hindi basura, at iba
pang karapatang nasusulat sa Universal Declaration
of Human Rights (1948), International Covenant on
Civil and Political Rights (1966), International
Covenant on Economic, Social and Cultural Rights
(1966), Konstitusyon ng Pilipinas (1987), at iba pa.
Ilan sa mga batas na may kaugnayan sa maralita
ay ang mga sumusunod:

A. Artikulo XIII, Seksyon 9 at 10 ng Konstitusyon


ng Pilipinas ng 1987
B. Artikulo III, Bill of Rights ng Konstitusyon ng
Pilipinas ng 1987
C. Republic Act 7279, mas kilala sa tawag na
UDHA (Urban Development and Housing Act), o
Lina Law
D. Executive Order 152
Mga maaaring isampang kaso pagkatapos ng
sapilitang pagdemolis.

A. Kasong kriminal – maaaring sampahan ng


kasong kriminal ang mga nagdemolis kung
lumabag ang mga ito sa batas-kriminal, tulad
ng damage to property, theft, robbery, grave
threats, grave coercion, atbp, kung saan
maaaring mabilanggo ang mga nagdemolis at
magbayad ng multa
B. Kasong sibil – maaari ding pagbayarin ng
damages, tulad ng disturbance fee at moral
damages, ang mga nagdemolis dahil sa
perwisyong kanilang naidulot.

C. Kasong administratibo – maaari ding


kasuhan ang mga nagdemolis ng kasong
administratibo, tulad ng reprimand o warning,
suspension, at dismissal.
Dapat din nating maunawaan ang iba‘t ibang doktrina
ng pag-aari ng lupa, tulad ng Regalian na noong
panahon ng Kastila, lahat ng pampublikong lupa sa
Pilipinas ay pag-aari ng Espanya (ngayon ay wala na
ang batas na ito, dahil wala na tayo sa panahon ng
mga Kastila). Nariyan din ang Torrens system, kung
saan ang mga titulo ng lupa ang siyang mapagpasya
o matibay na patunay ng pag-aari ng lupa. Dapat
ding alamin kung ano ang OCT (original certificate of
title) at TCT (transfer certificate of title) para matiyak
na hindi mapupunta sa kamay ng sindikato ang lupa.

You might also like