You are on page 1of 11

Dalumat ng/sa Filipino Pahina 1-12

Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113

Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino

MALIGAYANG SIMULA!

I. PANIMULA:
Ang lipunan at rebolusyon Pilipino ay isang pagsisikap na ilahad nang komprehensibo mula sa
paninindigan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang mao Zedong ang mga pangunahing agos kasayasayan ng
Pilipinas, ang mga saligang problema ng sambayanang Pilipino, ang umiral na istruktura ng lipunan, at ang
Istratehiya’t taktika at makauring lohika ng rebolusyong solusyon ang demokratikong reboluyon ng bayan.
Ipinalianag ng librong ito kung bakit itinatag uli ang partido komunista ng Pilininas na nagalalayong
pukain at pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan, pangunahin ang inaapi’t pinagsasamantahang
mangggaa’t magsasaka, laban sa imperyalismong E.U. pyudalismo at burukratang kapitalismo na nayo’y
naghahari sa kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na lipunan.
Ang lipunan at Rebolusyong Pilipino ay magagamit na praymer at mapag-aralan sa tatlong
sunudsunod o hiwa-hiwalay na araw ng sunumang interesadong malaman ang katotohanan tungkol sa
Pilipinas, at makibaka para sa tunay na pambansa’t demokratikong interes ng buong sambayanang Pilipino.
Inihahandog ng awtor ang librong ito bilang pasimulaan ng bawat makabayang Pilipino sa pagsasagawa ng
ibayong makauring pagsusuri at imbitigasyong panlipunan na pagbabatayan ng kongkreto at masigasig na
rebolusyonaryong pagkilos.

II. LAYUNIN:
Sa pagtatapos nang modyul maaasahang natutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nakatutukoy ang makabuluhang kapakinabangan ng sangunian sa pagdadalumat at pananaliksik.
2. Nakapagpapahayag ng mabisang opinyon ukol sa Lipunan at Rebolusyong Lipunan.
3. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Demokrationg Rebolusyon.
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 2-12
Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113

III. PANIMULANG GAWAIN:

Unawain at linangin ang paksang-aralin.

Panuto: ilarawan at ipapaliwanag ang kakintalan na naiwan sa mga kabataang pilipino

Pinagkunan:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fromblonnews.net%2Findex.php%2Fthought-of-
wisdom%2F2752-buhay-pa-ba-ang-totoong-diwa-ng-
rebolusyon&psig=AOvVaw0ogOwMCwOV4v5xXp4Ia7vr&ust=1602138383388000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPCahsztoewCF
QAAAAAdAAAAABAD

REBOLUSYON
DEMOKRASYA
DIGMAANG BAYAN
PYUDALISMO
PAKIKIBAKA
KABATAANG MAKABAYAN
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 3-12
Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113

“KALUGOD-LUGOD’
Maging makabayan sa mga matutuhan sa
aralin.

IV. PAGTATALAKAY SA NILALAMAN

Pambugad na aralin

LIPUNAN AT REBOLUSYONG PILIPINO

Kung ang lipunan at reolusyong Pilipino, dahil sa makauring pagsusuri ng kasaysayan ng pilipinas, ang
nagbibigay ng pundasyong para sa Marxista-leninistang pagpapaliwanag ng lipunang Pilipino at batayan nito
sa nakaraan, at kung ang mga particular na katangian ng ating digmang bayan ay maningning na
kontribusyong sap ag-intindi ng mga partikularidad ng rebulusyong Pilipino, at kung gayon sa , Malaki ang
kahalagahan sap ag-unlad ng itratehiya’t
taktikang angkop sa paglulunsad ng
rebolusyonaryong gera sa baying pulu-pulo
tulad ng pilipinas, tinutukoy naman ng ang
mahigpit nating mga tungkulin ang mga
particular na tungkulin ng mga
rebulusyonaryong Pilipino sa pagbabagsak
ng diktadurang EU-Marcos_ ang
pinakamarahas na pagpaphayag ng
malakolonyal na paghahari para makamit ang
demoratikong rebulusyong bayan at matamo
ang sosyalismo.

Larawan 1: Rebolusyong Pilipino


Pinagkunan:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3Dp57FoLiqN3g&psig=AOvVaw
1S-xhkSryCqt9Til5ZIPJe&ust=1602138129016000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOD8_fjroewCFQAAAAAdAAAAABAD

Daan-daang libong kabataan ang sumasama sa hanay ng mga aktibista, at "ginagawang isang higanteng
klasrum ang buong bayan",14 tulad ng pagkakasabi ni Sison. Ang napakalaking pangangailangan noon ay
isang kasangkapan sa pag-aaral para maidaloy sa wastong teorya at praktika ng pambansa-demokratikong
rebolusyong ang nag-uumalpas na lakas na ito. Para tugunan ang pangangailangang ito, lumabas noong
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 4-12
Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113
Hulyo 1970 ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino, na sinulat ni Amado Guerrero, Tagapangulo ng Partido
Komunista ng Pilipinas.

Ang LRP, tulad ng nakagawiang itawag sa libro, ay agad na kinilala bilang: isang akdang
pinaghantungan ng pangkulturang rebolusyon na mabilis na sumasaklaw sa lipunang Pilipino at pag-iisip
mula noong kalagitnaan ng dekadang sisenta. Kahit ipinasaalang-alang ni Guerrero na unang hakbang
lamang ang LRP sa paggamit ng istoriko-matiryalistang pagsusuri sa kasaysayan ng Pilipinas, mapangahas,
mahusay at masaklaw na teoretikong pagpupunyagi ang LRP na nagpalabas sa kongkretong lakas ng mga
batas ng kontradiksyon sa panlipunan at pambansang pagunlad ng Pilipinas mula noong panahon bago ang
kolonyalismong Espanyol hanggang sa kasalukuyan. Sa pagpapalalim ni Guerrero sa mga ideyang unang
inilahad sa Pakikibaka para sa Pambansang Demokrasya, na sinulat ni Sison, ipinakita ni Guerrero kung
paano nagulo at nabaluktot ng panghihimasok, una ng kolonyalismong Espanyol at pagkaraan ng
imperyalismong EU, ang awtonomong pag-unlad ng lipunan sa Pilipinas. Sa gayon, ang napasulong sa
makina ng istorikong paggalaw ay ang kontradiksyon ng mamamayan at imperyalismo at parasitikong lokal
na uri na bumubuo sa batayang panlipunan nito. Ipinakita ni Guerrero na ang pag-aalsa at paghihimagsik
laban sa kolonyalismo at imperyalismo ay paulit-ulit na nangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Pero walang
tunay na pambansang pagpapalaya ang magtatagumpay hanggang hindi kinukuha ng masa ang syensya
ng pagpapalaya sa lipunan, Marxismo-Leninismo, at hanggang di sinusunod ang liderato ng pinakaabanteng
uri sa lipunan, ang uring manggagawa, sa panahon ng pagbulusok ng imperyalismo at kapitalismo. Sa gayon,
sa perspektiba ng istorikong matiryalismo, ang kasalukuyang rebolusyonaryong kilusan ay ang suhetibo,
mulat at syentipikong pagpapahayag lamang ng obhetibong mga batas ng pag-unlad na nagtutulak sa
bansang Pilipinas sa mas mataas na antas ng pag-unlad ng lipunanan pambansang demokrasya.

MGA PARTIKULAR NA KATANGIAN NG ATING DIGMAANG BAYAN

Ang Mga Partikular ay isang mayaman at masaklaw na dokumento. Samantalang pinalalim nito ang
pag-uugat ng Marxismo-Leninismo sa mga partikularidad ng Pilipinas, nagbigay din ito ng mga aral sa
rebolusyonaryong praktika para sa mga kilusan sa iba pang bayang pulu-pulo.

Ang Rebolusyong Pilipino ng 1896.


Noong siglong 1800 ay sumidhi at nahinog ang kolonyal at pyudal na sistema ng pagsasamantala.
Ang kolonyal na gubyernong Espanyol ay napilitang kumuha ng mas maraming ganansya sa pyudal na base
nito sa Pilipinas para makabawi sa pagkalugi sa pyudal na base nito sa Pilipinas para makabawi sa pagkalugi
ng lumulubog na kalakalang galyon at para makaangkop sa tumitinding panggigipit at pangangailangan ng
mga bayang kapitalista. Ang tagumpay ng Britanya sa Pitong Taong Gera, ang mga gera noong panahon ni
Napoleon at pananakop ng Pransya sa Espanya, ang mga maniobra ng Estados Unidos para magpalawak
sa Amerikang Latina at ang pag-iibayo doon ng mga kilusan para sa pambansang independensya, at ang
masidhing tunggalian ng mga "liberal na republikano" at "absolutong monarkista" sa Espanya ay nagkaroon
ng kabuuang epektong nag-udyok sa kolonyal na Espanya na lalo pang pagsamantalahan ang sambayanang
Pilipino. Dahil sa gumagraheng pagsasamantala, sumidhi ang pambansa-demokratikong adhikain ng
malawak na masa ng mamamayan. Habang tumitindi ang pag-aapi, umiigting naman ang mapanlabang diwa
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 5-12
Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113
ng mga pinaghaharian, laluna ng masang magsasaka, hanggang sumiklab ang Rebolusyong Pilipino ng
1896.

ANG KOLONYAL NA PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG EU


Ang kahulugan ng makahayop na paglupid ng imperyalismong EU sa sambayanang Pilipino ay ang
pagpapatuloy ng pyudal na katayuan ng Pilipinas. Dumating ang imperyalismong EU para biguin ang
pambansa't demokrating adhikain ng sambayang Pilipino at ipilit ang gusto ng uring monopolyong
kapitalistang EU sa pamamagitan ng armas at pambobola. Sa Estados Unidos, ipinagyabang ng mga
pulitikong imperyalista at mga amo nilang kapitalista na ang kanilang maruming gawain ay dakilang misyon
para gawing "sibilisado" at "Kristyano" ang mamamayang Pilipino.

PYUDALISMO
1. Ang Kahulugan ng Pyudalismo
Pagdating sa yugto ng imperyalismo, ang kapitalismo, bilang isang istorikong pehomenon sa
mundo, ay naghihingalo, parasitiko at bulok na. Hindi nag-eeksport ang imperyalismong EU ng sobrang
kapital sa mga kolonya at malakolonya para itaas ang ekonomya ng mga ito sa antas ng kaunlarang
kapitalista kundi para lamang magkamal ng sobra-sobrang ganasya sa pagsasamantala sa murang
lokal na lakas-paggawa at sa paghakot ng murang hilaw na materyales. Limitado ang pagtatayo ng mga
empresa ng EU na nagpoproseso ng hilaw na materyales sa lugar mismo na pinagkukunan nito. Ang
lawak at kalidad ng monopolyong kapital na EU na ipinapasok sa ekonomya ng Pilipinas mula nang
mag-umpisa ang siglong 1900 ay naging dahilan ng pagkakapailalim ng katutubong pyudalismo sa
imperyalismong EU. Likas sa imperyalismong EU na maging dahilan ng tagibang at pasumpung-
sumpong na pag-unlad, magmantini ng ilang syudad na pinaghaharian ng uring komprador, at
magpanatili ng malawak na kanayunang pinaghaharian ng uring panginoong maylupa.

Repormismo at Modernong Rebisyonismo


Ang pagtindi ng repormismo at rebisyonistang aktibidad ay katugon ng pagtindi ng pasistang
aktibidad. Hindi titigil ang mga pusakal na reaksyonaryo sa paggamit ng mga repormistang salamangka
kasabay ng napakasamang gawaing kontrarebolusyonaryo. Gagawin nila kahit ang makisama sa mga
modernong rebisyonista. Ang repormismo at modernong rebisyonismo ang marupok na kalasag ng
pasismo. Malaking kahangalan ang umasa na pwede munang lubusin ang mga posibilidad na ligal bago
ilunsad ang armadong rebolusyon. Hindi matatapos ang paggawa ng mga batas at parlamentaryong
salamangka kung hindi lalabanan ng armadong rebolusyon ang mga reaksyonaryo. Pwede pa nga
nilang sulatin uli ang kanilang konstitusyon para lamang dagdagan ito ng dekorasyon. Sa maselang
yugtong ito ng kasaysayan ng Pilipinas, nadadalian ang mga reaksyonsaryo sa pagpapakana ng isa
pang kumbensyong konstitusyonal at pagkakalat ng usap-usapan tungkol sa "mapayapang rebolusyon".
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 6-12
Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113
ANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYON NG BAYAN
Rebolusyonaryo ang sinumang pumanig sa rebolusyonaryong sambayanan.
Kontrarebolusyonaryo naman ang sinumang
pumanig sa imperyalismong EU, pyudalismo at
burukratang kapitalismo. Rebolusyonaryo sa
salita ang sinumang pumanig sa
rebolusyonaryong sambayanan sa salita
lamang pero iba ang ginagawa.
Rebolusyonaryo sa buong kahulugan nito ang
sinumang pumanig sa rebolusyonaryong
sambayanan sa salita pati sa gawa.
-Mao Zedong

Larawan 2: demokratikong rebolusyong bayan


Pinagkunan:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmarojabanua.wordpress.com%2F2017%2F04%2F23%2Fmat
atag-na-isulong-ang-demokratikong-rebolusyong-
bayan%2F&psig=AOvVaw3RLaHgczcsKzZfJjCchAGK&ust=1602137670010000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCZu
Z7qoewCFQAAAAAdAAAAABAD

Natagumpay na nailahad ng aralin lipunan at rebolusyong Pilipino,


ang tagumpay ng bansang pilipinas mula sa mkauring diktadura.
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 7-12
Modyul 7: Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113

V. PAGSUSURI, PAGLALAPAT AT PAGGALUGAD


PAGSANAYSAY A

Pangalan:______________________________ Taon at Seksyon: __________________

TALAS DIWA
Isulat ang salitang MABAIT kung tama ang isinasaad ng pahayag at MABUTI kung ito ay mali.

_________1. Ang kahirapan ang isa sa malaking problema ng ating bansa sa kasalukuyan.
_________2. Maunlad ang bansang Pilipinas noong diktadurang ang ansang pilipinas noong diktadurang
EU-marcos
_________3. Daan-daang libong kabatan ang samasama sa hanay ng mga aktibista.
_________4. Ang kasalukuyang rebolusyonaryong kilusan ay ang liderato.
_________5. Ipinakita ni Guerero na ang pag-aalsa at paghihimagsik laban sa kolonyalismo at impesyalismo
ay paulit-ulit na nagyayari sa kasayayn ng pilipnas.

PAGSANAYSAY B
Panuto: Lakma ang mga aytem sa hanay B sa mga pahayag sa hanay A piliin ang letra ng wastong sagot.

HANAY A HANAY B

__________1. Ang lipunan at rebolusyong Pilipino A. L A P

__________2. Tagapanguto ng partido komunista B. Sison


ng pilipinas.
C. Daan-daang libong kabataan
__________3. Nakagawiang itawag sa libro.
D. Hulyo 1970
__________4. Pakikibaka para sa pambansang
demokrasya E. Amado Guerrero

__________5. Sumama sa hanay ng ma aktibista. F. Simon

CHED Memo. No 57 series of 2019 at mga silabus sa Filipino sa kolehiyo (nobyembre 2017) para
sa regular Update: www.facebook.com/TANGGOWOLKA
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 8-12
Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113

Sapag tatapos nang araling ito inaasahan na matututunan


nyo ay maisabuhay

VI. PAGLALAHAT

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bilang isang mag-aaral ng kriminoloheya paano kayo magiging bahagi ng makabagong lipunan
(tatlong pangungusap)
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________

2. Paano natin makakamit ang demokratikong rebolusyong bayan at matamo ang sosyalismo (
tatlong pangungusap)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________-
__________________________________________
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 9-12
Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113

KALAYAAN!
Natamo sa modyul ang pakikibaka subalit huwag
kalilimutan ang mga takdang aralin.

VII. TAKDANG ARALIN

Panuto: Piliin sa sumusunod ang pinakatumpak na sagot sa tanong na mababasa sa bawat aytem isulat
ang iyong sagot.
1. Isang pagsisikap na inilahad nang kumprehensibo nula sa paninindigan ng marximo-lerikismo-
kaisipang Maozendong.
A. Bangka at lipunan C. Emilio Jacinto
B. Kasayasayan ng kapilipinuhan D. Lipunan at Rebolusyong Pilipino
2. Naglalayong pukawin at pakilusin ang malawak na masa ng ambayanan.
A. Partidong komunista ng Pilipinas C. Sambayanang Pilipino
B. Makabayang Pilipino D. Lipunan at rebulusyong Pilipino.

3. Nagbigay ng pundasyon para sa marxista- leninistang


A. Samabayanang Pilipino C. Makabayang Pilipino
B. Lipunan at Rebolusyong Pilipino D. Partido kumunista ng pilipinas
4. Naghahari sa kasalukuyang malokolonyal at malapyudalismo na lipunan.
a. Kapitalismo c. Malapyudal
b. Pyudalismo at demukratang d. Pyudalismo
kapitalismo
5. Ang lipunan at reboluyong Pilipino ay magagamit na _____________
A. Aklat C. Thesis
B. Modyul D. Praymer

(ang pagtakdang aralin na ito ay isusumete sa araw ng _______________)


Dalumat ng/sa Filipino Pahina 10-12
Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113

Kung ang Lipunan at rebolusyong pilipino ay nakauring


pagsusulit ng kasayasaya ng pilipino, kayong mga mag-aaral
ng dalumat ay matagumpay nakamit ang kaalaman mas
mataas na antas ng pag-unlad ng lipunan panbansang
demokrasya.

VIII. PAGTATAYA

Pangalan:______________________________ Taon at Seksyon: __________________

May pamimilian: pillin ang pinakaangkop na sagot.

1. Kauna-unahang inilahad ang pagkikibaka para sa pambansang demokrasaya.


A. Guerrero
B. Sison
C. Guevarra
D. Wala sa nabangit
2. Isang lathalaing sinulat ni sison na natutungkol sa demokrasya.
A. Pambansa-demokratikong rebolusyong
B. Pakikibaka-para sa pamabansang demokrasya
C. Mamamayan at imperyasismo
D. Imporyalismo at kapitalismo.
3. Ang kasalukuyang rebolusyunaryong kilusan.
A. Rebulusyon
B. Demokrasya
C. Liderato
D. Suhetibo
4. Mga katangian ng ating digmang bayan
A. Mga kilusang ande-pasista
B. Ande-pyudal
C. Malakonyal na paghahari
D. Maningning na kontribusyon
5. _____________ ang sinumang pumanig sa rebolusyonaryong sambayanan.
A. Rebolusyonaryo
B. Demokrasya
C. Liberato
D. suhetibo
Dalumat ng/sa Filipino Pahina 11-12
Lipunan at Rebolusyong Pilipino 121121113
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapalaya ng malakolonyal na paghahari?
A. Isulong ang mga kilusang ande-pasista at anli-imperyalista
B. Ang mahigpit nating mga tungkulin
C. Pakikibaka para sa pambansang demokrasya
D. Iwasto ang mga pagkakamali at muling buuin ang partido.
7. Ang pakikibaka para sa pambansang demokrasya.
A. 1965
B. 1967
C. 1968
D. 1970
8. Siya ang sumulat ng ang mahigpit nating mga tungkulin.
A. J.M Sison
B. Amado guerrero
C. Emilio jacinto
D. Ferdinand marcos
9. Inihansa ni amado guerrero ang sanaysay pra sa?
A. Malakonyal na paghahari
B. Maningning na kuntribusyon
C. Komite sentral ay partido komestong pilipinas
D. Ating digmang bayan
10. Ano ang pagunahang layunin ng lipunan at rebulusyong Pilipino?
A. Naglalagang pukawin at pukawin at akilusin ang malawak na masa ng sambayanan.
B. Makibaka para sa bansang pilipinas
C. Ang demokratikong rebolusyon ng bayan.
D. Pag-unlad ng lipunan pambansang demokrasya.

(Ang mga natapos na Gawain ay isusumite sa araw ng ________________)

Kagila-gilalas ang pinamalas mong kabayanihan sa tungkulin iyong


ginampanan sa modyul. Lagi mong isaisip na bahagi ka ng pakikibaka
bilang isang mag-aral ng bansan Pilipinas.
Ipagpatuloy ang mgandang sinimulan.

You might also like