You are on page 1of 6

NU FAIRVIEW

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


GEFID01X – Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Filipinong Identidad
Ikalawang Termino T.P. 2022-2023

Kristiyanismo
Gawain 1

Isinumite ni:

Camaya, Kevin Michael


Gonzales, Marria Francezca B.
Temporado, Edrian Charles

Pangkat Bilang 11

MAR 203

Isinumite kay:

Bb. Princess Joy C. Ragsac

Enero, 2023
NU FAIRVIEW

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


GEFID01X – Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Filipinong Identidad
Ikalawang Termino T.P. 2022-2023

Isang relihiyon, paniniwala, o pananampalatayang umiiral sa Pilipinas

Ang Kristiyanismo ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas. Mahigit sa 93% ng populasyon ay

Kristiyano. Sa katunayan, ang Kristiyanismo ang pangunahing relihiyon sa Asya. Ang mga

Katoliko ang pinakakaraniwang relihiyon sa Pilipinas, na bumubuo sa 80.6% ng populasyon.

Ang mga Protestante ay bumubuo ng isang mas maliit na bahagi ng populasyon, sa 9%. Sa

kasalukuyang panahon mas lalong dumadami ang mga Kristyano sa Pilipinas dahil Ito kay

Magella. Si Magellan ang nag dala ng relihiyong kristyano sa bansang pilipinas noon. Si

Magellan at Antonio Pigafetta ay parehong debotong Kristiyano. Naisip nila na ang paglalakbay

sa buong mundo ay isang mahusay na paraan upang ipalaganap ang ebanghelyo sa mga

bagong tao. Noong Araw ng Pasko ng Pagkabuhay, pinangunahan nila ang unang Misa sa

Pilipinas sa baybayin ng Mazaua. Ang pagkamatay ni Magellan ay hindi naging hadlang sa

pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Noong Pebrero 1565, dumating sa timog Samar ang

isa pang mandaragat, si Miguel Lopez de Legazpi at ang kanyang hukbo. Noong Marso,

narating nila ang bahagi ng Bohol, at nakilala nila ang datu ng Bohol, si Sikatuna. Dito naganap

ang Sandugo o blood compact na sumisimbolo sa pagkakaibigan ng mga Pilipino at Espanyol.

Ito rin ang hudyat ng tagumpay ng Espanya upang tuluyang masakop ang Pilipinas at unti-

unting palaganapin ang Kristiyanismo sa kapuluan.

Mga Tradisyon at Kaugalian

Pasko

May mga Kaugalian at Tradisyon ang mga Kristyano na hanggang ngayon ay ating ginagawa

katulad ng kapakapanabik nap ag diriwang ng pasko tuwing December. Ang pasko ay


NU FAIRVIEW

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


GEFID01X – Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Filipinong Identidad
Ikalawang Termino T.P. 2022-2023

pinagdiriwang ng mga Kristyano dahil ang pasko ay sumisimbolo sa kapanganakan ni Jesus at

dahil dito nakasanayan na ng mga mamamayang Filipino na ipagdiwang ang Pasko simbolo ng

kaarawan ng ating panginoong Jesus. At dahil din sa kaarawan ng panginoon nakasanayan

nadin ng mga Filipino na Kompletuhin ang 9 Simba de Galyo sumisimbolo ito paghahanda ng

araw ng pagkakasilang ni Hesus na tinatawag ring “Advent”. Ayon sa karamihan, kapag

nakumpleto nila ang siyam na araw na misa de galyo ay magkakatotoo ang mga hiling nila.

Dahil dito maraming mamamayang filipino na kristyano na kinukumpleto ang Simbang gabi

bago mag desperas ng pasko.

Mahal na Araw

Ang mga Filipinong Kristyano ay may ipinagdiriwang Mahal na Araw o Semana Santa ito ay

sumisimbolo sa paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas na

kumakatawan kay Hesukristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito upang palalimin ang

pananampalataya, binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno

at pamamanata. Nakikiisa sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng

buong daigdig. Naniniwala na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik bilang patotoo sa

mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya. Nag sisimula ang Mahal na

araw sa pagsapit ng Miyerkules ng Abo kung saan ginagawang abo ang mga lumang palaspas

at ipapahid sa mga noo ng mga Kristyanon Filipino ito ay sumisimbolo satanda ng pag sisisi ng

mga kristyano sa kanilang mga nagawang kasalanan. Marami ring aktibidades tuwing Mahal na

Araw Unang un ana dito ay ang Pabasa Inaawit o kaya’y binabasa ng mga deboto ang

mahabang pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing pasyon na nasa anyong patula ay hango sa
NU FAIRVIEW

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


GEFID01X – Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Filipinong Identidad
Ikalawang Termino T.P. 2022-2023

Bibliya ng mga Katoliko Romano. Ang grupo ng mang-aawit ay kakanta nang sabay sa saliw ng

luma o bagong kanta. Sumunod ay ang Senakulo Ginaganap sa lansangan o entablado, ang

senakulo ay pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at

matapos ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong

apokripa. Pinakatanyag na senakulo ang ginaganap sa Marinduque, na tinawag na Pista ng

Moriones. Paghahagupit ng latigo sa harap ng Madla—Ito ang pagsasadula ng pagpapahirap at

pagkamatay ni Kristo na ipinako sa krus. Ginagawa ito ng mga Katoliko na may panata, gaya ng

masisilayan sa Pampanga at Rizal. Ang gayong pamamanata ay ang paraan ng mga deboto

upang magpasalamat sa mga biyayang natamo nila sa Maykapal.

Kilala ang Cutud sa pagkakaroon ng ganitong gawain. Ang mga namamanata ay nakasuot

lamang ng pantalon , may takip ang mukha ng mga deboto, at ang ulo ay may koronang tinik.

Ang kanilang katawan ay hinahagupit ng latigo na may mga pako sa dulo. Ang Biyernes Santo

ang tanda ng pagkamatay ni Kristo. Karamihan sa mga bayan ay nagdaraos ng malaking

prusisyon at ang mga imahen ng simbahan ay may balabal at talukbong ng itim na belo at nasa

tuktok ng karosa. Isang paniniwala ng mga Filipino ay ang pagbabawal sa mga bata na maglaro

sa araw na ito sapagkat patay si Kristo at kapag nasugatan ay matagal umanong maghilom.

Bago magbukang- liwayway sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay, eksaktong alas-kuwatro ay

ginaganap ang salubong. Ang mga imahen ni Birheng Maria at ang imahen ng Kristong Buhay

ay magsasalubong sa gitna ng bakuran ng simbahan, habang ang mga batang nakasuot ng

pakpak ng anghel ay masayang nagsasaboy ng mga talulot at umaawit nang taimtim. Isa

lamang ito sa mga relehiyon at mga paniniwala ng mga Filipino tungkol sa pagiging Kristyano.
NU FAIRVIEW

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


GEFID01X – Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Filipinong Identidad
Ikalawang Termino T.P. 2022-2023

(Patalatang pagtalakay)

Huling pagbabago: 17:22, 9 Agosto 2021. (2021, August 9). Retrieved from Wikipedia:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mahal_na_Araw#:~:text=Ang%20Mahal%20na%20Araw

%20(Latin,bago%20ang%20Pasko%20ng%20Pagkabuhay.

Lacambacal, N. (2013, August 9). Retrieved from pananampalatayangkatolikoatdebosyon:

https://pananampalatayangkatolikoatdebosyon.wordpress.com/2013/08/09/

kristiyanismo-sa-pilipinas-2/

Team, I. Y. (2017, December 17). Retrieved from DWIZ 882 AM:

https://www.dwiz882am.com/index.php/pasko-isang-maikling-kasaysayan/#:~:text=Ang

%20tradisyong%20ito%20ay%20dinala,na%20tinatawag%20ring

%20%E2%80%9CAdvent%E2%80%9D.
NU FAIRVIEW

GENERAL EDUCATION DEPARTMENT


GEFID01X – Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Filipinong Identidad
Ikalawang Termino T.P. 2022-2023

You might also like