You are on page 1of 3

REPLEKSIYONG PAPEL

Sa aking panonood ng dokumentaryo ukol sa Austronesian Heritage, aking kaalaman at


kaisipan ay namulat ukol sa katotohanan na marapat ay noon pa man ay amin ng nadiskubre. Isa
itong panibagong kwento o kasaysayan ukol sa ating pinagmulan na ngayon ko lamang
napagalaman. Nilalaman ng dokumentaryo ang diskusyon ukol sa tunay na pinagmulan ng mga
Austronesian at kung saan sila matatagpuan, sino ang mga napapabilang rito, at pano ito naging
parte ng ating kasaysayan. Mula sa sa mahigit dalawapung minutong diskusyon ay aking
nalaman kung bakit napabilang ang ating bansa sa lahing ito, at ang mga katanungan ko noon pa
man ay malinaw na naipaliwanag at nasagot sa dokumentaryong ito.

Akala ko noon, sadyang nasa dugo na ng mga Asyano ang pagkakaroon ng


pagkakapareho ukol sa panlabas na anyo kaya’t napagkakamalan ko noon na Pilipino ang isang
indibidwal na may nasyonalidad na Indonesian, Malaysian, o kahit pa ang mga nakatira sa
karatig na bansa katulad ng Hawaii. Dagdag pa dito, inakala ko noon na isang Pilipino-
Amerikano ang iilang indibidwal na nakikita ko sa mga palabas na ginaganap sa Hawaii sapagkat
nababakas sa panlabas na anyo ng mga ito ang pagkakapareho sa ating mga Pilipino. Ngunit sa
panonood ko ng dokumentaryo, ako ay lubos na nagulat sa impormasyon na aking nalaman; na
maari ngang kabilang sa iisang lahi tayong mga Pilipino at ang mga taga-karatig bansa na siyang
dahilan kung bakit may pagkakahawig ang mga panlabas na itsura o anyo ng mga tao na
napapabilang dito. Ako ay lubos na namangha sa kaalaman na aking nalaman ukol sa totoong
pinagmulan ng ating lahi na nagbigay-daan sakin upang mas maintindihan ang pagkakatulad
natin sa ating mga ka-lahi. Akin rin napagtanto na iisang dugo o laman lang ang nananalaytay sa
ating pagkatao kaya’t makikinita ang mga pagkakatulad natin sa ating kultura, pamumuhay, at
pag-uugali. Ang dokumentaryong din ito ang nakapagbigay liwanag sa aking mga haka-haka
noon, na ngayon ay nagbigay ng patotohanan sa mga ito. Isa na dito ay ang napansin kong
pagkakapareho ng ilang salita sa iba’t-ibang lenggwahe na ginagamit ng mga grupo ng tao na
napapabilang sa lahing ito. Akala ko noon, isa lang iyong malaking “coincidence” at aking
ipinagsawalang-bahala ngunit ngayon ay aking nakumpirma na ito ay dahil sa napapabilang sa
iisang lahi ang mga miyembro nito.

Gayunpaman, aking napagisipan na may malaking parte ang pananakop ng mga banyaga
sa mga bansang tinitirhan ng mga Austronesian kaya’t nagkaroon ng pagkakaiba ang bawat
bansa at tuluyang nakalimutan ang tunay na pinagmulan ng lahi. Katulad na lamang ng ating
bansang Pilipinas, marami sa ating kapwa Pilipino ang hindi nakakaalam ng ating tunay na
pinagmulang lahi sapagkat mas tumatak ang mga kwento patungkol sa mga mananakop at ang
mga naiwan nilang aral at kasaysayan sa atin. Base rin sa aking pagkakaalala, mas lamang ang
impormasyon na itinuturo sa ating mga Pilipino ukol sa kasaysayan ng ating bansa noong mga
panahon ng kolonyalismo na siyang naging ugat ng pagkakalimot ng karamihan sa atin ang ating
totoong pinanggalingan. Dagdag pa rito, karamihan sa ating mga Pilipino, katulad ko na ngayon
lamang nalaman ang kasaysayang ito, ay hindi mulat sa katotohanan na ang kultura,
pamumuhay, paniniwala, at pananalita natin ay nagmula pa sa lahing “Austronesian” na
hanggang ngayon ay ating isinasabuhay katulad ng pagmamano, ang pagbibilang, pati na din ang
mga paraan ng pamumuhay noon. Dahil sa dokumentrayong ito ay nabuksan ang aking isip na
may mga ‘maling akala’ tayong pinaniniwalaan, isang halimbawa dito ang karanasan ko noong
ako ay bata pa. Dahil kami ay nakatira sa isang baryo na pulos magkakamag-anak ay madalas na
may sama-sama o pagpupulong na naganap at isa na doon ang pagtatalo ng mga nakatatanda
ukol sa mga pinagdaanan nila noong unang panahon. At sa kanilang pag-uusap ay may
natatanging mga salita na tumatak sa aking isipan at iyon ay ang sinambit ng aking lolo ukol sa
kanyang paniniwala na ang mga banyagang mananakop ang nagimpluwensiya sa atin kaya’t
ganito ang ating kalagayan ngayon; sila ang nagturo sa atin kaya’t naging makulay ang ating
kultura, paniniwala at pamumuhay, kasama na dito ang mga katangian na ating pinapakita
ngayon katulad ng pag-galang. Dagdag pa rito, maraming haka-haka ang naglalabasan ukol sa
ating pinagmulan na siyang nagpagulo ng isip nating mga Pilipino kaya’t nawalan ng konkretong
ideya patungkol sa pinagmulan ng ating lahi.

Para sa pangkalahatang konklusyon, ang dokumentaryo ay tinalakay ang lahi na ating


tunay na pinagmulan at tinawang na “Austronesin” na siyang nagpakita kung bakit mayroong
pagkakatulad ang kultura, pamumuhay, pananalita at paniniwala ng ilang mga karatig bansa; Iisa
lamang ang ating lahi ngunit ito ay nakalimutan na sa panahon ngayon dahil sa mga naganp sa
mga nakalipas na panahon katulad ng pananakop. Dahil sa mga karanasan ko noon at sa
panonood ng dokumentaryon ito, binigyan ako nito ng dahilan na ungkatin at mas alamin ang
ating pinagmulan at manaliksik ukol sa ating kasaysayan dahil mayroon pa din pa lang iilan na
kaalaman na marapat na madiskubre naming mga mag-aaral upang mas maging mulat ang aming
kaisipan sa tunay nating kasaysayan at makatulong sa ating mga kapwa Pilipino na mabuksan din
ang kanilang mga isip sa ating tunay na pinagmulan at maitama ang mga maling akalang
pinaniwalaan.

You might also like