Professional Documents
Culture Documents
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
Pangalan:
Taon, Kurso at Pangkat:
Numero ng Telepono:
Pangalan sa Facebook:
Ang NG ay nagsisilbi ring apng-angkop sa pagitan ng dalawang salita kung ang sinundan nitong salita ay nagtatapos
sa patinig at ang sumusunod na salita ay pangngalan o iba pang bahagi ng pananalita maliban sa pandiwa.
Halimbawa:
Batang babae
Inang mabait
Lalaking duwag
Pang-angkop ang mga salitang may salungguhit sapagkat ang sumunod ay hindi pandiwa.
Nang – Ito ay katagang maaaring gamitin bilang panimula sa pangungusap. Ginagamit din bilang o ‘di kaya’y tagapag-ugnay ng
mga pangungusap sa iba pang pangungusap. Sa ibang pangungusap ipinakikita ang gamit ng NANG kung nasasagot nito ang
tanong na paano ginawa ang siang bagay.
Halimbawa:
1. Ginagamit bilang panimula ng pangungusap.
NANG dumating ang tsunami, walang nagawa ang mga tao kaya’t maraming namatay.
2. Sinasagot ang tanong kung paano ginawa ang siang bagay.
Siya ay natulog NANG pabaluktot kapag malamig ang panahon.
3. Gamit sa hugnayang pangfungusap.
Siya’y nagging matagumpay mula NANG paspusan na ang kanyang pag-aaral.
MAY at MAYROON
May – Ginagamit ang katagang ito sa loob ng pangungusap kung ang salitang sumnod ditto ay bahagi ng pananalita, sa at
mga, maliban sa panghalip na panao. Ang mga katagang ito sa ganang sarili kung nag-iisa ay walang kahulugan ngunit kapag
napasama sa mga salita sa loob ng pangungusap ito’y nagkakaroon ng kahulugan.
Halimbawa:
Ang Pilipinas sa ngayon ay MAY problemang pampamahalaan.
(Pangngalan)
Ang mga magulang ay may matinding suliranin sa mga anak.
(Pang-uri)
May kahapon dumating na dadalo sa seminar.
(Pang-abay)
Mayroon – Katagang kung ginagamit ay sinusundan din ng bahagi ng pananalita. Ang kaibahan lamang sa gamit ng may, bago
isunod ang bahagi ng pananalita may nakasingit na kataga sa pagitan ng MAYROON at ng susunod na bahagi ng pananalita.
Dito na rin maaring gamitin ang panghalip na panao ngunit ‘di mo maaaring gamitin ang mga katagang sa at mga upang
isnuod sa mayroon. Magagamit ding panimulang pangungusap tulad ng may. Sa matalinghagang pahyag, ang mayroon ay
nangangahulugang angking kayamanan o angking ari-arian.
Halimbawa:
1. Ako ba ay mayroon pang pag-asa sa buhay?
2. Mayroon ding lumalakad sa aming bubungan kagabi.
3. Mayroon siyang kinakaibigang ‘di nakikita.
4. Sila ang kinikilalang mayroon sa aming barangay.
KONG AT KUNG
KONG – Ito ay ginagamit kung nagsasad ng pag-aari. Hindi ito maaring gamitin bilang panimula sa pangungusap. Isinasaad din
ang kilos ay ginawa mismo ng katawan.
Halimbawa:
Matagal kong pinagmasdan ang kanyang mukhang nakaaamo.
KUNG – Ito ay maaring gamitin na panimula ng pangungusap. Sa diwa ng pangungusap ito ay nagsasaad ng pag-aalinlangan o
pasubali. Ang katagang ito ay ikinilos ng katawan ngunit sa ingles ang katumbas ay “IF”. GInagamit ding ang KUNG sa
hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Kung wqala kang magandang sasabihin sa kapwa huwag ka na lamang magsalita.
RAW at DAW
Ito’y dalawang katagang maibibilang sa ponemang malayang nagkakapalitan dahil bagamat magkaibang titik sa parehong
posisyon taglay naman nila ang parehong kahulugan. Parehong tumutukoy sa diwang walang kasiguraduhan.
RAW – Ito ang ginagamit kung ang salitang sinundan ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na W at Y. Nagpapaphiwatig
ito ng kahulugang walang katiyakan.
Halimbawa:
Ang tao RAW ang pinakamatalinong hayop sa buong mundo.
Ikaw raw ang nagnakaw ng aking puso.
Bahay raw naming ang matatamaan ng bagyo.
DAW – Ito ay ginagamit tulad ng raw kung ang diwa ng pangungusap ay nagsasaad ng walang katiyakan. Sa loob ng
pangungusap ginagamit ito kung ang sinundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa Y at W at mga salitang nagtatapos
sa pantig na RI/RIW at RA/RAW.
Halimbawa:
Ayon sa mga dalubwika, umunlad man ang globalisasyon, m,ay katiyakan DAW na ang Pilipinas ay ‘di maiiwan.
IWAN at EWAN
Halimbawa ang mga ito ng pares minimal dahil bagamat halos magkasintunog at may magkaibang titik sa parehong posisyon,
sila rin ay may magkaibang kahulugan.
IWAN – Nangangahulugan ito ng paglisan o pag-alis ng isang tao sa isang lugar mlayo man o malapit.
Halimbawa:
- Iwan mo siya kung kinakailangan.
EWAN – Maaaring mangangahulugan ng isang ekspresyon na may pahiwatig ng pagkainis.
Halimbawa:
- Ay! Ewan.
SARI-SARI – Ginigitlingan ang salitang ito kung ginagamit sa loob ng pangungusap bilang pang-uri. Ika nga’y kung inilalarawan
nito ang isang bagay.
Halimbawa:
Ang itinayo ni nanay nang mag-retire ay isang sari-sari store.
SARISARI – Ang salitang ito ay hindi ginigitlingan kung ang tinutukoy mismo ay pangalan o mga bagay-bagay na iba-ibang
klase.
Halimbawa:
Sa palengke ako bumili ng sarisari para sa ihahanda naming sa Peñafrancia Fiesta.
2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino na pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino ( Parsyal lamang ito sa mga inilabas /
iminumungkahi ng KWF )
Tamang baybay ng mga salita kung gagamitin sa panulat.
SINO-SINO Hindi na SINU-SINO
PITO-PITO Hindi na PITU-PITO
BUTO-BUTO Hindi na BUTU-BUTO
Mga salitang nagtatapos sa E na inuulit at nilalagyan ng NG.
KARNENG-KARNE
BERDENG-BERDE
SWERTENG-SWERTE
Mga salitang nagtapos sa panitinig E at nilalagyan o dinudugtungan ng panlaping HAN/HIN.
SINE – SINEHAN
BOTE – BOTEHAN
ONSE – ONSEHAN
BASE – BASEHAN
Mga salitang nagtatapos sa patinig E ngunit nagiging I kapag idinudugtong ang panlaping HAN/HIN.
KORTE – KORTIHAN
ATAKE – ATAKIHIN
Kung ang salitan ay nagtatapos sa tunog O at dudugtungan ng Panlaping IN/AN. Ang O ay nagiging U.
BALOT – BALUTAN
HINTO – HINTUAN
Iba pang pagbabago sa baysaby ng salita.
BABAE – Hindi na BABAI
SAMPU – Hindi SAMPO na tulad noon
POLITIKA – Hindi PULITIKA
BUHOS – Hindi BUHUS
OPISINA – Hindi UPISINA
KORYENTE – Hindi KURYENTE
TRADISYONAL – Hindi TRADISYUNAL
TORNILYO – Hindi TURNILYO
IMAHE – Hindi IMAGE
DAYALOGO – Para sa DIALOGUE
PRAYORIDAD – Para sa PRIORITY
Sanggunian:
-Filipino 3.Ang Masining na Pagpapahayag (Retorika) ni Merlinda Cueto – Cantre , Reynaldo J. Cruz. LEOMAR
PUBLISHING
“Bawal ipaskil kahit saang sosyal midya akawnt ang kahit anong bahagi ng modyul na ito”