You are on page 1of 11

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

FILIPINO 1
(IKASIYAM – IKASAMPUNG LINGGO)

 INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pagsasanay ng paggamit ng estruktura at gamit ng Wikang Filipino sa
pagtuturo sa elementarya. Sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa lebel ng ponolohiya,
morpolohiya, semantics at sintaks.

TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?


Ikalawang Bahagi: Makrong Kasanayan para sa Komunikasyong Global

 Kasanayan sa Pagsasalita

 INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO


Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:

Kognitibo Nabibigyang-pansin ang mga mahahalagang kaalaman na nakapaloob sa kasanayan sa pagsasalita.


Apektibo Naisasabuhay ang mga aral tungkol sa mga pamamaraan upang maging mabisang tagapagsalita.
Nakabubuo ng isang talumpati na nagpapakita ng pagiging mahusay na tagapagsalita batay sa
Psychomotor
paksang tinalakay o napakinggan.

 PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Ibigay ang sariling kaalaman batay sa kahulugan at kahalagahan ng pakikinig sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng bawat indibidwal.

 Kahulugan ng Pagsasalita
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

 Kahalagahan ng Pagsasalita
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
 MGA ARALIN SA PAGKATUTO
KASANAYAN SA PAGSASALITA

 KAHULUGAN NG PAGSASALITA
 Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas
 Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan
ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
 Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang
wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.

Ang isang taong epektib na magsalitasa harap ng pangkat ng tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng
ibang tao. Samakatuwid, ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng ibang
tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan. Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguang maipahayag
ang sarili nang epektibo ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap ng isang tao.

 MGA PINUNO NA MAHUSAY SA PAGSASALITA


 Abraham Lincoln
- Dating pangulo ng Estados Unidos, ay natanyag at nagiwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan
hindi lamang sa Amerika kundi maging sa buong mundo. Hindi mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang
pormal na edukasyon at siya’y mahirap na mamamayan lamang. Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa
kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko
- Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng
pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya. Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang
kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na
talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.

 Franklin Delano Roosevelt


- Nanatali sa White House nang apat na sunud-sunod na termino mula 1923-1945. Nilinang niya ang kanyang
kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain
ng pagsasalita. Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan. Maging ang kanyang mga
kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kanyang impluwensya
sa kanyang tagapakinig.

 John F. Kennedy
- Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng ipinalabas ng
mga programang pantelebisyon. Dahil sa Kanyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing
halalalan.

“Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa isang tao”.
“Ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong pagbabago hindi lamang sa iyong
personalidad kundi maging sa iyong buhay”.

 MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA


“Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang
impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon”.
a. Kaalaman
- “Upang maging isang epektib na tagapagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang
bagay.”
1. Kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan
2. Kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika
3. Kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling
kultura at kultura ng iyong kausap.
b. Kasanayan
- “Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan kung kaya’t ito ay isang kasanayang maaaring
linangin.”
1. Kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. (May mga
sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.)
2. Kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig,
tindig, kumpas at iba pang anyong di- berbal.
3. Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad ng
pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.
c. Tiwala sa Sarili
- Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.
- Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko. Mahihirapan
silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe.
- Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga
tagapakinig.

 MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA


“Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y
sakakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng
kanyang tagapakinig sakanya”.
Ngunit paano nga ba maging isang mahusay na tagapagsalita? Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng
kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita.
a. Tinig
- Pinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita. Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit
talagang pakinggan. May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig. Ano mang lakas o hina
ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang
nagsasalita.
- Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig na mabagal, may himig na pataas at mayroon ding pababa. Katulad
ng lakas kailangan ang himig ay angkop din.
b. Bigkas
- Napakahalang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangan ito ay mataas at malinaw sa
pagbigkas ng mga salita. Ang maling pagbigkas ay maaaring magdulot ng maling interpretastyon para sa mga
tagapakinig. Lalo na’t ang ating wika ay napakaraming Homonimo. Maaari din maging katawa tawa ang salita
kung mali ang pagbibigkas dito.
- Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin o stress sa mga salita at sa paghinto at
paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.
c. Tindig
- Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may magandang tindig. Kinakailangang may
tikas mula ulo hanggang paa. Hindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y parang
nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin. Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugud-lugod
hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig. Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin
upang siya’y maging higit na mapanghikayat.
d. Kumpas
- Kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang
tood o robot. Ngunit ang paglumpas ay kinakailangan maging angkop sa diwa o salitang binabanggit. Tandaan
na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan.
- Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng
kumpas. Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas. Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang
kulang o alanganing kumpas ng kamay.
e. Kilos
- Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw. Mga mata, balikat, paa, at ulo. –ang
pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita. Isang halimbawa ay ang labis na
paggalaw ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap.
- Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng
paningin ay maaaring makatulong sa kanya.
- Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay hindi angkop kagaya ng pagtango o pagiling ay maaaring
makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nagsasalit. Ang labis na paggalaw o paglalakas naman ay
pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.

 TAKOT SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA


Lahat ng tao ay may kinatatakutan. Ang iba’y takot sa dilim, ay mga takot naman sa matataas na lugar. May ibang
takot sa pagsakay ng eroplano o barko. May mga tao din na takot sa insekto. Minsang sinabi ng dating Pangulo ng
Amerika na si Franklin D. Roosevelt na “walang dapat katakutan kundi ang takot mismo”.
Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, at hindi ang pagtalikod dito. Ang
takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na “XENOPHOBIA” o “STAGE FRIGHT” . Ito ang takot na
mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.

Manipestasyon ng “Stage Fright”


- Panginginig ng kamay. Pangangatog ng tuhod. Kawalan ng ganang kumain. Pananakit ng tiyan. Di-pagkatulog.
Pananakit ng ulo. Pagkautal. Pagkalimot ng sasabihin. Paninigas ng pagkakatayo. Kawalan ng panuunan ng
paningin. Biglang pagbilis ng pulso. Mataas na presyon ng dugo.

Iba’t ibang dahilan ng “Stage Fright”


a. Takot sa malaki at di-pailyar na madlang tagapakinig.
b. Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.
c. Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng kabataan, kapayatan, di kaaya ayang
mukha o kulay o di magandang postyur.
d. Kakulangan o kawalan ng kahandaan
e. Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

Ngunit kailangan ng bawat tagapagsalita ang tensyon. Ito kasi ang magtritriger sa katawan ng lumikha ng adrenalin
upang magtulak ng isang indibidwal na mag- perporm ng higit na mabuti. Nagagawa ng isang matalinong tagapagsalita
na maging positibo ang tensyon at hindi negatibo. Ngunit kung labis ang takot, hindi na ito magiging produktibo.
Samakatwid, kailangan itong kontrolin.

Mungkahi kung paano maaayos ang “Stage Fright”


a. Magkaroon ng positibong atityud. Isiping kayang mong magsalita sa harap ng madla. Isiping di ka nagiisa.
b. Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
c. Tanggapin mo ang iyong sarili, iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong mga kasalanan at hahinaan, ang iyong
mga kagandahan at kapintasan.
d. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.
e. Harapin ang takot, huwag mong takasan.
f. Magpraktiska ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa pagharap sa
malalaking madla.
g. Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.
h. Magbihis ng naayon sa okasyon.
i. Mag-imbak ng maraming kaalaman.
j. Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at mga taga pakinig.
k. Magdasal. Humingi ka ng lakas ng loob at dunong sa Poong Maykapal.

 ANG TALUMPATI BILANG ISANG KASANAYAN SA PAGSASALITA


Ang talumpati ay masining na pakikipagtalastasang pampubliko na nagpapaliwanag ng isang mahalagang paksa. Ito
rin ay isang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado. Binigkas ito sa harap ng publiko. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.
Layunin sa pagtatalumpati ay ang mga sumusunod:
 Magbigay ng mga kaalaman o impormasyon hinggil sa isang usapin o isyu
 Magbigay ng kasiyahan sa mga Publiko
 Manghimok o manghikayat

 IBA’T IBANG ANYO NG TALUMPATI


a. Talumpating Pabasa (Read Speech)
- Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-
oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan.
b. Talumpating Ekstemporanyo o Daglian (Extemporaneous Speech)
- Ang nagtatalumpati ay naghahahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Inihahanda niya ang panimula at
pangwakas ng kangyang talumpati, at saka niya nilalagyan ng laman sa kanyang isip ang kabuuan ng kanyang
sasabihin.
- Ayon kay James M. Copeland, ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng extempore sa isang
kompetisyon ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkas. Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng
pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan.
- Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati. Sa ibang paligsahan, ang
mananalumpati ay tinatanggal kung lumalampas o kaya’y kulangin sa oras. Samakatwid, ang pagpili ng
materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at kongklusyon ay apektado sa itinakdang oras
- Ang ikatlong konsiderasyon ay pag-uulit ng paksa. Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga
tagapagsalita ng iba’t ibang pagtalakay tungkol sa magkaparehong paksa.
c. Talumpating Pasaulo (Memorize Speech)
- Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati. Samakatwid, may paghahanda
na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang
talumpati.
d. Talumpating Walang Paghahanda (Impromptu)
- Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda ang nagsasalita at naaayon lamang
sa kanyang kaalaman o kabatiran. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.

 MGA URI NG TALUMPATI


May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala,
pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.
a. Talumpating Pampalibang
- Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay
binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.
b. Talumpating Nagpapakilala
- Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay
kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa
husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
c. Talumpating Pangkabatiran
- Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para
lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.
d. Talumpating Nagbibigay-galang
- Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o aalis.
e. Talumpating Nagpaparangal
- Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa
mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.
o Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan
o Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
o Pamamaalam sa isang yumao
o Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

 BAHAGI NG TALUMPATI
a. Simula
- Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha sa simula pa lang ang
atensyon ng tagapakinig.
- Maaaring simulan ang talumpati sa pamamagitan ng pagtatanong, pagsipi ng mahahalagang pahayag mula sa
mga kilalang tao, maikling pagsasalaysay ng sariling karanasan at obserbasyon, at iba pa.
b. Katawan o Gitna
- Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.
- Itinuturing na pinakakaluluwa ng talumpati sapagkat naglalaman ito ng mahahalagang kaisipan tungkol sa
paksa. Ito rin ang nagbibigay liwanag sa mga kaisipan at nagbibigay ng katwiran tungkol sa mga kaisipang
nabanggit.
c. Katapusan o Wakas
- Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang pinakamalakas na katibayan,
katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

 PAANO GUMAWA NG TALUMPATI?


Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.
1. Pumili ng magandang paksa.
2. Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling paksa. Pwedeng mga
dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
3. Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at katapusan.
4. Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at pansariling
kapakinabangan.
5. Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon ng “sense of
humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig.

 GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sasagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim
ang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain

Gawain. IBAHAGI ANG KAALAMAN.


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano mo masasabi na magaling na tagapagsalita ang isang tao?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________ .

2. Magbigay ng limang elementong na sa palagay mo ay nagiging hadlang sa mabisang


pagsasalita.

1.
2.
3.
4.
5.

 PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
KASANAYAN SA PAGSASALITA

 KAHULUGAN NG PAGSASALITA
 Kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas
 Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan
ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
 Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang
wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.

 MGA PINUNO NA MAHUSAY SA PAGSASALITA


 Abraham Lincoln
 Franklin Delano Roosevelt
 John F. Kennedy

 MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA


“Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang
impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon”.

a. Kaalaman
b. Kasanayan
c. Tiwala sa Sarili

 MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA


“Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y
sakakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng
kanyang tagapakinig sakanya”.
a. Tinig
b. Bigkas
c. Tindig
d. Kumpas
e. Kilos

 TAKOT SA PAGSASALITA SA HARAP NG MADLA


Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, at hindi ang pagtalikod dito. Ang
takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na “XENOPHOBIA” o “STAGE FRIGHT” . Ito ang takot na
mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.

Manipestasyon ng “Stage Fright”


- Panginginig ng kamay. Pangangatog ng tuhod. Kawalan ng ganang kumain. Pananakit ng tiyan. Di-pagkatulog.
Pananakit ng ulo. Pagkautal. Pagkalimot ng sasabihin. Paninigas ng pagkakatayo. Kawalan ng panuunan ng
paningin. Biglang pagbilis ng pulso. Mataas na presyon ng dugo.

 ANG TALUMPATI BILANG ISANG KASANAYAN SA PAGSASALITA


Ito rin ay isang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap
ng publiko o grupo ng mga tao.
Layunin sa pagtatalumpati ay ang mga sumusunod:
 Magbigay ng mga kaalaman o impormasyon hinggil sa isang usapin o isyu
 Magbigay ng kasiyahan sa mga Publiko
 Manghimok o manghikayat

 IBA’T IBANG ANYO NG TALUMPATI


a. Talumpating Pabasa (Read Speech)
b. Talumpating Ekstemporanyo o Daglian (Extemporaneous Speech)
c. Talumpating Pasaulo (Memorize Speech)
d. Talumpating Walang Paghahanda (Impromptu)
 MGA URI NG TALUMPATI
a. Talumpating Pampalibang
b. Talumpating Nagpapakilala
c. Talumpating Pangkabatiran
d. Talumpating Nagbibigay-galang
e. Talumpating Nagpaparangal

b. Konklusyon at Repleksyon

ISIP, DAMDAMIN at ASAL


Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod:
(15 puntos)
Ano ang Ano ang iyong Ano ang aral na
natutunan? naramdaman? napulot?

 PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Magsaliksik ng isang napiling paksa sa pagtatalumpati at bumuo ng video na nagsasaalang-alang ng
mga katangian ng isang mahusay na tagapagsalita.

PAMATAYAN SA PAGMAMARKA

5 - napakahusay 3 - katamtaman ang husay 1 - hindi mahusay


4 - mahusay 2 - kulang sa kahusayan

1 2 3 4 5
a. Pagsisimula at Pagwawakas __ __ __ __ __
b. Lohika at Pagsasaayos ng Nilalaman __ __ __ __ __
c. Pagbibigay diin/Empasis __ __ __ __ __
d. Kaangkupan at lakas ng tinig __ __ __ __ __
e. Kalinawan at Kawastuhan ng Bigkas __ __ __ __ __
f. Kaangkupan ng Kilos at Kumpas __ __ __ __ __
g. Tindig at Postyur __ __ __ __ __
h. Anyo ng Kasuotan __ __ __ __ __
i. Panuunan ng Paningin __ __ __ __ __
j. Tiwala sa Sarili __ __ __ __ __

Kabuuang Marka:

Kabuuang Puntos: ______ x 2 =


 TAKDANG-ARALIN / MGA BABASAHIN:
Magsaliksik at Pag-aralan ang tungkol sa Kasanayan sa Pagbasa.

SANGGUNIAN:

 Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore

 Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.

 Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.

 https://www.slideshare.net/iloveyouhtac/pagsasalita

You might also like