You are on page 1of 8

FIL101A WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN

WIKA AT KULTURA

Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan,
ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang karunungan, sining,
literatura, paniniwala at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang
pamayanan. Ang wika at kultura ay magkasalikop, magkakambal, magkahugpong, o
magkabuhol. Ayon kay Salazar (1996), ang wika ang bukod-tanging pagtanaw at
pagsasaayos ng realidad upang ang isang kultura ay umiral at magkaroon ng kakayahang
gumawa at lumikha. Ibig sabihin, sinasalamin ng wika ang mga mithiin at lunggatiin,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad,
paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.

Ang kultura at wika, samakatuwid, ng isang pamayanan ay dalawang bagay na hindi


maaaring paghiwalayin. Ibig sabihin, hindi magiging buo ang wika kung walang kulturang
kaakibat maging ang kultura ay hindi maipapasa kung wala ang wika. Ika nga ni Salazar,
“wika ang impukan-kuhaan ng isang kultura. Ito ang batis-ipunan at salukan ng kaisipan ng
isang kultura.

KULTURA

Ang salitang kultura ay katumbas ng salitang “kalinangan” na may salitang-ugat na


linang (cultivate) at linangin (to develop/to cultivate). Kaya ang kalinangan o kultura ay
siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain ng tao (Timbreza, 2008).
Ito ang dahilan kung bakit may iba’t ibang ginagalawang reyalidad ang bawat pangkat ng tao.
Mapapansing mayroong mga pananaw at paniniwala na tanggap ng iba ngunit ipinagbabawal
o taboo naman sa ibang pangkat. Sa madaling sabi, ang kultura ay ang kabuuang paraan ng
pamumuhay na sinusunod ng tao at siyang humuhubog din sa kanilang pagkakakilanlan
bilang mga mamamayan ng lipunan.

Ayon din sa mga Antropolohista, ang kultura ay lahat ng natututunang beheybyur at


resulta kung papaano pinahahalagahan ng tao ang mga natutunan niya na tinatawag na
cognition- ang pagkaalam sa lahat ng bagay na nagbigay patnubay sa tao sa pagkilala niya sa
kapaligiran at sa ibang tao. Halimbawa, ang isang punong-kahoy ay likas na yaman ng bansa
na nagbibigay lilim o maaaring gawing gusali/ bahay, gamit ng bahay (aparador, upuan at iba
pa), ngunit sa mga Tiruray sa Cotabato at Negrito sa Zambales ito ay isang buhay na bagay
na may ispiritu at kinikilala nilang nagbibigay ng lahat ng kanilang pangangailangan na
parang Diyos ang mga ito. Ang kaibahang ito ay sa paniniwala/ prinsipyo sa isang bagay
dahil sa kulturang nakagisnan nila.

Mga depinisyon ng kultura mula sa iba’t ibang personalidad:

EDWARD BURNETT TYLOR (Ama ng Antropolohiya)

- Ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat


kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/ valyu, kaugalian ng tao bilang
miyembro ng isang lipunan. Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon
sa paniniwala ng iba ngunit ito ay naglalaman ng mga valyu at alituntunin sa
lugar na tinitirhan, ng ating mga ideya na mabubuti o masasama, ng ating
wika, relihiyon at iba pa.

LESLIE A. WHITE

- Ang kultura ay isang organisasyong penomena na sumasaklaw sa aksiyon (paraan ng


pag-uugali), bagay (kagamitan), at iba pang kasangkapan, ideya (paniniwala at
kaalaman), at sentiment (karakter o valyu).

HUDSON (1980)

- Ang kultura ay isang kaalamang napapagtagumpayan sa loob ng lipunan.

TIMBREZA (2008)

- Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang hulwaran ng pag-
uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi o mga
tao.

SALAZAR (1996)

- Wika ang daluyan ng kultura at ng pagsasakultura.

PETRAS (2011)

- Walang wikang mabubuhay kung hindi nakapanig sa kultura ng lipunan at walang


kulturang mananatili o tatagal sa alaala kung hindi ito maipapahayag sa wika ng mga
mamamayan.

KATANGIAN NG KULTURA

1. Natututunan (learned)
Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya inaalagan,
pinakakain, pinaliliguan, pinapadamit at atbp. ay isang proseso ng kulturang
natutunan na nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya.
ang prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa pakikihalubilo ng tao sa
kanyang pamilya at sa ibang kulturang.

Dalawang Proseso ng pakikihalubilo ng tao sa lipunan:


o Socialization
Isang proseso na kung saan natututunan natin ang mga kaugalian, pamantayan,
valyu, at mga katungkulan sa lipunan mula pagkasilang natin hanggang sa
kamatayan. Nakatuon ito sa pagtamo ng kaalaman, wika, valyu, at pag-uugali
ng isang lipunan.
o Enculturation
Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging
bahagi ng kulturang iyon. Nakapokus ang enculturation sa pagtamo ng mga
kultural na katangian.

Sa madaling pagkakaunawa, ang socialization ay tumutukoy sa kabuuang


proseso ng pagtamo natin ng kultura habang ang enculturation ay tumutukoy
sa proseso ng socialization sa isang partikular na kultura.

2. Ibinabahagi / shared
Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang
pagkakakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para
mamuhay nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay
na pakikisalamuha niya sa kanyang kapwa.

3. Naaadap/ adaptation
Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao sa likas
o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eskimo ay nakatira sa isang
napakalamig, may snow at yelong lugar. Sila ay nabubuhay nang normal sa ganitong
kalamigan ng kapaligiran samantalang ang ganitong sitwasyon ay imposible sa mga
Pilipino na sanay naman sa mainit at katamtamang lamig ng panahon. Ang kulturang
urban ay iba naman a rural dahil din sa resorses na nasa kapaligiran nila. Ang kultura
ng isang depres na lugar ay iba sa kultura ng may kapangyarihan at mayayamang
lugar. Kaya ang isang sanay na sa buhay-mayaman ay nahihirapan sa buhay- mahirap
at ang isang sanay na sa buhay- mahirap ay nakikilala talaga kahit pa punuin ang
katawan niya ng maraming alahas.

4. Dinamiko o buhay
Tulad ng wika may mga kultura na mabilis ang pagbabago at mayroon din namang
hindi nagbabago o mabagal ang pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa
istilo ng pananalita, istilo ng buhok/ gupit, atbp. ang teknolohiya ay nakapagdudulot
ng malaking pagbabago sa kultura. Ang halimbawa nito ay ang pag-unlad sa
komunikasyon dahil sa celfon, kompyuter at iba pang kagamitan.

MANIFESTASYON NG KULTURA
Ang kultura ay naipapakita sa maraming paraan sa pamamagitan ng
panlipunang institusyon, karanasan sa pamumuhay at ang katuparan ng
indibidwal sa sikolohikal at pangunahing na pangangailangan niya. Sa
araw-araw nating pamumuhay ay nasisinag ang ilang manifestasyon ng
kultura:

VALYU
Tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin. Ito’y
naiimpluwensiyahan ng prestige (kapangyarihan), istatus, pride, family loyalty, love
of country, religious belief and honor.
Ang status symbol ay magkakaiba sa iba’t ibang kultura. Halimbawa, sa
Amerika ang pagkakaroon ng maraming kapritso/ props sa sarili at materyal na pag-
aari ay iginagalang.
Ang moralidad at imoralidad, ang pagbibigay ng kaparusahan at gantimpala,
ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan ay mapapag-alaman sa sistema ng
pagbibigay-kahalagahan sa valyu ng isang kultura. Sa sulat na ipinadala ni Dr. Jose
Rizal sa kanyang nakababatang kapatid na si Trinidad (March 1, 1888) inilarawan
niya ang mga German na ganito, kung ikaw ay nasa isang pagtitipon kailangan kang
magpakilala ng sarili lalo na sa nagdaraos mismo ng pagtitipon dahil para sa kanila
hindi magandang ugali sa isang bisita ang manahimik at maghintay sa iba para
magpakilala sa kanya. Sa mga kababaihan naman, ang mga babaeng Aleman ay hindi
partikular sa magagandang damit o kasuotan at mga palamuti o mamahaling alahas,
ngunit partikular sila sa edukasyon.
Ang pagmamano ng kamay ng mga Pilipino sa mga nakatatanda sa kanila lalo
na sa kanilang mga magulang ay palatandaan ng paggalang na hindi nakikita sa ibang
banyagang kultura. Ang pagsasabi ng “po” sa mga tagalog at “manang” o “manong”
sa mga Visayan ay isang kahanga-hangang valyu na tanda pa rin ng paggalang.

DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
Ang kahulugan ng aksyon at ekspresyon ay naglalarawan ng konteksto ng
kultura ang pakikipagkamay, pagsaludo, o paghalik sa bibig sa harapan ng maraming
tao na walang malisya ay nagpapakita ng pagkakaiba ng kultura. Ang kultura ay
makikita rin sa paraan ng paglakad, pag-upo, pagkilos at maging
sa pagsayaw. Tandaan na may mga kilos at galaw na maaring
nakasanayan na ngunit maaari rin namang hindi katanggap-tangap sa
iba lalo na sa ibang kultura.
Ang pagkrus ng mga Kristiyano ay palatandaan ng pagiging Kristiyano
niya samantalang ang paghaplos ng dalawang kamay sa mukha kung
nagdarasal ay palatandaan naman ng pagiging Muslim. Ang di-berbal na
komunikasyon ay refleksyon ng kultura at nagbibigay ng espesyal na kaibahan upang
madaling makilala ang iba-ibang kultura. May mga tunog at kombinasyon na
ginagamit ang wika na siyang pagkakakilanlan ng ibang kultura. Halimbawa ay ang
malambing na tono ng mga Ilonggo kung nagsasalita at ang parang nagagalit naman
na pagsasalita ng mga Maranao. Ang kahirapan s pagkatuto ng wika ng iba ay dahil
hindi ito bahagi ng ating kinagasnang kultura.

KOMPONENTS NG KULTURA
 Materyal na kultura
Mga bagay ito na nilikha at ginagamit na tao. Ito ay mga materyal na
bagay na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pang-araw-araw tulad ng
kasangkapan, utensils, muwebles at pananamit hanggang sa malalaking bagay
tulad ng arkitektural na disenyo, automobils, engines at iba pa. halimbawa,
ang brass pot ay ginagamit sa pagluluto sa ibang kultura, samantalang ito ay
pangdekorasyon lamang sa ibang kultura. Ang kompyuter ay isang
mahalagang kagamitan sa kasalukuyan lalo na sa kultura natin ngayon, ngunit
sa ibang kultura naman ito ay walang kabuluhang bagay. Kaya, ang
kamalayan natin sa mga bagay-bagay lalo na sa uri at gamit nito ay
nagdudulot sa atin ng malawak na pag-unawa sa kultura at lipunan ng ibang
grupo.

 Di-materyal na kultura
Bahagi ito ng kultura na kinapapalooban ng mga konsepto o kaisipan
na ipinapasa-pasa bawat henerasyon na siyang bumubuo sa pangkalahatang
kultura ng isang lipunan.
o Norms – tumutukoy ito sa mga tuntunin o ekspektasyon ng pag-uugali
at pagiisip na base sa ibinabahaging paniniwala sa loob ng isang
partikular na pangkat. Bagaman kadalasan hindi ito binabanggit sa
publiko, ang mga norms ang nagsisilbing panlipunang pamantayan sa
kung ano ang mga angkop at di-angkop maging ang tanggap at di-
tanggap na pag-uugali sa isang ginagalawang lipunan.
Halimbawa sa mga norms ng Islam, tanging lalaki lamang ang
maaaring mamuno sa pagsamba at pagdarasal kung nasa pampublikong
lugar na nagkakahalo-halo ang mga tao. Maaari lamang mamuno ang
babae sa kanilang pagdarasal kung sa isang lugar ay mga kapwa niya
babae ang kaniyang kasama.
o Folkways – o mas kilala rin bilang custom o kaugalian. Ito ay
tumutukoy sa pag-uugali na natutuhan at ibinabahagi sa isang lipunan.
Hindi ito nakaayon sa moral na pamantayan ngunit maaari itong
maging basehan ng societal acceptance. Ilang halimbawa ng folkways
ay pag-aayos ng lugar lalo na ang hapag kainan, pagtanggap nang
mahusay sa mga bisita, pagdaramit nang maayos kung may
pupuntahan, pagsisimba, pagsama-sama ng pamilya tuwing linggo,
atbp.
o Mores – tumtukoy ito sa mga pag-uugaling may pamantayang moral.
Ang paglabag sa mga mores ay nakasasama o offensive at maaring
ituring na imoral sa isang kultura. Ang mga paglabag na ito ay
pinaniniwalaang may kapalit na kaparusahan depende kung saang
kultura ito napabibilang.
Halimbawa, ang mga haram na gawain sa Islam gaya ng
pagkain ng baboy at paghawak sa aso ay may kapalit na kaparusahan
sa kanilang kultura pagdating sa kabilang buhay ayon sa kanilang
paniniwala.
o Batas - ara sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang
Ipinagtibay at isinabatas ng isang lokal na awtoridad. Ilang halimbawa:
ang pagpatay, pagnanakaw, pagtawid sa daan na hindi sumusunod sa
batas trapiko ay may kaparusahan. May iba’t ibang batas na nakaayon
sa kultura ng isang pangkat. Halimbawa, sa Pilipinas may dalawa
tayong batas na umiiral, Ang batas ng republika na sinusunod ng
buong bansa at ang Shariah law na ipinapatupad naman sa BARMM.
Mayroon ding mga katutubong batas na makikita at sinusunod sa mga
katutubong tribo.
o Valyu – ito ang mga kaisipan at gawi na itinuturing na mabuti, tama, at
patas na ginagawa sa isang lipunan. Nagkakaiba-iba ang valyu depende
sa kulturang kinabibilangan.
Halimbawa ang mga valyu ng mga Pilipino ay ang pagiging
magiliw sa mga panauhin (hospitable), masipag, mapagbigay,
madasalin, at malaki ang pagpapahalaga sa pamilya.
o Paniniwala – ito ang mga persepsyon o kaalamang ibinabahagi ng
mga tao sa kanilang ginagalawang lipunan. Ito ang mga impormasyong
maaaring likhang isip o may aktwal na basehan na ipinapasa-pasa mula
sa henerasyon sa henerasyon.
o Wika – Ang wika ay dalawang konseptong hindi maipaghihiwalay sa
isa’t isa. Ito ang impukan-kuhanan ng kultura at nagsisilbing tulay sa
pagpapalaganap ng kultura mula noong panahon ng ating mga ninuno
hanggang sa kasalukuyan.
o Technicways – ito ang mga pag-uugaling makikita sa isang lipunan na
dulot ng teknolohikal na pag-unlad. Ito ay tinatawag ding trend na
nagiging parte na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
Halimbawa ang pagkakaroon ng social media account ng halos
lahat ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan kagaya ng facebook,
twitter, tiktok atbp.

KULTURA AT ANG GRUPO


May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat. Anumang
kultura ay:
 Isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng grupo para
mabuhay.
 Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag-adjust o
makibagay sa sitwasyon ng kapaligiran.
 Sa pamamagitan ng pangkaraniwang kultura, nagiging daan ito upang
magkaroon ng interaksyon ang bawat miyembro ng isang pangkat at maiwasan
ang anumang alitan.

PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA


(UNIVERSAL PATTERN OF CULUTRUE)
Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kulturang komon at
makikita sa lahat ng pangkat sa bawat lipunan. Ang Unipormidad na ito ay tinatawag na
universal pattern of culture.
Ang lahat ng ginagawa kaugnay sa wet rice agruculture sa Pilipinas ay
halimbawa ng hulwaran ng kultura. Kumakatawan sa wet rice pattern ang
maraming katangian ng kultura na ginagamit tulad ng paggamit ng kalabaw,
paggamit ng araro, sakahan, espesyal na varayti ng palay, espesyal na paraan ng pagtatanim
at muling pagtatanim.
Ayon kay Goerge W. Wisker, isang amerikanong antropolohista ang lahat ng
tao sa mundo ay sumusunod sa isang universal pattern of culture. Inilahad niya na lahat tayo
ay may:
 Sariling wika at pananalita
 Materyal na kultura (pagkain, tahanan, pananamit, kagamitan, trabaho, industriya,
atbp.)
 Mitolohiya at makaagham na kaalaman
 Sining
 Paniniwala at kaugaliang nakabase sa relihiyon
 Pamilya at sistemang panlipunan
 Kaarian
 Pamahalaan
 Digmaan

Bagaman lahat ng kultura ay nagbabahagian ng pangkalahatang gawi na natalakay ni


Winsker, ang ekspresyon ng kahit anumang unibersal na kulturang ito ay maaaring magbago
paminsan-minsan dulot na rin ng pagiging dinamiko nito. Bawat henerasyon ay nagkakaroon
ng pagbabago dahil sa mga umuusbong na bagong kaalaman at inobasyon na ginagawa ng
mga tao dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa kultura ng isang pangkat.

MGA ALTERNATIBO NG KULTURA

Ang bawat lipunan ay may kaugaliang sinusunod at mayroon din namang maaaring
hindi sinusunod na tinatswag na alternatibo. Maaaring mamili ng kung ano ang sa palagay ng
bawat isa ay nakapagdudulot sa kanya ng kabutihan at kasiyahan. Halimbawa, maaaring
mamili ang kahit sino kung anong relihiyon ang gusto niya; sa pagbiyahe ay pwede siyang
sumakay sa bus, dyip, tren, eroplano, helikopter, barko, kalesa, bangka o motorsiklo.

Pwedeng kumain sa restawran, sa bahay, sa may tabing-dagat o kahit saan. Maaaring


mag-asawa at maaaring hindi. Sa pagpapakasal maaaring sa pari, huwes, pastor at maging sa
mayor. May lipunan na tanggap ang pag-aasawa ng marami at tanggap ang diborsyo,
samantalang may lipunan naman na hindi tanggap ang mga ito. May lipunan ding sang-ayon
sa mercy killing at aborsiyon at mayroon ding tumitingin sa mga ito bilang napakabigat na
kasalanan sa batas at lalo na sa Diyos.

PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING KULTURA AT KULTURA NG IBA

Ang pagpapahalaga ng isang tao sa sariling kultura at sa kultura ng iba ay maaari


niyang ibatay sa mga sumusunod:

 Noble savage – ito ang kaisipan na tumutukoy sa isang tao na kabilang sa isang di
sibilisadong grupo na itinuturing bilang mas marangal pa kesa sa mga taong nakatira
at napabilang sa isang sibilisasyon. Ang konseptong ito ay may partikular na may
kaugnayan sa pilosopong si Jean-Jacques Rousseau.
 Ethnocentrism – paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at nakahihigit
sa ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin ng iba.
 Cultural relativity - Pag-unawa ito sa ibang kultura. Dito, tinitingnan nang pantay-
pantay ang lahat ng kultura, walang superyor at imperyor. Kabaligtran ito sa
ethnocentrism.
 Xenocentrism – tumutukoy ito sa kagustuhan ng isang tao na maging bahagi o
tangkilikin ang mga elemento ng kultura ng ibang lahi kaysa sa sariling kulutra.

KULTURAL NA KATANGIAN NG IBANG TAO


 Monochronic – bahagi ito ng kultura ng isang tao na naniniwala sa paisa-isang
pagtapos sa trabaho. Sa kanilang time culture, mahalaga ang oras kung kaya hindi
dapat ito inaaksaya at ang paggawa ng paisa-isang trabaho bawat oras ay mas
epektibo sa pamamahala sa oras.
 Polychronic - Sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain
nang sabay-sabay. Naniniwala ang mga polychronic na indibidwal na mas
mabibigyan nila ng pagpapahalaga ang oras kung sabay-sabay nilang nagagawa ang
isang trabaho na hindi naapektuhan ang kanilang natural na ritmo.

KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KAY HOFSTEDE AT TRIANDS


HOFSTEDE (1987)
1. Individualist - Sarili lang ang iniisp at mahalaga para sa isang tao. Wala siyang
pakialam sa damdamin ng iba. Prangka kung magsalita at wala siyang pakialam sa
nararamdaman ng iba
2. Collectivist - niisip ng isang tao ang kapakanan at pag-uunawaan ng lahat. Mahalaga
sa kanya ang damdamin ng iba.

TRIANDS (1990)

1. Allocentric – isa itong personalidad na katangiang nakaayon sa paniniwalang


collectivist na kung saan ang atensyon ng isang tao ay nakasentro sa iba kaysa sa
kaniyang sarili.
2. Idiocentric- isa itong personalidad na katangiang nakaayon sa paniniwalang
individualist na kung saan nakasentro ang kanilang atensyon sa kanilang sarili.

You might also like