You are on page 1of 11

MGA NAPAPANAHONG

ISYUNG LOKAL AT
NASYONAL
(Pangalawang Bahagi)

CHRISTEL DINGAL, LPT


GLOBALISASYON
• Ito ay tumutukoy sa proseso ng malayang pagpapalitan ng mga produkto, kultura,
at kaalaman ng mga bansa.
• PROWEBA ng GLOBALISASYON SA PILIPINAS
• Mga produktong galing sa ibang bansa gaya ng Samsung, Coke, Colgate at iba pa
• Mga produkto ng Pilipinas na ginagamit sa ibang bansa gaya ng patis sa Thailand at dinuguan
sa New York.
• Mga damit gaya ng Uniqlo na galing sa China
• Madaliang pagdownload na mga pelikula mula sa ibang bansa
• AT MARAMING PANG IBA
Alamat ng Globalisasyon
• Nagsimula noong Imperyong Roman, Persian, Greek at Tsino sa pamamagitang ng
pagpalitan ng produkto.
• General Agreement on Tariffs and Trade (GATT)
• Nilagdaan ng maraming bansa para sa modernong porma ng globalisasyon
• Tinawag na itong World Trade Organization noong 2014
• Sa pamamagitan nito, may restriksyon at limitasyon ang malayang kalakalan
• Sa kasalukuyan, tinawag na itong GATT-WHO
• World Bank at International Monetary Fund (IMF)
• Ito ay para sa globalisasyong ekonomiko
• Nagpapautang ng salapi para sa mga bansang nahihirap
• United Nations (UN)
• Ito ay para sa globalisasyong political
• Ang UN ang tanda ng pangako ng kapayapaan at pakikiisa ng daigdig pagkatapos ng 2 nd World
War
• Ang UN ay kumikilos bilang isang General Assembly
• Ang General Assembly ay binubuo ng mga kasapi ng UN at Security Council (China, U.S,
United Kingdom, France at Russia)
• UN General Assembly (UNGA) ay nagpupulong kada taon tuwing Setyembre para sa mga
mahahalagang usapin.
• Kabilang sa ahensyang pandaigdig ang UNESCO, ILO, FAO at WHO kung saan pinagbubuti
nito ang antas ng edukasyon, pamumuhay at kalusugan.
Mga Isyung Politikal
• Mga Porma ng Korapsyon
• Overpricing
• Malversation- paggamit ng pondo ng gobyerno na hindi awtorisado
• Pagbili ng Substandard na materyales sa regular na presyo
• Pekeng Proyekto ng mga politiko kagaya ng pagtayo ng nga NGO
• Pagtanggap ng suhol mula sa indibidwal/korporasyon para maimpluwensyahan ang
desisyon ng tao o gobyerno
• Ugat ng Korapsyon- nagsimula ito sa panahon ng mga Espanyol
• Paninigil ng buwis at kapag hindi aabot sa quota ay kukumpiskahin ang mga ari-arian
• Tinataasan ang paniningil ng buwis kapag lagpas na ito sa itinakdang panahon
• Kwestyonableng transaksyon ng mga lider o gobernador-heneral
• Sistemang padrino o pagkakaroon ng backer dahil may kapalit na suhol ang bawat
backer
• Bunga ng Korapsyon
• Kawalan ng oportunidad sa mga ordinaryong mamayan
• Pagliit ng pondo
• Kawalan ng tunay na partido politikal
• Matamlay na suporta ng mga mamayan sa gobyerno
• Solusyon sa Korapsyon
• Repormang politikal gaya ng Anti-Dynasty Bill
• Pagpapatibay ng representasyon ng mga grupong marginalized gaya ng sistemang party-list
• Pagsasagawa ng Voter’s Educational Forum bago at pagkatapos ng eleksyon
Mga Tiyak na Sitwasyong
Pangkomunikasyon
• Muling pagtalakay ng kahalagahan ng komunikasyon
• Komunikasyon bilang paghubog ng opinyon ng madla upang palaganapin ang isang kaisipan at
mapabilis ang pagtanggap ng mga mamayan at mapadali ang paglanap nito
• Komunikasyon bilang paglinang ng ugnayan, ito sa nagsisimula sa pagkakaibigang interaksyon
hanggang sa mas matibay na samahan. Komunikasyon ang nagpapatibay ng isang samahan, sa
pamahalaan at ang ugnayan sa ibang bansa.
• Komunikasyon bilang paghahatid ng impormasyon at pagpapalaganap ng kultura, malaki ang
ginagampanan ng komunikasyon bilang tagapaghasik ng kultura dahil sa lumalawig na access
ng social media.
Mga antas ng komunikasyo
• Intrapersonal na komunikasyon ay ang pagpapalitan ng mensahe sa dalawang tao at ang
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang sarili.
• Interpersonal na komunikasyon ay ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapuwa(audience).
• Pangkatang Komunikasyon ay ang pag-uugnay ng tatlo o mas maraming tao na may
iisang layunin.
• Pampublikong komunikasyon ay nakapokus sa tagapagdala ng mensahe kagaya ng isang
tagapagsalita sa isang talumpati
• Pangmadlang komunikasyon ay ang pakikipag-ugnayan gamit ang diyaryo, radio at iba
pang elektroniko sa paghahatid ng mensahe sa lipunan.
Halimbawa ng Sitwasyong
Pangkomunikasyon
• Pangkatang Komunikasyon
• Roundtable at Small Group Discussion
• 3-12 na kahalok upang magmungkahi ng solusyon sa pinag-uusapan

• Pampublikong Komunikasyon
• Lektyur at Seminar
• 20-70 na kalahok na naglalayong masinsinan na matutunan ang isang paksa
• Workshap
• Inaasahan dito ang prosdukto ng mga kalahok at nagtatagal hanggang 8 oras maghapon hanggang 7
araw
• Kombensyon
• Humigit-kumulang 2,000 ang kalahok at ito ay ginagawa upang magtalaga ng mga miyembro sa isang samahan
• Kongreso
• 300-2,000 ang kalahok at binubuo ito ng plenaryong sesyon at magkakasabay na pulong
• Komperensya
• Inaasahan itong may maliit na bilang ng kalahok kompara sa dalawang nauna at naglalayon itong talakayin ang
overview ng pinag-usapan

• Pangmadlang Komunikasyon
• Programa sa Radyo at Telebeisyon
• Mapagkatiwalaang batis ng impormasyon bagama’t dahan-dahan na itong napalitan ng social media
• Video Conferencing
• Interaskyon sa pagitan ng mga kalahok na nasa iba’t-ibang lokasyon
• Komunikasyon sa Social Media
• Ito ay ang pakikipag-ugnayan gamit ang iba’t-ibang application gaya ng Facebook at iba pa

You might also like