You are on page 1of 92

Kabanata 2:

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON


NG MGA PILIPINO
Kaalaman

1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa


iba’t ibang antas at larangan.

2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika


sa kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong
bansa.

Kasanayan

1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong


pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng


tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon
ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa
komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto.
Kalagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang
PANIMULA

ESENSYAL ang kakayahan sa mahusay na komunikasyon para


sa lahat ng tao. Mahalaga ito sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat isa. Mahalaga ito maging sa mga
ordinaryong mamamayan at higit itong mahalaga sa mga
propesyunal sa pagganap sa kanilang trabaho. Dahil sa
halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang maging
mahusay ang bawat isa sa lahat ng pagkakataong siya’y
nasasangkot sa mga komunikatibong sitwasyon (Bernales, et
al., 2016).
Panimula
Komunikasyon – isang
Kahulugan ng gawaing kinakaharap
araw-araw ng bawat isa
KOMUNIKASYON
-magmula sa
pagsilang hanggang sa
pananatili sa mundo,
nagaganap ang
pakikipagkomunikasyon
ETIMOLOHIYA NG SALITA

Komunikasyon – communis (latin) o common (English) o


karaniwan (Filipino)
Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang ilang
pagpapakahulugan sa komunikasyon batay sa mga sumusunod
na eksperto:
Louis Allen (1958)
➔ Ang KOMUNIKASYON ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais
niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng
patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-unawa.
Keith Davis (1967)
➔ Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa
sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa.
Newman at Summer (1977)
➔ Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya,
opinyon, o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso.
Birvenu (1987)
➔ Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng
nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa
pagitan ng mga nabubuhay na nilalang.

Keyton (2011)
➔ Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng
mga kalahok sa prosesong ito.
2. MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO

(Adler, et al., 2010: mula kay Bernales, et al., 2019)

a. Pangangailangan upang makilala ang sarili


- komunikasyon – malaking tulong upang mahubog ang
pagkatao
b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo
bukod pa daan ang komunikasyon upang ganap na
makilala ang sarili ng isang tao, nagsisilbi rin itong daluyan upang
matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa
kanyang buhay sa hinaharap.
c. Pangangailangang praktikal
- maaaring hindi magawa o maisakatuparan
ang iba’t ibang bagay kung walang komunikasyon gaya
lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na hindi mo
pa napundtahan at iba pa.
B. MGA TIPO, ELEMENTO, AT ANTAS NG KOMUNIKASYON

Panimula

Sa anumang pagkakataon na pag-aaralan ang


komunikasyon, mahalagang banggitin ang mga
kaugnay na paksa dito gaya ng tipo, elemento at
antas nito.
1. Tipo ng Komunikasyon

a. Pormal at impormal na komunikasyon.

Ang pormalidad at impormalidad ng


komunikasyon ay maaaring tayain batay sa
ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa
kung sino-sino at paano maisasagawa ang
prosesong ito.
Mga salik na dapat isaalang-alang;
1. Uri ng wikang gagamitin ( pormal- pino, matalino at ayon sa rehistro
ang wika ng mga partisipant) -Direkta o di-maligoy na at seryosong
tono na pagpapahayag. (pormal at impormal)
2. Balangkas ng komunikasyon
Tumutukoy ang balangkas sa pagkakasunuod-sunod ng mga
segment ng komunikasyon.
Pormal – depinido o tiyak ang balangkas
Impormal – may laya
b. Berbal at ‘di-berbal na komunikasyon
Berbal – ginagamitan ng salita ( sa mga rally –
mga nakasulat sa banner)
Di-berbal – di ginagamitan ng salita gaya ng
senyas, ng pagtaas ng kamao,
pagkakapit-bisig at iba pa.
2. Elemento ng Komunikasyon

Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng


komunikasyon;
a. Sender (Nagpapadala)
b. Mensahe
2 URI NG MENSAHE
1) mensaheng pangnilalaman
2) mensaheng relasyunal o di-berbal
c. Daluyan–
d. Reciever (Tagatanggap).
e. Sagabal
e. Sagabal

1) Semantikong sagabal- naka ugat sa wika.


Magkaibang kahulugan ng isang salita na may parehas
na baybay Ex basa basa
2) Pisyoslohikal na sagabal- may kaugnayan sa
kondisyon ng pangangatawan o pisyolohiya ng isang
indibidwal. Ex Masakit ang ulo, nilalagnat, o mahina
pandinig
3) Pisikal na sagabal
4) Teknolohikal na sagabal
5) Kulturang sagabal
6) Sikolohikal na sagabal
f. Tugon -
g. Epekto –
h. Konteksto –
3. Antas ng Komunikasyon

a. Intrapersonal na komunikasyon
b. Interpersonal na komunikasyon
c. Pangkatang komunikasyon
d. Pampublikong komunikasyon
e. Pangmadlang komunikasyon
a. Intrapersonal na komunikasyon-Ito ang
komunikasyon pansarili. Nagaganap sa
isang indibidwal lamang.
b. Interpersonal na komunikasyon- Ito ang
komunikasyong nangyayari sa dalawa o
mahigit pang tao.
c. Pangkatang komunikasyon-komunikasyon
na nangyayari sa loob ng organisasyon o
samahan
d. Pampublikong komunikasyon-
komunikasyon sa harap ng maraming
mamayan o tagapakinig
e. Pangmadlang komunikasyon-ito ay
komunikasyong gumagamit ng mass-
media, radio,telebisyon at pahayagan
C. ANG KULTURA AT
KOMUNIKASYON
KULTURA – tumutukoy sa sining, batas, moral, mga
kaugalian at iba pang masalimuot na kabuuang binubuo
ng karunungan, mga paniniwala, sining, batas, moral
mga kaugalian at iba pang mga kakayahan at mga
ugaling nakamit ng tao bilang miyembro ng lipunan.
Dalawang Kategorya ng Kultura Batay sa Pagpapadala ng Mensahe ( Edward
Hall, 1959)

1. Low-context culture – ginagamit ng direkta ang wika upang ihayag


ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na
kabilang sa ganitong kultura.
2. High-context-culture – ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi
lamang nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus,
malaki rin ang papel ng mga di-berbal na palatandaan (clues),
pamantayan, kasaysayan ng relasyon, /ugnayan at ng konteksto ng
komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap at
mapanatili ang relasyon sa kapwa. .
Low-Context Culture High- Context Culture
Pinapahalagahan ang sariling Mas mahalaga ang relasyon sa
pagpapahayag. Malayang ipahayag ugnayan sa komunikasyon sa
ang kanilang opinion at hangarin sa pamamagitan ng di direktang
direktang pamamaraan pagsasabi o paligoy ligoy
Nanginigibabaw ang kahulugan ng Ang mga impormasyon /mensahe
mga salita kaysa sa kontekswal na ay mas nakabaty sa kontekswal na
palatandaan palatandaan tulad ng oras,
panahon, relasyon
Hinahangahan sa pagsasalita ng Hinahangahan ang pagiging
direkta, maayos at malinaw tahimik
URI NG KULTURA AYON SA MGA IBANG SOSYOLOHISTA AT
ANTROPOLOHISTA
1. Indibidwalistikong Kultura
-Amerika, Australia, Canada – maituturing na indibidwalistikong
mga bansa
2. Kolektibong Kultura
- Latin Amerika, Asya, Gran Britanya – kolektibismo ang
namamayani
Ayon kay Kendra Cherry (2018)

- Itinuturing na mahusay ang isang indibidwal na malakas,


self-reliant, mapaggiit at independent sa isang lipunang
indibidwalistiko.
-Taliwas ito sa isang kulturang kolektibo na namamayani
ang pagsasakripisyo, pagiging matulungin at mapagbigay
at pagkakaroon ng isip na mahalagang unahin ang kapwa
kaysa sarili.
Indibidwalistikong kultura Kolektibong kultura

Itinuturing ang sarili bilang hiwalay Ang oyentasyon ay binubuhay ng


entidad sa kanyang lipunan. Independent, konsepto ng pagiging Tayo. Mahalagang
Malaya, Self sufficient mabilang sa mga grupo. Ekstended and
Pamilya

Sarili muna bago Pamilya Miyembro muna ng pamilya bago ang


sarili

Ang pagkakaibigan ay nakabatay sa Nabibilang sa kakaunting grupo subalit


shared at Common interest permanenteng ang pagiging bahagi nito

Ang pagpaparangal ay nakabaty sa Ang desisyon ay nakabatay sa


indibidwal na natamo. Mas hinihikayat ang kolektibong pamamaraan. Nakabatay sa
indibidwal na desisyon kontribusyon ng grupo

Pinapahalagahan ang awtonomiya, Pinapapahalagahn ang grupo. Utos,


pagbabago, indibidwal na seguridad tradisyon , edad, seguridad.
NILALAYONG BUNGA NG PAGKATUTO

Magamit ang wikang Filipino sa iba’t


ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang
Pilipino
D. KOMUNIKASYONG
PILIPINO
Panimula
Kailan nga ba maituturing na oo
ang Oo at hindi ang Hindi kapag ang
Pilipino ang nagsasabi nito?
● Ayon kay Melba Padilla Maggay (2002) isang
aspeto ng ating kultura na malimit na
kinatitisuran ng mga dayuhan ay ang
mataas na antas ng pagkaka alanganin sa
ating pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
➔ Ang ganitong obserbasyon ni Maggay ay
nagpapatunay na ang Pilipinas ay may High-
context na kultura dahil madalas na hindi
lantad o hindi direkta ang mensaheng nais
iparating sa ating Kausap
➔ Ang ganitong phenomenon ay tinatawag na
pahiwatig-isang pangkagawiang
komunikasyon na likas sa mga Pilipino
Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang
Kultura ng mga Pilipino

1.Pahaging–isang mensaheng sinasadyang


sumala o magmintis, kumbaga parang isang
balang dumaan ng palihis sa tainga at
umalingawngaw sa hangin.
2. Padaplis – isang mensaheng lihis dahil
sadyang nilalayon lamang na makanti o
masanggi nang bahagya ang kinauukulan,
gaya ng isang palaso na sumagi at nag-iwan
lamang ng kaunting galos.
3. Parinig – isang malawak na
instrumentong berbal para sa pagpapabatid
ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon
hindi lamang sa kaharap kundi sa sino
mang nakikinig sa paligid
4. Pasaring – tumutukoy ito sa mga berbal
na ‘di tuwirang pahayag ng pula, puna,
paratang at iba pang mensaheng
nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga
nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
5. Paramdam – isang mensaheng
pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang
espiritu, sa pamamagitan ng
manipestasyon na nahihinuha sa
pakiramdam
6.Papansin – tumutukoy ito sa mga
mensaheng humihingi ng atensyon ,
kadalasang ginagawa kapag pakiramdam
ng nagmemensahe ay kulang siya sa sapat
na pansin.
7.Paandaran – isang mekanismo ng
pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at
umiikot sa isang paksa o tema na hindi
mailahad nang tahasan at paulit-ulit na
binabanggit sa sandaling may pagkakataon.
● Dagdag pa ni Maggay (2002) ang pahiwatig
bilang konsepto ay madalas nag-aanyo at
nababalot ng ligoy, isang paikot-ikot at wari’y
walang katapusang pasakalye bago mailahad
ang pakay usapan.
● Samantala, likas din sa mga Pilipino ang paggamit ng
tulay o tagapamagitan bilang pamamaraan ng
komunikasyon upang iparating ang mensahe sa
kausap lalo na’t may maselang mensaheng nais
iparating.
● Buhay na halimbawa ng sitwasyong ito ang alitan o
samaan ng loob sa pagitan ng dalawang tao
● Ang mga salita gaya ng ipasabi, iparating ,
ipaabot,ibilin, at ipabatid ay mga
kalimitang ginagamit sa ganitong
sitwasyong pangkomunikasyon (Maggay,
2002)
1. Pahatid-isang mensaheng ang pinagtuuunan ay
ang akto ng pagpapadala sapamamagitan ng isang
tagapamagitan.

2. Pasabi-mensaheng ipinasasabi sa isang


tagapamagitan
3. Pabilin- isang mensaheng nagsasaad ng atas o
ibig ipatupad sa tumatannggap ng mensahe
bilang pagsunod o pagbibigay -layaw sa
nagmemensahe
4. Paabot- isang mensaheng ipinadala roon sa
panig na may kalayuan upang maluwalhating
magkaintindihan
● Subalit sa kabila ng ganitong bahagi ng
pangkagawiang komunikasyon ng mga
Pilipino ay naman nangangahulugang
walang kakayahan ang mga Pilipinong
magpahayag nang tahasan.
● Nilinaw ni Maggay (2002) na bahagi na rin ng
ating kultura ang mga salitang tuwirang
nagpapahayag ng damdamin at nagbubulalas
ng damdamin.
● Kadalasan ang ganitong mga pahayag ay
nangyayari sa mga kalagayang -loob na ng
kausap
1. Ihinga-tumutukoy ito sa pagpapahiwatigg ng sarili sa
pamamgitan ng pagbabahagi ng mga lihim na
kinakailangang ilabas upang mapawi ang hirap na
nararamdaman

2. Ipagtapat- ito ay nagmula sa salitang ugat na tapat


na nangangahulugang kaharap, mapagkakatiwalaan
at kapanipaniwala bukod pa sa pagsasabi ng totoo at
hindi umiiwas magsalita nang tuwiran
3. ilabas-nangangahulugan ito ng paglalantad sa
paningin ng madla o ng sino mang kinauukulan
na madalas ginagamit sa mga bagay na maselan
o nakatago, ikinukubli dahil sa pagsasaalang-
alang sa mga sangkot subalit pilit pa ring
umaalpas at nangingibabaw.
4. Ilahad -tumutukoy sa maayos na
pagsasalaysay; isang pagkukukwento ng mga
pangyayari o bagay na maaring lihim o lingid
sa iba maliban sa mga kapalagayang-loob o
matalik na kaibigan
E DI BERBAL NA KOMUNIKASYONG
FILIPINO
Pamantayan sa Pagganap

Magamit ang wikang Filipino sa iba’t


ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino
Panimula
Bukod sa komunikasyong berbal, ang
mga Pilipino ay may iba’t ibang paraan din ng
pagpapahayag ng damdamin gamit ang
komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi:
(ang pagbibigay-halimbawa dito ay ayon sa
naoobserbahang gawi ng mga Pilipino)
Di Berbal na komunikasyon
What I Know What I want to know? What I learned?
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
Ito ay pagpapalitan ng mensahe o
pakikipagtalastasan ng mga daluyan o
channel at hindi lahat lamang ng
sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos
ng katawan at ang tinig na iniaangkop sa
mensahe.
Kabilang dito ang kilos ng
katawan, tono ng pagsasalita,
konsepto ng espasyo at
ekspresyon ng mukha
Mga Gawaing PANGKOMUNIKASYON
ng MGA FILIPINO

Ayon kay Albert Mehrabian (1971)


-93% ng Mensahe Ipinahahatid ng Tao sa
kanyang kapwa ay di-Berbal na komunikasyon
1. kinesika (kinesics) 7. pictics
2. proksemika (proxemics) 8. olfactorics
3. paralinggwistika 9. colorics
4. chronemics 10. Iconics
5. haptics (sense of touch) 11. Oculesics
6. vocalics 12. objectics
Kinesika- komunikasyong gamit
ang kilos ng katawan.
Hal: wave of Hands-means Bye
bye
KINESIKA/KINESICS

Ekspresyon ng Mukha KIlos ng Mata


Kumpas ng Kamay Tindig at Postura
Paralinggwistiko o vocalics-
komunikasyong naipaparating gamit ang
tono ng pagsasalita-
-Tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
tulad ng intonasyon, bilis, at bagal
Hal: Igham, sutsut(sitsit)
Paralingwistiko o Vocalics

Intonasyon/Bilis ng Pagsasalita kwalidad ng Boses


Chronemics- komunikasyong
nakabatay sa panahon o oras.
Hal oras ng napagksaunduan
Haptics-komunikasyong nakabatay
sa pandama. Touch/haplos
Hal:Paghaplos sa balikat kung may
problema
Haptics
Ayon kay Maggay (2002) sa komunikasyong
Pilipino, litaw ang pagmemensahe ng mga
negatibong emosyon gamit ang
komunikasyong di berbal sapagkat ang
kultura ay nakaugat sa kultura ng paggalang
sa awtoridad at nakakatanda
Magkagayon pa man, ang
komunikasyong di berbal sa
komunikasyong Pilipino ay lantad.
Agad itong nakikita ng kalahok sa
proseso ng komunikasyon
Mga halimbawa:
Pagkunot ng noo o nagkakasalubong ang
kilay
Pagngiti
Pagngisi
Bukod sa mga kilos ng katawan at
galaw ng mga mata, ang kasarian ay
malaking elemento rin sa
pagpapahayag ng komunikasyong di
berbal sa mga Pilipino.
Mga Halimbawa:
Pagsasawalang-kibo
Pamamaywang
Pag-upo na nag-uumpugan ang mga
tuhod
Narito naman ang kahulugan ng ilang
komunikasyong di berbal na sa lipunang Pilipino
na nilikom ni Maggay (2002) mula sa iba’t ibang
pananaw at obserbasyon ng Pilipino gaya nina
Covar (1988)/ Peralta at Racelis (1976)
Hernandez at Agcaolli (1976) at Medina )1975)
Mga halimbawa ng mga di berbal na
komunikasyon na makikita sa galaw ng mata
(oculesics) at iba pang galaw o kilos ng
katawan (kinesika)
KOMUNIKASYONG DI KAHULUGAN
BERBAL
Salubong kilay Galit: mainitin ang ulo;
masungit;naiinis
Tinging pailalim Patgong kasalbaihan;
mapanganib
kapit-bisig sama-sama

Lakad na pasuray-suray lasing

Nandidilat Nagagalit; nahihindik


Samantala, sa kultura Pilipino ang
espasyo/proksemika ay
nagpapahayag din ng mensahe
Mga Halimbawa:
● Espasyong ipinakikita sa pagitan ng isang
mag-aaral at guro
● Mag-aaral sa mag-aaral
● Empleyado sa kanyang boss
● Romantikong pagtingin sa isa’t isa gaya
ng magkasintahan o mag-asawa
Ginagamit din ng mga Pilipino ang
panahon /chronemics bilang
pamamaraan ng pagpaparating
ng mensahe
Halimbawa:
Nagpapahuli ang isang Pilipino sa isang okasyon
bilang tanda ng pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng may-bahay upang bigyan pa ito
ng karagdagang oras sa paghahanda o dili kaya
naman ay upang hindi magmukhang gutom sa
mata ng may paramo.
Colorics-kulay
Hal You can identify a police
tru the color of their uniform
Iconics- Symbols/Simbolo
Hal: Traffic Light
Olfactorics- Amoy/Smell
Hal: Amoy Pabango
Oculecsis-galaw ng ng mata/
movement of eyes
Hal: pagseselos
Iconics

Paggamit ng mga icon upang masabi ang nararamdaman


ng isang tao

Halimbawa paggamit ng mga emoticon


Objectics- bagay/ Things
Hal ang pagdadala ng Ruler sa tueing
magtuturo (ruler sumisimbulo ng guro
Palakol sumisimbulo ng magsasaka)
Mga kagawiang Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
Samantala, sa nakagawiang
pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay
naipapakita gamit ang kilos o galaw ng
katawan gaya ng mga sumusunod:
a.. Pagtatampo (tampo) – ito ay
damdaming dala ng pagkabigo sa isang
bagay na inaasahan sa isang malapit na tao
gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak,
kasintahan o kaibigan.
b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay
komunikasyong naipaparating sa
pamamagitan ng pagsasawalng-kibo. Ito ay
bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam.
Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili
sa sulok, o paglayo sa karamihan.
c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag
na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo,
paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay
na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol,
pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang
sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng
mensahe.
d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na
komunikasyon na likas sa kulturang Pilipino na
ang pinakamalaking element ay paglikha ng
ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng
pinto, pagbagsak ng mga bagay at iba pang
ingay na intensyonal na ginagawa ng taong
nagdadabog.

You might also like