You are on page 1of 23

Rehistro ng mga Balbal na

Salita na Ginagamit ng Mag-aaral

Isang Pananaliksik na Iniharap kay


Gng. Erwina Tadifa sa Asignaturang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 sa Don Mariano
Marcos Memorial State University| South La Union
Campus, Laboratory High School

Alfonso, Lance Nyl M.


Bautista, Ma. Chanaica Cassandra C.
Ogawa, Misha Emerald Mae G.
Rodriquez, Yier Karloc M.
Rulloda, Aira C.
Patacsil, Francois Richard C.
Veras, Lynelle Faye C.

Mga Mananaliksik

Disyembre 2022

i
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT …………………………….……………………………………………... i

TALAAN NG NILALAMAN …………………………………………..…………….... ii

I. RASYONAL …………………………….…………………………..………….…...1

II. PANIMULA …………………………….……………………………..……….…. 3

III. LAYUNIN …………………………….…………………………….……….…… 7

IV. METODOLOHIYA ……………………….……………………………………… 8

Disenyo ng pananaliksik ……………….…………………….……. 8

Pagtatakda sa pananaliksik ……………….……………………… 8

Respondente ……………….………………………………………. 9

Instrumento ng pananaliskik ……………….……………….……. 9

Balidasyon ng instrumento ………….……………………….…… 10

Pamamaraan sa pagkalap ng datos ………….……………..……. 11

Istatistikal na tritment ng mga datos ………….…………..……. 13

V. PAGTATALAKAY ……………………….……………………………………..…. 15

Lagom ………………………….……………………………...…….16

Konklusyon ………………………….………………………..…….17

VI. INASAHANG RESULTA NG PAG-AARAL …………………………………..…..19

VII. SANGGUNIAN ……………………….…………………………………….……..21

ii
RASYONAL

Ang mga kabataan ay likas na malikhain. Masasalamin ito sa maraming

aspekto ng kanilang buhay lalong-lalo na sa paggamit nila ng wika. Sa araw na

patuloy ang komunikasyon, mula sa kanilang tahanan hanggang pagpasok sa

paaralan ay patuloy rin na yumayabong ang wikang Filipino. Ang komunikasyon

ay naisasagawa sa tulong ng wika sa kung paanong ang wika ay umuunlad sa

pamamagitan ng komunikasyon. Bawat tao ay may iba't-ibang pamamaraan sa

paggamit ng mga salita. Sa henerasyon ngayon, bawat araw na lumilipas ay

patuloy na dumarami ang mga kabataang gumagamit ng mga balbal na salita

dahilan sa hindi maitatangging katotohanan na lumalawak ang saklaw na

bukabularyo ng isang wika.

Ang balbal o islang (hango sa Ingles na slang) ay ang mga salitang hindi

pormal ngunit nagagamit sa pang-araw-araw na panánalitâ. Karaniwa’y nililikhà

ito sa pagbabaligtád ng mga titik, o pagiibang-anyô sa salitang ugát. Minsan,

halaw ito sa wikang Kastila. Tinatawag ring salitang kalye o kanto. Ito rin ang di

pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo

sa lipunan, at nabuo o nalikha ang mga ito sa impormal na paraan. Maaari itong

mahaba o maikli lamang.

Ayon kay Blanch (2010) ang mga salitang balbal ay nagsisilbing "parangal

sa mga dalubhasang Pilipino na may abilidad na gawing masaya at libangan ang

wika". Dahilan nito ay nagmumula ang salitang balbal sa iba't-ibang pangkat ng

masa gaya na lamang ng mga estudyante. Sa makatuwid, ang paggamit ng

1
ganitong uri ng salita ay naipapahayag ng mga kabataan ang kanilang saloobin

nang may ganap na kalayaan sa paraang nais at kaaya-aya.

Sa kabuuan, ang balbal na wika ay malawak na saklaw sa lipunang ating

ginagalawan kung kaya't nararapat na pag-aralan ito sapagkat may kakayahan

itong hulmahin o wasakin ang ating pambansang wika.

Sa karagdagan ay ilalahad ng pag-aaral na ito and rehistro at epekto ng

paggamit ng balbal na salita ng mga mag-aaral mula sa 11 at 12 HUMMS ng LHS

DMMMSU SLUC.

2
PANIMULA

Sa pag-usad ng taon kasabay ang patuloy na pagbabago. Walang

permanente at kalaunan ay nag-iiba habang tumatagal o lumilipas ang panahon.

Lahat ng bagay ay sumasailalim sa proseso ng pagbabago, isa na rito ang Wika.

Ang wika ay ang sinasalita ng mga tao sa partikular na bansa ito ay

ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at sumisimbolo sa kaisipan, saloobin,

behikulo o paraan ng paghahatid ng mga ideya, opinyon, pananaw, lohika at

ibang pang paraan katulad ng pasulat. Ang wika ay dumadaan sa pagbabago

ayon sa ating panahon o henerasyon. Habang ang panahon ay tumatagal, bawat

henerasyon na lumilipas ay nag iiba rin ng paraan ng pananalita. Mayroong

nagsasabi na ang slang ay parang mantsa sa wikang pambansa; ngunit

naniniwala naman ang iba na ang mga makabagong salita ay sagisag na ang

wika ay buhay at lumalago. Ayon kay Jay-ar Igno, isang propesor sa UP

Linguistics, ang Filipino slang ay bahagi ng natural na pagbabago ng wika,

kasabay ng panahon. Malaki ang gampanin ng wika sa pamumuhay, sa

pakikipag-unawaan o pakikisalamuha ng isang persona sa kaniyang komunidad.

Ito ay nagsisilbi ring tagapagpahaayag ng damdamin, ideya, diwa, at kaisipan

ng isang persona sa pamamaraan man iyan na pasulat o pasalita.

Ang pananaliksik na ito ay dumaan sa iba’t – ibang proseso at

makabagong henerasyon na magbibigay linaw sa uri ng wika na sinasalita

ngayon ng mga kabataan. Di-pormal ang karaniwang ginagamit o sinasalita ng

mga tao sa pang araw-araw. Pormal naman ang ginagamit sa

3
pakikipagkomunikasyon ng mga estudyante sa mga guro sa eskwelahan. Ngunit

nababalita na ilan sa mga estudyante ay nagsasalita sa Balbal na Wika. Ang

balbal ay isang uri ng di-pormal na pananalita na kung tawagin sa ingles ay

“slang” ay mga salitang pinaikli, pinagdugtong-dugtong, dinadagdagan,

pinaghalo o mga binaliktad na salita na maaaring magbigay ng ibang kahulugan

sa isang salita. Ayon sa sinabi ni (Ocampo, 2013), nanggagaling ang mga

salitang ito sa mga grupo ng mga ibang tao na ginagamit ang mga salita upang

magkaroon ng sariling phrases o “codes". Ang wikang balbal ay maari ring

ilarawan natin bilang hindi karaniwang salita na ating ginagamit sa pang araw-

araw na maaaring nagmula sa iba’t ibang pangkat na ginawa upang ang kanilang

lipunan ay magkaintindihan gamit ng balbal na salita. Ayon sa lwvworc.org,

nagsimula ang slang ng Ingles bilang wikang kadalasang ginagamit ng mga

kriminal noong ika-16 at ika-17 siglo sa Inglatera at pangunahin itong binuo sa

mga saloon at mga bahay ng pagsusugal. Ayon kay Green ito ang kanilang

paraan upang hindi maunawaan ng mga awtoridad ang kanilang komunikasyon.

Ang balbal na wika na ginagamit sa pagitan ng mga taong kabilang sa

pangkat ng lipunan at pamilyar sa isa’t isa. Ito rin ay ginagamit ng nakararami

at halos bukambibig sa pang-araw-araw na pakikihalubilo. Ganito impluwensiya

na naidulot ng teknolohiya gaya ng radio, telebisyon, social media at iba pa sa

buhay ng tao sa paggamit ng makabagong salitang balbal (Noval, A. T., 2020).

Ang wika na ito ay maaring makasakit ng damdamin ng mga tao kung ito ay

gimagamit pang-api sa ibang tao o sa labas ng isang pangkat. Karaniwang

ginagamit ang balbal na wika sa pamamagitan ng pasalita kaysa sa pasulat.

4
Sa mga salitang balbal o slang, nakikita natin ang ebolusyon ng wikang

Filipino. Matagal nang nakasanayan ng ating mga kababayan ang paggamit ng

slang. Halimbawa na ang salitang “jeproks” na mula sa ingles na salita na

project, ang jeproks o mas kilala sa salitang “Jeprox” ay orihinal na ginawa ng

isang sikat na Pilipinong rakistang mang-aawit, ang kahulugan nito ay laki sa

layaw. Sumikat ang kanyang awit na pinamagatang “Laki sa Layaw Jeprox”

noong dekada sitenta na kalaunan ay naging tila opisyal na salita o balbal.

Sumikat ang awitin sa halos dalawang dekada at hangang sa ngayon ay kilala pa

rin ang terminong Jeprox. Sa kabilang banda, tinawag namang "Hiping Hilaw" ni

Ginoong Joey de Leon (host ng Eat Bulaga at kompositor ng mga awitin) ang

mga taong nagpapaka-Jeprox.

Isa sa mga halimbawa ng salita na pabalbal ay ang salitang “omsim”. Ang

ibig sabihin nito ay "totoo" o "exactly" sa ingles. Ito ay ginagamit upang sabihin

sa mga tao na sila ay tama ngunit ito rin ay isang paraan upang ipahayag ang

iyong pagsang-ayon sa isang bagay na sinabi ng ibang tao. Ang salitang ito ay

nagmula sa salitang "mismo" kung saan ay isa rin itong pagpapahayag ng isang

indibidwal ngayong ika-20 siglo. Minsan ito nalang ay pinapaikli at tinatawag na

"omcm" imbis na ang orihinal na salita ang gamitin. Kahit binaliktad man ang

salita, ang katuturan ng dalawang salitang ito ay hindi nag-iiba at mananatiling

pareho ang mensaheng nais iparating.

Ang isang salita o termino ay maaring magkaroon ng ibat-ibang

kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Rehistro ang tawag

5
sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag ang mga espesyalisadong termino

gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng ibat ibang

kahulugan sa ibat ibang larangan o disiplina.

Ang pananaliksik na ito ay nagbigay bagong kaalaman sa mga

nananaliksik sapagkat nakapagdiskubre ng mga bagong salita sa kanilang

pananaw at bokubolaryo. May mga salitang hindi man kaaya-aya pakinggan

ngunit hindi naman masama kung aalamin ang tunay na kahulugan nito upang

maliwanagan. Dahil sa kooperasyon ng mga respondents, masasabi natin na

habang tumatagal ay mas makakalikha pa sila ng mga balbal na salita na

maipapasa sa mga susunod na henerasyon.

Ang napiling mga respondents na magiging bahagi ng pananaliksik na ito

ay ang mga mag-aaral ng 11 at 12- HUMSS na mula sa paaralan ng Don Mariano

Marcos Memorial State University South La Union Campus. Sila ay makakatulong

sa pag hanap ng kasagutan sa ating pananaliksik marahil sila ay nabibilang sa

baging henerasyon o kung tawagin ng karamihan ngayon ay “ Gen-Z”. Sapagkat

isa sila sa mga pangkat ng mga estudyante sa isang eskwelahan na naririnig o

nakikipagkomunikasyon gamit ang mga salitang balbal. Ang kanilang tulong ay

makakapagbigay sagot saatin kung ano-ano ang mga salitang balbal na

karaniwang ginagamit nila sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan sa

kanilang kapwa mag-aaral.

6
LAYUNIN

Mahalaga ang Pananaliksik sa ating buhay, maaaring hindi ito alam ng

nakakarami pero ang pananaliksik ang dahilan kung bakit mayroon tayong

nagagamit na gadget, pano natin nalalaman kung pano gumagana ang isang

bagay, paano natin natutunan ano ang mga solusyon sa isang matematikal na

problema, ang lahat ng mga yan ay nanggaling muna sa isang matindi na

pagsusuri. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon upang malaman ang epekto ng

paggamit ng balbal sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Layunin din ng pag

aaral na ito na malaman kung ano-anong mga balbal na salita ang ginagamit ng

ikalabing-isang baitang at ikalabing dalawang baitang ng humss. Maaari din

maging reperensiya ito sa mga nagbabalak na gumawa ng pananaliksik na

maitutulad sa paksa ng papel na ito.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang sagutin ang ilang katanungan

patungkol sa epekto ng paggamit ng mga salitang balbal sa mga mag-aaral.

1. Ano ang mga salitang balbal na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral ng

ikalabing-isa at ikalabing dalawang baitang ng humss.

2. Ano ang epekto ng paggamit ng mga salitang balbal sa pagsusulat ng

akademikong sulatin?

3. Ano-ano ang mga maaaring masamang epekto dulot ng paggamit ng salitang

balbal?

4. Ano-anong klaseng mga sitwasyon ang nagdudulot sa mga mag-aaral na

gumagamit ng salitang balbal ang mga mag-aaral?

7
METODOLOHIYA

Sa kabanata ng metodolohiya makikita ang maikling paliwanag ukol sa

paraan o “strategy” ng pagsulat ng riserts. Ang kabanatang ito ay naglalahad ng

pamamaraan ng pananaliksik upang matugunan ang lahat ng mga

pangangailangan sa pag-aaral gayundin ang mga instrumentong ginamit at

pamamaraan sa pagtipon ng mga datos o tala at mga respondente at ang

paglalapat ng estatiktika upang mabigyang kahulugan ang natipong datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isasagawang pag-aaral ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang “Descriptive

Survey Research Design” ang angkop na ginamit ng mga mananaliksik.

Naglalayong ilarawan at suriin ang kaligiran, epekto at maging mga halimbawa

ng mga salitang balbal sa kasalukuyang panahon. Naniniwala ang mga

mananaliksik na and disenyong ito ang pinaka angkop na gamitin sapagkat mas

madaling makalikom ng mga datos mula sa maraming bilang ng mga

respondente.

PAGTATAKDA SA PANANALIKSIK

Ang paksa ng pananaliksik ay matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng

La Union habang ang pagsisiyasat at mga katanungan na ibibigay at sasagutan

ng mga mag-aaral ay sa hangganan ng Don Mariano Marcos Memorial State

University - SLUC.

8
RESPONDENTE

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga estudyante ng

LHS Senior High School sa taong panuruan 2022-2023 sa Don Mariano Marcos

Memorial State University - SLUC.

Random sampling ang gagamit na pamamaraan sa pagkuha ng mga

respondyanteng sa talatanungan. Nangangahulugan ito na lahat ng mga mag-

aaral mula sa ika-labing-isa at ika-labing-dalawang baitang ng HUMSS ay

mayroong pantay-pantay na pagkakataon upang mapili na maging respondente

ng surbey. Sila ang napili bilang maging respondente dahil nais malaman ng

mga mananaliksik kung paano nakakaapekto sa kanilang pang araw-araw na

pamumuhay ang mga salitang balbal.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o “survey

questionnaire” bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na

magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay mahahati sa dalawang bahagi.

Ang unang bahagi ay para sa propayl ng respondente, ang ikalawang bahagi

naman ay nasa “Likert-type scale” upang masukat ang pananaw ng mga

respondente hinggil sa mga halimbawa ng mga balbal an salita at ang mga

epekto ng paggamit nito sa piling mag-aaral ng ika-labing isa at ikaw-labing-

dalawang baitang ng HUMSS. Kasama din sa bawat set ng talatanungan ang

pormal na kasulatan ng mga mananaliksik sa paghingi ng pahintulot para sa mga

respondent. Ang “survey” ay mabibigay ng ibat-ibang persepsyon sa mga mag-

aaral kung gaano nila kadalas ginagamit ang mga balbal na salita.

9
Magsisilbing instrumento ng pag-aaral na ito ang inihandang

talatanungan ng mananaliksik na nahati sa ilang bahagi:

Propayl ng respondent - sa bahaging ito hinihingi ang impormasyon ng

mga respondenteng tumugon. Nakatala rito ang pangalan, edad, katayuang

sibil at taon at pangkat. Ginawang opsyonal ng mga mananaliksik ang

paglalagay ng pangalan ng mga respondente.

Likert Type Scale - sa bahaging ito hinihingi ang pagtingin ng mga

repondente patungkol sa rehistro ng balbal sa pamamagitan ng pagpili at

paglalagay ng tsek sa mga sumusunod.

Sa kabuuan, ang mga datos na makakalap sa instrumentong ginamit ang

magsisilbing suporta na magpapatibay sa pag-aaral.

BALIDASYON NG INSTRUMENTO

Ang mga mananaliksik ang mismong kakalap ng mga impormasyon upang

lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang

matiyak ang kalidad ng iprepresentang datos. Upang makalikom ng

kinakailangan na datos, ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga sumusunod na

instrumento.

· Pakikipanayam

Ang mga pakikipanayam ay gagamitin ng mga mananaliksik sa

respondente upang makakuha ng impormasyon na kinakailangan sa ibinigay na

10
pag-araal. Ito ay para madagdagan ang pangunahing pinagmumulan ng data na

ang patalatanungan na maaaring malinaw na pag-papaliwanag.

· Kuwestyonaryo

Para sa mga data na iipon sa mga layunin, ang mga mananaliksik ay

gagamit ng isang hanay ng mga palatanungan (question survey) na naglalaman

ng mga kinakailangan na impormasyon tungkol sa mga usapin na tumutukoy sa

paksa sa ilalim ng pag-araal. Dito ay nakasulat dapat ang mga katanungan na

makakatulong sa pananaliksik katulad ng mga sumusunod “Naniniwala ka bang

makakaapekto ang mga salitang balbal sa iyong pakikipagkomunikasyon?” at

“Ano-anong mga balbal na salita iyong ginagamit araw-araw?”.

PAMAMARAAN SA PAGKALAP NG DATOS

Maituturing na pinakamabusisi at pinakamalawak sa gawain ng

pananaliksik ang pangangalap ng datos, kadikit ang pagsusuri sa mga ito. Sa

gawaing pananaliksik, sinasaklaw ito ng bahaging kaparaanan o metodolohiya sa

pananaliksik na tumutuoky sa mga lapit at pamamaraan sa pagtamo ng mga

inaasahang impormasyon.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagseserbey. Ang

mananaliksik ay naghanda at namigay ng talatanungan sa naglalaong

makahanap ng datos mula sa ika- labaing-isa at ika-labing-dalawang baitang ng

HUMSS SHS sa Don Mariano Marcos Memorial State University-SLUC tungkol sa

mga rehistro ng mga balbal na salita.

11
Sa pagpili ng tiyak na paksa sa aming pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

nangalap ng mga datos ukol sa mga aklat na mayroong koneksyon sa aming

paksa. Maliban sa nabanggit, nakakalap din ang mga mananaliksik ng mga datos

sa pamamagitan ng websayt, ibat ibang tesis,mga taong ekspert o may sapat na

kaalaman sa paksang napili at silid aklatan sa loob ng paaralan. Matapos pag

sumikapin ang paksa, ito ang naging batayan ng mga mananaliksik upang bumuo

ng mga katanungan upang makuha ang ibat ibang pananaw ng mga piling mag

aaral. Bubuo ng sampung katanungan ang mga mananaliksik upang makakuha ng

impormasyon na magiging batayan ng kauuan ng tesis.

Humingi ng pahintulot upang maisagawa ang pag aaral

Sumailalim sa questionnaire material para sa pagpapatunay

Isinagawa ang pag aaral

“Checked, tallied, at tabulated data”

Sinuri at binigyang kahulugan ang mga resulta

Larawan 1. “Flow Chart” ng mga Pamamaraan sa Pananaliksik

12
Naobserbahan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang tulad ng

makikita sa Larawan 1, sa pagsasagawa ng pananaliksik.

1. Humingi ng pahintulot upang maisagawa ang pag aaral.

2. Sumailalim sa questionnaire material para sa pagpapatunay.

3. Isinagawa ang pag aaral.

4. “Checked, tallied, at tabulated data.”

5. Sinuri at binigyang kahulugan ang mga resulta.

ISTATISTIKAL NA TRITMENT NG MGA DATOS

Hindi lamang nagsisilbing pagsasanay para sa mga mananaliksik para sa

susunod pang panahon ang pamanahong papel na ito ay, ngunit ito rin ay

panimulang pag-aanalisa upang mapagtuunan ng atensyon ang mga isyung hindi

gaanong nabibigyang pansin sa lipunan. Ang mga katanungang isasagawa sa

pakikipanayam ay lubos na pinag-isipan ng mga mananaliksik upang lubos na

makuha ang mga kasagutan at estratihikal na opinion ng mga mag-aaral. Sa

pamamagitan naman ng sarbey makapagtatala ng sapat na datos ang mga

mananaliksik. Mabilis lamang na magagawa ang pagtatally dahil sapat at

katamtaman lamang ang dami ng mga respondente. Isasaagawa ang serbey sa

mga estudyante ng ika-labing-isa atika-labing-dalwang baitang ng HUMSS ng

Don Mariano Marcos Memorial State University - SLUC. Ito ay upang mas

mapaliit ang saklaw ng grupo ng mga respondente at ito'y mabusising mapag-

aaralan bilang isang panimulang pagpasok sa pag-aaral ng mga isyu patungkol

sa paggamit ng mga balbal na salita at mga rehistro ng mga balbal na salita.

13
Ang mga mananaliksik ay gagamit lamang ng isang pamamaraan sa

pagtrato ng datos: Ang pormula ng porsyento. Ginamit ang pormula ng

porsyento upang matukoy ang porsyento na kinatawan ng mga bilang ng mga

respondente mula sa sarbey at ginamit din upang matukoy ang mga saloobin ng

mga respondente ayon sa kanilang isinagot sa sarbey.

%=(f/n) (100)

Na kung saan:

% = Porsyento

f = Bilang ng tugon

n = Kabuoang bilang ng mga respondente

14
PAGTALAKAY/ KATAWAN

Ang mga balbal na salita ay naging bahagi o parte na ng ating

pamumuhay lalo na't tayo ay nabibilang sa ika-20 siglo na kung saan maraming

umuusbong na ideya, mga makabagong teknolohiya, at ang paglawak ng

imahinasyon ng mga tao. Ang paggamit ng mga balbal na salita ay isang paraan

para sa atin na maipahayag ang ating sarili at mensaheng nais iparating. Ito ang

nagsisilbing daan para sa mga tao, lalo na para sa mga kabataan, sa

kasalukuyang panahon na makipagkomunikasyon. Ito ay nagbibigay ginhawa sa

atin o mas napapadali ang pakikipagtalastasan sa isang di-pormal na pag-uusap.

Sa paggamit ng mga balbal o "slang" sa ingles ay nabibigyang kulay at

kasabikan ang anumang walang kabuhay-buhay na talastasan sa pagitan ng

dalawa o higit pang indibidwal. Ngunit ang labis na paggamit ng mga balbal ay

maaaring magdulot ng pahirapan na pakikipagkomunika sa iyong kausap. Ito rin

ay maaring humantong sa pagkalimot sa wikang Filipino kaya't ang tamang

pagkontrol nang paggamit ng mga balbal na salita ay kailangang isaalang-

alang.

Layunin ng pananaliksik na ito na ipagbigay ang tamang kaalaman sa

bawat isa ukol sa rehistro ng ibat-ibang balbal na salita sa tulong ng mga datos

na nakalap sa mga mag–aaral mula sa g11 at g12 HUMMS ng DMMMSU SLUC.

Pakay rin ng pag-aaral na ito ang ang paintindi na ang paggamit ng balbal na

salita ay maaaring maging sanhi ng malaking pagbabago kaakibat ang pag-

usbong ng wikang Filipino.

15
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay nais matukoy kung ano-ano

nga ba ang mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng mga balbal na

salita, na may diin sa pag-usisa sa epekto nito sa ating wika at komunikasyon.

Ang matukoy na epekto nito ay magsisilbing daan upang mamulat ang bawat isa

sa kung ano ang wasto at hindi wasto na paggamit ng mga balbal na salita.

Ang huling layunin ng pananaliksik na ito ay magbigay ng maaaring

solusyon sa mga negatibong epekto ng paggamit ng balbal na salita sa mga mag-

aaral at sa pambansang wika. Ang lalong pagpapaigting sa mga positibong

epekto at pagpuksa sa mga negatibong epekto nito ay mahalaga sa papapanatili

ng ating kultura at pambansang wika, ano man ang mga pagbabago na

nangyayari sa pagdaan ng panahon. Ang pagbibigay ng mga konkretong paraan

upang ito ay maisagawa ay makakatulong sa bawat isa lalo na sa mga kabataan,

upang sila ay magkaroon ng sapat na kaalaman upang ang kanilang pangaraw-

araw na gawain na may kinalaman sa paggamit ng balbal na salita ay matitiyak

na magiging maganda at mabuti ang epekto sa kulturang Pilipino at wikang

pambansa.

LAGOM

Sa taong paaralan 2022-2023, sinuri ng pag aaral na ito ang rehistro ng

mga balbal na salita na ginagamit ng mga mag aaral ng ika-labing-isa at ika-

labing-dalawang baitang ng HUMSS sa Don Marinao Marcos Mermorial State

Univertsity - SLUC. Ginamit ng mga mannaliksik ang isang quantitative na

paraan ng pananaliksik. May kabuuang dalawampu't-dalawang mag-aaral mula

sa nasabing baitang ng HUMSS ang aming kinuha bilang maging respondente sa

16
aming talatanungan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa

pamamagitan ng Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng

talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos upang

malaman ang mga opinyon ng mga respondent.

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik,

nakita na madalas na ginagamit ng mga mag-aaral ang mga balbal na salita

dahil sa mga sumusunod:

1. Nahati-hati sa iba't-ibang grupo ang mga mag-aaral at may kanya

kanya silang pagpapakahulugan sa mga balbal na salita.

2. Nasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng balbal na salita dahil sa

ito ay kumon na sa kanila.

KONKLUSYON

Naobserbahan ng mga mananaliksik na maraming kabataan ang

gumagamit ng mga balbal na salita sa pang-araw-araw na pamumuhay. Malaki

ang naging impak ng mga kaibigan, teknolohiya, social media at iba pa sa buhay

ng mga mag-aaral o respondente sa paggamit ng mga makabagong salitang

balbal. Sa kasalukuyan, naniniwala ang iba na ang mga makabagong salita ay

sagisag na ang wika ay buhay at lumalago. Laganap ang paggamit ng mga

salitang balbal o salitang kalye ngayon. Ang mga salitang balbal na ito ay

nakaiimpluwensya sa paraan ng pakikipagkomunikasyon. May mga salitang

balbal na hindi man kaaya-aya pakinggan ngunit hindi naman masama kung

aalamin ang tunay na kahulugan nito upang maliwanagan. Minsan sa paggamit

ng mga balbal na salita, di na nila namamalayan ang reaksyon ng kanilang

17
kausap, kaya't ito'y nangangailangan ng sapat na kaalaman upang magamit sa

wastong paraan.

Pinatutunayan lamang sa pag-aaral na bagamat ang salitang balbal ay

pinaniniwalaang sinasalita ng maliit na yunit ng lipunan at sumisibol sang-ayon

sa pangangailangan ng sitwasyong pangwika, kakikitaan naman ito ng mga

estruktura ng pagkakabuo, paglalahat, mahihinuha sa mga kaugnay na pag-

aaral na binanggit na ang kabataan sa kasalukuyang henerasyon ay may sariling

wikang gamit. Ang mga wikang ito ay ginagamit nila sang-ayon sa

pangangailangang dulot ng kanilang lipunan at bunga na rin ng kanilang

malawak na pag-iisip. Sa patuloy na pakikipagkapwa ng makabagong

henerasyon, nakabubuo ng wikang natatangi sa kanilang henerasyon na

makakatulong upang maipahayag ang kanilang mga sarili.

18
INAASAHANG RESULTA NG PAG-AARAL

Inaasahan sa pag-aaral na ito na mailahad ang mga importansya ng

paggamit ng mga balbal na salita sa buhay ng mga mag-aaral at kung paano nito

naapektuhan ang pakikipagkomunikasyon nila sa kapwa. Inaasahang karamihan

sa mga estudyante ay magsasabing malaki at mabuti ang epekto ng mga balbal

na salita sa kanilang pakikipagkomunikasyon sapagkat sa pamamagitan nito ay

mas maipapahayag nila ang gusto nilang maipahayag at mas komportable itong

gamitin.

Bagkus, inaasahan ng mga mananaliksik na maging daan ang pag-aaral na

ito sa pagbibigay kaalaman sa mga mambabasa tungkol sa mga natalakay. Sa

gagawing pananaliksik, nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga balbal

na ginagamit sa kasalukuyang panahon, kaligiran nito, epekto sa

pakikipagkapwa at sa akademikong paglalathala at sulatin ng mga mag-aaral.

Ang papel na ito ay isang panimulang hakbang sa pagkamit ng

wasto at mas malinaw na pakikipagkomunikasyon sa paggamit ng mga balbal na

salita . Ang lahat ng mahahalagang datos na makakalap ay ilalathala.

Ilalakip din ang resulta ng mga survey bilang karagdagang pahina.

Tinitiyak na sa pag-aaral na ito malalaman ang mga implikasyon ng

paggamit ng balbal na salita sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral sa

Don Mariano Marcos Memorial State University - SLUC. Gayunpaman, ang mga

resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa pag-intindi o pag-unawa

sa proseso ng pakikipagtalastasan sa makabagong panahon. Ito rin ay

magsisilbing gabay sa pagkatuto ng bawat tao sa kung ano ang koneksyon ng

19
mga balbal na salita, hindi lamang sa mga mag-aaral ngunit pati na rin sa lahat

ng tao, sa pang-araw-araw na pamumuhay. Inaasahan rin na ang resulta ng

pananaliksik na ito ay magsisilbing reperensiya o sanggunian ng mga sumusunod

na mananaliksik.

Sa katapusan ng aming pagsasaliksik ay inaasahan naming makuha ang

mga opinyon ng mga mag-aaral patungkol sa patuloy na paggamit ng mga balbal

na salita, kung ano ang mga naidudulot nito sa kanila, negatibo man o

positibo.

20
SANGGUNIAN

Lopez, K., (2018), Kabanata 1-2. EPEKTO NG SALITANG BALBAL SA PAG-AARAL

NG MGA PILING MAG AARAL SA IKALABING DALAWANG BAITANG SA STRAND NA

ABM PANURUANG TAONG 2018.

https://www.academia.edu/36190864/EPEKTO_NG_SALITANG_BALBAL_SA_PAG

_AARAL_NG_MGA_PILING_MAG_AARAL_SA_IKALABING_DALAWANG_BAITANG_SA

_STRAND_NA_ABM_PANURUANG_TAONG_2018

Keithycat, (Pebrero 18, 2020), Halimbawa Ng Balbal: Mga Halimbawa Ng Balbal

(Filipino Street Slang).

https://philnews.ph/2020/02/18/halimbawa-ng-balbal-mga-halimbawa-ng-

balbal-filipino-street-slang/

Noval, A. T., (Disyembre 8, 2020), Pag-usbong ng balbal na pananalita bilang

modernong wika ng kabataan: Isang pagsusuri. Cebu Technological University.

https://www.researchgate.net/publication/346700877_Pag-

usbong_ng_balbal_na_pananalita_bilang_modernong_wika_ng_kabataan_Isang_

pagsusuri

21

You might also like