You are on page 1of 9

ANTROPOLOHIYANG KULTURAL

ni Juvie B. Sebial

Panimula

Mahalagang bahagi ng lipunan ang antropolohiya. Sa pamamagitan ng

larangang ito, mas nakikilala ng kasalukuyang panahon ang lipunang

kinabibilangan at ang kahit anupamang lipunang nais pagtuunan ng pansin.

Wika nga ni Kottak (2015), ang mga mahahalagang katanungan ng nakalipas

at kasalukuyang panahon ay nakukumpronta at nagpagtutuunan sa

pamamagitan ng antropolohiya.

Sinasang-ayunan ito ni Guest (2016) na inilarawan ang antropolohiya

bilang pangkalahatang pag-aaral sa mga pagkakaiba-iba ng at sa lipunan.

Gamit ang mga kaalamang natuklasan mula sa pag-aaral na ito, ilalapat sa

lipunan nang makatulong sa pagkamit ng pagkakaunawaan sa kabila ng

pagkakaiba. Dagdag pa ni Guest, ang antropolohiya ay larangang nagtataglay

ng natatanging dulog – ang pagbitaw sa konseptong etnosentrismo at sa halip

ay maging aktibo, positibo, at bukas sa ideya ng pagkakaiba-iba. Sa mas tiyak

niyang paglalarawan, global ang saklaw ng antropolohiya. Ang pagtanaw na

ito ay nag-uumpisa sa mga tao sa kani-kanilang lokal na komunidad. Pinag-

aaralan sa antropolohiya ang mga tao sa mga lipunan at sinisilip ang

istruktura ng kapangyarihan. Mahalagang prinsipyo sa antropolohiya na ang

lahat ng tao ay konektado sa isa’t isa.

Tinukoy rin ni Guest sa kanyang akda ang pagkakabuo ng “lente” na

siyang ginagamit sa mas masinsinang pagsilip at pagtanaw sa kultura. Ang

mga ito ay: (1) antropolohiyang pisikal, (2) arkyolohika, (3) antropolohiyang

linggwistiko, at (4) antropolohiyang kultural. Sa pamamagitan ng mga


“lenteng” ito ay nabubuo ang mas malinaw na paglalarawan sa mga lipi at

napag-iibayo pagtutok sa mga pagkakatulad at pagkakaiba tungo sa

pagkakaunawaan.

Sa papel na ito, ang pang-apat na “lente” ang siyang tuon: ang

antropolohiyang kultural. Inilarawan ito ni Kottak bilang komparatibo at

kros-kultural na pag-aaral sa lipunan at kultura. Bagamat maiuugnay ang

antropolohiyang kultural sa sosyolohiya, mas nakatuon ang sosyolohiya sa

industriyalisadong Kanluran habang ang antropolohiyang kultural naman ay

nakapokus sa mga di-industriyalisadong lipunan.

Sa paglalarawan ni Guest, ang antropolohiyang kultural ay ang pag-

aaral sa mga tao, lipunan, mga gawi, paniniwala, institusyon, pati na ang

paraan kung paanong binibigyang-kahulugan ng mga tao ang mga bagay-

bagay habang sila ang naglalaro, nagtatrabaho, at namumuhay na kahalubilu

ang isa’t isa. Sinusubukang tumbukin ng antropolohiyang kultural ang mga

basehan ng tao sa kanyang mga pamumuhay. Pinag-aaralan nito ang mga

lumulitaw na patern hinggil sa pamumuhay ng tao at bumubuo ng mga teorya

hinggil sa kung paano umiikot ang mga komunidad at lipunan. Pinagtutuunan

ng pansin sa antropolohiyang kultural ang globalisasyon – partikular ang mga

paksang may kinalaman sa kung paanong nagbabago ang mga komunidad

kasabay ng globalisasyon.

Kasaysayan ng Antropolohiyang Kultural

Inumpisahan nina Edward Burnett Tylor at James Frazer ang pag-aaral

sa antropolohiya hanggang sa lumitaw ang konsepto ng unilineal cultural

evolution. Sa konseptong ito pinaniniwalaang ang kultura sumasailalim sa

natural na ebolusyon sa pare-parehong antas mula sa simple tungo sa


kumplikado. Hindi lahat ng anthrpologist ang sumang-ayon dito kabilang sina

Franz Boas at Bronislaw Malinowski. Para kay Boas, ang bawat kultura ay

nalilinang sa kanya-kanyang natatanging paraan sapagkat may kanya-kanya

itong natatanging kasaysayan at pinagmulan. Tinukoy ang konseptong ito

bilang historical particularism. Lalong umunlad ang kaisipang ito ni Boas sa

mga naging pag-aaral ng kanyang mga estudyanteng sina Ruth Benedict at

Margaret Mead. Binigyang-tuon ni Benedict sa kanyang mga pag-aaral ang

kapangyarihan ng kultura sa paghubog ng kamalayan at ang pangangailan ng

ibayong pag-aaral sa iba pang mga kalinangan ng bawat kultura. Si Mead

naman ay partikular na nakapokus sa enculturation at ang epekto nito sa mga

patern ng lipunan at sa mga personal na katangian ng tao. Nagbigay-daan ang

mga pag-aaral nina Benedict at Mead sa konsepto ng configurationalism na

tumatanaw sa kultura bilang isang gawaing integratibo at naka-patern.

Sa pagitan ng mga taong 1920 hanggang 1960 ay lumitaw naman sa

Britanya ang konsepto ng structural functionalism. Sa konseptong ito,

pinaniniwalaang ang bawat elemento sa lipunan ay may kanya-kanyang

tungkulin at gampanin sa pagpapanatili ng balanse. Sina Bronislaw

Malinowski, Max Gluckman, at Victor Turner ay nag-aaral alinsunod sa

konseptong ito.

Ipinakilala naman ni Marvin Harris ang cultural materialism na

nagbigay-diin sa ideyang nasa mga infrastakturang kultural nakasalalay ang

structure (mga ugnayang sosyal, pagkakaibigan, pamilya, atbp.) at

superstructure (relihiyon, ideolohiya, atbp). Alinsunod sa konseptong ito ang

naging resulta ng pag-aaral ni Max Weber na nagbigay ng empasis sa

prominenteng gampanin ng relihiyon sa mga pagbabagong panlipunan.


Pinaninindigan nina Marvin Harris at Leslie White na ang

antropolohiyang kultural ay agham. Nakabatay ang larangang ito sa mga pag-

aaral at paliwanag sa pagtukoy sa mga dahilan at kinahihinatnan ng mga

pangyayari sa lipunan. Sa pamamgitan ng maka-agham na proseso, nabubuo

ang mga teorya at patern hinggil sa kultura at lipunan. Ang agham na ito ay

tinukoy ni White bilang culturology.

Ang Pag-aaral ng Antropolohiyang Kultural

Etnograpiya ang puso ng antropolohiyang kultural. Nakikihalubilo ang

mga anthropologists sa lipunang pinag-aaralan. Sa pagsasagawa ng mga pag-

aaral sa antropolohiyang kultural, itinuturing ang anthropologist bilang isang

cultural participant. Sa prosesong etnolohiya inaanalisa at pinagkukumpara

ng mga anthropologists ang mga nakakalap na etnograpikong impormasyon.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik sa antropolohiyang kultural

ikinukunsidera ang dalawang kultural na pananaw na emic at etic.

Nangangahulugan itong parehong mahalaga sa antropolohiyang kultural ang

pananaw na panloob at panlabas. Ang hindi pamilyar ay ginagawang pamilyar

at ang pamilyar naman ay ginagawang hindi pamilyar. Ginagamit pa rin ang

mga tradisyunal na paraan sa pag-aaral ng kultura: armchair anthropology,

off the veranda technique, salvage ethnography, at holism. Sa kasalukuyan,

ginagamit na ang iba pang mga dulog sa pananaliksik ng antropolohiyang

kultural – kwantitatibo man o mixed method.

Sa pangangalap ng datos, iba’t ibang teknik ang isinasagawa: mula sa

simpleng pagmamasid at pakikihalubilo, pakikipagtalastasan, pangungolekto

ng mga kasaysayan ng lipi, genealogy, pagtukoy ng mga key informants, at

paggamit ng field notes. Sa gawaing ito, mahalagang mapanindigan ang


katotohanan sa pinag-aaralan. Mahalaga din ang paghingi ng permiso sa pag-

aaral at ang pagpapanatili ng privacy ng mga pinag-aaralan.

Iilang Diskusyon hinggil sa Antropolohiyang Kultural

Una: Ang Nature versus Nurture

Ayon pa rin kay Guest, ang kultura ay naituturo at natutunan. Ang mga

tao, ay gumagalaw batay sa mga nakagisnan at nakagawian. Kung gayon,

maaaring sabihin na nakasandig sa kasalukuyan ang kinabukasan.

Nakasalalay sa kung ano ang mga itinuturo hinggil sa pamumuhay ng

kasalukuyang henerasyon ang magiging paraan ng pamumuhay sa

kinabukasan.

Subalit ang katotohanang ito ay sinasabayan din naman ng mga

puntong nagpapatibay na ang likas na katangian ng tao ang siyang responsible

sa kanyang kahihinatnan. Si Lawrence Summers (mula kay Guest, 2016) ay

nagpahayag na kadalasang nagtatagumpay ang mga lalaki kaysa sa mga babae

sa larangan ng matematika sapagkat ang utak ng mga lalaki ay sadyang

nakadesinyo na sa paraang ito. Kung pagbabatayan ito, taliwas sa naunang

pahayag, ang kinabukasan ay nakasalalay sa “kalikasan” ng tao.

Mula sa mga argumentong ito sumibol ang mga katanungang: Maaari

bang paghiwalayin ang nature at nurture sa usaping pangkultura? Kung hindi

mapaghihiwalay, alin sa dalawa ang mas nakalalamang sa impluwensiya nito

sa kultura?

Pangalawa: Ang Mediated Culture

Tinutukoy ng mediated culture ang paglalarawan sa kasalukuyang

lipunan na lubhang naiimpluwensiyahan ng makabagong panahon at

teknolohiya. Hindi maitatatwa ang impluwensiya ng advertaysing, negosyong


pagbibenta, at pinansiyal na serbisyo sa mga pagpapahalagang pansarili,

ekonomiko, pulitika, moral, at ispiritwal na pananaw ng tao. Napaka-aktibo ng

mga industriyang mass media, social networking sites, at internet providers

dahil sa katotohanang ito. Marami ang sasang-ayon sa pahayag na nakasalalay

sa mass media at social networking sites ang kani-kanilang mga desisyon sa

araw-araw na pamumuhay.

Tinukoy ni Wesch (2018) ng panlilinlang ang “katotohanan” na

madalas nating makita sa mga social networking sites: mga filtered na

larawan, fake news, at iba pa. Ang pananaw sa kagandahan, kaligayahan, at

kapayapaan ay impluwensiyado na rin ng kung ano ang ipinalalabas sa mga

TV ads. Ang moralidad ay natitinag din sa sunod-sunod na paglalabasan ng

mga pelikulang may mga temang pag-igpaw sa kumbensyunalidad ng lipunan.

Kung gayon, saan kaayo patungo ang lipunang nasa ilalim ng mediated

culture? Kailan at paano nga nagsimula ang mediated culture?

Pangatlo: Ang Impak ng Digital Age sa Komunikasyon

Partikular na binanggit ni Light (2017) na ang teknolohiya sa

komunikasyon ay gumagawa ng gap sa pagitan ng nakaririwasang pangkat ng

tao at mga wala. Naroroon din ang gap sa pagitan ng mga digital natives at

digital immigrants. Kakambal pa ng mga teknolohiyang ito ang

pangangailangan ng maayos na internet connectivity. Sa kabila ng mataas na

antas ng teknolohiya sa komunikasyon ay hindi naman maitatwa ang

katotohanang may mga bahagi pa ng mundo ang walang malayang access sa

mga teknolohiyang ito. Hinaharap sa mga lugar na ito ang paggiging limitado

ng komunikasyon para sa lipunan nila.


Masasabing mas naging mabilis mas lumawak pa ang naabot ng

komunikasyon sa kasalukuyang panahon dala ng mga makabagong

teknolohiya. Ngunit patuloy namang magiging interesado ang mga

anthropologists sa kung ano ang epekto nito sa iba’t ibang pangkat ng mga tao

sa lipunan.

Pang-apat: Ang Usapin sa Modes of Production, Exchange, at Consumption

Ayon naman kay Lyon (2017), ang tatlong napakahalagang pangyayari

sa ekonomiya na produksyon, pagpapalitan, at pagkunsumo ay nagkakaiba sa

bawat magkaibang lipunan subalit magkaka-ugnay naman sa ibang aspekto.

Ang lipunan ay may mga pangkat na gumagalaw sa mga simple at di-

kumplikadong paraan ng produksyon habang ang mga malalaking kapitalista

naman ay nakasandig sa mga makabagong makinarya at teknolohiya. Sa

pagpapalitan naman, may mga umiikot gamit ang pera habang may mga

lipunan namang kagaya ng sa Nigeria na may sariling anyo ng yunit sa

pagpapalitan. Sa lipunang ito, maaaring mga produktong agrikultural,

personal na serbisyo, at lupain ang ginagamit sa pagpapalitan. Gayonman, mas

malaking bahagi ng mundo ginagamit ang pera para sa lahat ng

pangangailangan. Para naman sa mga Bohannans, may moral na kahulugan

ang pera at nakasalalay ito sa kulturang gumagamit nito. Ang pera ay global

na yunit ng pagpapalitan ngunit mayroon din namang mga lokal na yunit ng

pagpapalitan kagaya ng New York na Ithaca Hours Currency na ginagamit na

noon pang 1991. Sa kanilang lugar ay may mahigit 900 na establisyimento ang

umiikot sa yunit na ito.

Sa aspekto ng consumption naman, ayon parin kay Lyon, interesado

ang mga anthropologists sa kung paanong naging simbolo ng estado ang mga
materyal na bagay. Naroroon din ang isyu hinggil sa kung anu-ano pa ang mga

“kinukunsumo” ng mundo higit pa sa mga materyal na bagay. Interesado ang

antropolohiyang kultural sa mga impak nito sa sosyal na ugnayan ng mga tao

sa lipunan.

Panglima: Etikal na Usapin

Dahil sa ang mga nag-aaral ng antropolohiyang kultural ay

awtomatikong cultural participant umusbong ang mga isyung may kaugnayan

sa pagging balanse at hindi biased na mga resulta ng pag-aaral. Pinatutunayan

ito ng nailathalang talaarawan ni Malinowski nang siya ay mamatay ang

katotohanang hindi lubusang nabibitawan ng isang anthropologist ang

kanyang etnosentrikong gawi at pananaw. Mahalagang pangyayari din sa

mundo ng antropolohiya ang naging kontrobersiya nina Napoleon Chagnon at

James Neel na pagkatapos ng imbistigasyong isinagawa ng American

Anthropological Association noong 2002 ay lumitaw na sila ay nagkamali sa

pagrerepresenta sa bayolenteng kalikasan ng mga Yanomami ng Brazil at

Venezuela na siyang naging dahilan na napasama ang pangkat. Napag-alaman

din na hindi sila humingi ng permiso para sa isinagawang pag-aaral. Patay na

si Neel nang mga panahong ito. Umapila si Chagnon sa desisyong ito at

kinuwestyon ang naging proseso ng imbestigasyon. Taong 2005 ng binawi ng

AAA ang kanilang desisyon pabor kay Chagnon.

Konklusyon

Bilang paglalahat, inilalahad sa sumusunod ang mga kaisipan hinggil

sa antropolohiyang kulutural:

1. Ang kultura ay naituturo at natututunan. Maaari itong kontrolin.


2. Interesanteng pag-aralan ang kultura. Magbubukas ito ng mga bago at

ibayo pang kaalaman na mag-uudyok mas mataas na antas ng

kalinangan.

3. Kinakailangan ang masinsinan, sensitibo, at seryosong pag-aanalisa sa

mga etnograpikong impormasyon sapagkat ang mga ito ay

mahahalagang salik ng lipunan na maaaring mag-iwan ng positibo at

negatibong alaala depende sa kung paano ito inihayag ng

mananaliksik. Ang maayos na analisis at disiminasyon ng resulta ay

makatutulong para sa pagpapaunlad pa ng mga ugnayang panlipunan.

Ang insensitibong tritment naman sa mga ito ay maaaring magdala ng

kapahamakan sa lipunan.

4. Habang ang tao ay patuloy na namumuhay, patuloy ding magkakaroon

ng pagbabago sa mga lipunan. Madaragdagan pa ang mga paksang pag-

aaralan sa larangan ng antropolohiyang kultural.

Reperensiya
Guest, K. J. (2016). Essentials of Cultural Anthropology A Toolkit for a Global Age.
United States of America.

Kottak, C. P. (2015). Cultural Anthropology Appreciating Cultural Diversity 16th Edition.


New York. Retrieved from Academia:
https://www.academia.edu/29450770/Cultural_Anthropology_Appreciating_C
ultural_Diversity_Conrad_P_Kottak_514_Pages_Conrad_P_Kottak

Light, L. (2017). Language. Perspectives: An Open Invitation to Cultural Anthropology.

Lyon, S. (2017). Economics. Perspectives: An Open Invitation to Cultural Anthropology.

Wesch, M. (2018). The Art of Being Human: A Textbook for Cultural Anthropology.
Manhatann, Kansas.

You might also like