You are on page 1of 11

MGA HAMON SA PAGTUTURO NG WIKA AT PANITIKAN

Juvie B. Sebial

Introduksyon

Ayon kina Palete at Montemayor (2017), ang mga guro sa Filipino ay

mayroong mga kinakaharap na hamon sa mundo ng pagtuturo. Maliban sa

kani-kanilang mga indibidwal at personal na sirkumstansya, nakikisabay ang

mga guro sa mabilis na inog sa mundo ng edukasyon – mga mag-aaral ng

kasalukuyang panahon, teknolohiya bilang integral na bahagi ng edukasyon,

at marami pang ibang mga paksain sa larangan akademya. Ang mga

hamong ito ay bahagi na kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa

kabila nito, patuloy na ginagampanan ng mga guro ang kanilang

napakahalagang papel sa lipunan.

Mahalaga ang pagtukoy sa mga hamong ito tungo sa paglinang ng

mga hakbanging posibleng makatulong sa pagbibigay-solusyon, kung hindi

man ay pagpapagaan, sa mga hamong bahagi na ng makulay na larangan

ng pagtuturo. Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga hamong ito, posibleng

makapaglatag ng mga mungkahing makatutulong at makabawas sa mga

suliraning kinakaharap ng mga guro. Nakabatay ito sa pahayag ni Meador

(2019), ang pagtukoy at pagkilala sa mga hamong kinakaharap ng mga guro

ay makatutulong upang mas mapaunlad pa ang larangan ng akademya,


partikular sa pagpapataas sa antas ng pananatili ng guro sa propesyon ng

pagtuturo (teacher retention), mataas na antas ng tagumpay sa mga mag-

aaral (students’ success rate), at paglinang sa pangkalahatang kalidad ng

edukasyon.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagtukoy sa mga hamong

kinakaharap ng mga guro sa kolehiyo sa pagtuturo ng wika at panitikan.

Partikular na binibigyang kasagutan ang sumusunod:

1. Ano-ano ang mga hamon sa pagtuturo ng wika at panitikan ang

kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyan?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa sirkumstansya ng mga guro sa

Filipino na nagtuturo ng wika at panitikan sa J.H. Cerilles State College.

Ilalahad sa gawaing ito ang mga itinuturing na hamon sa pagtuturo batay sa

personal pananaw ng bawat guro sa Filipino.

Nasa 75% lamang ng mga gurong nagtuturo ng wika at panitikan ang

naging respondente ng pag-aaral sapagkat ang natitirang 25% ay hindi

nakapagpa-unlak ng panayam dala ng isyung pangkalusugan.

Teoritikal na Balangkas
Ginamit sa pag-aaral na ito ang binanggit nina Baden at Van Niekerk

(2016) na teoryang narrative inquiry. Binibigyang-diin nito ang kabuluhan ng

mga naratibo bilang mga konkretong mapagkukunan ng mahahalagang

datos. Sa papel na ito ang mga karanasang siyang gagawing lunsaran ng

pag-aaral ang siyang tinutukoy bilang mga naratibo. Ang mga ito ang siyang

paghahanguan ng mga temang magiging daan tungo sa pagtukoy sa mga

hadlang sa pagtuturo ng wika at panitikan.

Isinaalang-alang sa pag-aaral na ito teorya ni Abraham Maslow

hinggil sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailan ng tao. Sa papel na

ito, ang partikular na tinutukoy bilang pangangailan ay ang pagbibigay-

balidasyon sa mga karanasan ng mga gurong nagtuturo ng wika at panitikan.

Ang pagtutuon ng pokus sa paksang ito ay maituturing na pagbibigay-

kabuluhan sa kanilang mga opinyon at puna na maaaring gamitin upang

mas mapaunlad pa ang larangan ng pagtuturo ng wika at panitikan.

Konseptwal na Balangkas

Sa pamamagitan ng mga panayam sa bawat gurong ng Filipino na

nagtuturo ng wika at panitikan ay lilitaw ang mga personal na karanasan at

pananaw ng mga guro hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan. Susuriin

ang mga transkrip ng mga panayam na ito sa bawat guro at tutukuyin ang
mga temang nangunguna sa bawat transkrip bilang mga hamon sa

pagututuro ng wika at panitikan. Ang mga temang ito ang siyang i-oorganisa

sa pamamagitan ng isang malinaw na paglalahad bilang mga hamon sa

pagtuturo ng wika at panitikan.

Ang kahon na nasa kaliwang bahagi ng iskematikong paradaym ay

sumasagisag sa mga nalikom na personal na karanasan at pananaw ng mga

guro sa pagtuturo ng wika at panitikan. Ang mga nalikom na datos ay

susuriin upang matukoy ang mga nangingibabaw na hamon sa pagtuturo

ng wika at panitikan na inire-representa naman ng kahon na nasa kanang

bahagi ng iskematikong paradaym.

Mga Personal Karanasan Mga Hamon sa


at Pananaw sa Pagtuturo Pagtuturo ng Wika
ng Wika at Panitikan at Panitikan

Iskematikong Paradaym

Depinisyon ng Terminolohiya
Hamon sa Pagtuturo. Tumutukoy sa mga isyung kinakaharap ng mga

guro kaugnay ng pagtuturo ng wika at panitikan.

Hamon sa Instruksyunal na Materyal/Kagamitan at Kurikulum.

Tumutukoy sa kakulangan ng mga magagamit na materyal at kagamitan sa

klase at sa pagbabagong dinaraanan ng kurikulum.

Student-related na Hamon. Tumutukoy sa mga hamong dulot ng

mga istudyante ng kasalukuyang panahon.

Teacher-related na Hamon. Tumutukoy sa mga hamong dala naman

ng personal na mga isyu ng gurong nagtuturo ng wika at panitikan.

Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay kwalitatibo sa paraang palarawan na

nakatuon sa pagsisiwalat ng aktwal na karanasan at pananaw ng mga guro

hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan. Tatlo sa apat o 75% ng mga

gurong nagtuturo ng wika at panitikan ang nagsilbing respondente sa pag-

aaral. Pawang mga regular na gurong nagtuturo ng wika at panitikan sa

kolehiyo ang mga respondente. Ang mga datos ay nilikom sa pamamagitan

ng isang panayam. Tinukoy ang mga hadlang sa pagtuturo ng wika at

panitikan hango sa mga transkrip ng panayam sa mga guro hinggil sa kani-

kanilang mga karanasan sa pagtuturo ng wika at panitikan.


Resulta ng Pag-aaral

Batay sa naging pagsusuri ng mga datos na nalikom, nahahati sa tatlo

(3) ang mga hamong kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng wika at

panitikan: teacher-related na hamon, student-related na hamon, at hamon

sa instruksyunal na materyal/kagamitan at kurikulum. Ang mga ito ay

inilalahad ng sumusunod na talahanayan:

Teacher – related na Hamon Guro 1 Guro 2 Guro 3

1. pagkahuli ng guro sa makabagong / /

teknolohiya

2. isyung pangkalusugan ng guro /

3. transportasyon ng guro patungo sa /

kolehiyo

Talahanayan 1. Mga Teacher – related na Hamon

Sa mga teacher – related na hamon, nangunguna ang paggiging huli

ng mga guro sa makabagong teknolohiya. Napapansin nilang ang mga

istudyante sa kasalukuyan ay komportable sa paggamit ng teknolohiya kung

kaya’t kinakailangan nilang makibagay sa mga ito upang mapukaw ang

interes ng mga mag-aaral. Gayunpaman, malaking bahagdan ng mga

gurong nagtuturo ng wika at panitikan ay malapit na retirable age kung


kaya’t aminado silang nahihirapang sumabay sa teknolohiya bilang kaakibat

sa pagtuturo ng wika at panitikan.

Tinukoy rin ng isa sa mga respondente ang isyung pangkalusugan

bilang hamon sa kanyang pagtuturo. Dala ng edad, hindi maiwasan ang

paggiging sensitibo at mahina na ng katawan ng guro kung kaya’t

naaapektuhan ang kanyang pagtuturo sa klase. Maiuugnay naman ang

hamon na ito sa edad ng respondente na kung tutuusin ay malapit na sa

retirable age. Isang respondente naman ang bumanggit sa isyung may

kinalaman sa transportasyon ng guro patungo sa kolehiyo. Ang mayorya ng

mga respondente ay pawang naninirahan sa siyudad at kinakailangan pang

magbiyahe ng may 40 minuto patungo sa kolehiyo at mamasahe ng 80 piso

kada araw. Ang mayoryang ito ay pare-pareho ding mga nagko-commute

kung kaya’t sa tuwing nagkakaroon ng aberya ang mga transportasyon ay

naaapektuhan din talaga ang kanilang mga klase. Maliban dito, kapag

masama ang panahon ay nahihirapang din sila sa pagko-commute.

Student – related na Hamon Guro 1 Guro 2 Guro 3


1. pagpapanatili sa interes ng mga mag- / /

aaral

Talahanayan 2. Student – related na Hamon

Iisang hamon naman sa ilalim ng student – related na hamon ang

lumitaw sa mga pahayag ng mga guro. Partikular na binanggit ng mga guro

ang pangangailangan ng ibayong pagsisikap upang mapanatili ang interes

ng mga istudyante sa klase nila sa wika at panitikan. Bagamat

nakapagsasalita ang mga mag-aaral sa wikang Filipino, kinukulang sila sa

interes sa mga gawaing may kinalaman sa panitikan at ang guro ay

kinakailangang maghanap ng mga makabuluhang istratehiya upang

mapanatiling interesado ang mga mag-aaral sa klase. Ito ang nag-uudyok sa

mga gurong gumamit ng teknolohiya sa pagtuturo upang mapukaw ang

interes ng mga mag-aaral. Gayunpaman, nahihirapang ang mga guro sa

pagsabay sa mga makabagong teknolohiya kaya’t para sa kanila ay hamon

pa rin ito.
Hamon sa instruksyunal na Guro 1 Guro 2 Guro 3

materyal/kagamitan at kurikulum

1. kakulangan ng materyal at kagamitan sa / /

pagtuturo (aklat, sanggunian, atbp.)

2. pagkakatanggal ng asignaturang Filipino / / /

sa GEC

Talahanayan 3. Hamon sa Instruksyunal na Materyal/Kagamitan at

Kurikulum

Lumitaw rin sa pag-aaral ang kakulangan sa mga materyal at

kagamitan para sa pagtuturo ng wika at panitikan. Kusa itong tinututugunan

ng mga guro sa pamamagitan ng pagkalap ng mga materyal at kagamitan

sa personal na gastos. Para sa kanila, kinakailangan nila itong gawin dahil

napakahalaga nito sa kanilang pagtuturo ng wika at panitikan.

Maliban sa kakulangan ng mga materyal at kagamitan sa pagtuturo,

binanggit ng mga guro ang pagkakatanggal ng asignaturang Filipino bilang

bahagi ng GEC sa binagong kurikulum ng kolehiyo. Ipinahayag nila ang

pagkadismaya sa desisyong ito ng kolehiyo at ipinahayag na sa buong

rehiyon ay tanging sa kolehiyo nila tinanggal ang asignaturang Filipino. Hindi

ikinakaila ng mga guro na masakit ang naging desisyong ito ng kolehiyo.


Umaasa ang mga guro na darating ang panahong maibabalik pa ang

asignatura sa GEC ng binagong kurikulum ng kanilang kolehiyo.

Konklusyon

Binigyang-diin ng pag-aaral ang sumusunod:

1. Ang mga kinakaharap na hamon ng mga guro sa pagtuturo ng wika

at panitikan ay: teacher-related, student-related, at hamon sa

instruksyunal na materyal/kagamitan at kurikulum.

2. Nakaaapekto sa pagtuturo ng mga guro ang kanilang edad na siyang

itinuturing na nagdudulot ng isyung pangkalusugan.

3. Mayroong pagkukusa ang mga guro sa wika at panitikan na

masasalamin sa kanilang mga personal pamimili ng mga instruksyunal

na materyal/kagamitan na magagamit sa klase.

4. Nagdulot ng emosyunal na pagkadismaya sa mga guro ng wika at

panitikan ang pagkakatanggal sa asignaturang Filipino mula sa

kurikulum ng GEC.
Rekomendasyon

Iminumungkahi ang sumusunod:

1. Bigyang-pansin ang mga tinukoy na hamon ng mga guro upang

matugunan tungo sa pagpapaunlad ng akademikong institusyon.

2. Gabayan ang mga guro hinggil sa mga pangkalusugang isyu upang

maging maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.

3. Pag-ibayuhin pa ang pagpapatuloy sa pagkakaroon ng pagkukusa ng

mga guro sapagkat ito ay positibong katangian.

4. Bigyang-pagkakataon ang mga gurong ilahad ang kanilang pananaw

hinggil sa pagkakatanggal ng Filipino bilang bahagi ng GEC ng

kolehiyo.

Reperensya
Baden, M. S., & Van Niekerk, L. (2016). Narrative Inquiry: Theory and Practice. Journal of
Geography in Higher Education, 459-472.

Meador, D. (2019). Problems for Teachers that Limit their Overall Effectiveness.
Retrieved from ThoughtCo: https://www.thoughtco.com/problems-for-
teachers-that-limit-their-overall-effectiveness-3194679

Palete, T., & Montemayor, E. (2017). Ang Guro sa Filipino. Retrieved from Press Reader:
https://www.pressreader.com/

You might also like