You are on page 1of 1

Mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa Filipino sa pagkalunsad ng MTB-MLE

~Ermilyn P. Ramos, Jonavine B. Maloc; Maria Virginia L. Mapalo;


Angelica T. Napiloy; Jemalyn Pukchas M.
Abstrak

Ang gobyerno ay gumagawa ng paraan para mapaangat ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas
na ang laging katuwang ng pag-angat nito ay mga guro. Kaakibat nito ay mga guro rin ang
naaapektuhan sapagkat kailangan niyang dumaan sa mga maraming pagsasanay at bagong
pakikibagay sa mga bagong paraan na hinihiling ng pagbabago ng kurikulum sapagkat
kailangang tumugon sa mga bagong dulog, bagong pamamaraan at bagong teknik na nais
ilunsad ng mga naisabatas sa usaping edukasyon para makasabay sa globalisasyon. Ang pag-
aaral na ito ay nakatuon sa pagsiyasat sa mga suliranin ng mga guro sa pagkalunsad ng
Mother Tongue-Based Multilingual Education. Sa pamamagitan ng pakikipanayam gamit ang
gabay na talatanungan ay sinuri at inalam ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga
suliraning kinakaharap ng mga guro sa Filipino sa paggamit nila ng unang wika bilang midyum
na pantulong sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Inalam din ng mga mananaliksik ang ilang
naging solusyon ng mga guro sa Filipino sa paggamit nila ng unang wika bilang midyum na
pantulong sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang mga natuklasang suliranin ay nanguna
ang kawalan ng mga kagamitang instruksyonal, nagkaroon ng transliterasyon, koda na may
kinalaman sa pagkakaroon ng code mixing at code switching, kakulangan ng tamang
talasalitaan, nagkakaroon ng suliranin sa personalidad sa mga guro at sa mga mag-aaral.
Ngunit sa kabila ng mga nabanggit na suliranin ay nakakagawa pa rin ang mga guro ng mga
paraan para magampanan nila ang kanilang mga tungkulin na siyang naging daan para
makabuo ng mga modelong kwadrilateral at pabalisungsong.

Mga susing salita: Suliranin, Guro sa Filipino, Asignaturang Filipino, MTB-MLE

You might also like