You are on page 1of 3

KABANATA 1

Ang hamon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga bagong guro sa DepEd

Ang suliranin at kaligirang pangkasanay

Ang Polangui General Comprehensive High School ay isa sa kilalang eskwelahan sa


Bayan ng Polangui, kung kaya’t hindi rin maipagkakaila na marami sa mga baguhang
guro ng DepEd ang gustong makapasok at makapagturo sa paaralang ito lalong- lalo
na sa mga guro ng nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino. Ito ang mga pinag-
aaralan sa paaralan na ginagamitan ng lingwaheng Filipino. Pinag- aaralan dito ang
mga kahalagahan ng wika, tamang gramatika ng pagsulat ng mga kuwento at iba pang
akademikong papel.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay
magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo(Cabigao, 2011).

Mahalagang paglaanan ng panahon na matukoy ang mga hamon sa pagtuturo ng mga


guro lalong-lalong na sa asignaturang Filipino kung saan ang guro sa medyor ng ating
wikang pambansa na Filipino ay maituturing na isang bayani. sapagkat ang pagiging
guro sa Filipino ay parang nakikilaban sa mga nagsusulputang salita, propesyon at sa
panahon ngayong modernisasyon ang teknolohiya. Patuloy rin ang pag-unlad ng
wikang Filipino kung kaya’t napakalaking hamon sa mga guro ang pagbibigqy ng sapat
na kaalaman sa mag-aaral.

Layunin:

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang mga hamong
nararanasan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga bagong guro ng DepEd sa
Polangui General Comprehensive High School

layunin nitong masagot ang sumusunod na tiyak o espesipik na katanungan:

a. Ano ang mga hamon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga bagong guro ng
DepEd sa PGCHS sa taong 2022?

b. Paano nakakaapekto ang mga hamon sa estratehiya ng kanilang pagtuturo?

c. . Ano ang maaaring rekomendasyon upang lubos na mapagaan ng mga bagong guro
Ang kanilang pagtuturo sa asignaturang Filipino?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwala na napakasignipikant ng pag-aaral na ito. Maaari itong


pakinabangan ng mga bagong guro at mga guro na magtuturo sa hinaharap hindi
lamang sa Polangui General Comprehensive High School, kundi maging sa iba pang
paaralan.

Guro. Ang mga datos na natuklasan sa pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay
upang malaman ang mga hamon sa pagtuturo ng asignaturang filipino at mahawan ito.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang lubos na makikinabang sa pag-aaral na ito ay
ang mga baguhang guro upang malaman ang ilan sa mga estratehiyang maaaring
magamit sa hinaharap

DepEd. Sa pamamagitan nito sila ay makapaghahandq ng mga angkop na programa at


pagsasanay ayon sa natuklasang suliranin upang mabigyan ng kalunasan ang
pangangailangan sa pagtuturo ng mga guro.

Saklaw at limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga pagsusuri ng mga hamon ng bagong guro sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga estratehiyang
maaaring gamitin ng guro sa pagtuturo. Sa pagkakalap ng mga datos, ang mananaliksik
ay magsasagawa ng pakikipanayan sa respondante. Nililimitanhan ang pag-aaral na ito
sa pamamagitan ng pagpili ng tatlo (3) hanggang limang (5) respondente ng baguhang
guro sa asignaturang Pilipino na may isang taong eksperyensya sa pagtuturo sa
paaralang Polangui General Comprehensive High School

Depinisyon of Terms

Asignaturang Filipio -Ang mga pinag-aaralan sa paaralan na ginagamitan ng


linguwaheng Filipino.Pinag-aalan dito nang mga kahalagahan ng wikang
Filipino,tamang gramatika ng pagsulat ng mga kwento at iba pang akademikong papel.

Dalubhasa- Ang pagkakaroon ng natatanging kasanayan o kaalaman sa isang tanging


larangan ito ang taong may sapat na karanasan at maaaring pagkunan ng konsulta
para malutas ang bagay-bagay

Sanggunian:

https://www.coursehero.com/file /118032664 repleksyondocx/

You might also like