You are on page 1of 15

116

KABANATA 5

Paglalagom, Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

Inilahad sa kabanatang ito ang buod, mga natuklasan, mga kongklusyon

at rekomendasyon mula sa mga kasagutan ng mga guro ayon sa inihandang

tseklist at talatanungan. Ang pag-aaral na ito ay binigyang-tuon ang kahandaan

at kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa Filipino alinsunod sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program.

Pahapyaw na Lagom

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na Kahandaan at Kaalaman ng mga

Guro at Mag-aaral sa Filipino sa Bulan, Sorsogon Alinsunod sa

Pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program. Pangunahing layunin sa

pag-aaral na ito ang malaman ang kahandaan at kaalaman ng mga guro at mag-

aaral sa Bulan, Sorsogon sa taong panuruan 2013-2014 alinsunod sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program.

Kalahok sa pag-aaral na ito ang labindalawang (12) guro at sandaang

dalawa (102) na mag-aaral na grade 8 sa Bulan, Sorsogon. Natamo ang mga

datos sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tseklist at talahanayan na

ipinamudmod. Ginamit ang palarawang pagsusuri sa pagpapakahulugan ng mga

talahanayan. Sa pagsusuri ng mga datos na nalikom ginamit ng mananaliksik

ang pagbilang, bahagdan, pagranggo, weighted mean at iskala ng

kwantifikasyon. Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:


117

1. Ano ang lawak ng kahandaan sa K to 12 Basic Education Program ng

mga guro ng Filipino sa Grade 7 ayon sa:

a. Banghay-Aralin

b. Panapos na Gawain

2. Ano ang lawak ng karanasan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ayon

sa:

a. Proseso ng Pagkatuto

b. Panapos na Gawain

3. Ano ang antas ng kaalaman ng mga guro ng Filipino alinsunod sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program?

4. Ano ang mga suliraning nararanasan ng mga guro at mag-aaral sa

asignaturang Filipino alinsunod sa pagsasakatuparan ng K to 12 Basic

Education Program?

5. Ano ang mga mungkahing gawain para sa mga guro at mag-aaral sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program?

Mga Natuklasan

Batay sa mga kasagutan sa tseklist at talatanungan, natuklasan ang

sumusunod:

1. Lawak ng Kahandaan sa K to 12 Basic Education Program ng mga Guro ng


Filipino sa Grade 7 ayon sa Banghay-Aralin at Panapos na Gawain

a. Banghay-Aralin
118

Malawak ang kahandaan ng mga gurong respondent sa nangungunang

ranggo na pagbuo ng layunin ng banghay-aralin ng may weighted mean na

4.08. Ang ikalawang ranggo na paksang ituturo ay malawak naman ang

kahandaan ng mga guro na may weighted mean na 3.92. At ang nasa ikatlong

ranggo na paghahanda ng pamamaraan ay malawak din ang kahandaan ng

mga guro na may weighted mean na 3.83.

b. Panapos na Gawain

Malawak ang kahandaan ng mga guro sa nangungunang ranggo na

pagsulat ng sariling talambuhay na may weighted mean na 4.25. Sa

ikalawang ranggo na pagsulat ng komposisyon ay malawak din ang

kahandaan ng mga guro na may weighted mean na 4.17. Samantala, malawak

din ang kahandaan ng mga guro sa mga panapos na gawain na paggawa ng

islogan at pagsulat ng maikling kuwento na nasa ikatlong ranggo na may

weighted mean na 4.00

2. Lawak ng Karanasan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino Ayon sa


Proseso ng Pagkatuto at Panapos na Gawain

a. Proseso ng Pagkatuto

Natuklasan na malawak ang karanasan ng mga mag-aaral sa pangwakas

na pagtataya na nasa unang ranggo na may weighted mean na 4.21. Ang

ikalawang ranggo na pagpapayaman ay malawak din ang karanasan ng mga

mag-aaral na may weighted mean na 4.09. Malawak din ang karanasan ng mga
119

mag-aaral sa ikatlong ranggo na pagpapalawig na may weighted mean na

4.06

b. Panapos na Gawain

Malawak ang karanasan ng mga mag-aaral sa nangungunang aytem na

pagsulat ng talambuhay na may weighted mean na 4.48. Malawak din ang

karanasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng maikling sanaysay na nasa

ikalawang ranggo na may weighted mean na 4.43. At ang nasa ikatlong

ranggo na pagsulat ng maikling kuwento na may weighted mean na 4.30 ay

malawak din ang karanasan ng mga mag-aaral.

3. Antas ng Kaalaman ng mga Guro ng Filipino Alinsunod sa Pagsasakatuparan


ng K to 12 Basic Education Program

Ang tatlong nangungunang ranggo na may pinakamataas na weighted

mean na 4.33 ay ang mga aralin sa asignaturang Filipino ay mayroon ng

specific na tema sa bawat markahan, (a) Ang Nagbabagong Ako, (b)

Nagkakaiba, Nagkakaisa, (c) Mga Tunggalian, (d) Malaya Ako; sa paggawa

ng aralin, ang pamamaraan ay mayroon ng anim na bahagi (a) Panimulang

Pagtataya, (b) Presentasyon, (c) Pagpapayaman, (d) Pagpapalawig, (e)

Sintesis at (f) Pangwakas na Pagtataya; at sa pagtuturo, kinakailangan na

gumamit ang guro ng mga visual aids at teknolohiya upang malinang ang

kakayahan ng mga mag-aaral. Samantala ang dalawang nasa ikalawang

ranggo na may weighted mean na 4.25 ay ang pangkalahatang layunin ng

kurikulum ng K to 12 ay makalinang ng isang buo at ganap na Pilipinong

may kapaki-pakinabang na literasi at sa proseso na pagtuturo-pagkatuto ay


120

nagsasagawa ang mga mag-aaral ng pangkatang gawain sa tulong ng

guro. At ang apat na nasa ikatlong ranggo na may weighted mean na 4.00 ay

ang pagtuturo ng Filipino alinsunod sa K to 12 Basic Education Program ay

may layuning malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2)

replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga

mag-aaral ay magpapatunay na natamo nila ang mga (EU) Kakailangang

Pag-unawa; alinsunod sa kurikulum ng K to 12, inilalapat ang Spiral

Progression Approach sa pagtuturo; at sa asignturang Filipino 7, itinuturo

ang mga akdang pampanitikang rehiyunal upang maipagmalaki ang sariling

kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang panrehiyon.

4. Mga Suliraning Nararanasan ng mga Guro at Mag-aaral sa asignaturang


Filipino Alinsunod sa Pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program

Ang nangungunang suliranin ng guro ay ang “Kakulangan ng

kagamitang panturo”. Samantala, ang tatlong suliranin na nasa ikalawang

ranggo ay ang mga “Kakulangan ng kaalaman ng guro sa paghahanda ng

banghay-aralin/lesson exemplar; “Dahop ang kaalaman ng guro sa

paggamit ng makabagong teknolohiya ” at “Kakulangan ng kaalaman ng

guro sa pagbubuo ng rubrics o pamantayan sa pagmamarka.” At ang nasa

ikatlong ranggo naman ay ang mga suliraning “Kakulangan ng kaalaman ng

guro sa paghahanda ng varayti ng mga gawaing pangklasrum kaugnay ng

aralin”; ‘’Kakulangan ng guro sa mga dinadaluhang seminar workshop’’;

“Kakulangan ng kaalaman ng guro sa paghahanda ng mabisang pagsusulit

at pagtataya sa wika at panitkan na angkop sa mga karanasan”;


121

“Kakulangan ng kaalaman ng guro sa iba’t ibang estratehiya at dulog sa

pagtuturo ng wika at panitikan”; “Ang guro ay marami ang asignaturang

itinuturo”; “Kakulangan ng pondo ng paaralan sa pagbili ng mga

kagamitang panturo” at “Kahinaan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pag-

unawa”.

Ang suliranin naman na nararanasan ng mga mag-aaral na nasa

unang ranggo ay ang “Kawalan ng interes at disiplina ng mga mag-aaral”.

Ang nasa ikalawang ranggo naman ay ang suliraning “Kahinaan ng mag-

aaral sa pagbasa at pag-unawa”. At ang dalawang suliranin na nasa ikatlong

ranggo ay ang “Malaking bilang ng mag-aaral sa bawat klasrum” at

“Kakulangan ng kagamitang panturo”.

5. Mga Mungkahing Gawain Para sa mga Guro at Mag-aaral sa


Pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program

Nabuo ang tatlong (3) araw na seminar-worksyap ng mga guro sa

Filipino 7 sa pampublikong paaralan sa Bulan, Sorsogon bilang mungkahing

gawain para sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga guro sa pagtuturo-pagkatuto

ng mga mag-aaral.

Kongklusyon

Batay sa natuklasan na kahandaan at kaalaman ng mga guro at mag-

aaral sa Filipino alinsunod sa pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education

Program nabuo ang sumusunod na kongklusyon.

1. Malawak ang kahandaan ng mga guro ng Filipino sa pagsasakatuparan

ng K to 12 Basic Education Program ayon sa banghay-aralin sapagkat may


122

taglay silang sapat na kaalaman at kahandaan sa paggawa nito bilang gabay nila

sa pagtuturo. Malawak din ang kahandaan ng mga guro sa pagpapagawa ng

mga panapos na gawain sa mga mag-aaral maliban sa 3 aytem na

katamtamang malawak dahil alam nilang ito ang magpapatunay na natutunan

ng kanilang mga mag-aaral ang pangunahing kasanayan sa asignaturang

Filipino.

2. Sa proseso ng pagkatuto ay malawak ang karanasan ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino sapagkat naturuan sila ng kanilang mga guro sa

tamang proseso ng pagtuturo ayon sa pamantayan ng K to 12 kurikulum. Sa

pagsasagawa ng mga panapos na gawain ay malawak din ang karanasan ng

mga mag-aaral maliban sa 4 na aytem na katamtamang malawak dahil

nagampanan ng kanilang mga guro sa Filipino ang kanilang pangunahing

responsibilidad na sila ay maturuan ng mabuti at mabigyan ng pagkakataon na

makapagsagawa ng iba’t ibang interaktibong panapos na gawain.

3. Alam ng mga guro ng Filipino ang pagsasakatuparan ng K to 12 Basic

Education Program na may kabuuang weighted mean na 4.14.

4. Kakulangan ng kagamitang panturo ang suliraning nararanasan ng

mga guro ng Filipino sa pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program.

Samantala, ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral ay ang kawalan

ng interes at disiplina ng mga mag-aaral.

5. Isang seminar-worksyap ang mungkahing gawain upang matugunan

ang suliraning nararanasan ng mga guro at mag-aaral sa Filipino sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program.


123

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at kongklusyong nabuo sa pag-aaral,

inirekomenda ang sumusunod:

1. Dumalo sa mga seminar-worksyap upang higit na madagdagan ang

kanilang kaalaman, kahandaan at kasanayan sa pagtuturo.

2. Maging maparaan sa pagtuklas ng bagong teknik at epektibong

estratehiya para sa ikatatagumpay ng pagtuturo.

3. Ganyakin at hikayatin ang mga gurong magbalik-paaralan sa antas

gradwado upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pagtuturo.

4. Maglaan ng sapat na pondo ang pamahalaan sa pagbili ng mga

kagamitang panturo upang malutas ang mga suliraning nararanasan ng mga

guro at mag-aaral sa pagsasakatuparan ng K to 12 Kurikulum.

5. Isagawa ang panukalang seminar-worksssyap upang mapalawak ang

kaalaman ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino ayon sa pamantayan ng K to 12

Kurikulum at malaman ang mga napapanahong isyu tungkol sa edukasyon.

6. Maging malikhain sa paggawa ng mga kagamitang panturo na

nakabatay sa K to 12 Kurikulum.

7. Ipagpatuloy ang pagbabasa at pananaliksik gamit ang makabagong

teknolohiya tulad ng internet upang mapalawak at mapayaman ang kaalaman na

magagamit sa pagtuturo.
124

BIBLIOGRAFI

MGA AKLAT

Abesamis, Norma R. et al. Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik. Mutya


Publishing House, Inc., 2007.

Alejo, Carmelita T. et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. C&E


Publishing Inc., 2005, p. 128.

Aquino, Gaudencio V. Principles and Methods of Effective Teaching. National


Book Store, Inc., 2004.

Avila, Maria Aurora E. et al. Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe. Batay sa
Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (2010 SEC). United Eferza
Academic Publications, Co. 2009.

Badayos, Paquito B. “Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika”. Grandwater


Publication and Research Corporation, 2000.

Badayos, Paquito B. “Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wikang Pilipino. Mga


Teorya, Simulain at Istratehiya, Makati City: Grandwater Publication and
Research Corporation, 1999.

Balazo, Iluminada C. et al. “Gintong Pamana”. SD Publications, Inc., Metro


Manila,2007, p. 183.

Baquiran, Joey. Panitikang Pilipino. Book Media Press, Inc., Quezon City, 2013,
p. 135.

Belvez, Paz M. Ang Sining ng Agham sa Pagtuturo. Dane Publishing House Inc.,
Quezon City,1997.

Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham sa Pagtuturo. Rex Co. Inc. Quezon
City,2000.

Bobbit, Franklin as cited by Purito P. Bilbao, et al. Curriculum Development


(Cubao, Q. C. Phil. Lorimar Publishing, Inc., 2008)p. 17.

Catacataca, Panfilo, et al.(Pahayag ni Papa). Masaklaw na Filipino, Metro Manila


National Book Store Inc., 1989, p. 144.

Calderon, Jose F. et al. Methods of Research and Thesis Writing. Mandaluyong


City: Coder Heranos, Inc. 1993.
125

De Jesus, Belen. Guide on Thesis Writing. Philippine Association for Graduate


Education, 1994.

Dinglasan, Resurreccion D. Retorikang Filipino. Rex Book Store Inc., 856


Nicanor Reyes, Sr. St. 2001, p. 174.

Espiritu, Clemencia C. Ang Filipino sa Batayang Antas ng Edukasyon, 2004.


P.101.

Glinofria, Maurita L. Filipino sa Hayskul II: Pagbasa at Gramatika. St. Bernadette


Publishing House Corp. Quezon City, 2010, p. 165.

Harring, Morris G. “Educating Emortality Distributed Children”, New York. Mc


Graw Hill. Book Co. Malaysia Revised Education, 2000 p.182.

Hidalgo, Fe S. V. Tips on Him to Teach Effectively, Manila, Rex Book Store,


1999.

Mariano, Antonio G. et al. Ang Aklat ng Guro. Bedes Publishing House Inc.,2001.

Mariano, Antonio D.G. et al. “Aklat ng Guro sa Pagtuturo ng Wika at Pagbasa”.


Quezon City Bedes Publishing House Inc., 2001.

Ordoñes Virginia et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Jimcy


Publishing House, Cabanatuan City.2007, p. 65.

Pagoso, Cristobal M. et al. Fundamental Statistics. Sinag Tala Publishers Manila


Philippines,1992.

Papa, Nenita P. Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Bookstore Publishing


Corporation, 2001.

Santiago, Auria J. et al. Tagalog-Tagalog Dictionary. Merriam Webster


Bookstore,1985.

Santos, Manuel L. et al. Rizal: The Man, The Hero, The Writer. MDCT Publisher.
Sta. Cruz, MLa., 1990. P. 42.

Sauco, Consolacion P. et al. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Katha


Publishing Co. Inc., 2004. pp.9-35.

Sevilla, Consuelo.et al. Pananaliksik. Rex Bookstore, Qeuzon City, 1998.

Simonson Joseph. Literature and Language. (Danbury:Connecticut,2005)


126

Villafuerte, Patrocinio V. Panuring Pampanitikan. Teorya at Pagsasanay,


Mutya Publishing House, Valenzuela City,2003.

Villafuerte, Patrocinio V, Rolando A. Bernales. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga


Teorya at Praktika. Mutya Publishing House, Inc. Balubaran Valenzuela
City, 2008.

Villanueva, Antonio F. et al. Ang Aklat ng Guro. Rex Printing Company, Inc.,
Quezon City, 1998.

TESIS/DESERTASYON

Bas, Cynthia R. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Guro sa Paggamit ng


Understanding by Design (UBD)” (Di-Limbag na Tesis, Pamantasan ng
Bikol, Lungsod ng Legazpi. 2011).

Brosas, Emerson B. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Guro na Tabaco National


High School sa Pagtuturo ng Filipino Ayon sa Refined Secondary
Education Curriculum. (Di-Limbag na Tesis, Pamantasan ng Bikol,
Lungsod ng Legazpi,2009).

Cillan, Sarah C. “Kaalaman at Kahusayan sa Paggamit ng Rubrics sa


Pagmamarka ng mga guro sa Filipino sa Antas Sekundarya sa Divisyon
ng Albay”, Di-Limbag na Tesis, Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng
Legazpi, 2008.

Garcia, Dorothy B. “Pamamaraan ng mga Guro sa Pagpapaunlad ng Kasanayan


sa Pasalitang Pagbasang may Pag-unawa ng mga Mag-aaral sa Antas
Elementarya” (Di-Limbag na Tesis, Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng
Bikol, 2008).

Guemo, Monserat D. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Guro sa Unang Baitang


sa Pagtuturo ng Panimulang Pagbasa”, Di-Limbag na Disertasyon,
Pamantasan ng Bikol, Lungsod Ng Legazpi, 2006.

Loseriaga, Liliosa S. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Gurong Nagsasanay sa


Pagtuturo ng Filipino ayon sa Binagong kurikulum ng Deped”, Di-LImbag
na Disertasyon. Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng Legazpi, 2005.

Madrideo, Marilyn Ll. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Gurong Nagsasanay sa


Pagtuturo ng/sa Filipino Batay sa Binagong Kurikulum ng Dep.Ed”. (Di-
Limbag na Disertasyon, Pamantasan Ng Bikol, Legaspi City,2004.
127

Mayor, Grace C. “Kaalaman at Kahusayan ng Guro sa Filipino sa Divisyon ng


Lungsod ng Legaspi sa Iba’t Ibang Gawaing Pansining”, Di-Limbag na
Disertasyon, Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng Legaspi, 2004.

Peregrino Jovy M. “Kahandaan ng mga Guro sa Paggawa ng Efektibong


Examen”, Di-Limbag na Disertasyon, Philippine Normal University, 2000.

Red, Margie S. “Kaalaman ng mga Guro sa Implementasyon ng Every Child A


Reader Program”, Di-Limbag na Tesis, Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng
Legazpi, 2008.

Resari, Jocelyn L. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Guro sa TEI sa Pagtuturo


ng Filipino”, Di-Limbag na Disertasyon, Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng
Legaspi,2007.

Rubio. “Task-Based Teaching Resource Materials for Freshmen English in


Ateneo De Naga University High School”, Unpublished Thesis, Naga City,
2008.

Tabardillo, Rosemarie A. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Gurong Nagtuturo ng


Literatura sa Antas Tersyarya ng Partidong State University”, Di-Limbag
na Disertasyon, Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng Legazpi, 2005.

Taguba, Evelyn Q. “Kahandaan at Kaalaman ng mga Guro sa mga Makabagong


Kalakarang Pangwika”. Di-Limbag na Disertasyon, Sto. Tomas University,
Manila, 2001.

Tayao, Victoria D. “Teaching Competencies of New Public Elementary Teachers


in Region III”. Unpublished Doctoral Dissertation, University of the
Assumption, San Fernando Pampanga, 2000.

Transona, Leopoldo R. “Sanaysay-Aklat Pampanitikan sa Filipino IV: Isang


Pagsusuri”. (Di-Nalathalang Material Tesis, Ateneo de Naga University,
2002)Naga City.

BABASAHIN/MAGAZIN/JORNAL/PANAYAM/MEMORANDUM

Angara,”ICT in Basic Education”. Keynote Address During the Second National


ICT in Basic Education Congress, Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City,
Sept. 4, 2006.
128

Antivola, Hemilita M. “The Competence of Mathematics Teachers of the Different


Colleges of Bicol University,Legaspi City, 2002.

Bacani, Ramon. “The Education Post, Vol. 21, no. 1 (2004).

Balaba, Carolina. “Qualities of an Ideal Teacher” The Philippine Journal of


Education, Vol. LXXXII, no. 3 Aug. 2003, p. 105.

Chioco, Cristina. Presentor. “Basic Education Curriculum-Filipino”. Pambansang


Seminar-Workshop ng SANGFIL: Pagharap sa Hamon ng Kasalukuyang
Kurikulum ng Deped at CHED: Implementasyon at Aplikasyon. NISMED
Auditorium, University of the Philippines, Diliman, Quezon City, Oktubre
2008.

Deped Memorandum No. 168, s. 2012

Deped Order No. 31, s. 2012

Deped Order No. 70, s. 2012

Esdicol, Angelita M. “Special Report: Planning Lesson Quarterly”. Multi News,


Quarterly Publication DECS, Volume 1, 2005.

Gonzales, Andrew . FSC. “Language and Science, Educational Cross Current”.


The Philippine Journal of Education, Vol. LXXXII, January, 2004, p. 340.

Gonzales, Andrew. The DECS Post A Weekly Bulletin of Department of


Education, Culture and Sports, Vol. IV, November 9, 1998, p. 1.

K to 12 Curriculum Guide, December 2012, p. 3.

Lalunio, Lydia. Isang Modelo sa Pagsasagawa ng Dayagnosis sa Pagbasa. The


Rap Journal (Vol. XXV. June, 2004).

Liwanag, Lydia B, Ph. D., Panayam-Mga Kalakaran at Istratehiya sa Pagtuturo


ng Filipino sa Elementarya at Sekundarya, RELCAAP Seminar, Baguio
City, Oktubre.

Lizardo, Fidela J. Curriculum Reading Materials. “The Modern Teacher“, March,


1999, p. 28.

Llagas, Avelina T. Modyul 6.2, Teacher induction program, Aralin 1: Ang


Pagtuturo ng Filipino, p. 8.

Macalla, Nenita M. “Best Practices in Region X in Teaching of Beginning


Reading”, Philippine Journal of Education. Vol. LXXXIV, Sept. 2005.
129

Madrinian, Elena M. Panayam. Ang Pagtuturo ng Filipino . BUCAL Graduate


Program, Legazpi City, 2000.

Mendoza, Rizalyn J. Ang Kurikulum na Filipino: Saan Patutungo sa Hamon ng


Globalisasyon? Pamantasang De La Salle-Maynila, Filipinas . Abril, 2008.

Pado, Felicitas. “Grade 1 Teacher Pre Service Preparation and Practices in


Teaching Beginning Reading”. The Philippine Journal, Vol. XXVII, July
2004, p. 5.

Ramos, Leticia. “Strenght of the Nation”. The Modern Teacher. Vol. LIII, No. 9
Feb. 2005.

Rañeses, Theresa M. Panayam. Regional Mass Training of Grade 8 Teachers of


the K to 12 Basic Education Program: Filipino. BUCE, Legazpi City, 2013.

Rosas, Nilo I. “Ang Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon: Mga Payo at


Hamon”, Ika-31 Pambansang Gawaing Kapulungan sa Filipino Teacher’s
Camp, Bagui City, Mayo 13-16,2003.

Sabbaluca, Dolores C. “Teachers are Role Models”, The Philippine Journal of


Education, June 2011.

San Luis, Carolina Q. “The Concept of Imageneering” The Philippine Journal of


Education, January, 2004.

Tan, Avelina D. Mensahe sa Ginanap na PRC Oath Taking Ceremony of


Professional Teachers, 2001.

Walters, Larry. A Theoretical Model for Teaching Students to Write, English


Teaching Forum, Vol. XXI. July 1983, pp.17-18.

Yarcia, Romeo J. “First Class Teacher: Need of the Hours” The Philippine
Journal of Education, Vol. LXXX, no. 6. Nov. 2007.

INTERNET

http://en.wikipedia.org/wiki/Basic-interpersonal-communicative:skills
130

BornillaDaisyB.http:www.depednaga.com.ph/files/edited-20-min-
PRESENTATION-REG

Bruner, Jerome. http://wikipedia.org/wiki/Discovery Learning

Constantino, Renato. http://www. Tinig.com/V39-Lathalain-nusp.html.

http://www.deped.gov.ph/index.php/issuances/deped-orders/2012-1?
limit=20&limitsmart=40.

http://www.depedregion6.ph/pdf/The-Enhanced-%20kto12-Basic-Education-
Program.pdf.

http://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mga-estratehiya-sa-pagtuturo-
ng-wika-at-ang-pamaraang-komunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika/.

http://www.gmanetwork.com/newstory/30804cl/news/nation/pnoy-signs-law-
institutionalizing-k-to-12-program.
http://pcdspo.gov.ph/downloads/2012/09/kto12-Print-Component-
asofSeptember.28.pdf.
Johnson and Watson (http://www. Scotland.gov.uk), 2002.
www.Liraonline.Com
Piaget, Jean.wikipedia.org/wiki/Jean-Piaget
http://www.rabernalesliterature.com/?p=745
http://siningngfilipino.blogspot.com/2013/02/ang-mga-katangian-ng-epektibong-
guro.html.
http://www.simplypsychology.org/vogotsky.html

You might also like