You are on page 1of 2

Pamantasanng Cabuyao

Paglalahad ng Suliranin
Bilang isang mananaliksik isa sa aming layunin ang maipabatid sa mga guro ng
asignaturang Filipino na nasa antas sekundarya ang mga suliraning kinahaharap ng bagong
programang K-12.
1. Anu-ano ang mga demograpikong profayl ng mga piling gurong nagtuturo ng
Asignaturang Filipino sa piling paaralan sa Lungsod ng Cabuyao batay sa kanilang:
1.1.Edad;
1.2.Kasarian;
1.3.Katayuang Posisyon;
1.4.Antas na Tinapos na Kurso; at
1.5.Bilang ng Taon sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino?
2. Gaano kahanda ang paaralan sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa aspeto ng:
2.1.Kurikulum;
2.2.Kagamitan sa Pagtuturo; at
2.3.Pagtataya
3. Sa pagtuturo ng mga guro, ano ang antas o lebel ng mga suliraning kinakaharap ng
mga paaralan kaugnay ng kahandaan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino?
4. May kaugnayan ba ang mga suliraning kinakaharap sa kahandaan sapagtuturo ng
asignaturang Filipino batay sa lebel o antas nito?
5. Mayroon bang signifikong pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa pagututuro ng
asignaturang Filipino kung ipapangkat ayon sa demograpikong profayl?
Hypotesis

Pamantasanng Cabuyao
Ho1.Walang kaugnayan ang antas o lebel ng pagtuturo sa mga suliraning kinakaharap at
antas ng kahandaan sa pagtuturo.
Ho2. Walang pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa pagtuturo sa Asignaturang Filipino
kung ipapangkat ayon sa demograpikong profayl.
Kahalagan Ng Pag-aaral
Bilang isang grupo at tagapagsaliksik ng mapanahong papel na ito, napili ang
paksang ito dahil sa ito ay magandang pag-usapan. Napapanahon ang paksang ito, sa
kadahilanan na maraming mga mag-aaral at guro sa asignaturang Filipino na wala pang
sapat na kaalaman tungkol sa programang K-12. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong
upang maipaalam sa mga tao ang mga positibo at negatibong epekto ng programang ito. Ito
ay makatutulong upang bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral pati na rin ang mga
magulang na siyang isa mga unang maaapektuhan sa katuparan ng programang ito. At sa
mga guro, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa guro na madagdagan ang abilidad
nila sa pagtuturo. Maiaangat ang kalidad ng edukasyon at mapaghuhusay ang paraan ng
kanilang pagtuturo.

You might also like