You are on page 1of 6

Saligan ng Pag-aaral

Ayon kay Morrison (2021) Ang kurikulum sa edukasyon, ito ang kurikulum na ginagamit sa isang

konteksto ng pag-aaral upang matukoy ang mga layunin na inilaan upang makamit sa loob nito. May

kasama itong mga layunin, nilalaman, materyales at diskarte sa pagtuturo.Ang kurikulum na pang-

edukasyon ay natutupad din ang isang papel na pampulitika, dahil ang inilaan upang turuan ang mga

mag-aaral ay may kinalaman sa ginagampanan na inaasahan sa kanila sa hinaharap.Samakatuwid, ang

dokumentong ito ay hindi lamang nagsasama ng nilalaman na ituturo, kundi pati na rin ang mga aspeto

tulad ng mga pangangailangang panlipunan, mga phenomena ng sikolohikal na maaaring maka-

impluwensya sa proseso, o sa mga materyal na didaktiko na gagamitin.Ang lahat ng mga pormal na

sistema ng edukasyon ay dapat magkaroon ng maayos na kurikulum sa edukasyon, tulad ng hindi

gaanong kinokontrol na mga setting ng pag-aaral. Sa buong artikulong ito ay pag-aaralan namin ang mga

pangunahing katangian nito nang mas malalim.Karaniwan itong tumatalakay sa mga aspeto tulad ng mga

pangangailangan ng mga mag-aaral, ang pag-aaral na inilaan upang paunlarin, at ilang mga ideya tungkol

sa sikolohiya ng mga mag-aaral at kanilang pedagogy na maaaring makaapekto sa pag-unlad ng kurso.

Ayon kay Manzanilla (2019) Maraming programa ang inilulunsad ng ating gobyerno para makatulong sa

ating mamamayan na magkaroon ng magandang pamumuhay. Maraming plataporma ang inilalatag para

sa atin upang mapagyabong ang ating kakayahan nang sa gayon ay makatulong na marating ang ating

inaasam pati na rin ang pagtulong na paunlarin ang ekonomiya ng ating bansa. Isa na rito ang proyekto

ng K-12.Ang programa ng K-12 ay ang pagpapatupad ng 13 na taon sa ating pangunahing edukasyon.

Isang taon ang para sa Kindergarten, 6 na taon para sa Elementarya, 4 na taon para sa Junior High School

at 2 taon para sa Senior High School. Ito ay pinamumunuan ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon

na mahasa at mapaghusay ng mga magaaral ang kani-kanilang kakayahan upang maging handa sa

kanilang kolehiyo pati na rin sa pagtratrabaho at pagnenegosyo.Sa pagsang-ayon na ipatupad ang


programa ng K-12 narito ang mga benepisyo na maaaring makuha ng isang magaaral na sumasailalim sa

pinatutupad na programa. Una, pinagtitibay ang pundasiyon ng unang 6 na taon para sa pagpapaunlad

kung paano magisip ang isang magaaral. Upang mas mapadali, inilunsad na gamitin ang “mother

tongue” o ang “native language” mula unang baitang hanggang ikatlong baitang ng elementarya.

Pangalawa, ang Senior High School naman ang ika-11 at ika-12 taon. Ito ay ang pagbibigay laya na pumili

ang isang magaaral base sa kanilang kakayahan at interes. Ito ay mayroong 4 na espesyalisasyon —- ang

Academic (Accountancy, Business & Management (ABM), Science, Technology, Engineering &

Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) at ang General Academic Strand (GAS),

sunod ang Technical Vocational Livelihood (Home Economics, Industrial Arts, Information and

Communications Technology, at ang Agricultural and Fishery Arts), ang Arts and Design at huli ay ang

Sports. Ito ay labis na makatutulong na mahasa sa mga iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon na kung

saan ay labis makatutulong para lumaking handa sa lahat ng pagsubok na haharapin sa kanilang landas

na tatahakin. Ngunit ang pagpapatupad nito ay labis na binatikos dahil naniniwala sila na tayo ay hindi pa

handa na magkaroon ng programa ng K-12. Maraming nagsabi na ito ay minadali at hindi pinagisipang

mabuti. Ngunit, ang paglulunsad nito ay makatutulong na maging mahusay sa matematika, siyentipiko,

lingguwistika at araling praktikal na magagamit nila sa pangaraw-araw na pamumuhay. At ayon sa

Kagawaran ng Edukasyon, hindi magiging sagabal ang kakulangan ng paaralan, kagamitan sa pagtuturo at

guro dahil ipanatupad nila na magiging kasapi ang pribadong paaralan upang makamit ang mataas na

kalidad ng edukasyon. Ang bawat sumasailalim sa k12 program ay makakatanggap ng “voucher” kung

saan makakatulong na pumasok sa mga eskwelahang mayroong track na kanilang napili. Ito rin ay

makatutulong na mahasa sa kompetisyon sa pandaigdigang merkado na naglalayo makatulong sa

kanilang pagtratrabaho mapa-Pilipinas man o ibang bansa.Maraming benepisyo ang makukuha sa mga

taong sumasailalim sa programa ng K-12. Ito ay labis na makakatulong para sa ating mga sarili at para sa

ating bansa. Dahil kung ang lahat ng tao ay mas maagang madidiskubre at mapagyayabong ang kanilang
kakayahan at interes mas mapapadali ang pakikiisa nila na mapaunlad ang ating bansa.Kung lahat

lamang ay naniniwala at nagtitiwala sa magandang dulot ng programa ng K-12 ay mas makakatulong

itong mapadali ang buhay ng ating kapwa mamamayan. Kaya sa pamamagitan ng pagpapaalam sa

benepisyong tulad nito ay mas mahihikayat natin ang ating kapwa na sumailalim at mas magkaroon ng

buhay na kanilang pinapangarap.Sinama sa K to 12 Basic Education Curriculum, partikular sa Humanities

and Social Science Track .Ang Malikhaing Pagsulat bilang asignatura ng mga mag-aaral sa Grade 11 na

pag-aaralan nila sa loob ng isang semestre. Batay sa silabus ng Department of Education (2016),

nilalayon ng kursong “linangin ang kasanayang praktikal at malikhain sa pagbasa at pagsulat; ipaunawa at

talakayin ang mga pundamental na teknik sa pagsulat ng maikling kuwento, tula, at dula na ginamit ng

mga kilalang manunulat ng nabanggit na mga anyo. Tutuon ang klase sa matalas na pagsusuri sa mga

teknik at worksyap ng mga burador ng mga mag-aaral sa lalo pang Ikaiinam ng kanilang mga manuskrito”

. Kung tutuusin, bilang guro na tagapagsulong ng panitikan, maituturing na isang magandang indikasyon

ito upang lalong mapaigting ang larang ng malikhaing pagsulat sa bansa at higit pang maitaguyod ang

panitikang pambansa sa pamamagitan ng malikhaing interbensyon sa klase. Esensyal din ang mga

ganitong uri ng asignatura upang lumikha ng mga puwang sa paglinang ng kritikal na pag-iisip,

kamalayang panlipunan at maging ng pagsasatinig sa naratibo ng mga marhinalisado (Moratilla, 2019).

Sa Kabila nito, batid natin ang mga pangamba sa pagsisimula ng implementasyon ng programa lalo na sa

kahandaan Ng mga guro sa pagtuturo (San Juan, 2013; Acosta & Acosta, 2016). Sa katunayan batay sa

pag-aaral na Isinagawa ng Pulse Asia, makalipas ang apat na taong implementasyon ng dagdag na

dalawang taon sa kurikulum, lumalabas na maraming Pilipino ang hindi nasisiyahan o satisfayd dahil

hindi pa rin nito natugunan ang mga dati nang problema sa sistema ng edukasyon tulad ng kakulangan sa

pasilidad at mga guro (Ismael, 2020).

Ayon kay Meneses (2020) Filipino ang kinagisnang wika nating mga Pilipino, kung tutuusin ay malaki

na ang adbentahe ng mga estudyante sa asignaturang ito dahil ayon kay Nolasco sa Pag-aaral ni
Villafuerte noong 2020 ay Importante ang wikang kinagisnan, o unang wika, o wikang sinuso, sapagkat

sa pamamagitan ng wikang ito nagsisimula ang pagkatuto ng bata. Dito rin nakabatay ang pag-unlad

ng kaniyang kaalaman. Sa ipinakikita ng mga estudyante ngayon ay malalaman na mababa pa ang

kanilang kaalaman sa Filipino at magpapatuloy pa ito lalo na noong naisabatas ang CHED Memorandum

Order (CMO) bilang 20 serye 2013 na naglalayong gawing 36 yunits ang orihinal na 63 yunits ng General

Education kurikulum para sa kolehiyo na siyang naging sanhi ng pagkakadismaya ng mga ilang propesor

dsa Filipino dahil sa pagtatanggal ng anim na yunit ng Filipino.Bilang guro na nagtuturo ng Filipino palagi

isinasama sa oryenstasyon kung bakit ba nila kailngan pag-aralan ang Filipino. Ipinaaalam sa kanila na

higit sa isang asignatura ang Filipino dahil malawak ang sakop nito nakapaloob dito ang ating

panitikan, kasaysayan, tradisyon at marami pang iba. Ang higit na mahalaga ay mahahasa ang

kanilang kaalamang pangwika lalo na sa pagsasalita. Responsibilidad rin ang ikapananatili at

ikalalawak ng kaalaman ng mga estudyante sa asignaturang Filipino kaya naman ipinaliliwanag nang

maayos ang bawat paksa at nagbibigay ng sapat na mga halimbawa dahil ang isang mahusay na guro ay

kadalasan ang naglalaan ng paliwanag o sumusuportang katibayan o gumagamit ng iba pang paraan

na nilalayong makatulong sa mga tagapakinig na tanggapin at tandaan ang kanilang narinig.Lagi

ring pinaaalalahanan ang mga estudyante na kung may libreng oras ay magbasa ng mga akdang

pampanitikan o mga libro sa filipino at huwag masyadong magbigay ng atensyon sa kanilang mga

elektronikong mga kagamitan katulad na lamang ng kanilang cellphone na nagiging sanhi ng

pagtutok nila ng matagal sa social media na nagdudulot rin ng impluwensya sa kanila na paikliin ang mga

salita at gumamit ng mga di pormal na wika sa pakikipag-usap at lalo na ang pagkalimot na gumamit ng

tamang bantas sa kanilang pangungusap dahil ginagaya nila ang mga nakikita ninlang post sa internet.

Sinisikap rin na humarap sa mag-aaral na may ngiti sa labi dahil ang pagiging masaya sa serbisyo bilang

guro at ang pagiging masaya sa klase ay magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo.


Ayon kay Reyno (2018) Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga

batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit

sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang

kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag

ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating

mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong

naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa

pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming

pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino.

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino.

Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa

kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral

ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas

magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.Isang magandang

halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan sa mag-

aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong

paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay

magamit niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan

ang kanyang sarili sa oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman sapagpapakilala, kakayanin

niyang gawin ito dahil hindi naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa

kanya ang kanyang sarili .Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May

kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Makapangyarihan ang wasto at

mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na

pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga
bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang

magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga

Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at

kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.

Ayon sa Negros (2022) Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay isang

asignatura sa Senior High School na naglalayong linangin ang kasanayang komunikatibo at kasanayang

pampanaliksik ng mga estudyante habang pinalalalim ang kanilang kaalaman sa mga konseptong

pangwika at ang kanilang pagkaugat sa sariling kultura bilang mga Pilipino. Nahahati ito sa dalawang

yunit: ang una ay nakatuon sa mabisang komunikasyon samantalang ang ikalawa ay sa wika, wikang

Filipino, at sitwasyong pangwika sa Pilipinas.

You might also like