You are on page 1of 21

Kurikulum Noon at K-12 Ngayon

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung kaya’t ginagawa lahat ng ating pamahalaan ang
lahat ng kaya nilang ibigay upang ito ay maging ganap. Madami na ang dumaang kurikulum
pagdating sa paraan ng pagtuturo, madami na ang naging propesyonal na gamit ang kurikulum
na ito. Sa paglipas ng panahon malaki na ang pinagbago ng ating edukasyon. Mula sa mga
panahon na kinakailangang magbasa ng libro at magkandakuba sa paglalakad makapasok lang
sa paaralan hanggang ngayon na isang click lang ay makukuha mo na iyong gusto at madali na
ang transportasyon. Noon na walang mga silid-aralan, sa ilalim ng mga matatayog na punong
kahoy nag-aaral kumpara ngayon na kaliwa’t kanan na ang mga naglalakihang unibersidad na
maaaring pag-aralan. Sa laki ng pinagbago ng ating bansa, malaki na din ba ang pinagbago ng
kalidad ng edukasyon? Sapat na ba ang ginagawa ng ating pamahalaan upang maging kapaki-
pakinabang at maging pag-asa ng ating bansa ang mga kabataan na hinuhubog ang kakayahan
ngayon? Ano na ang kalagayan ng edukasyon sa bagong panahon?

Ang kurikulum ayon kina Ragan at Shepherd, ay isang daluyang magpapadali kung saan
ang paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga
karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga mag-aaral ay naisasama sa
karanasang pang-edukasyonal at tunay na makatutulong sa pagpapaunlad ng sitwasyon ng
lipunan. Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang mga dapat
matutunan ng mga mag-aaral, ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto, ang katangian ng
mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa, at ang mga kagamitang panturo.

Bago pa man magkaroon ng bagong kurikulum dumaan muna ang ating bansa sa
panahon bago dumating ang mga kastila. Sa panahong ito ang pagtuturo ay sa loob ng mga
tahanan. Pangunahing itinuturo sa panahon na ito ay mga mabubuting asal at mga pangunahing
gawain upang mabuhay sa araw-araw. Sa panahon ng mga kastila, ginamit na paaralan ang mga
kumbento at mga pari ang mga guro. Sa panahon na ito ang mga akdang dayuhan ay isinalin sa
wikang katutubo upang mapalaganap ang Kristiyanismmo. Noong panahon naman ng mga
Amerikano nagsimula ang pagpapatayo ng mga paaralang pampubliko at naging palasak ang
pagsasaling-wika upang ituro ang wikang Ingles. Sa panahon naman ng mga Hapon,
ipinagbawal na ang pagtuturo ng wikang Ingles at itinuro na ang wikang Niponggo at Filipino.
Sa panahon naman ng Martial Law at 1986 Rebolusyon ipinatupad ang bilingual education,
population education, family planning, taxation, at land reformal. At sa kasalukuyan o panahon
ng makina, nagkaroon na ng iba-ibang estratehiya sa pagkatuto at multi-intelligence.

Bakit nga ba nagkaroon ng k-12?

Isa ang ating bansa sa napagiiwanang bansa sa Asya. Sa mga nasa Kanluraning bansa isa
tayo sa nagpapatupad ng 10 taon bilang basic education kung kaya’t noong nakaraang walong
taon nagpatupad ang ating pamahalaan ng bagong kurikulum ang Republic Act 10533 o Enhance
Basic Education Act of 2013 o ang K to 12. Ito ay ang karagdagang dalawang taon sa hayskul
na tinatawag na senior highscool upang maihanda ang mag-aaral sa mas mahirap na mundong
naghihintay sa kanya matapos ang sekondaryang edukasyon. Layunin ng k-12 na maihanda ang
mga mag-aaral sa pagnenegosyo, pagtratrabaho at sa kolehiyo, ito ay kung ano ang gusto
nilang ipagpatuloy matapos ang senior high school.

Dahil sa karagdagang dalawang taon na ito, madami sa mga magulang at mga mag-aaral
ang tumutol at umayaw sa plano ng gobyerno na ito. Dagdag gastos ang unang inisip ng mga
magulang at ang ilang mga estudyante ay nangamba sa mga paaralan at maging materyales na
gagamitin. Madaming negatibong tugon ang mga mamamayan sa programang ito.

Madaming mga salik ang binigyang pansin ng ating pamahalaan upang ito ay ipatupad.
Nangunguna sa listahan kung bakit kailangan ng bagong kurikulum ay dahil sa mas lumalaking
bilang ng mga out of school youth. Malaking tulong daw ang k to 12 sa pagbaba ng bilang ng
mga kabataang hindi na nag-aaral at nawaawala sa tamang landas dahil isa mga layunin ng
programa ay makapagbigay ng libreng edukasyon para sa lahat na walang pinipiling kasarian,
antas ng pamumuhay at edad. Ilan pa sa mga dahilan ay pagkakaroon ng mababang marka ng
mag-aaral sa mga asignaturang pinag-aaralan, mga mag-aaral na mas pinipiling tumigil na lang
sa pag-aaral upang magtrabaho at ang pagbaba ng bilang ng mga empleyadong nakapagtapos ng
kolehiyo, kulang sa mga karanasan at iba ang kursong tinapos sa trabahong papasukan.

Ano ang layunin ng k-12?

Ang pangunahing layunin ng k to 12 ay makabuo ng isang buo at ganap na Pilipinong


may kapaki-pakinabang na literasi. Magiging tulay ang K to 12 upang ang mga mag-aaral ay
maging kompetitib hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging global. Huhubugin ng K
to12 ang kakayahan ng mag-aaral na makapag-isip at makagawa ng desisyon sa isang replektibo
at epektibong paraan. Ito ang magsisilbing tulay sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay at
pagkakaroon ng mga mag-aaral ng galing na pang buong mundo.

Layunin ng K to 12 na malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo o mapanuring


pag-iisip at, pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na
literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig. Sa pagtungtong ng bata sa baitang 1-3 gagamit muna sila ng kanilang mother tounge
upang mas madaling maunawaan ng mga bata ang mga asignatura, ito ay ayon na din sa Mother
Tounge Base- Multilingual Education. Subalit may pamantayan pa din namang sinusunod ang
pagtuturo sa baitang 1-6 ito ay ang magamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at
maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong
salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na
paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe. Pagtungtong naman sa baitang
7-10 o Junior High School dito maipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at
iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal, pambansa, saling-akdang
Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi.

May limang makrong kasanayan ang sasanayin at lilinangin ng mga bata sa bagong
kurikulum ito ay ang pagbasa, pakikinig, pagsusulat, pagsasalita at panonood. Sa pamamagitan
ng mga makrong kasanayan na ito matututo ang mga bata na pahalagahan ang panitikan,
magkaroon ng mapanuri o replektibong pag-iisip, at ang kanilang kakayahang komunikatibo.
Matapos nito ay malilinang din ang kanilang kultural na literasi, patuloy na pagkatuto gamit ang
teknolohiya at ang kanilang pambansang pagkakakilanlan. Sa tulong ng mga ito ay
makakaagapay ang mga bata sa pagbabagong nagaganap sa ating daigdig. Ito ay mapapanatili at
mapapaunlad sa tulong at suporta ng lipunan, pribado, pampubliko at midya, suporta ng tahanan,
pamahalaang lokal, at administrasyon, at suporta na din mula sa kurikulum, guro, at mga
kagamitang pampagtuturo. Ang mga ito ay naging posible dahil sa mga batayang pilosopikal,
legal at teoryang pang-edukasyon, mga teorya sa kalikasan ng wika, mga simulain sa
pagsusuring literasi, pagtuturo o pagkatuto ng wika at mga dulog sa pagkatuto ng mga tekstong
palahad o panitikan. Nakatulong din ang pangangailangang panlipunan at global na pamayanan
at maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ito ay
magkakaroon ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi.

Paano ang daloy ng bagong kurikulum?

Sa bagong kurikulum may mga domain na kailangang pagtuonan ng pansin ito ay ang
pag-unawa sa napakinggan, pag-unawa sa binasa, paglinang ng talasalitaan, panonood,
pagsasalita, pagsulat, wika at gramatika, at mga estratihiya sa pag-aaral. Hindi din mawawala
ang tema, pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap, panitikan, gramatika at ang
sesyon na gugugulin sa loob ng isang linggo. Sa pamamagitan ng mga ito mas magiging madali
ang pagkatuto ng mga mag-aaral at mas mapapabilis ang talakayan.

Ang K-12 ay isang pagbabago ng sistema ng eukasyon kung saan magkakaroon ng mga
dagdag na subjects na sadyang iba kumpara sa dating programa. Ang mga estudyante ay
magkakaroon ng mga subjects na para sa kolehiyo ngunit basic pa lamang. Ayon kay Frioriello
(2014), ang mga kindergarten ay dapat matuto ng numbers, alphabets, colors, at shapes. Sa ika-
unang baitang hanggang ikatlo, pinagsusuhang wika ay dapat ituro. Sa ika-4 na grade, ituturo
ang Filipino at English sa pamamagitan ng instruction languages. Sa ika-7 hanggang ika-10,
Biology, Chemistry, Math, at Physics ay ituturo. Sa ika-11-12, mamimili na ang mga estudyante
sa mga subjects na dapat nilang kunin. Ang mga subjects na iyon ay Language,
Communications, Literature, Math, Natural Science, Philosophy, Social Science, Business,
Management, Accountancy, Education, Humanities, Technology, Engineering, at Sports & Arts.
Sa pagkakaroon ng mga dagdag na subjects, maihahanda ng maigi ang mga estudyante sa
kolehiyo.

Malaking tulong ba ang bagong kurikulum?

Maganda ang makabagong kurikulum sa mga etratehiya ng mga guro sa pagtuturo.


Kung noon ay natatasa lang ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusulit
ngayon ay naipapakita na ng mga kabataan ang kanilang kahusayan sa pamamagitan ng
pagtatanghal- pakanta,padula, pasayaw, patula at marami pang iba. Mas napapalawig na ng mga
kabataan ang kanilang tiwala sa sarili at maging ang pakikipag-kapwa tao. May mga aktibidades
din na maaaring maging tulay upang mas mahuog ng mga mag-aaral ang kanilang makikipag-
interaksyon gaya ng mga pangkatang gawain. Dahil na din sa makabagong teknolohiya,
malaking tulong ang paggawa ng vlog,blog at mga aktibidad na may koneksyon sa gadyet upang
mas magkaroon ng interes ang mga mag-aaral sa isinasagawang gawain. Sa ngayon ay mas
naging madali ang pagtuturo para sa mga guro. Malaki na din ang pagbabago pagdating sa
pagbibigay ng marka, mas mataas na ngayon ang performance ng mga mag-aaral kaysa sa
resulta ng kanilang mga pagsusulit. Kung ito ay magpapatuloy hindi imposible na maging
totoo at ganap ang layunin ng bagong kurikulum.

Kung bibigyang pansin naman ang pagtuturo ng mga guro, hindi na hadlang ang
paggawang mga visual aids sa mga materyales na kailangan nila sa pagtatalakay ng mga
aralin dahil na din sa modernong paraan makakagawa na ang mga guro ng isang powerpoint
presentation na naglalaman ng kanilang tatalakayin sa isang araw. Subalit hindi pa din naman
nawawala ang ilang problema lalo na ang estratehiya ng mga guro sa bawat seksyon na
kanilang tuturuan. Magkakaiba ang mga seksyon na hinahawak ng isang guro at sa bawat
seksyon na iyon ay may iba-ibang antas ang pag-iisip ng mga mag-aaral kung kaya’t sa bawat
seksyon na ito ay dapat mapantayan ng guro ay antas ng kaisipan ng mga mag-aaral upang
maunawaan ang talakayin sa mas mabilis at epektibong paraan. Sa kabilang banda hindi na
mahirap ang paggawa ng mga DLP at DLL dahil sa tulong ngmodernisasyon. Marami na ding
makikitang mga estratehiya na maaaring gayahin ng mga guro sa paglinang ng kaisipan ng mga
mag-aaral.

Malaki naman ang tulong ng bagong kurikulum sa mga mag-aaral na hindi kayang
tustusan ang pag-aaral sa kolehiyo. Isa samga programa ng bagong kurikulum ay ang libreng
edukasyo para sa lahat ng walang pinipiling edad o estado sa buhay. Isa ang Alternative
Learning System sa mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa k-12. Ito ay
naglalayong matulungan ang mga Out of school Youth, mga may kapansanan, mga
manggaggawa, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde ng gobyerno, mga katutubo at iba pang
tao na hindi nakapasok o makapasok sa paaralan na magpatuloy at bigyan ng pagkakataon ang
mag ito na muling makapag-aral. Ang mga nakapaloob dito ay mga livelihood programs na
mas nakatuon sa mga gawaing hindi masyadong nangangailangan ng utak kundi ng pisikal na
pangangatawan. Dadaan ang mga ito sa pagsusulit gaya ng NC II kung saan magkakaroon sila
ng sertipiko bilang katibayan na may kakayahan sila sa napiling kurso.
Marami rin ang mga benipisyong ibinibigay ng K-12 para sa mga batang Pilipino. Isa sa
mga ito ay ang pagiging handa sa pakikipagsapalaran at pakikipag-sabayan sa mga umuusbong
na isyung pang-akademiko at panlipunan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit naipasa ang
K-12 Curriculum, at marahil kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may kakulangan sa
edukasyon. Ilan sa mga ito ay ang pagtala ng edukayong nakamit sa resume o curriculum
vitae na nagbibigay benepisyo sa mga gustong makapag-trabaho sa ibang bansa. Mabisa rin itong
paghahanda sa kolehiyo sapagkat ang K-12 curriculum ay isa ring susi para sa mga estudyanteng
nais magtuloy sa kolehiyo. Sa tulong nito, ay masisigurado ng mga estudyante ang kanilang
pipiliing kurso kung ito nga ba talaga ay para sa kanila. Nakatulong din ito upang mas makilala
nila ang kanilang mga sarili. Malaki rin ang benepisyo nito para sa mga hindi pa handang mag-
kolehiyo.Dahil ang isang mag-aaral na nakapagtapos ng senior high school at nasa wastong
gulang ay maaari munang maghanap ng trabaho upang makapag-ipon sa kolehiyo.  At, ang
karagdagang oras sa mga estudyante para matuto, ang k-12 curriculum ay hindi lamang nakatuon
sa mga academic track i.e (ABM, HUMSS, GAS at STEM) na pinili ng isang mag-aaral kundi sa
mas malalim na prinsipyo ng pag aaral. Ito ay nagbibigay ng mas maraming kaalaman ng
estudyante nang hindi minamadali at may sapat na oras. Kabilang rin sa  pagpapatupad ng k-12
ay ang adhikaing magamit nang wasto ang ating mother tongue o pangunahing wika sa mga
estudyante na mula sa ikatlong baitang.

Ayon sa Batas Republika bilang 10533 seksyon 5, magbubuo ang DepEd ng disenyo at
mga detalye ng kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon. Makikipagtulungan ito sa
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) upang magbuo ng magkaugnay na mga
kurikulum sa batayan at tersiyaryong edukasyon para sa kasanayang pandaigdig ng mga
Pilipinong nagsisipagtapos. Upang matiyak ang kahandaan sa kolehiyo at upang maiwasan ang
remedyal o pag-uulit ng mga klase sa batayang edukasyon, makikipag-ugnayan ang DepEd sa
CHED at sa Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA).

Upang makamit ang isang mabisang kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon, magsasagawa
ng mga konsultasyon ang DepEd sa iba pang mga ahensiya ng pambansang pamahalaan at iba
pang mga stakeholder gaya ng, bagaman hindi limitado sa, Kagawaran ng Paggawa at Empleo
(DOLE), Komisyon sa Regulasyong Pampropesyonal (PRC), mga samahan ng mga paaralang
pribado at publiko, mga pambansang organisasyon ng mga mag-aaral, mga pambansang
organisasyon ng mga guro, mga samahan ng mga magulang at guro at mga samahang
pangkalakalan sa mga bagay na makaaapekto sa mga naturang sangkot na stakeholder.

Susunod ang DepEd sa mga sumusunod na pamantayan at prinsipyo sa paggawa ng


kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon:

(a) Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa mag-aaral, mapansangkot at angkop sa antas


ng pag-unlad;

(b) Ang kurikulum ay kinakailang makabuluhan, tumutugon, at batay sa pananaliksik;

(c) Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura;

(d) Ang kurikulum ay kinakailangang isakonteksto at pandaigdigan;

(e) Ang kurikulum ay kinakailangang gumamit ng mga pagdulog na pedagohikong mapagbuo,


batay sa pagsisiyasat, mapagmuni, nakikilahalok, at mapambuod;

(f) Ang kurikulum ay kinakailangang umayon sa mga prinsipyo at balangkas ng Edukasyong


Multilingguwal na Batay sa Inang Wika (MTB-MLE) na nagsisimula kung saan nagmumula ang
mga mag-aaral at kung ano na ang alam nila, umuusad mula sa alam patungong di-alam;
kinakailangang may mga materyales na panturo at mga gurong may kakayahang ipatupad ang
kurikulum na MTB-MLE;

(g) Ang kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na pagsulong upang matiyak ang
pagkadalubhasa sa kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas; at

(h) Ang kurikulum ay kinakailangang bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo, at pabutihin
pa ito ng mga paaralan batay sa kanilang mga partikular na kontekstong pang-edukasyon at
panlipunan. Ang produksiyon at paggawa ng mga lokal na materyales sa pagtuturo ay
hihikayatin at ang pagtanggap sa mga materyales na ito ay nakasalalay sa mga panrehiyon at
pandibisyong yunit sa edukasyon.
Sa tulong ng seksyon na ito hindi mapapalayo ang adhikain ng kurikulum sa pag-unlad
ng edukasyon. Dito makikita na pinag-aralan talaga ang pagi-iplementa ng K-12 at seryoso ang
ating mapahalaan sa pag-unlad ng ating bansa sa edukasyon. Sa pamamagitan ng mga nasabing
prinsipyo mas makikilala din ng mga mag-aaral ang kultura na kanilang pinagmulan gayundin
ang kultura ng ating bansa na Patuloy na tumitibay. Ang mga ito ay magsisilbi ding tulay para sa
mga kabataan na mahalin ang kultura nanaiwan ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng mas
modernong paraan.

Bakit ba mahalaga ang edukasyon?

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang


mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay nanatutunan sa
ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento
upang magkaroon ng sapat naedukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-
araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon
kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol
sa Mathematics, Science, Filipino, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung
paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa. Kung wala ito at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay
hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap
para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay
siyang magdadala sa kanila sa kanilang mgainaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay


at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo
na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang
dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundong ginagalawan. Ang
edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa
buhay sa kanilang kinabukasan. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang daan sa isang tao
upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundona
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon
sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito
ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang
magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa
kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais
nilang matupad.

Ano-ano ang mga isyu na kinakaharap ng bagong kurikulum?

Maraming isyu ang kinakaharap ngayon ng K-12 program dito sa ating bansa katulad ng
paggamit ng Mother Tongue-Based Multilingual Education, ang pagdagdag ng Senior High
School, Spiral progression, at iba pa. Ayon kay Mullet (2012) ang kahulugan ng K-12 ay
kindergarten at anim na taon sa elementary, apat na tao sa junior high school at dalawang taon sa
senior high school. Kung dati ay 10 taon lamang ang elementary at sekondarya, ngayong K-12
program ay labindalawang taon na ito dahil sa idinagdag na Senior High School.

Nakasaad sa Batas Republika bilang 9155 seksyon 2 na  ipinahahayag dito ang polisiya
ng Estado upang pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa
pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at upang gawing bukás para sa lahat ang
naturang edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob sa lahat ng batang Filipino ng isang
edukasyong libre at kinakailangan sa antas elementarya at libreng edukasyon sa antas
sekundarya. Kasama sa naturang edukasyon ang mga sistema ng pagkatutong alternatibo para sa
mga kabataang wala-sa-paaralan at matatandang mag-aaral. Magiging layunin ng batayang
edukasyon na pagkalooban sila ng mga kasanayan, kaalaman, at halagahan na kinakailangan nila
upang sila’y maging mga mamamayang mapangalaga, nakapagsasarili, produktibo, at
makabayan. Ang paaralan ang magiging puso ng pormal na sistema ng edukasyon. Dito natututo
ang mga bata. Magkakaroon ng isang layunin ang mga paaralan na magkaloob ng
pinakamabuting maaaring batayang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.

Magsisimula ang pamamahala sa batayang edukasyon sa antas pambansa. Sa mga


rehiyon, dibisyon, paaralan, at sentro ng pagkatuto—na tatawagin dito bílang mga tanggapan sa
larang—kung saan isasalin ang mga polisiya at prinsipyo para sa pamamahala ng batayang
edukasyon bilang mga programa, proyekto, at serbisyong binubuo, hinahalaw, at iniaalok upang
tumugma sa mga pangangailangang lokal. Hihikayatin ng Estado ang mga inisyatibang lokal
para sa pagpapabuti ng kalidad ng batayang edukasyon. Titiyakin ng Estado na ang mga
halagahan, pangangailangan, at aspirasyon ng isang pamayanang pampaaralan ay sinasalamin sa
programa ng edukasyon para sa mga bata, mga kabataang wala-sa-paaralan, at matatandang mag-
aaral. Palalakasin ang mga paaralan at mga sentro ng pagkatuto upang gumawa ng mga desisyon
sa kung ano ang pinakamabuti para sa mga mag-aaral na pinaglilingkuran nila.

Ang unang isyu ay ang pag gamit ng Mother Tongue-Based Multilingual Eduction ito
ang pag gamit ng katutubong wika sa unang tatlong taon sa elementary. Ayon kay Ball (2010)
natututo at nakakapagbasa ng mabilis ang isang estudyante kung ang midyum ng instruksyon ay
ang kanyang sariling wika. Ang pag gamit ng mother tongue sa loob ng silid-aralan ay
nakatutulong sa estudyante na maging mas aktibo, mas partisipatibo, at interaktibo dahil mas
madali nilang maipahayag and kanilang nararamdaman, opinion, ideya, at iba pa. Dahil sa pag
gamit ng mother tongue, nabubuo ang positibong relasyon sa gitna ng estudyante at ng guro.
May kahinaan rin ang pag gamit ng mother tongue-based dahil kailangan din nating mga Pilipino
na matuto ng wikang Ingles para sa ating kinabukasan. Marami kasi sa ating mga Pilipino ang
ninanais magtrabaho o magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa ibang bansa. Alam naman natin na
ang wikang Ingles ang tinaguriang “Universal Language”.

Ang isa pang isyu sa K-12 program ay ang pag dagdag ng Senior High School.  May
kagandahan at di kagandahan ang pagdagdag ng Senior High School sa Pilipinas. Unahin natin
ang kagandahan nito. Sa aking palagay, ang kagandahan ng pagdagdag ng dalawang taon sa high
school ay ang pagkakaroon nila ng mas matinding pundasyon at preperasyon sa pagpasok sa
kolehiyo dahil ito ang pinaka mabigat at mahirap na antas sa edukasyon. Isa pang kagandahan
nito ay pagtapos ng kanilang Senior High School ay pupwede na agad silang magtrabaho at
makakatulong na sila sa kanilang pamilya. Ngunit marami sa atin, lalo na ang mga magulang,
guro, at mag-aaral, ang may hinanakit ukol sa pagdagdag ng dalawang taon sa high school.
Maraming mga magulang ang nagrereklamo dito sa kadahilanan na wala na silang sapat na pera
upang mapag-aral pa ng dalawang taon ang kanilang mga anak. Ang mga guro sa kolehiyo  ay
lubos nangangamba sa kadahilanan na baka sila ay mawalan na ng trabaho dahil sa susunod na
taon (2016) ay wala ng mga mag-aaral sa unang baiting sa kolehiyo. Maraming mag-aaral, lalo
na sa elementary at sekondarya, ang hindi sang-ayon sa pagdagdag ng dalawa pang taon sa high
school dahil sila ay nahihirapan na mag-aral at siksikan sa isang silid-aralan ngunit sa paglipas
ng panahon sa tingin ko ay maiintindihan na nila ang kahalagahan nito.

Bakit nga ba mahalaga ang k-12 para sa DepEd?

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang K-12 umano ang solusyon ng


administrasyon sa lumalalang krisis sa edukasyon. Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga
kabataan, mag-aaral, guro, kawani, magulang at ng buong komunidad dahil sa kawalan ng
programa ng makabuluhang batayan at sapat na paghahanda at panustos ng gobyerno para rito.
Ang hilaw na pagpapatupad ng K-12 ay maaaring makapagpalala pa ng sitwasyon. Ayon sa
deped ang K-12 ang solusyon sa dumaraming bilang ng out-of-school youth pero sa
katunayan ang pangunahing dahilan ng pagdami ng out-of-school youth ay ang kakulangan ng
pantustos sa pag-aaral. Batay sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), tinatayang
gagastos ng P12,090 ang bawat pamilya para tustutusan ang pag-aaral ng isang miyembro sa
bawat karagdagang taon sa K-12. Kabilang sa mga gastusin ang pamasahe, baon, gamit sa
eskwela at iba pa. Mabigat ang halagang ito na pinapalala pa ng nagtataasang presyo ng mga
bilihin at ang mababang pasahod sa mga manggagawa lalo na’t tahasan nang tinalikuran ng
Pang. Aquino ang panawagan sa P125 across-the-board nationwide dagdag-sahod.

      Solusyon din ang K-12 sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa elementarya at


sekundarya pero sa katunayan hindi solusyon ang karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang
kalidad ng batayang edukasyon. Ayon mismo sa resulta ng Trends in International Mathematics
and Science Studies, maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad
ng South Korea at Singapore, ang nakakuha ng pinakamatataas na marka. Ilang mga bansa
naman na may programang K-12, tulad ng Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang
marka. Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon sa batayang edukasyon, ang tunay na
makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang mataas na budget para sa maayos na
gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang mataas na pasahod sa mga guro at kawani.
May sapat na rekursong nakalaan para sa pagpapatupad ng K-12- pero sa katunayan ayon sa pag-
aaral ng ACT, ang mga pampublikong paaralan sa bansa ay nakakaranas ng 182,483 kakulangan
sa mga guro, 97,685 kakulangan sa mga silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa palikuran. 
Naglaan lamang ang Department of Budget Management ng P259.25 B para sa 2013 gayong ang
pangangailangan sa edukasyon ay tinatayang aabot sa P338.20 B. Ang mismong United Nations
Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang nag-aatas sa ating gobyerno na
maglaan ng anim na porsyento ng kita nito para sa edukasyon subalit hanggang ngayon ay
nanatiling tatlong porsyento lamang ang inilalaan ng administrasyong Aquino para sa batayang
edukasyon at sa kolehiyo. Muli, hindi solusyon ang K-12. Ang tunay na solusyon ay ang
pagpapahalaga ng gobyerno sa edukasyon at paglalaan ng pondo para rito.
Ayon sa deped sa pamamagitan ng K-12, hindi na kailangan ng mga kabataang magtapos
ng kolehiyo para magkaroon ng trabaho- pero sa katunayan baluktot at elitista ang katwirang ito.
Pinapatunayan nito na ang karapatan ng mga kabataang makapag-aaral sa kolehiyo, makapili ng
propesyon at magkaroon ng oportunidad para matulungan ang kanilang pamilya na umasenso sa
buhay ay itinuturing na pribilehiyo lamang ng may kakayahang makapagbayad ng matrikula sa
kolehiyo. Kung wala ka nito, sisiguruhin ng K-12 na makapag-aral na lamang ng bokasyunal at
teknikal kahit hindi ito ang iyong nais, para sa pagtatapos ng sekundarya ay maaari nang
maghanapbuhay. Dagdag pa, sa K-12, inaasahang magtatapos ang mga mag-aaral sa edad na 18
—legal na edad para makapag-trabaho. Maliban dito, hindi rin nasosolusyunan ang kawalan ng
trabaho ng mga kabataang nakapagtapos ng kolehiyo. Ayon sa pag-aaral, humigit-kumulang na
461,000 Pilipinong nagsipagtapos ng kolehiyo noong taong 2008 ang walang trabaho.
      Ayon sa deped ang mga nagsisipagtapos sa programang K-12 ay maari nang ituring na
mga propesyunal at may mataas na pinag-aaralan sa ibayong-dagat pero sa katunayan walang
kabuluhan ang argumentong ito. Malisyoso nitong itinutulak ang mga kabataan na mangibang-
bansa imbis na hikayatin ang mga ito na maglingkod sa sariling bayan. Hindi masisisi ang mga
kabataang piniling iwan ang kanilang mga pamilya upang mabigyan sila ng mas maginhawang
buhay na ipinagkakait sa kanila sa sariling bayan. Subalit responsibilidad ng gobyerno na
lumikha ng mga programang pang-ekonomiya kung saan hindi na kakailanganin pa ng ating mga
kabataan ang lisanin ang bansa para maghanapbuhay. Ang K-12 ay panakip-butas at palusot
lamang ng gobyerno sa kawalan nito ng kakayahang lumikha ng balangkas para sa pambansang
industriyalisasyon kung saan ang ating bansa mismo ang makikinabang sa ating lakas-paggawa
imbis na mga dayuhang nagpapakasasa sa mababang pasahod sa ating mga kababayang overseas
Filipino workers. Resulta rin nito ang papalalang brain drain kung saan kinakapos na tayo sa
mga propesyunal at mga skilled workers na siya sanang magtataguyod ng ating bayan.
      Ayon sa deped lubos na ang naging pag-aaral at paghahanda para ipatupad ang K-12
ngayong taon- pero sa katunayan wala pang ligal na batayan ang pagpapatupad ng K-12 ngayong
taon. Kamakailan lamang sinimulang madaliin sa Kongreso ang pag-aamyenda sa “Education
Act of 1982” subalit ngayon ay ipinapatupad na ang bagong programa.
       Ang edukasyon ay isa sa mga armas natin para mapaunlad ang bayan. Ang K-12 ay
nakadisenyo upang pagsilbihan ang mga dayuhang mamumuhunan na ang tanging interes ay
magkamal ng tubo mula sa kanilang natitipid sa ating murang lakas-paggawa. Walang
makabuluhang pagbabago ang makakamit  sa pagdaragdag ng taon at pagpapalit ng nilalaman ng
kurikulum sa batayang edukasyon kung ang mga ito ay hindi nilalangkapan ng makabayan,
makamasa at siyentipikong adhikain.
Iba pang mga hinanaing.
       Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan
pa lamang ay masyadong siksikan sa mga silid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi
na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrang dami. Naiiba
naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante
na maraming oras ang ginugugol sa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa
paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabot tuwing
umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang
dinaranas para lang makapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob ay
napipilitan na lang tumigil. Ayon na rin mismo sa Kagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang
kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadong
guro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-
taon rin ay naglilimbag ng aklat pero kinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa
ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.
 Maraming mga negatibong layunin ang programang ito ayon sa iilan. Ang pagpapatupad
daw ng K-12 ay upang makalikha ng mga semi-skilled na manggagawa upang matugunan ang
pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon at dayuhang pamilihan ng paggawa. Dahil na
rin sa maaari nang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng hayskul, iilan na lamang
ang nanaising makapagtapos ng kolehiyo dahilan upang babaan ang badgyet sa edukasyon. Hindi
daw ang pagpapatupad ng K-12 ang solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa,
ayon nga kay Trillanes, “Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang
K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating
edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang
kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod,”.

Iba iba ang pagtingin natin sa layunin ng pagpapatupad ng K-12, ngunit sana kung ano
mang tunay na layunin ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ay para sa kapakanan ng mga
Pilipino. Panahon na, upang Pilipino naman ang ating bigyang importansya, at hindi ang mga
dayuhan. Huwag nating hayaang ang ibang mga bansa ang makinabang sa ating mga
pinakamahuhusay na mangangawa. Marami mang oportunidad sa ibang mga bansa, matuto
tayong tumingin sa ating pinaggalingan, ang  Inang bayan naman ang ating pagsilbihan.  Ayon
nga kay Rizal, "Ang mga Kabataan ang pagaasa ng ating Bayan", kaya't patunayan nating mga
kabataang tayo nga ang pagasa at magpapaunlad sa ating bansa.

Batay umano sa kurikulum na mayroon ang programa, makikita ang mga kurso
o subjects na nakatuon sa teknikal na mga kasanayan tulad ng kasanayan
sa welding, housekeeping, care giving, pagmamasahe, pananahi, at iba pa na pagsasanay na
nakatuon sa pagluwal ng semi-skilled na mga manggagawa. Sa panahon na makakapagtapos ang
isang mag-aaral sa senior high school, inaasahan na nasa 18-taong gulang na ito – ang legal na
edad para makapagtrabaho. Ibig sabihin, nakahanda na para magtrabaho ang lahat ng
makakapagtapos ng senior high school sa loob at labas ng bansa. Maagang mapakinabangan ng
estado ang kabataan para magtrabaho sa halip na gastusan ng gobyerno sa kolehiyo. Ito ang isa
sa malinaw na inamin mismo ng Department of Education (DepEd) na makatutulong di umano
na makapagtrabaho agad ang mga kabataan pagkatapos nila ng senior high school. Pero
inaasahan na mas magpapalaki ito ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa dahil sa hindi sapat
ang nalilikhang trabaho ng gobyerno taon-taon. Sa datos ng Ibon Foundation, isang grupo ng
mga mananaliksik, nasa 4.3 milyong Pilipino ang bilang ng unemployed at nasa 6.9 milyon
ang underemployed noong 2014.Sa ganitong balangkas na inaasahang tataas ang bilang ng
walang trabaho, mas higit na makakapagdikta ang mga kapitalista o negosyante nang mas
mababang sahod, wala o kulang na benepisyo, at sistemang kontraktuwal. Dahil sa pag-aagawan
sa limitadong trabaho, pikit-matang tatanggapin ng isang manggagawang may binubuhay na
pamilya — kahit ang mga pinakamasahol na kondisyon sa paggawa. Ito rin ang nagtutulak sa
mga Pilipino na mangibang bayan para roon makipagsapalaran. Mas gugustuhin ito ng isang
gobyernong walang malikhang trabaho sa kanyang mga mamamayan dahil mas malaki ang
kikitain nito sa porma ng mga remittances mula sa overseas Filipino workers (OFW) alinsunod
sa labor export policy nito.

Sa pagka-implimenta ng k-12 unang naging problema ang kawalan ng mga silid-aralan na


gagamitin, mga modyuls na pag-aaralan at mga guro. Nabigyang solusyon ang kakulangan sa
mga silis-aralan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga SHS buildings na gagamitin ng mga
mag-aaral. Hindi ito naging mahirap dahil may sapat na pondo naman ang pamahalaan para sa
bagong kurikulum. Ang problema naman sa mga modyuls ay hindi naging madali dahil bago
ang kurikulum na gagamitin kung kaya’t bago din ang mga aklat at impormasyong gagamitin.
Walang sapat na pagkukunan ng mga materyales subalit dahil sa mga pagpupulong at tamang
panahon na inilaan ng mga guro nakapag-bigay sila ng mga libro sa mga mag-aaral. Ang
kakulangan naman sa mga guro ang hindi masyadong napagtuonan ng pansin. Kapansin-pansin
ang kakulangan sa mga gurong may sapat na kaalaman sa mga asignatura na tatalakayin. Ang
ilan sa mga nakapagtapos ng kursong edukasyon sa ating bansa ay mas pinipili ang magtrabaho
sa ibang bansa bilang dh dahil na din sa baba ng sahod ng mga guro sa ating bansa Kung
tataasan ng ating pamahalaan ang sweldo ng ating mga guro marahil ay may sapat na mga guro
ang nagtuturo ngayon sa lahat ng paaralan.

Naging hinanaing din ng mga mag-aaral ang pagpapatupa ng k-12 sa ating bansa. Ang
unang batch ng mga mag-aaral na nakapagtapos sa ilalim ngg kurikulum ng k-12 ay hindi
nabigyan ng sapat na impormasyon tungkol sa bagong programa kung kaya’t ang iba ay hindi
pinagtuonan ng pansin ang pagpili ng mga track na kanilang kinuha sa senor high at pagtuntong
sa kolehiyo ay nagkaroon na ng problema dahil hindi konektado ang kanilang kurso noong
senior high school. Maliban dito nagkaroon din ng kakulangan ng mga track na ini-implementa
sa mga paaralan kung kaya’t kung ano nalang ang mayroon ay yun na lang ang kinukuha ng mga
mag-aaral. Pagdating naman sa mga libro at modyuls ay sinasabi ng mga mag-aaral na para na
daw silang nagbayad ng tuition dahil sa dami ng mga dapat na i-xerox wala pa kasing sapat na
mga akla noon. Madami ding hinanaing ang mga 1st batch sa kanilang mga guro noon. Hindi daw
sapat ang kaalaman ng mga guro nila noon dahil ang ilan ay mga fresh graduate pa at hindi
daw konektado ang kanilang itinuturo sa kursong kanilang pinag-aralan o tinapos.
Palaki nang palaki ang populasyon sa Pilipinas kaya't palaki nang palaki rin ang bilang
ng mga mag-aaral. Nahihirapang punan ng pamahalaan ang kakulangan sa silid-aralan nito dahil
sa kakulangan sa silid-aralan nito dahil sa kakulangan din ng pondo. Ayon sa DepEd, mahigit sa
152,000 ang kulang na silid-aralan para sa taong 2012. Mayroon lamang itong pondo para sa
13,000 silid-aralan. Kulang din ang mga kagamitan ng mga paaralan. Kulang ng mga akalat sa
mga silid-aklatan na magagamit ng mga mag-aaral sa pagsasaliksik ng mga impormasyon at
karagdagang kaalaman. Ayon sa DepEd, nangangailangan pa rin ng 96 milyon na textbook ang
mga pampublikong paaralan. Hindi matutugunan ng mga paaralan ang pagbibigay ng isang aklat
sa baat mag-aaral sa bawat asignatura. Kulang ang mga maayos naupuan. Ayon sa DepEd,
mahigit sa 13 milyon ang kulang na upuan. Mayy mga paaralan na walang kompyuter.
Tinatayang 135,000 ang kulang na palikuran at 62% ng mga paaralan ang hindi matugunan ang
pangangailangan sa palikuran. Ayon sa pag-aaral, mas matututo ang mag-aaral kung
nagagabayan sila ng husto ng guro. Kung marami ang mag-aaral sa isang silid-aralan, hindi sila
gaanong matuturuan. Sa mga pampublikong paaralan sa ating bansa, may mga gurong may
hawak na 50 hanggang 70 mag-aaral. Ang mga nasa pribadong paralan ay may hawak na 30
hanggang 50 mag-aaral.

Patuloy na ang paghinto ng maraming mag-aaral sa pagpasok sa paaralan. Iba't iba ang
mga dahilan nila. May mga mag-aaral na humihinto sa pag-aaral dahil sa walang pantustos sa
gastusin ang mga magulang. Ang iba ay dahil sa malayo ang maga paaralan sa kanilang lugar. Sa
ibang liblib na lugar, may mga batang hindi nakapag0aral dahil walang guro at paaralan. Ito ang
tunay na estado ng edukasyon sa ating bansa. Kung titigilan lang ng gobyerno ang
pangungurakot sa kaban ng bayan ay magiging matiwasay ang buhay ng lahat. Nagkaroon ng
isang panayam ni pinanayam ang kinatawan ng DepEd, ang sabi nila ay may pondo naman ang
DepEd, ang malaking tanong ay bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang mga
problema sa edukasyon.  Nangangahulugan na dagdag-gastusin ang dagdag na dalawang taon sa
K-to-12 para sa mga magulang. Pero para sa pribadong mga paaralan, dagdag na kita o tubo ito
para sa kanila. Dahil sa kakulangan ng badyet para sa sektor ng edukasyon, hindi pa rin
natutugunan ng gobyerno ang mga kakulangan sa batayang mga pangangailangan sa edukasyon.
Tinatayang nasa 23,928,335 ang kulang na mga libro at modules, nasa 57,167 guro, nasa 112,942
klasrum, at maging ng mga paaralan. Sa ulat mismo ng DepEd sa Kamara, nasa 800,000
hanggang 1.1 milyong mag-aaral sa senior high school ang kayang tanggapin ng mga publikong
paaralan sa susunod na taon kahit na iaasahan pang lumaki ang bilang ng papasok sa senior high
schoolsa 1.6 milyon sa taong iyon. Dahil sa walang pasilidad ang gobyerno para sa mga papasok
sa senior high school, sa pribadong mga paaralan sila itutulak ng K-to-12 at hindi ito magiging
libre. Katunayan, nasa 60 porsiyento lang sa mga mag-aaral ang kayang tanggapin ng
pamublikong mga paaralan ngayong taon. Sa pribadong paaralan inaasahang mapupunta ang 40
porsiyento sa kanila. Ang iba, tiyak na dimakakapag-aral o o magiging magdrop-out.

Isa sa problema ng ating mahal na bansa ay ang edukasyon na siyang dapat na


pinakaunang prayoridad lalo na sa mga kabataan nang sa gayon magkaroon ng magandang
kinabukasan ang mga kabataan at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa, tulad nga ng sabi ng
ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, " Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan". Ngunit
kung ang edukasyon ng isang kabataan ay nahahadlangan, malamang sa malamang ay hindi ito
magiging matagumpay sa kaniyang pamumuhay.
Ang kahirapan ay ang pinakahalatang problema ng bansang Pilipinas. Ang kahirapan na
ito, ay dulot ng mga batang hindi nag aaral, at nahihirapan maghanap ng trabaho paglaki nila.
Ngunit may isang programang sinasabi ng DepEd, na makakatulong sa problemang kahirapan, at
ito ay ang K-12, ay isang systema kung saan kailangan ng estudyanteng mag-aral ng
labindalawang taon. Sinasabi nila na dahil sa pinahabang oras ng pag-aaral ng mga estudyante,
makakadali ito sa kanilang paghahanap ng trabaho pagkatapos nila mag-aral. Ngunit, base sa
mga pag-aral na ginawa ng mga eksperto, baliwala ang K-12 sa Pilipinas, dahil hindi kaya ng
mga mahihirap na gumastos para sa mga bagay na pang-edukasyon, tulad ng mga gamit sa
klase, at mga gamit para sa mga proyekto. Kaya baliwala rin ang K-12, dahil malaki ang
posibilidad na hindi nila matatapos ang kanilang pag-aaral. Ang mga taong Pilipino ay tuluyang
naghahanap ng mga solusyon para sa kanilang mga problema.
Konklusyon...
Bawat bagong sistema ay may positibo at negatibong dulot dahil ang pagbabago ay
karaniwang may kaakibat na sakripisyo. Sa usapin ng implimentasyon ng K-12 nagkaroon ng
malaking epekto hindi lamang sa mga gastusin ng mga magulang kundi maging sa
humahabang listahan ng problema sa edukasyon na tila hindi napagtutuonan ng pansin. Sa
kabilang banda, realidad din na apat na nating buksan ang ating isapan sa ganitong sistema dahil
napag-iiwanan na tayo ng kalapit na mga bansa pagdating sa bilang ng basic education ng isang
mag-aaral. Maganda man ang launin ng k to 12 program para sa mga mag-aaral lalo na ang mga
taong may kasanayan sa ibang larangan tulad ng skilled workers ay hati pa rin ang opinyon ng
pang-akademikong sektor sa usapin. Para sa iba makakatulong ito lalo na sa mga mag-aaral
na ayaww magkolehiyo dahil maaari na silang makapagtrabaho pagkatapos ng Senior High
School at nasa hustong gulang na rin sila para gawin ito. Ngunit ang iba naman ay sinasabi na
mas mainam pa rin ang nakatapos ng hanggang sa antas ng kolehiyo bilang patunay ng
kasanayan sa isang larangan.
Ang mga klase ng pagpapagaling sa unang taon ng kolehiyo ay hindi na kinakailangan,
dahil ang kurikulum sa mataas na paaralan ay nakahanay sa mga alituntunin ng Komisyon sa
Mas Mataas na Edukasyon (CHED).Hinihikayat din ng gobyerno ang mga magulang na isipin
ang gabay ng K to 12 kurikulum hindi bilang pagkakaroon ng dalawang sobrang taon ng mataas
na paaralan, ngunit bilang dalawang taon na mas mababa sa mas mataas na edukasyon.Ang mga
gradwado ng bagong sistema ng edukasyon ay magkakaroon ng kagamitan upang sumali sa Ang
mga pinili, o mga lugar ng pagdadalubhasa, ay magsasama ng mga akademya para sa mga nais
magpatuloy sa mas mataas na pag-aaral, teknikal na bokasyonal para sa mga nais makakuha ng
mga kwalipikadong kasanayan pagkatapos ng mataas na paaralan, at sports at sining para sa mga
may hilig sa dalawang larangan.workforce kaagad sa tulong ng mga pinili na ihahandog sa mga
grado 11 hanggang 12.Nasa ibaba ang isang balangkas ng K hanggang 12 pangunahing
kurikulum.

Sa programang ito, inaasahang magiging opsyon na lamang ng kabataan ang pagpasok sa


kolehiyo. Mababawasan ang mga gustong pumasok sa mga unibersidad na magiging hudyat ng
lalong pagbawas sa badyet ng edukasyon. Ayon sa National Union of Students of the Philippines
(NUSP), sa tuwing nagtataas ng matrikula ang State Colleges and Universities (SUCs), lalong
lumalakas ang loob ng pribadong mga pamantasan na itaas ang kanilang matrikula at iba’t ibang
“malikhaing” bayarin sa porma ng miscellaneous fees.

Samantala, bago pa man mapilitan ang mga magulang na ipasok sa kindergarten at junior


high school ang kanilang mga anak, baon na sila sa mabibigat na bayarin. Bagamat libre ang
pampublikong edukasyon sa elementarya, mangangailangan pa rin ang isang mag-aaral ng
P20,000 para sa gastusin sa pamasahe, gamit sa eskuwela at pagkain para sa buong taon,
kuwenta ng League of Filipino Students.
Sa sarbey ng Family Income and Expenditures Survey, napag-alamang mas pinipili ng
pamilyang Pilipino na paglaanan ng panggastos sa pagkain at iba pang pang-araw-araw na
pangangailangan higit sa pangangailan ng kabataan sa paaralan o papasukin pa sa paaralan.

Batay sa mga dahilang ito, masasabing sa ilalim ng K+12, taun-taong di-maiiwasan at


mananatiling mataas ang bilang ng dropouts at out-of-school youths dahil sa mababang paglalaan
sa edukasyon, pagtaas ng mga batayang bilihin, pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa
paaralan, at hindi gumagalaw na sahod ng nagtatrabahong mga mamamayan.

Isa ang pilipinas sa mga bansa sa daigdig na hindi pa noon nagpapatupad ng pagdaragdag
ng dalawang taon o “K–12 curriculum”. Isa raw ito umano sa mga dahilan kung bakit mababa
ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas. Hindi daw ito nakaaangkop sa internasyonal na
pamantayan kay kailangang ipatupad ang reporma sa porma ng K-12 ayon sa gobyerno.
Malaking hakbng ang pagdaragdag ng dalawang taon para maging “globally competitive” ang
edukasyon sa pilipinas. Ang programang ito na ipinatupad ng pamahalaan at n ng Kagawaran ng
Edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pamantayan ng sistema ng
edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi pati sa buong mundo. Ayon sa
administrasyong Aquino ipinatupad ito upang bigyan ng sapat na kasanayan at kahandaan ang
mga Pilipinong nag-aaral sa pamamagitan ng karagdaang dalawang taon ang pag-aaral sa
sekundarya. Ang karagdagang grado ng 11 at 12 ay nagnanais na ihanda ang mga magaaral
pagkatapos ng hayskul, kung nais pa nilang magtrabaho at hindi agad magpatuloy ng kolehiyo
mismo. Ang karagdagng dalawang taon sa hyskul ay may layuning bigyan ng sapat na
kahandaan at kasanayan ang bawat mag aaral, ibig sabihin lamang nito na sa orihinal na apat na
taon ay sasanayin ang mag aaral sa akademiko, teknikal at bokasyonal na kurso na kanilang
magagamit sa kanilang paglabas sa paaralan at magsisilbing daan sa mundo ng pagtratrabaho.
Ngunit tulad ng lahat ng bagay, tulad sa gamut na may epekto kumbagagayun din ito sa ilang
mga mag aaral na nakadanas ng apat na tao at sa mga magulang na nagpapaaral ng kanilang
anak, ito raw ay isang pagkakamali at problema sapagkat sa halip na magtatrabaho na o
pagkokolehiyo na lamang ang gugugulin ay tila dadagdag pa nga daw ito sa kanilang gastusin at
magiging kaakibat pa ng kanilang paghihirap sa pagpapabaon. Magagamit pa sana ag pera bilang
dagdag panustos sa mga pangangailangan sa kanilang tahanan at pangmatrikula. Lalo pa nga raw
at ang iba sa kanilay gipit sap era. Nguit kung ang ating pagiisipan at sa pakiwariy tila hindi ito
isang problema kundi isang sagot o isang lunas sa sugatang mga sundalo ng paaralan, magiging
daan upang maging isang propesyonal sa ibat ibang larangan na tila isang itak na mahahasat
magiging matalas ang isipan mas maipapamalas ang kaglingan at mas mapapaunlad ang kanyang
sarili sa ibat ibang paraan.

Pinaka magandang bunga ng K-12 curriculum ay ihanda ang mga magsisipagtapos para
makapagtrabaho. Makakakuha sila ng “Certificate of Competency” at National Certifications
kapag nagdaan sa TESDA Training egulation. Mayroon na silang pagkakataon  na magtrabaho o
kayay magtayo ng sariling negosyo. Maganda ang nilalayon ng K to 12. Maaring ito ang
magbago sa buhay ng mga Pilipino sa hinharap. Magkakaroon nan g kahandaan sa pipiliing
“career” trabaho. San naman maging handa rin ang DepEd sa implementasyon  ng K to 12.
Magkaroon sana nang mahusay na mga guro, libro at pasilidad para maging ganap ang
pagpapatupad ng K to 12 at nang  hindi na batikusin ng mga tutol dito. Tahakin na ang
pagbabago sa edukasyon. Iwanan na ang lumang sistema. Maaaring ang sitemang ito ang
magbigay ng bagong pag asa. Maraming mapapakinabangan sa K to 12 sa kasalukuyan ay
kinakailangan magtapos ang ating kabataan o magaaral ng kolehiyo para makapagtrabaho. Sa
halip na magreklamo  at hanapan ng mga kasiraan ang bagong sitema ng edukasyon, kakulangan
sa kahandaan ng pamahalaan, mga gurot mag-aaral at ang eskwelahan tayo na lamang ang
magtulunganat sumuporta upang mapadali ang trabaho at maabot angkaginhawaan sa bawat
mamamayan.

Ito na ang pagkakataon upang mabago ang ating bansa. Kung k-12 man ang tulay sa
bagong Pilipinas, sa Pilipinas na hindi bulag sa katiwalian, sa Pilipinas na hindi bingi sa mga
maling salita at sa Pilipinas na matalino sa lahat ng bagay, dapat na, kailangan na ang k-12.
Tignan natin ang magandang bahagi nito at wag lagi ang kakulangan o kahinaan ng bagong
kurikulum. Maganda ang naging resulta nito sa mga unang nagsipagtapos ng kurikulum sa
kabila ng mga pagkukulang at kahirapan mas naging handa naman ang mga kabataan sa
pagtungtong ng kolehiyo. Ang hindi lang siguro napaghandaan ng mga mag-aaral sa ngayon ay
ang malaking ekspektasyon mula sa mga tao. Hindi pa naman makikita sa ngayon ang resulta
sapagkat bago pa kung kaya’t wag muna sabihing hindi maganda.

Kurikulum noon at K-12 ngayon: Ang Pagbabago ay Narito na.

You might also like