You are on page 1of 13

ANG KOMPETENSI SA BAGONG KURIKULUM

Sa pagpasok ng ika-21 siglo, marami ang dinala nitong pagbabago, isa


sa mga nagkaroon ng pagbabagong ito ay ang sistema ng edukasyon sa
bawat mga bansa. Binihisan at binago ang kurikulum sa edukasyon upang
makatugon sa pangangailangan ng komunidad dulot ng globalisasyon. Ang
mga kompetensi na noo’y nakatutok lamang sa mga batayang kaalaman ay
nirebisa, dinagdagan at iniayon sa mga kasanayang kinakailangan ngayong
siglo, ito ay ang 21st century skills. Hinahasa ang mga mag-aaral sa mga
kasanayang ito upang maihanda sa kanilang tatahaking landas o karera sa
buhay sa oras na sila ay makapagtapos ng pag-aaral.

1. ) Learning and Innovation skills


binibigyang turing nito ang isa sa mga pinakakakailanganing
kasanayan na dapat malinang sa mga mag-aaral upang maihanda sila sa
pagharap sa nagbabagong mundo at maging sa mga kasanayang
panghanapbuhay na nakaangkla sa teknolohikal na inobasyon at
modernisasyon.
Inaasahan din dito na mahahasa ang mental na kapasidad ng mga
mag-aaral na kritikal sa kanilang pag-unlad bilang isang epektibo at
responsableng indibidwal.
Nakapokus ang kasanayang ito sa tatlong kompetensi o ang 3Cs sa
Ingles:
1.1 Creativity and Innovation
Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang indibidwal na
lumikha ng makabago at kapaki-pakinabang na mga ideya o bagay na
mula sa pagdalumat sa mga bagong kaalaman at impormasyon.
a. ) Malikhaing Pag-iisip
 Nagagamit ang iba’t ibang malikhaing pamamaraan gaya
ng brainstorming o brainwriting sa pagbuo ng epektibong
mga ideya.
 Nakalilika ng kapaki-pakinabang at radikal na mga
konsepto
 Nakapagpapaliwanag nang may kaayusan, nakapag-
oorganisa at nakasusuri ng mga impormasyon na
makatutulong sa paglinang ng mental na kasanayan.
b. ) Epektibong nakikipagtulungan sa kapwa
 Epektibong nakadedebelop, nakalilikha at
nakapagbibigay ng mga makabagong ideya
 Bukas sa pagtanggap ng mga bago at magkakaibang
ideya mula sa grupo
 Nakalilikha nang may orihinalidad at nakauunawa sa
limitasyon ng pag-aadap sa mga bagong ideya
 Naniniwalang ang pagkabigo o pagkakamali ay isang
oportunidad upang matuto ng mga bagong kaalaman at
naiintindihang ang kasanayang ito ay walang katapusang
proseso, araw araw ay may mga bagong kaalaman na
maaring matutuhan.
c. ) Naisasagawa ang mga inobasyong nalikha
 Nakagagawa ng isang malikhain at kapaki-pakinabang na
kontribusyon bilang tugon sa mga maglilipanang
inobasyon.
1.2 Critical Thinking and Problem Solving
Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na
mangatwiran, magsuri, magkilatis o magsiyasat sa mga bagay bagay
upang makalikha ng solusyon o desisyon sa anumang problemang
kinakaharap.
a. ) Nakapagbibigay ng epektibong pangangatwiran
 Nagagamit ang dalawang uri ng pangangatwiran: pabuod
o pasaklaw ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
b. ) Sistematikong Pag-iisip
 Epektibong naanalisa ang mga bahagi na kakailanganin
upang masuri ang kabuuan at upang makalikha ng
sistematikong paglalahat sa mga datos.
c. ) Nakalilikha ng pasya o desisyon
 Naaanalisa, nasusuri ang mga datos, argumento mga
salaysay at paniniwala o hakahaka
 Epektibong nakikilatis ang magkakaibang mga pananaw
 Nakiinterpret ng mga datos at nakapagbibigay ng
balidong konklusyon
 Mapanuring nakapagninilay sa mga karanasang
nagdudulot ng bagong kaalaman
d. ) Nakapagbibigay ng solusyon
 Nabibigyang solusyon ang iba’t ibang problema gamit ang
kombensyunal at makabagong pamamaraan.
 Natutukoy at naanalisa ang mga tanong upang
mabigyang paglilinaw ang iba’t ibang perspektiba na
makatutulong sa paglikha ng wasto at angkop na
solusyon.
1.3 Communication and Collaboration
Binibigyang turing nito ang kakayahan ng isang indibidwal
na magbahagi ng ideya at epektibong nakikilahok o
nakikipagtulungan sa iba.
a. ) Nakagpagbabahagi ng ideya nang may kalinawan
 Epektibong nakikilahok sa pagbabahaginan ng mga ideya
sa berbal o di-berbal mang pamamaraan.
 Nakikinig nang mabuti sa talakayan upang makuha ang
nais ipakahulugan ang iparating ng nagsasalita
 Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon ayon sa iba’t
ibang layunin (magbigay-alam, mag-utos, manghikayat
atbp.)
 Nagagamit nang may kahusayan ang iba’t ibang online na
materyal o teknolohikal na kagamitan at may kabatiran
sa pagsuri ng kabisaan nito.
 May kakayahan sa multilinggwal na komunikasyon
b. ) Nakikipagtulungans a kapwa
 Naipamamalas ang kakayahang makilahok at
makipagtulungan sa iba, magkaiba man ang pinagmulan
o pinaniniwalaan
 Naipamamalas ang pakiki-angkop at pagkukusa na
tumulong sa kapwa upang maabot ang itinakdang
tunguhin
 Tumatanggap nang may pagkukusa sa responsibilidad ng
bawat isa at napahahalagahan ang kontribusyon ng
bawat kasapi.

2.) Information, Media, and Technology Literacy Skills


Ang pag--usbong ng makabagong panahon ang nagpasimula ng
pagbabagong halos nakaangkla sa teknolohikal at digital na inobasyon. Ang
pagbabagong ito ay nangangahulugang:
a. ) daan sa gabundukang mga impormasyon
b. ) mabilisang pagbabago sa teknolohikal na aspeto
c.) kakayahan na makipagtulungan at makalikha ng mga
makabagong ideya para sa kontribusyong panlipuanann.

Upang maging epektibong indibidwal sa isang nagbabagong mundo,


kinakailangang maadap o mahasa sa ating sarili ang mga sumusunod na
kasanayan:

2.1 Information Literacy


a. ) Makapangalap at makapagsuri ng imporamasyon
 Makapangalap ng napapanahon at balidong datos
 Kritikal na nasusuri ang mga impormasyon
b. ) Nagagamit at naoorganisa ang mga impormasyon
 Nagagamit ang mga impormasyon nang may kaangkupan
sa iba’t ibang sitwasyon o ayon sa pangangailangan
 Naisasaayos ang daloy at organisasyon ng impormasyon
 Nauunawaan at naiintindihan ang legal at etikal na
kaparaanan sa pangangalap ng mga imprmasyon.

2.2 Media Literacy


Ito ay tumutukoy sa kakayahan na alamin ang ibang uri ng mga midya
at makaintindi ng mga mensahe na ipinahahayag ng bawat uri ng midya.
(philnews.ph, 2019).
Sa kasalukuyang panahon, pinasok na ng midya ang bawat sulok ng
akademya sa kadahilanang ang mga mag-aaral sa ay tinatawag na mga
digital natives. Sila iyong mga pabago-bago kung mag-isip, holistik, at
random. Ang estilo ng kanilang pagkatuto ay batay sa kanilang mga danas
sa buhay. Samantalang ang mga guro ay tinuturing na mga digital
immigrants na kung saan linyar, replektib at sekwensyal kung mag-isip. At
naniniwala silang ang pagkatuto ay konstant, konsistent o nagpapatuloy.
Ayon sa Thoughtful Learning (n.d), hindi na sapat upang turuan ang
mga mag-aaral kung paano gumagana ang mga libro, peryodiko, at palabas
sa TV. Kailangang malaman ng mga mag-aaral kung paano kritikal na pag-
aralan at suriin ang mga mensahe na darating sa kanila sa pamamagitan ng
anumang medium.
Inilahad ng Edukasyon.ph ang walong dahilan kung bakit mahalaga ang
papel ng media Literacy.
1. Nagtuturo ito kung paano mapatunayan ang impormasyon at
makilala ang iba pang mga pananaw
2. Hinihikayat nito ang kritikal na pag-iisip
3. Nagtuturo ito kung papaano maging responsable sa paggamit ng
midya.
4. Inilalahad nito sa mga mambabasa kung paano ito makaapekto sa
kultura.
5. Nakatutulong ito na matukoy at makilala ang mga kasanayang
pangkomunikasyon at pangkalakalan.
6. Tinuturuan nito ang mga mag-aaral na maging mapanuri.
7. Hinihikayat din nitong maging aktibo at makilahok sa gawaing
pangkomunidad.
8. Nagtuturo ito sa atin kung paano tayo gumawa ng ating nilalaman.

2.3 ICT Literacy


“Is using digital technology, communications tools, and/or networks to
access, manage, integrate, evaluate, and create information in order to
function in a knowledge society.”

----- Educational Testing Service

ICT (Information and Communications Technology)


- tumutukoy sa iba't ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa
komunikasyon upang magproseso, mag-imbak,lumikha at magbahagi ng
mga impormasyon. Ilan sa mga halimbawa ng ICT ang
radyo,telebisyon,smart phones, kompyuter, at internet.
Binanggit ni Don Tapscott ang walong ekspektasyon sa mga mag-aaral
sa paggamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya
 Kalayaan sa pagpapahayag ng sariling pananaw, personalidad at
identidad.
 Kakayahang makabuo ng sariling kagamitang panteknolohiya batay
sa kanyang kagustuhan.
 Kakayahang makapaghanap ng mga impormasyon
mapagkakatiwalaan.
 Matapat na interaksyon sa kapwa at organisasyon.
 Malugod na nakikibahagi sa pagkatuto, trabaho at pakikisalamuha.
 Kolaboratibong nakikibahagi.
 Agad tumutugon at nakikipagtulungan sa paghahananap ng mga
solusyon.
 Maging inobatibo

3.) Life Skills- isang hanay ng mga pangunahing kasanayan na nakuha sa


pamamagitan ng pag-aaral at / o direktang karanasan sa buhay na
nagbibigay-daan sa mga indibidwal at pangkat na mabisang hawakan ang
mga isyu at problemang karaniwang kinakaharap sa pang-araw-araw na
buhay.
Bakit kailangang maituro ang mga Life Skills?
 Maging bahagi ng kanilang kamalayan ang kanilang karapatan at
responsibilidad bilang isang mamamayan.
 Makibahagi sa mga panlipunang isyu.
 Inaalala ang kapakanan ng kapwa.
 Makabuo ng sariling opinyon at argumento.
 Kakayanang makaimpluwensya sa komunidad.

3.1 Flexibility and Adaptability


Ang Flexibility at Adaptability sa silid aralan ay dalawa sa
pinakamahalagang katangian na dapat taglayin ng bawat guro o/at maging
mag-aaral. Ang dalawang katangiang ito ay magkakasabay din sa isa't isa.
Ang flexibility ay ang ideya na ang iyong mga plano ay maaaring magbago
nang napakabilis, kung minsan ay may paunawa at kung minsan wala. Ang
pagtanggap ng pagpuna (mabuti at masama) mula sa iyong mga tagapayo ay
lubhang mahalaga sa mga tuntunin ng kakayahang umangkop sapagkat
pipilitin nitong baguhin ang dati mong ginagawa. Ang pagiging may
kakayahang umangkop ay nangangahulugang isinasama ang pidbak na ito
sa iyong pagtuturo. Gayundin, ang mga on-the-spot na pagbabago ay
maaaring kailanganin din sa akin na ginawa batay sa ilang mga sitwasyon
sa silid-aralan, madalas na walang paunang pagsasakatuparan.
Ang adaptability ay ang kakayahang umangkop sa pagbabago. Sa
pangkalahatan, ito ay ang kakayahang makilala ang iyong sarili sa
pagbabago ng mga tungkulin, responsibilidad sa trabaho, materyal, at
iskedyul. Kung hindi mo kayang tumanggap para sa iba't ibang mga aspeto
ng pagtuturo, mahirap bigyan ang iyong mga mag-aaral ng pinakamahusay
na karanasan sa pag-aaral na maaari nilang makuha, at siyempre iyon ang
laging layunin.

3.2 Initiative and Self-Direction


Tulad ng paglipat ng mga mag-aaral mula sa paaralan patungo sa
kanya-kanyang karera sa buhay (life career), mahalaga na maunawaan nila
ang kahalagahan ng pag-alam kung ano ang nais nila at pagkakaroon ng
direksyon sa buhay. Hindi lamang ito pagdating sa trabaho, ngunit sa
mahahalagang kasanayan sa buhay.
Kahalagahan ng pag-aaral upang mapamahalaan nang maayos ang mga
layunin sa buhay at oras na ginugugol nito.
 Balansehin ang mga layunin ng taktikal (panandaliang) at madiskarte
(pangmatagalang) - upang maunawaan kung ano ang maaaring
magawa ngayon at kung ano ang maaaring gawin sa susunod pang
mga oras.
 Gamitin ang oras at pamahalaan nang mahusay ang workload.

Gawin ang trabaho nang may pagkukusa at Malaya


 Unahin at kumpletuhin ang mga trabaho kahit walang nangangasiwa
o nakaobserba sa iyo.

Maging Self-directed
 Ipakita ang inisyatiba upang isulong ang mga antas ng kasanayan
patungo sa isang antas ng propesyonal.
 Ipakita ang komitment sa pag-aaral
 Alamin ang mga pagkakamaling nagawa upang sa hinaharap ay
magkakaroon ng pagtatama at pag-unlad.
3.3 Teamwork and Collaboration

Kakayahang maging epektibo sa gawaing pangkoponan o grupo,


paggawa ng mga aksyon na may paggalang sa mga kontribusyon ng iba;
nag-aambag at tumatanggap ng pinagkasunduan; pakikipag-ayos ng isang
win-win solution upang makamit ang mga layunin ng koponan.

Behavioural Indicators ng Teamwrok at Collaboration


 Nakapagbibigay at makatanggap ng puna mula sa ibang miyembro ng
koponan pagsasagaw ng gawain.
 Ibinabahagi sa kapwa ang pagkilala sa gawain.
 Kinikilala ang ambag ng kapwa kasapi.
 Pinakikinggan ang nararamdaman, pananaw at opinyon ng miyembro
 Nailalahad sa pangkat ang mga ideyang may kontradiksyon upang
masolusyonan ang mga argumento.
 Suportahan ang naging kabuuang desisyon ng grupo.

3.4 Leadership and Responsibility


 Ang leadership ay ang pamamahala na may mithiing tinutupad,
nagpaplano nang mga mabuting gawain at higit sa lahat kinakamit
ang mga layunin nang tulungan.
 Ang isang lider ay person- oriented, may magandang- asal at
marunong mamahala sa kanyang sinasakupan.
 Responsable sa kanyang mga gawain, ginagamit ang kanyang
kakayahan at talento sa reyalidad ng buhay.
 Taglay niya ang mga natutuhan na gagamitin sa pamamahala ng
mga kompanya sa ikakalago nito, at pagtupad ng mga mithiin
kasama ang kanyang mga empleyado.
 Nakakatulong sa mga mag- aaral para maging bihasa sa larangan ng
pamamahala.

3.5 Productivity at Accountability


 Sa panahon nang makabagong teknolohiya, ang mag-aaral ay
mayroong kakayahan sa pagiging produktibo, may magandang
mindset, may etikal na pagpapahalga sa trabaho, marunong
mangasiwa ng oras, marunong magresolba ng problema,
pagtatrabaho na may mithiin, nakikipagtulungan sa bawat miyembro
at marunong rumespeto sa pagkakaiba ng kultura ng bawat isa.
 Taong mapagkakatiwalaan.
 Taong magaling mangasiwa ng pera.
 Taong parating masaya at positibo sa buhay.
 Taong may sinusunod na tuntunin sa mga gawain.
 Taong palaban at hindi madaling sumuko ang kailangan sa ating
panahon ngayon.

3.6 Social and Cross- Cultural Skills


 Sa mundo natin ngayon, taglay ng mga mag- aaral ang pagiging
malawak ang kakayahan at kaalaman sa sosyal medya at iba’t ibang
kalagayan ng lipunan.
 Kailangan maging inter-aktibo sa mundo, may kakayahan sa
pakikipagkomunikasyon sa tao at kapwa niya.
 May alam sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng lipunan.
 May respeto sa pagkakaiba, pagkakatulad ng bawat isa sa kultura
man o pakikipagsalita.
 Marunong makinig at tumugon sa bawat isa.
 May magandang samahan sa bawat indibidwal.
 Maging sensitibo at malawak ang kaalaman sa pagkakaiba ng bawat
indibidwal.

4. Citizenship skills
 Upang magbigyang linaw sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang
mamamayan sa sariling bansa at sa halaga mismo ng sariling bansa ay
mahalagang mabuo ang mga mamamayang bihasa, may sapat na
kaalaman at motibasyon upang tugunan ang mga isyu ng pagpapanatili
ng kaayusan sa pagitan ng tao at kapaligiran at kumilos patungo sa isang
mas pantay na mundo na may paggalang sa isa't isa, sa kilos man o sa
salita.
 Layunin ng kasanayang ito na ang kabataang bihasa sa pagbasa at
pagsulat, may kakayahang global, at may sapat na kaalaman sa paggamit
ng teknolohiya ay ihanda para makipagsabayan sa pagkamamamayan ng
ika-21 siglo.
 Ang pagkamamamayan ay kinasasangkotan ng mga taong nagtutulungan
upang makagawa ng positibong pagkakaiba sa lipunang kanilang
ginagalawan – local, nasyonal, at pandaigdigan. Ang prosesong ito ay
mabuti para sa mga indibidwal, at mahalaga para sa pagpapalakas at
pag-iingat ng ating lipunan tungo sa demokratikong pamumuhay.

4.1 Valuing of diversity


Ang pagkakaiba-iba ay binigyang pagpapakahulugan sa diksyunaryo
bilang "ang kundisyon ng pagiging iba." Isang kritikal na pagkakamali na
ginagawa ng maraming tao ay ang ipantay ang pananaw sa pagkakaiba-
iba sa "lahi" at "kultura". Ang kaisipang ito ay likas na may kamalian
sapagkat pinapatibay nito ang mga stereotype at nagtataguyod ng isang
kaisipang "kumpara sa kanila".
Ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kaibahan ng bawat
indibidwal ay isang pinakamahalagang asset na maipakita ng isang tao.
Ang edukasyong multikultural ay isang mahalagang sangkap ng
pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba. Iginagalang ang pagkakaiba-iba
habang tinuturo sa kabataan na maging epektibo at makiisa sa isang
kapaligirang demokrasya. Iginagalang nito ang sariling katangian
habang nagtataguyod ng paggalang sa iba. Binibigyang diin nito ang
mga kontribusyon ng iba't ibang mga pangkat (hal. Etniko, kasarian,
kita, oryentasyong sekswal, atbp.) na bumubuo sa populasyon ng
mundo. Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng mga tao na
nagbabahagi ng kanilang mga kwento at natututo mula sa kwento ng
iba. Kinikilala nito na ang iba`t ibang mga bata ay may iba't ibang mga
estilo sa pag-aaral. Ang diskarte na ito ay naglalayong dagdagan ang
pagkakaiba-iba ng kamalayan, pagkasensitibo, at kasanayan upang ang
mga kabataan ay handa na gumawa ng positibong aksyon sa kanilang
kapwa. Sa pamamagitan ng pagbuo ng positibong impluwensya ng
kapwa, ang mga kabataan ay nagsisimulang baguhin ang mga
negatibong pag-uugali, pananaw, at pag-uugali tungkol sa pagkakaiba-
iba.

4.2 Global awareness


Ang pandaigdigang kamalayan ay kasamang itinuturo sa loob ng
silid-aralan na may layuning ipaalam ang iba’t ibang bansa at mga
kultura nito, pati na rin ang kanilang mga tungkulin at karapatan sa
sibiko sa kapwa lokal at sa buong mundo. Ang kakayahang maunawaan,
respetuhin at kumilos nang maayos sa harap ng mga tao na nagmula sa
magkakaibang kultura ay lalong mahalaga para sa matagumpay na
lipunan sa isang magkakaugnay na mundo.
Ang ideya sa likod ng pandaigdigang kamalayan ay upang lumikha ng
mga mamamayan na bukas sa mga indibidwal na lumaki sa iba't ibang
mga bansa, kultura at ibang relihiyon. Para sa mga guro, ito ay isang
pagkakataon upang buksan ang mga mata ng mga mag-aaral kung paano
ang mga pang-araw-araw na desisyon sa kanilang sariling buhay ay
maaaring makaapekto sa buhay ng mga tao sa buong mundo.

4.3 Environmental Awareness


Ang kamalayang ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng
kamalayan sa natural na kapaligiran at paggawa ng mga pagpipilian na
kapaki-pakinabang sa halip na sumira sa kalikasan. Sa mga nagdaang
taon, ang kamalayang ito ay nakakuha ng mas mataas na pansin at
nagsilbing mainit na paksa.
Ang kamalayan sa kapaligiran ay upang maunawaan ang kahinaan
ng ating kapaligiran at ang kahalagahan ng proteksyon nito. Ang
pagtataguyod ng kamalayang ito ay isang madaling paraan upang ang
isang indibidwal ay maging mabuting tagapangasiwa sa kapaligiran at
lumahok sa paglikha ng isang mas maliwanag na hinaharap para sa
susunod na henerasyon.

4. 4 Values, Ethics, and Professionalism


Ang values ay isang pangunahing paniniwala na gumagabay o nag-
uudyok ng mga saloobin o kilos ng tao. Tumutulong ito upang matukoy
kung ano ang mahalaga sa atin bilang isang indibidwal. Inilalarawan dito
ang mga personal na katangiang pipiliin nating sanayin upang maging
gabay sa pagkilos; ang uri ng tao na nais nating maging; ang paraan kung
paano natin tratuhin ang ating sarili at ang iba, at ang ating pakikipag-
ugnayan sa mga tao sa paligid. Nagbibigay ang mga ito ng
pangkalahatang alituntunin para sa mabuting pag-uugali.
Sa kabilang banda, ang etika ay ang pag-aaral ng moralidad -
maingat at sistematikong pagsusuri ng mga moral na desisyon at pag-
uugali at pagsasagawa ng mga pasya. Ito ay tumutukoy sa mga
prinsipyong moral na namamahala sa pag-uugali ng isang tao o sa
pagsasagawa ng isang aktibidad. Isa ito sa pangunahing pangangailangan
ng anumang propesyon at mahalaga ito sa edukasyon lalo na sa mga
gawaing nagsasangkot ng pag-oorganisa, pagtatanggol at pagrekomenda
ng mga konsepto ng tama at maling pag-uugali. Ang edukasyong etikal ay
tumutulong sa mga mag-aaral na mahasa at makabuo ng mga
konseptong magagamitan ng malalim na kaalaman at kamalayan sa sarili
at iba pang mga kultura. Ang propesyonalismo ay ang mga katangian,
pag-uugali, pangako, pagpapahalaga, at layunin na naglalarawan sa
isang propesyon.

Sanggunian:

Authentic Learning (n.d.). 21st Century Skills. University of Minnesota.


Kinuha mula sa http://authenticlearning.umn.edu/
Bernard Crick, National Curriculum Citizenship, 1999. Education for
citizenship and the teaching of democracy in schools. Retrieved from:
https://dera.ioe.ac.uk/4385/1/crickreport1998.pdf
Bilbao, P., Corpuz, B., & Dayagbil, F. (2015). Curriculum development for
teachers. Quezon City, Metro Manila: Lorimar Publishing, Inc. Sinipi
mula sa modyul na Building and Enhancing New Literacies Across
the
Curriculum
Branch, Robert Maribe. (1997). Educational technology frameworks that
facilitate culturally pluralistic instruction. Educational Technology,
37(2), p. 38-41. Retrieved from:
https://cals.arizona.edu/sfcs/cyfernet/nowg/sc_valdiv_bibs.html
British Council (n.d.). What are life skills and why teach them?. Kinuha
mula sa https://www.britishcouncil.gr/en/life-skills/about/what-
are-life-skills
Burnouf, Laura (2004). Global Awareness and Perspectives in Global
Education. Retrieved from:
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1073942.pdf
Educational Testing Service (n.d.). Digital Transformation: A Framework for
ICT Literacy. Kinuha mula sa
https://www.ets.org/Media/Research/pdf/ICTREPORT.pdf
Edukasyon.ph (2018) 8 Reasons Why Media Literacy is Important. Kinuha
mula sa
https://www.coursehero.com/u/file/86047563/Kahulugan-ng-
media-literacydocx/#question
Environmental Awareness: Definition, History & Importance. (2019, March
20). Retrieved from
https://study.com/academy/lesson/environmental-awareness-
definition-history-importance.html
Institute of Museum and Library (n.d.). 21st Century Skills. Kinuha mula sa
https://www.imls.gov/
Pachamama Alliance (2021). Environmental Awareness. Retrieved from:
https://www.pachamama.org/environmental-awareness
Philnews. ph (2019). Bakit Kaya Mahalaga Ang Media Literacy? Kinuha mula
sa https://philnews.ph/2019/09/06/bakit-kaya-mahalaga-ang-
media-literacy-sagot/
Singh, Neha (2019). Importance of Professional Ethics and Value Education
In Teaching. Retrieved from:
https://www.researchgate.net/publication/335062717_IMPORTANC
E_OF_PROFESSIONAL_ETHICS_AND_VALUE_EDUCATION_IN_TEAC
HING
Steven Mintz (2018). What are Values? Retrived from:
https://www.ethicssage.com/2018/08/what-are-values.html
Thoughtful Learning (n.d). What are literacy skills? Kinuha mula sa
https://k12.thoughtfullearning.com/FAQ/what-are-literacy-skills

You might also like