You are on page 1of 3

Fil 128 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

April 26, 2021

Mga Layunin ng Edukasyon Ayon sa Saligang Batas

ARTIKULO XIV
EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING, KULTURA, AT ISPORTS
EDUKASYON
SEKSYON 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga
mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng
angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.

SEK. 2. Ang Estado ay dapat:


(1) Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang
sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at
lipunan;
(2) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng libreng pambayang edukasyon sa
elementarya at hayskul. Hindi bilang pagtatakda sa likas na karapatan ng mga
magulang sa pag-aaruga ng kanilang mga anak, ang edukasyong elementarya ay
sapilitan sa lahat ng mga batang nasa edad ng pagaaral.
(3) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng mga kaloob na iskolarsip, mga
programang pautang sa estudyante, mga tulong na salapi at iba pang mga insentibo na
dapat ibigay sa karapat-dapat na mga estudyante sa mga paaralang publiko at pribado,
lalo na sa mga kulang-palad;
(4) Pasiglahin ang di-pormal, impormal at katutubong mga sistema ng pagkatuto, at
gayon din ang mga programang pagkatuto sa sarili, sarilinang pag-aaral at pag-aaral sa
labas ng paaralan lalo na yaong tumutugon sa mga pangangailangan ng pamayanan; at
(5) Mag-ukol sa mga mamamayang may sapat na gulang, may kapansanan, at
kabataang nasa labas ng paaralan ng pagsasanay sa sibika, kahusayang bokasyonal at
iba pang mga kasanayan.

SEK. 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng
mga institusyong pang-edukasyon.
(2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pag-ibig sa
sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa gampanin ng
mga pambansang bayani sa historikal na pagpapaunlad ng bansa, ituro ang mga
karapatan at mga tungkulin ng pagkamamamayan, patatagin ang mga
Fil 128 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
April 26, 2021

pagpapahalagang etikal at espiritwal, linangin ang karakter na moral at disiplinang


pansarili, pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain, palawakin ang kaalamang
syentipiko at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayang bokasyonal;
(3) Sa opsyong nakalahad nang nakasulat ng mga magulang o mga tagakupkop, dapat
pahintulutang ituro ang relihyon sa kanilang mga anak o mga ampon sa mga
pambayang paaralang elementarya at hayskul sa regular na mga oras ng klase ng mga
tagapagturong itinalaga o pinahintulutan ng relihyosong awtoridad ng relihyong
kinaaniban ng mga anak o mga ampon, nang walang dagdag na gastos ang
pamahalaan.
SEK 4. (1) Kinikilala ng Estado ang mga gampaning komplimentaryo ng mga
institusyong publiko at pribado sa sistemang pang-edukasyon at dapat itong tumupad ng
makatwirang superbisyon at regulasyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.
(2) Ang mga institusyong pang-edukasyon, bukod sa mga itinatag ng mga angkat na
relihyoso at mga kalupunang misyon, ay dapat na ari lamang ng mga mamamayan ng
Pilipinas o ng mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapung bahagdan man
lamang ng puhunan nito ay ari ng gayong mga mamamayan. Gayon man, maaaring
itakda ng Kongreso ang karagdagang lahok na ekwiting Pilipino sa lahat ng mga
institusyong pang-edukasyon.
Dapat sumakamay ng mga mamamayan ng Pilipinas ang kontrol at administrasyon ng
mga institusyong pang-edukasyon.
Hindi dapat matatag ang ano mang institusyong pang-edukasyon na eksklusibong para
sa mga dayuhan at hindi dapat humigit sa isang-katlo ng enrolment sa alinmang
paaralan ang ano mang pangkat ng mga dayuhan. Ang mga tadhana ng subseksyong
ito ay hindi sasaklaw sa mga paaralang itinatag para sa mga dayuhan na tauhang
diplomatiko at kanilang mga dependent at, matangi kung naiiba ang itinatadhana ng
batas, para sa iba pang mga dayuhan na pansamantalang naninirahan dito.
(3) Ang lahat ng mga rebenyu at mga aset ng mga institusyong pang-edukasyon na di-
sapian, di-pampakinabang at ginamit nang aktwal, tuwiran at eksklusibo para sa mga
layuning pang-edukasyon ay dapat malibre sa mga bwis at mga bayarin sa kalakal. Sa
sandaling mabuwag o maputol ang buhay-korporasyon ng gayong mga institusyon,
dapat madispos ang kanilang mga aset sa paraang itinatadhana ng batas.
Maaari ring magkaroon ng karapatan ang mga institusyong pang-edukasyon na
propryetari pati yaong mga ari ng kooperatiba sa gayong mga pagkalibre salig sa mga
Fil 128 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
April 26, 2021

katakdaang itinatadhana ng batas kabilang ang mga pagtatakda sa mga dibidendo at


mga tadhana para sa muling pamumuhunan.
(4) Batay sa mga kondisyong itinatakda ng batas, dapat malibre sa bwis ang lahat ng
mga kaloob, mga endowment, mga donasyon, o mga kontribusyon na ginamit nang
aktwal, tuwiran, at eksklusibo para sa mga layuning pang-edukasyon.
SEK. 5. (1) Dapat isaalang-alang ng Estado ang mga pangangailangan at kalagayang
panrehyon at pansektor at dapat pasiglahin ang lokal na pagpaplano sa pagbubuo ng
mga patakaran at mga programang pang-edukasyon.
(2) Dapat tamasahin ang kalagayang akademiko sa lahat ng mga institusyon ng lalong
mataas na karunungan.
(3) Ang bawat mamamayan ay may karapatang pumili ng propesyon o kurso ng pag-
aaral, salig sa karampatan, makatwiran at ekwitableng mga kinakailangan sa pagpasok
at mga pangangailangang akademiko.
(4) Dapat patingkarin ng Estado ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na
propesyonal. Dapat magtamasa ng proteksyon ng Estado ang mga tauhang akademiko
na di-nagtuturo at mga tauhang di-akademiko.
(5) Dapat mag-ukol ang Estado ng pinakamataas na prayoriti sa pagbabadyet sa
edukasyon at seguruhin na magaganyak at mapamamalagi ng pagtuturo ang nararapat
na kaparte nito sa pinakamahuhusay na mga talino sa pamamagitan ng sapat na
gantimpagal at iba pang paraan ng kasiyahan at katuparan sa gawain.

ANG LAYUNIN AYON SA PAHAYAG NG PAMBANSANG LUPON NG EDUKASYON

You might also like