You are on page 1of 2

Mga Uri ng Gawain na Ginagamit sa Pagtuturo

ng Makrong Kasanayang Pakikinig

Layunin

Malaman at magpagiba-iba ang mga uri ng gawaing ginagamit sa pagtuturo ng makrong


kasayang pakikinig
Makapagbigay ng sariling halimbawa ng mga bagay na ginagamitan ng mga gawain sa
pagtuturo ng makrong kasayanayang pakikinig

Uri ng Gawain na Ginagamit sa Pagtuturo ng Makrong Kasanayang Pakikinig

KASANAYAN SA PAKIKINIG

1. Pagbabalangkas – tinatawag itong kalansay sa isang sulyap. Kinakailangan na mahusay


na nakakahanay ang mga paksa na ayon sa kahalagahan nito.

Maaring sundin and balangkas na:


a. Papaksang Balangkas (Topic Outline) - isinusulat sa salita o parirala ang mga
punong kaisipan.
b. Pangpangungusap na Balangkas (Sentence Outline) - binubuo ng mga buong
pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.
c. Patalatang Balangkas (Paragraph Outline) - binubuo ng mga pangungusap na
naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.

2. Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari – (sequencing events) mahalaga ang


kasanayang ito sapagkat nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga ng tagapakinig kung ano
ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang kuwento, sanaysay
at iba pang akda.
3. Pagbubuod – ito ay ang muling pagsasalaysay sa pinakamaikling paraan dahil ang
mahalagang pangyayari lamang ang isinasaad ayon sa pagkakasunud-sunod.
4. Pagtatala – kinakailangan ito sa pakikinig lalo’t higit sa pagkuha ng mga mensahe sa
pagdalo sa seminar, komprehensya at iba pang uri ng pormal na usapan.
5. Pagsunod sa Panuto/Direksyon – mahalaga sa isang tao ang makinig ng sa ganun
mapanatili niya ang kawastuan sa isang gawain lalo na kung kinakailangan ang
mataimtim na pakikinig.

Nakabatay sa Tatlong Kategorya ng Pagbabalangkas:

1. Dibisyon – gumagamit ng bilang ng Romano (I, II, III, IV, V)


2. Seksyon – gumagamit ng mga titik (A, B, C, D, E)
3. Sub-dibisyon – pinanandaan ng bilang arabiko (1, 2, 3, 4, 5)

MGA GAWAIN/KASANAYANG MAILALAPAT


Paglalarawan (Pag-
 Pagsunod sa Panuto/Direksyon (pagguhit sa pagtuntun ng ruta)
uutos, pagbibigay
dereksyon at iba pa)
 Paghula sa kalalabasan ng mga pangyayari.
Mga Kuwento  Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
 Pagsulat ng isang buod

Mga Awit/Musika  Maglahad ng sariling interpretasyon (Pagbabalangkas)


 Pagbuo ng isang balangkas
Lektyur at Talumpati  Pagkuha ng tala
 Pagsulat ng buod

 Pagbabalangkas ng mga pangyayari


 Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari
Ulat/Balita
 Maisulat ang hinihinging impormasyon
 Maibigay ang buod ng ulat hinggil sa iba’t ibang bagay

May ilang kaparaanan ng mga guro upang makapagbigay ng tugon ang mga mag-aaral sa
kanilang tekstong napakinggan. Ito ay magsisilbi na ring basehan kung matagumpay ngang
naintidihan ng mga mag-aaral ang mga impormasyong kanilang napakinggan.

Maaaring ipakita ng mga mag-aaral ang:


1. Pagkalugod nila sa pakikinig na makikita sa ekspresyon ng kanilang mukha
2. Pakikinig at pagkatapos ay magsagawa ng ilang pagkilos o galaw.
3. Pakikinig at paglalapat sa ibang midyum ng napakinggan
Hal. Pagguhit ng larawan, pagsayaw, paglikha ng awit, atbp.
4. Pakikinig at pagbibigay kalutasan sa isang suliranin
5. Pakikinig at pagsagot ng ebalwasyon
6. Pakikinig at pagsagot sa ilang tanong.

Sanggunian

Oliverio, D. (2015). MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT


PAKIKINIG. Retrieved from https://www.slideshare.net/dawnnah/makrong-kasanayan-
sa-wika-pagsasalita-at-pakikinig
Bautista – Fernandez, J., Estmada, C.S., Macaranas, M.C. and Bautista, D. B. (2015).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. GREMATIMA PRINTING SERVICES:
Lungsod ng Batangas.

 https://philnews.ph/2020/02/24/halimbawa-ng-balangkas-mga-halimbawa-ng-balangkas/
 https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-ang-pagbabalangkas.html

You might also like