You are on page 1of 4

Pamagat: Pamantayan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) sa

Panunuring Pampelikula
Talakayan:
o Ang Gawad Urian ay pagsukat ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa
kasiningan at kasanayan ng ating manlilikha sa pelikula. Ang gawad ay
sagisag ng pagkilala sa kakayahang ito, ngunit, higit sa lahat, ito ay
sagisag ng pagpapahalaga sa tungkulin ng manlilikha sa kaniyang
mediyum at sa kaniyang manonood.

 Mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP):

o Rolando B. Tolentino (Presidente ng MPP)


o Grace Javier Alfonso
o Butch Francisco
o Mario A. Hernando
o Bienvenido Lumbera
o Miguel Q. Rapatan
o Benilda S. Santos
o Dr. Nicanor G. Tiongson
o Tito Genova Valiente
o Lito B. Zulueta

 Ang Pelikula

o Ang pelikula ay binubuo ng iba't ibang salik o elemento bago maging


gumagalaw na mga litrato o larawan.

 Panuntunan/Pamantayan sa Panunuring Pampelikula

 Pinakamahusay na Pelikula
o Nagpapakita ang pinakamahusay na pelikula ng mapanlikhang
pagsasanib ng iba't ibang elemento ng pelikula, sa antas na di napantayan
ng mga pelikulang kahanay nito.
 Tema
o Ang tema ay maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang
pelikula. Ito ang nagsasaad ng pinakapaksa, layunin o mensahe ng
pelikula.

 Pinakamahusay na Direksiyon
o Epektibo ang direksyon kung matagumpay ang direktor sa pagbibigay-
buhay sa dulang pampelikula, at nagawa niyang ipabatid ang kaniyang
pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng mapanlikhang pagsasanib ng
iba't ibang elemento ng pelikula.

 Pinakamahusay na Dulang Pampelikula


o Epektibo ang dulang pampelikula kung ito ay may makabuluhang
nilalaman o karanasang sinusuri, at binabalangkas ito sa paraang orihinal
ayon sa pangangailangan ng mediyum ng pelikula.

 Pinakamahusay na Pagganap
o Epektibo ang pagganap ng isang pelikula kung matagumpay na nagawa
ng artista na mapaniwala ang mga manonood sa tauhang inilalarawan,
nalinawan sa mga motibong nagpapakilos sa mga tauhan, at maging saksi
sa mga ugnayang personal at sosyal ng tauhan.

 Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon


o Epektibo ang disenyong pamproduksyon kung nagawa nitong
isakatuparan sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, make-up,
kasuotan, at kagamitan na nagpapalitaw ng panahon, kapaligiran at
katauhang hinihingi ng realidad ng dulang pampelikula.

 Pinakamahusay na Sinematograpiya
o Epektibo ang sinematograpiya kung matagumpay nitong naisalarawan
ang nilalaman sa pamamagitan ng pag-ilaw, komposisyon, galaw, at
ibang kaugnay na teknik ng kamera.

 Shot
o Ang shot ay ang mga kilos o aksiyong nakunan ng kamera mula sa pag-
andar hanggang sa paghinto nito.
 Ang sumusunod ay ang pangkaraniwang shot na ginagamit sa mga
pelikula ngayon:

o Long Shot
o Medium Shot
o Close-up Shot

 Long Shot
o Ipinakikita ng kuhang ito ang pangunahing lugar o tauhan na malayong
agwat mula sa kamera. Ipinakikita rin ang shot na ito ang relasyon ng
bagay o tauhan sa kaniyang kapaligiran.

 Medium Shot
o Ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa taas nito o mula
sa baywang pataas.

 Close-up Shot
o Ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at ng kamera ay
maliit lamang. Ito ang paraan ng direktor para ipakita sa mga manonood
ang mga detalyeng nais pagtuunan ng pansin.

 Pinakamahusay na Editing
o Epektibo ang editing kung malikhain nitong pinakikitid o pinalalawak
ang oras, kalawakan at galaw upang pangibabawin ang anumang nais
ipahayag ng filmmaker.

 Pinakamahusay na Musika
o Epektibo ang musika kung pinalilitaw nito ang kalagayan, pinatitingkad
ang atmospera at damdamin, nakatutulong sa pagtiyak sa katauhan, at
inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.
o Higit sa lahat, nais himukin ng Manunuri ang mga filmmaker na gumamit
ng orihinal na musika.

 Pinakamahusay na Tunog
o Epektibo ang tunog sa pelikula kung naisali nito nang buhay na buhay
ang diyalogo, musika, epektibong tunog at katahimikan, at ang mga ito'y
naisasaayos sa malikhaing paraan.
 Pinakamahusay na Maikling Pelikula
o Nagpapakita ang pinakamahusay na maikling pelikula ng mapanlikhang
pagsasanib ng iba't ibang elemento ng pelikula, na ginawa sa labas ng
kalakalan ng industriya, at sa antas na di mapapantayan ng mga kahanay
nito.

 Sanggunian:

 https://www.slideshare.net/mobile/JeffAustria/panunuring-
pampelikula
 https://www.scribd.com/document/476378038/Manunuri-ng-
Pelikulang-Pilipino
 https://en.m.wikipedia.org/wiki/Gawad_Urian_Award

You might also like