You are on page 1of 6

Pagtatalakay

Ano ang elemento?

 Ang "ELEMENTO" ay tumutukoy sa mga pangunahing bahagi ng isang bagay,


nilalang o kaganapan.

ELEMENTO NG PELIKULA

 Kuwento/ Banghay (Story/Plot) – may simula, gitna, at wakas. Isulat sa rebyu


ang sa tingin mong pinakamahalagang eksena sa iyo. Maari ring ibuod ang
kuwento.
Paalala: Huwag lamang ibibigay ang kapana-panabik na mga eksena lalo na ang
wakas ng kuwento.

 Karakter (Bida/Kontrabida) – Magkomento kung naging epektibo ba ng karaktek


ng actor/artista sa pelikula. Ihambing din ang dating pinagbidahang pelikula ng
bida/artista. Naging mas maayos ba ang pagganap?

 Lunan at Panahon (Setting) – bigyang pansin ang lugar na pinagdausan ng


pelikula. Angkop ba sa kuwento? Naging matipid ba o magastos sa produksyon?
Naging makatotohanan ba ng depiksyon sa panahon?

 Sinematograpiya - Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood


ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng
kamera.

 Iskoring ng Musika – ang nilalapat na musika, instrumental man o may liriko sa


pelikula.
 Editing - Ito ay pagpuputol, pagdudugtog-dugtong muli ng mga negatibo mula sa
mga eksenang nakunan na. Dito rin ay muling sinusuri ang mga tagpo upang
tayain kung alin ang mga hindi na nararapat isama ngunit hindi makakaapekto sa
kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

 Kabuuang Direksyon / Kahusayan ng Direktor – Hinuhusgahan ang kabuuan


ng pelikula dahil sa husay ng direktor. Siya ang kapitan ng pelikula, ang utos at
kumpas niya ang nasusunod sa syuting at maski sa usapin ng teknikal, iskoring,
sinematograpiya at editing. Ang direktor ang dakilang interpreter ng script at
artistikong tagapamahala ng prodyuser.

 Tema – Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang


epekto nito sa manonood.
o Halimbawa: Tema ng tungkol sa karahasan sa kababaihan,

 Rekomendasyon - Sa huli babangitin ng tagasuri kung papasa ba ito sa panlasa


ng nakararami. Irerekomenda ba itong panoorin ng lahat?

 Repleksyon – Inilalahad dito ang naging epekto sa iyo ng pelikula.

SANGKAP NG PELIKULA

 Nilalaman ng Kuwento – Ito ay makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa


pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng Pilipino.

 Sequence Iskrip - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento


sa pelikula.Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
 Pananaliksik o Research - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha
ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito naihaharap nang mahusay at
makatotohan ang mga detalye ng palabas.

 Dulang Pampelikula / Screenplay – Makabuluhang


nilalaman ng karanasang sinusuri. Binabalangkas sa paraang
orihinal ang nasabing karanasan ayon sa pangagailangan ng
midyum.

 Pagganap – Matagumpay na nagawa ng artista na


mapaniwala ang mga manonood sa tauhang kanyang
inilalarawan,

 Disenyong Pamproduskyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,


pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.

 Sinematograpiya – Matagumpay nitong naisasalarawan


ang nilalaman sa pamamagitan ng:
 Pag-iilaw
 Komposisyon
 Galaw
 At ibang may kaugnay sa teknik ng kamera
 Editing – Malikhain nitong pinakikitid o pinapalawak ang:
 Oras
 Kalawakan
 Galaw

 Tunog o sound effect – Naisalin nang buhay na buhay ang:


 Diyalogo at musika
 Epektibong tunog at katahimikan

 Musika / sound track – Pinapalitaw ang kahulugan ng tagpo


o damdamin
 Inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula
 Orihinal na musika/ awitin

 Pagdidirehe – Mga pamamaraan at diskarte ng direktor


kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula
IBA’T IBANG SHOT NG PELIKULA

 ESTABLISHING/ LONG SHOT

Tinatawag na “scene setting”. Mula sa malayo ay


kinikuhaan ang buong senaryo o lugar upang bigyan
ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong
pelikula o dokumentaryo.

 MEDIUM SHOT

Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang


paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may nag-
uusap
Gayundin kapag may ipapakitang maaksyong detalye.

 CLOSE-UP SHOT

Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang,


hindi binibigyang-diin ang nasa paligid.

Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresyon ng


mukha: sulat kamay sa isang papel.
 HIGH ANGLE SHOT

Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang


anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi
tungo sa ilalim.

 LOW ANGLE SHOT

Ang kamera ay nasa bahaging ibaba,kaya ang


anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi
patungo sa itaas.

 BIRD’S EYE VIEW

Maaari ring maging aerial shot”na anggulo na


nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
nasa ibabang bahagi.

 PANNING SHOT

Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang


kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan.

You might also like