Professional Documents
Culture Documents
ANGGULO
Sa panonood ng pelikula, nakakaapekto sa pananaw ng manonood ang
kuha ng kamera sa pagsasabuhay ng artista sa kanyang karakter. Nakakatulong
ang tamang anggulo sa bawat eksena ng mga artista sa pag-unawa sa daloy ng
istorya ng isang pelikula. Kaya kadalasan isinasagawa ng direktor ng pelikula ang
pamimili ng iba’t ibang anggulo ng kanyang kukuhanan para mapalitaw ang
tamang timpla sa bawat eksena nito. Sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa
tamang kuha ng anggulo mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood
na unawain ang kabuuang produksyon nito.
May limang (5) pangunahing anggulo ng kamera na isinasagawa sa
pagkuha ng mga eksena. Nalalaman ang mga anggulong ito batay sa
pinaglalagyan ng kamera habang isinasagawa ang pagkuha ng mga eksena.
Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang Bird’s-Eye View
upang maipakita ang kabuuang kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang
kamera sa bandang itaas ng artista habang isinasagawa ang eksena at nakatutok
ito sa artista hanggang sa ibaba. Ang ganitong uri ng anggulo sa pagkuha ng
eksena ay kalimitang ginagamit ng isang direktor sa pagkuha ng mga kaukulang
dramatikong diin sa karakter o eksena. Sa panimula ng pelikulang Regeneration
(1997), isang birds’s-eye shot ang ginamit ng direktor para maipakita ang
sagupaang nangyari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Naipakita sa anggulong
iyon ang walang awa at di makataong pagpatay ng mga kalaban sa mga sundalo
sa naturang pelikula.
Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan
at kawalang kapangyarihan sa paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan.
Ang anggulong ito ay simbolikong ginamit ng direktor para sa mga karakter na
hindi gaano mahalaga sa isang eksena kaya nagmumukhang maliit ang isang
karakter. Sa eksena sa pelikulang Avenger, isang magandang halimbawa ng High
angle na kuha nina Thor at Captain America na siyang ginamit ng direktor para
magmukhang mahina ang dalawang super hero sa pagpapatuloy ng kanilang
pakikipaglaban na tila may iba na namang silang pupuksain na kalaban na hindi
maubos-ubos. Ang ganun damdamin ay matagumpay na napadarama sa mga
manonood dahil sa tamang pagkakuha ng anggulo.
Pinakapayak na anggulo na napapanood sa isang pelikula ay tinatawag na
Eye-Level. Ang anggulong ito ay isang “personal view” na tila pagkakuha sa
karakter ng eksena ay parang sa tunay. Hindi ito makabagdamdaming kuha
ngunit nagagamit pa rin ito sa paglalarawan at pagpapaliwanag sa pag-unlad ng
banghay ng pelikula. Itinuturing din ang anggulong ito na “personal view” dahil
kapantay lang nito ang taas ng pinaglalagyan ng kamera sa mga nagsisiganap sa
mga eksena.
Ang low angle ay ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng katapangan
at kapangyarihan sa isang pelikula. Inilalagay rin ang kamera nito sa ibaba ng
linya ng mata ng artista at nakatuon ito pataas. Kaya sa isang eksena na
paghaharap ng mayaman at mahirap inilalagay ang kamera sa baba at itinuton
ito sa artistang mayaman para bigyan puwang ang kanyang estado na
ipinapakita ang kanyang kapangyarihan laban sa mahirap na karakter na
nakatuon naman ang kamera sa ibaba.
Ang literal na pagtingala sa kuwadro ng kamera o pagtungo sa ibaba ng
kamera ay tinatawag Oblique Angle. Ang ganitong anggulo ay ginagamit ng
direktor sa pagkuha ng mahahalagang eksena kaugnay sa kanyang pelikula.
MUSIKA
Malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa pelikula na hindi
maipaghihiwalay ang dalawa. Mas pinatitingkad, mas pinadadama at mas
pinapaganda ng musika ang pelikula sapagkat kung wala ito ay maaaring lalabas
na hindi natural, malungkot at walang buhay ang isang pelikula. Taglay ng
musika ang sari-saring papel na ginagampanan sa pelikula na mahalaga sa
emosyonal na aspeto ng pelikula o maaaring isang malaking tulong ito sa
paglinang ng nasabing kwento. Napakamahalaga ang musika na aspetong
isinaalang-alang ng mga manggagawa ng pelikula kabilang ang direktor at
prodyuser. Naniniwala sila na ang reaksyon ng mga manonood ay hindi lamang
nakukuha sa mga paraan katulad ng takot, lungkot at ligaya kundi sa
pamamagitan din ng pagpapadanas ng isang pelikula sa mga manonood, ang
tinatawag musika. Bunga nito ang paglahok ng musika sa pelikula ay masusing
pinag-iisipan kaya kabilang ang musika sa kinikilala sa tuwing mayroong
pagpaparangal sa pelikula.
ANG TUNOG
Maituturing ang tunog bilang makapangyarihang teknik sa paggawa ng
pelikula. Katulad ng musika bilang pambihirang apinidad sa pelikula, ang tunog
din may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng pelikula. Hindi
matatawaran ang naiambag nito kahit sa paggawa ng silent film noon mga taong
1926. Ang mga silent film noon ay sinasamahan ng mga tunog mula sa piyano,
organ, ensemble o orkestrang musika. Sa paglipas ng panahon, marami na rin
ang nadiskubre na higit pang makakatulong sa pagdebelop ng isang pelikula
katulad ng pagrerekord ng mga diyaogo at mga tunog (sound effects) ay
pinatunayan na naman nito ang kanyang ambag bilang epektibong katuwang sa
pagpapalabas ng emosyon at ritmong itinataglay sa mga imahe. Bunga nito ay
hindi maikakaila na ang tunog ay nakapagdaragdag ng antas kahulugan at
nagbibigay ng emosyonal na estimulo na mas higit pang nagbibigay ng
intensidad sa karanasan ng manonood.
Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na
sa kwento, ay naisasantabi natin ang malikhaing aspeto ng tunog, musika o
soundtracks. Ang mga ito ay pinag-iisipan din kaya mahalagang bilang isang
manonood ay sinusuri ang mga ito, ang impormasyong kanyang ibinabahagi sa
mismong eksena at kanya mismo komplekadong mga teknik bilang pagpapasigla
sa damdamin. Sa kasalukuyan, ang isang tagadesinyo ng tunog (sound designer)
ay maaari ng makapagrekord, maghalo (mix), magsala (filter), pahinain
(modulate), palakasin (amplify), at maghudyat (cue up) ng mga tunog kung
kinakailangan. Maaaring ang tunog na ito ay nairekord mula sa totoong buhay o
di naman kaya ay mga inipon nila mula sa mga pananaliksik sa internet. Mula sa
mga pag-awit ng mga ibon, pagtunog ng mga doorbell, tunog ng mga kuliglig sa
gabing payapa, pagtahol ng mga aso, hanggang sa mga pagputok ng baril, ang
mga ito ay naggagamit para sa isang tiyak na eksena para sa pagkokonvey ng
isang partikular na emosyon o kahulugan.
Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound). Ito
ang tunog na nagmumula sa isang bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin.
Ginagamit ito para mas palawigin pa ang dimensyon ng pelikula labas sa nakikita
sa iskrin sa pagtatamo ng higit pang dramatiko epekto. Nagiging tungkulin ang
mataas na eskpresibo o simbolikong paraan bilang mga malayang imahe.
Patunay ito na sa totoong buhay ay marami sa ating mga tunog ngayon ang hindi
nakikita, sapagkat hindi naman kinakailangan na alamin pa kung saan ito
nanggagaling o imposibleng mahanap pa ang kanyang pinanggagalingan. Sa
madaling salita ang mga manggagawa ng pelikula ay gumagamit ng mga tunog
hiwalay sa elemento ng pagkukuwento na may kakayahang maglalahad ng
impormasyon saganang sarili. Kung napapakinggan natin ang mga kalampag ng
mga kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay nakatuon sa mga taong nag-
uusap sa sala ay maaaring nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o
kumakain sa kusina.
PAG-IILAW (LIGHTING)
Kung ikaw ay kukuha ng video sa pamamagitan ng iyong cellphone o
kamera, hindi mo na inisip ang manipulahin ang pag-iilaw. Ang modernong
digital na pagkuha ay makaprodyus ng malinaw na imahe sa maliwanag o
madilim na mga sitwasyon, at para sa maraming pakay, ang mahalaga sa lahat
ay malinaw ang paksa.
Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong
makilala sa pinagmulan nito. Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang
filmmaker ay maaaring obligado na mag-shoot na may anumang liwanag ay
magagamit. Gayunman, karamihan sa mga kathang-isip na mga pelikula ay
gumagamit ng mga karagdagang pinagkukunan ng liwanag upang makakuha ng
higit na kontrol sa mga hitsura ng mga imahe. Kadalasan ang mga table lamp at
streetlight na iyong nakikita sa isang set ay hindi malakas o iba't-ibang sapat
upang lumikha ng isang malakas na imahe. Gayunpaman, ang filmmaker ay
kadalasang lumikha ng isang disenyo ng ilaw na tila pare-pareho sa mga
mapagkukunan sa tagpuan. Ang mga huwaran ng pag-iilaw ay nagayak ng
nakikitang pinagkukunan.
TAGPUAN (SETTING)
KAHULUGAN NG TAGPUAN
Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula
nagaganap. Bagama’t ang tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o
nakaligtaan, ito ay isang mahalagang kasangkapan o elemento sa anumang
kuwento at gumagawang isang mahalagang kontribusyon sa tema o sa
kabuuang epekto ng isang pelikula. Nang dahil sa kompleks na pag-uugnayan ng
tagpuan sa iba pang elemento ng kuwento – banghay, tauhan, tema, tunggalian,
simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong isinalaysay ay kailangang
sinuring mabuti maigi. At dahil sa kanyang kahalagahang biswal na gampanin,
kailangang maisaalan-alang na isang makapangyarihang elementong
pangsinema sa kanyang sariling kakanyahan.
KAHALAGAHAN NG TAGPUAN
Ang bawat salik ay may mahalagang epekto sa mga suliranin, mga tungalian at
katangian ng mga tauhan at kailangang isaalanag-alang bilang integral na bahagi
ng banghay ng kuwento o tema.
Kasuotan
Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan
ng mga magsisipagganap. Kaya malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng
kasuotan sa pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na kasuotan na isusuot
ng mga artista. Bago pa man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay
mahalagang naihanda na sa kanyang kaisipan, at plano kung ano ang magiging
kaanyuan ng mga kasuotan ng mga magsisipagganap. Sa tagadesinyo nakaatang
ang responsibilidad sa pagpaplano at sa pagsasakatuparan sa mga damit na
gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan niya ng suporta hindi
lamang ang pisikal na kaanyuan kundi pati ang emosyonal na aspeto na siyang
mas lilinang pa sa pagsasakarakterisasyon ng mga tauhan.
Bukod sa tagadesinyo ng kasuotan ay isinasangguni ang mga ito sa iba
pang kabilang ng produksyon katulad ng direktor, kostyumer, hairstylist, at mga
artista. Ilalahad ng tagadisenyo ang kanyang tentatibong guhit sa tinatawag na
costume plates. Kung ano ang mapagkakasunduan ng lupon ay siyang gagamitin
sa pagsasagawa ng pelikula. Sa totoong buhay, nagsusuot tayo ng mga damit
upang proteksyunan at magmukha tayong kaaya-aya sa paningin ng iba pero sa
pelikula ay mas lalong tinutulungan nito ang isang artista na mailabas niya
mismo ang karakter sa kwento. Sa pelikulang Bituing Walang Ningning, si Laviña
Arguelles (Cherry Gil) ay gumanap bilang isang sikat na mang-aawit. Pinatingkad
ang kanyang karakter sa tulong ng mga magagandang damit na kanyang
isinisuot, mga alahas, at maayos na make-up. Samantalang, si Dorina Pineda
(Sharon Cuneta) naman ay simple lamang ang pananamit na isinusuot para
ilarawan ang kanyang karakter bilang simpleng tagahanga ng mang-aawit.
Nangangahulugang, inilalarawan ng mga kasuotan at pinagtitibay nito ang
katayuan ng mga karakter sa lipunan, pamumuhay, edad, trabaho, pinag-aralan,
at iba pa. Higit pa, nakakatulong din ang mga kasuotan na muli tayong maibalik
sa mga nakalipas na panahon ng ating kasaysayan.
Sa pelikulang Birdshot (2016), si Mendoza (John Arcilla) ay nakasuot ng
damit pampulis. Malaki ang papel na ginagampanan ng kanyang kasuotan para
mas maging kapani-paniwala siya sa kanyang karakter. Mahalaga sa isang aktor
na para mapag-iba siya sa kanyang tunay na buhay ay makadama siya ng
kaginhawaan sa kanyang isinusuot na damit. Sinasabing ang isinusuot ng isang
aktor kung halimbawa isa siyang pulis, guro, doktor, magsasaka, tambay, o
kumadrona ay natutulungan nitong magampanan niya nang maayos ang
kanyang papel. Sa mga artista mas nagkakaroon sila ng internalisasyon sa
karakter na kanilang ginagampanan kung nakikita na nila mismo ang kanilang
karakter na taglay na ang kasuotan.
Isa na siguro sa pinakamahirap na pagdaanan ng isang tagadisenyo ng
kasuotan ay kapag may kinalaman sa kasaysayan ang isang pelikulang gagawin.
Sapagkat nangangailangan ito ng masinsinang pananaliksik. Bawat detalye ay
komplimentaryo sa bawat isa at kailangang makatotohanan mula sa damit,
alahas, hairstyle, at iba pa. Tanda din maturidad ng isang aktor kung
nagsasaliksik siya sa kasaysayan ng kwento at ng kanyang mismong karakter.
Bunga naman nito, maaari naman siyang makapagbigay ng suhistiyon sa
tagadisenyo ng kasuotan para sa pagpapaunlad ng kanyang isusuot.
Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/Costume_design ang mga
sumusunod ay ang karaniwang proseso sa pagdidisenyo sa kasuotan.
1. Pag-aanalisa. Ito ang unang hakbang sa pag-aanalisa ng iskrip, musikal
na komposisyon, koreograpi, at iba pa. Ang parametro ng kasuotan sa
isang palabas ay pinagtitibay at pauna ng isinasagawa ang banghay ng
kasuotan. Binabalangkas ng kasuotang banghay kung sinong karakter ang
kabilang sa eksena, kung kailan magpapalit ang mga aktor at kung ano ang
mga kasuotan ang nabanggit sa iskrip.
MAKE-UP
Mahalalaga ang make-up para sa karakter ng isang artista sa isang
pelikula. Sa tulong naman ng make-up ay mas lumalabas ang inaasahang hitsura
ng isang aktor batay sa kanyang karakter. Kung naging palasak ang paggamit ng
make-up sa teatro katulad ng Kabuki ng mga Hapones na eksaheradong pagmi-
make-up ang isinasagawa gayundin naman sa pelikula. Nagagawa ng make-up
na maitransporma ng isang aktor ang kanilang sarili sa ibang bersyon na kaiba sa
kanyang pagkatao.
Nabanggit ni Downs, et al. (2013) sa kanyang aklat na sa kanluran,
nahahati sa dalawang kategorya ang paglalagay ng meyk-ap.
1. Tuwirang make-up (Straight make-up). Hindi nito binabago ang hitsura
ng aktor sa halip ginagawa lamang nito ang mukha ng aktor na higit pang
tatlong dimensional samakatuwid mas nagiging maliwang siya sa
manonood. Minsan ang gumagawa nito ay maaaring ang mismong artista
lamang sa kanyang sarili.