You are on page 1of 8

FIL128: Sinesosyedad

Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

Paksang Aralin : Pelikulang Hinggil sa Isyung Kagamitan:


Pampag-ibig Activity Sheets

Layunin: Sanggunian:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay may https://www.wikipedia.isyung-pam-
kakayahang: pag-ibig/
1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan
ng iba’t ibang uri ng isyung pampag-ibig.
2. Mailarawan ang mga mahahalagang elemento
ng pag-ibig at mga antas nito

A. PREBIYU NG ARALIN

PANIMULA: (2 minuto)

Magandang araw sa inyong lahat! Kapag narinig ninyo ang salitang pag-ibig, nakakaramdam ba
kayo ng kilig? ng pagkasabik o biglang saya ng damdamin?

Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong. Magbigay ng ideya tungkol dito, isulat ang sagot sa
patlang.

1. Ano ba ang mga dahilan bakit nag-iibigan ang mga tao? Bakit iba-iba ang pag-ibig na
nadarama ng bawat isa?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag: Gaano kahalaga ang pag-ibig sa buhay ng isang tao?

______________________________________________________________________________________

This document is the property of PHINMA EDUCATION 1


FIL128: Sinesosyedad
Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

______________________________________________________________________________________

B. PANGUNAHING ARALIN

Paksang Aralin (15 minuto)

Ang mga Isyung Pampag-ibig ay mga mahahalagang punto o usapin na nagiging


basehan ng pagsasama ng mga mag anak, magkakapatid, mag-asawa, o magkakaibigan. Ang
pinakamalapit na relasyon ay sa mag- asawa, mas mahalaga ito sa magkakapamilya dahil ang
kanilang pagsasama ay maaaring magbunga ng anak o mga anak. Ang pag-aasawa ay dapat
bunsod ng pag-iibigan at hindi ng kasunduan lamang ng mga magulang.

Mga Dahilan Kung Bakit Nag-iibigan o Nagkakagustuhan (Rules of Attraction)


1. Physical attractiveness o ang panlabas na anyo ng tao ang basehan ng pag-ibig.
2. Proximity o laging magkalapit sa araw-araw – kung sino ang laging nasa tabi ay
napapalapit.
3. Similarities o pareho ng mga kinahihiligan sa lahat ng bagay na pinaglilibangan gaya ng
sports.
4. Opposites o magkabalintuna ang mga katangian, siya ay masayahin at ang isa ay tahimik.
5. Reciprocity of liking o tumutugon sa kung ano ang ipinadarama sa kanya.

Tatlong Mahhalagang Sangkap o Elementong Bumubuo sa Pag-ibig


1. Intimacy o ang pakiramdam na malapit sa isat-isa lalo na ang mga magkakaibigan.
2. Passion – ito ay elemento ng pag-ibig na nagbibigay ng signal upang ang isa ay yumakap,
humalik o maghawak-kamay.
3. Commitment- ito ang bahagi ng pag-ibig na ang isa ay magtatalaga ng kanyang sarili para
sa isang tao habang buhay dahil sa pag-ibig sa kanya.

Iba’t ibang Antas ng Pag-ibig


1. Romantic love – ito ay magkasamang passion at intimacy pero walang commitment.
2. Infatuation- ito ay puro passion lang

This document is the property of PHINMA EDUCATION 2


FIL128: Sinesosyedad
Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

3. Companionate love – mayroon commitment pero walang passion


4. Fatuous love – mayroong passion at commitment pero walang intimacy
5. Empty love – walang commitment, passion at intimacy
6. Liking – ito ay puro intimacy o closeness lang, gaya ng barkadahan
7. Consummate love- mayroon itong 3 elemento ng passion, intimacy at commitment

Iba’t ibang Love Language ng mga Tao


1. Acts of service – masaya na sya kung nakapaglilingkod o may ginagawa para sa kanyang
minamahal
2. Quality time – masaya na siya kung magkasama kahit wala silang ginagawa o hindi sila
umaalis
3. Physical touch – masaya siya kapag siya ay niyayakap o hinahalikan, kung wala ang mga
ito ay hindi niya nararamdaman ang pag-ibig
4. Receiving gifts – masaya siya kung mayroon siyang natatanggap na regalo o kahit na ano
lang na binibigay sa kanya ng kanyang minamahal
5. Words of affirmation – masaya siya kapag laging pinupuri ang kanyang mga ginawa o
nakuhang parangal o napanalunan na kahit ano.

Mga Isyu sa Pag-ibig


Ang mga tao ay may kanya-kanyang pananaw sa kung ano ang tama o mali kapag sila ay
nakikipag-ibigan
1. Open communication lines- ang pag-uusap ay mahalaga dahil lahat ng problema ay
malulutas kung laging pinag-uusapan.
2. Honesty is the best policy – pagtatapat sa lahat ng bagay, wala dapat lihim kahit na
masakit ay dapat malaman nya.
3. Infidelity o ang pagkakaroon ng 3rd party sa isang relasyong nag-iibigan, dapat dalawa
lang sila na nag-uusap o namamasyal.
4. Money matters – sa pag-ibig, ang pananalapi ay mahalaga, dito makikita kung ano ang
katayuan sa buhay ng isang tao, hindi maaari na lagi na lang isa ang gumagasta sa
kanilang paglilibang, pamamasyal at iba pang lakad, kung minsan, ok lang na lalaki lahat
ang gagastos, pero kapag babae na ang gumagastos sa lahat, mahihirapang manindigan
ang lalaki sa bandang huli.

This document is the property of PHINMA EDUCATION 3


FIL128: Sinesosyedad
Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

5. Prioritizing relationship – ang pagsasamahan ay magiging matibay kung ang bawat isa
ay nagbibigay ng oras para dito, hindi dapat maramdaman ng bawat isa na
ipinagwawalang bahala ang kanilang relasyon.
6. Para sa mga mag-asawa, ang sex ay napakahalaga lalo na sa mga lalaki, kadalasan ito
ang sukatan ng kanilang pagmamahal, kung laging hindi handa ang asawa na
makipagtalik ay magreresulta ito sa pagtatalo hanggang sila ay mag-away o
magkahiwalay.
7. Ang mga biyenan at hipag na nakikialam sa pagsasama ng mag-asawa ay nakakasira sa
kanilang pag-iibigan lalo na kung ang kanilang kaanak ay laging kinakampihan.
8. Magkaibang pananampalataya – dapat sana pareho ng simbahang pinipuntahan ang
magkasintahan, dahil ditto mas magiging tahimik ang kanilang pagsasama sa bandang
huli, kung magkaiba sila ng pananampalataya, malilito ang mga anak kung kanino sila
susunod.

At panghuli, pagsumikapan ang inyong pag-iibigan ay maging maayos, hingin kung ano ba talaga
ang gusto ng isa’t isa, mahirap manghula. Maging masayahin sa lahat ng oras, matututong
magpalaya ng mga bagay na masasakit at maging masaya sa inyong karelasyon. Huwag palaging
isipin na mas mabuti pang humanap ng iba kung hindi nalulutas ang mga problema o isyu sa
kanilang dalawa.

Ang mga halimbawa ng pelikulang may temang pag-ibig ay gaya ng: Better World (2010) at Honor
Thy Father, Pamilya Ordinario

Pagbuo sa mga Kasanayan (20 minuto)


Panuto: Sa bahaging ito, basahing mabuti ang mga tanong at sagutin.

1. Frayer Model (5 minuto)


Panuto: Sa gawaing ito, ilagay sa tamang kahon ang mga kailangan ng Frayer model na ito
ayon sa pelikulang Honor Thy Father, In a Better World.

This document is the property of PHINMA EDUCATION 4


FIL128: Sinesosyedad
Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

KAHULUGAN MGA KATANGIAN

Isyung
Pampamilyang
Pelikula: Honor Thy
MGA HALIMBAWA Father at In a MALING HALIMBAWA
Better World

2. Ano ba ang dahilan at nag-iibigan ang mga tao? Maaari bang mag-ibigan ang mga
magkasalungat sa buhay? Ano masasabi mo rito?

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

Pangkaalamang Pagsusuri (5 minuto)


Panuto: Tama o Mali: Basahin ang mga tanong at sagutin kung tama o mali ang pahayag.

____ 1. Ang mga lenggwahe ng pag-ibig ay pagtanggap ng regalo, pagpuri, pagsisilbi sa


minamahal, at iba pa.

____ 2. Ang mga lalaki ay higit na nangangailangan ng pagtatalik kaysa sa asawang babae.

This document is the property of PHINMA EDUCATION 5


FIL128: Sinesosyedad
Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

____ 3. Matibay ang pagsasama ng mag-asawang laging nag-uusap ng mahinahon.

____ 4. Ang mga biyenan at hipag ay laging nagpapasaya sa relasyon ng mag-asawa.

____5. Ang pagkakaroon ng 3rd party sa isang relasyon ay parang reserbang gulong at nakakabuti
ito.

Mga Pangkaraniwang Tanong (FAQs)

1. Anu-ano ang mga paraan kung paano ipinadadama ang pag-ibig? Ipaliwanag.

 Sagot: Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal, at ang una dito ay ang


pagsunod sa mga bilin at sinasabi. Kung hindi sumusunod ay hindi ka niya
pinapahalagahan. Ang pagbibigay ng mga regalo at paggawa ng mga bagay na
paborito mo ay tanda din ng pagmamahal. Ang quality time ay isang mahalagang
paraan, dapat kapag kasama mo ang minamahal mo nakapokus ka sa kanya o kaya
naman ay ipinagmamalaki mo siya dahil sa palagay mo ay talagang kaibig-ibig sya.

2. Ang mga matatanda ba ay may pag-ibig pa? isulat ang iyong sagot sa ibaba.
 Sagot: Ang mga matatanda ay nangangailangan pa rin ng pagmamahal lalo na kung
sila ay mahihina na at ang pagkakaroon ng isang kasama sa buhay ay sapat na
upang magkaroon siya ng pakiramdam na hindi siya nag-iisa, masaya at hahaba pa
ang buhay niya. Kapag walang nagmamahal sa mga matanda ay malungkot sila at
madaling namamatay.

This document is the property of PHINMA EDUCATION 6


FIL128: Sinesosyedad
Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

KEY TO CORRECTIONS

Pagbuo sa mga Kasanayan (20 minuto)

1. Frayer Model (5 minuto)


Panuto: Sa gawaing ito, ilagay sa tamang kahon ang mga kailangan ng Frayer model na ito.

KAHULUGAN MGA KATANGIAN


Ang mga isyung pampag-ibig ay pagitan ng Ang mga isyu ay gaya ng
mag-asawa, magkakapatid, magkakaibigan, pagiging tapat sa lahat ng bagay gaya ng
magkatrabaho o pamilya pananalapi, bukas na komunikasyon,
usaping may-asawa, pagtitiwala sa isa’t
Isyung
isa.
Pampamilyang
Pelikula: Honor Thy
Father at In a
MGA HALIMBAWA Better World
MALING HALIMBAWA

Pagsisilbi sa minamahal, laging nag-aasam ng Ang mga pag- aaway sa loob ng tahanan na
regalo, laging pinupuri sa mga nagawa, nagdulot ng paghihiwa-hiwalay.
masayang kasama ang minamahal at pag-ibig
na walang katapusan.

2. Ano ba ang dahilan at nag-iibigan ang mga tao? Maaari bang mag-ibigan ang mga
magkasalungat sa buhay? Ano masasabi mo rito?

 Sagot: Nagkakaibigan ang mga tao kapag sila ay laging nagkikita o nagkakasama,
nahuhulog ang loob nila sa isa’t isa, minsan, nakikita niya ang mga bagay na gusto nya
gaya ng magandang mukha o magandang katawan, o kaya naman, tumutugon siya sa
kung ano ang ipinapadama sa kanya at kung minsan, kapag pareho kayo ng hilig ay
napapaibig ka rin sa kanya. Kahit na magkasalungat kayo ng ugali ay maaari rin kayong
mapaibig, gaya ng daldalera at tahimik na tao.

This document is the property of PHINMA EDUCATION 7


FIL128: Sinesosyedad
Modyul #12: Student Activity Sheet

Pangalan: ______________________________________________________________ Class number: _______


Seksyon: ____________ Iskedyul: ________________________________________ Petsa: ________________

Aktibiti 5 Mga sagot:


1. T
2. T
3. T
4. M - dahil kadalasan ang mga biyenan at hipag ang sumisira sa relasyon ng mag-asawa
5. M - dahil hindi nakabubuti na may 3rd party sa anumang relasyon

This document is the property of PHINMA EDUCATION 8

You might also like