You are on page 1of 45

“PELIKULA”

PELIKULA
- Ito ay isang uri ng sining na
naglalayong magsalaysay ng
kwento o maglahad ng isang
mensahe o saloobin sa buhay upang
iparanas sa manonood ang isang
kagandahan o kaya’y ganyakin
ganyakin tayo sa isang spectacle.
SPECTACLE
- Yaong tumatawag ng pansin sa mga
manonood sa pamamagitan ng
pagpapakita ng bago sa interes ng publiko
gaya ng mukha, katawan, tinig,
kakayahang umarte ng artista, magandang
tanawin, aksyon, martial arts, drama,
katatawanan, potograpiya, at galing sa
paggamit ng camera, special effects,
PINAKAPOPULAR NA URI NG SINING
ANG PELIKULA DAHIL:
• Nakakalibang ito at nagbibigay-kasiyahan. Nakapananabik lalo
na kung ito ay punung-puno ng aksyon.
• Sa pelikula, ang mga pangyayari ay waring tunay na
nagaganap.
• Ito ay malakas na impluwensiya sa pag-iisip at gawain
kabilang na ang paraan ng pananamit, gawi at asal,
ekspresyon, at pamumuhay na ginagad mula sa artistang
gumanap sa pelikula.
• Tumutulong ito upang pansamantalang makalimot ang mga
manonood sa kabiguan o kahirapan sa buhay.
• Tumutulong ang pelikula upang makita ang
isang bagay sa ibang anyo gaya halimbawa,
maaaring makita kung paano malungkot ang
isang nilalang sa gitna ng karamihan, kung
paano maghirap ang isang dating mayaman, at
iba pa.
• Nagbibigay ito ng kaalaman o impormasyon. Sa
pamamagitan ng pelikula ay mauunawaan ang
isang pananaw o kaisipan.
MGA KAHALAGAHANG TINITINGNAN
SA PAGSUSURI NG PELIKULA

• Ang kahalagahang Pangkawilihan


(Entertainment Value)
• Ang kahalagahang Pansining (Artistic Value)
• Ang kahalagahang Pangkaalaman
(Informative Value)
MGA SANGKAP NG PELIKULA
1. Nilalaman/Kwento – makatotohanang paglalarawan ng
tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao, mula sa
pananaw ng Pilipino.
2. Pagganap – matagumpay na nagawa ng artista na
mapaniwala ang mga manonood sa tauhang kanyang
inilalarawan.
3. Disenyong Pangproduksyon – naisakatuparan sa
malikhaing paraan: pook, tagpuan, make-up, kasuotan, at
mga kagamitan.
4. Sinematograpiya – ang pag-ilaw, komposisyon, galaw, at
ibang kaugnay na teknik ng kamera.
5. Editing – malikhaing pinakitid o pinalawak ang oras,
kalawan o galaw. Pagsasaayos ng mga kuha upang mabuo ang
isang tuloy-tuloy na pelikula.
6. Tunog – naisalin ng buhay na buhay ang diyalogo at
musika. Epektibong tunog at katahimikan.
7. Musika – pinalilitaw nito ang kahulugan ng tagpo o
damdamin.
8. Direksyon – pagbibigay buhay ng direktor sa pelikula.
Nagawang ipabatid ang pang-unawa sa pamamagitan ng
malikhaing paraan.
9. Pagsulat ng Iskrip – proseso ng pagsulat ng dayalogo ng
mga karakter at mga detalyeng kailangan sa bawat eksena.
10. Sekwens Iskrip – pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaribsa kwento, ipinamamalas ang tunay
na layunin ng kwento. (a. Panimulang pangyayari,
b. Oataas na aksyon, c. Kasukdulan, d. Pababang
aksyon, e. Wakas at katapusan)
11. Distribusyon – pagpapakalat ng mga pelikula
sa mga tanghalan.
URI NG MGA PELIKULANG PILIPINO
• Aksyon – nakapokus sa bakbakang pisikal.
• Animasyon – gumagamit ng mga larawan o pagguhit upang
magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.
• Bomba – nagpapalabas ng mga hubad na katawan at
gawaing sekswal.
• Dokyu – nag-uulat sa mga balita o mga bagay na may halaga
sa kasaysayan, pulitika, o lipunan.
• Drama – nakapokus sa mga personal na suliranin o
tunggalian ng damdamin.
• Pantasya – mundong gawa sa imahinasyon.
• Historikal – mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.

• Katatakutan – nagnanais na takutin o sindakin ang mga


manonood sa pamamagitan ng mga multo, aswang, at iba pa.

• Komedi – mga pelikulang nagpapatawa sa manonood.

• Musikal – mga komedyang may temang pangromansa at


ginagamitan ng pag-awit at mga dayalogo.

• Eksperimental
• Seksi Komedi
MGA ELEMENTO SA
PAGSUSURI NG PELIKULA
• Paksa – ito ang tiyak na kaisipan na nagbibigay-kaisahan sa
lahat ng nagaganap sa kwento o pelikula.
• Banghay – ito ang tinatawag na storyline o balangkas ng
mga pangyayari.
• Iskrip – ito ang detalyeng pagsasaayos ng banghay.
• Pag-arte – ito ang pagbibigay-buhay ng mga artista sa
tauhang ginagampanan.
• Disenyo ng Produksyon – tumutukoy ito sa pangkalahatang
kapaligirang atmospera.
• Tunog at Musika – ang mga pantulong na elemento
upang maging makatotohanan ang mga tagpo sa
pelikula.
• Potograpiya – ang pagpoposisyon ng kamera sa
iba’t ibang anggulo.
• Direksyon – ang pagsasaayos o pamamahala sa
lahat ng bahagi ng pelikula.
• Pag-eedit – pagsasaayos at pagpapakinis sa daloy
ng mga pangyayari sa pelikula.

You might also like