You are on page 1of 49

• Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga

damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patula.

• Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung


saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik"
naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay
galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
• Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at
mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.

Impluwensya ng Panitikan
• Biblia o Banal na Kasulatan- naglalaman ito ng mga doktrina
at aral ng pananampalatayang Kristiyano.
• Koran- ang biblia ng mga Muslim.
• Iliad at Odessey- kinapapalooban ng mga mitolohiya at
alamat ng Gresya.
• Mahabharata- naglalaman ng kasaysayan ng pananampalataya ng India. Itinuturing itong pinakamahabang
epiko sa buong daigdig.
• Canterbury Tales- naglalarawan ng pananampalataya at pag uugali ng mga ingles noong unang panahon.
• Uncle Tom’s Cabin- Naglalarawan itoo ng kahirapang dinanas ng mga Amerikanong itimna naging batayan
ng kanilang kalayaan.
• Divine Comedia- naglalarawan ito ng pananampalataya at pag uugali ng mga italyano noong panahong
yaon.
• El Cid Campeador- naglalarawan ng katangiang panlahi at kasaysayang pambansa ng mga kastila.
• Awit ni Rolando- nagsasalaysay ito ng gintong panahon ng Kristyanismo sa Pransya.
• Aklat ng mga Patay- naglalaman ito ng mga alamat, mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
• Aklat ng mga Araw- akda ito ni Confucio ng Tsina na naging batayan ng pananampalatayang intsik.
• Isang libo’t Isang Gabi- naglalarawan ng natatanging ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at
panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
• Noli Me Tangere at El Filibusterismo- sinulat ni Jose Rizal. Naglalarawan ng paghihirap ng mga Pilipino sa
kamay ng mga dayuhang kastila.
Uri ng Panitikan
• 1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng
kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

• 2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y


isinusulat ng pasaknong.
• Mga Akdang Tuluyan
Alamat- isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-
bayan.
Anekdota
• Kwento o salaysay na ang pangyayari ay hango
sa tunay na karanasan, nakawiwili at
kapupulutan ng aral.
Nobela
• Kwento o salaysay na mahaba, maraming
tauhan, at tagpuan na nahahati sa mga
kabanata.
Pabula
• Kwento o salaysay na ang karaniwang
nagsisiganap ay mga hayop. Nag iiwan ito ng
magandang aral sa mambabasa.
Parabula
• Kwento o salaysay hango sa banal na kasulatan na
naglalayong mailarawan ang isag katotohanang
moral o ispiritwal sa isang matalinghagang paraan.
Maikling Kwento
• Kwentoo salaysay na ng-iiwan ngisang
impresyon o kakintalan sa mambabasa.
Dula
• Kwento o salaysay na sinulat para itanghal sa
entablado, may mga tauhang gumaganap na
naglalarawan ng buhay o ugali ng tao.
Sanaysay
• Salaysay na tumatalakay sa isang tanging
paksa. Ang sariling opinyon o pananaw ay
kitang- kita sa sumulat.
Talambuhay
• Kwento o salaysay ng buhay ng isang tao.
Talumpati
• Salaysay na isinulat upang bigkasin sa harap ng
maraming tao na may layuning umakit, humikayat,
magpaliwanag at iba pa.
Balita
• Paglalahad ng mga pang- araw – araw na
pangyayari sa kapaligiran at maging sa ibang
bansa.
MGA AKDANG PATULA
1. Bugtong
• Tulang patugma na ang layunin ay pahulaan ang isang bagay,
tao, at pook.
2. Salawikain
• Tulang patugma na ang layunin ay maglahad ng mga butil ng
karunungangkinapapalooban ng mga aral sa buhay.
Magandang gabay sa pang araw araw na buhay.
3. Epiko
• Mahabang tulang pasalaysay na naglalarawan ng pambihirang
katangian at kapangyarihan ng pangunahing tauhan.
4. Liriko
• Tulang nagpapahayag ng diwa, matinding damdamin at
kaisipan.
5. Elehiya
• Tulang padamdamin o lirikong patungkol sa patay.
6. Soneto
• Tulang liriko na binubuo ng 14 na taludtod. Naglalaman ito ng
damdamin at kaisipan.
7. Oda
• Tulang lirikong nagpapahayag ng papuri at masiglang
damdamin na patungkol sa isang kaisipan.
8. Tanaga
• Tulang binubuo ng 4 na taludtod, na may 7 na pantig sa bawat
taludturan.
9. Haiku
• Tulang binubuo ng 17 pantig na may 3 taludtod. 5 pantig ang
sukat sa unang taludtod, 7 sa ikalawangtaludtod at 5 sa
pangatlong taludtod. Nagmula ang ganitong uri ng tula sa
hapon.
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng
Panitikan
Mga Panahong Saklaw ng Panitikang
Pilipino
Panahon ng Matandang Panitikan
-Sasaklawin ng panahong itoang ating kasaysayan bago
dumating ang mga kastila.
Panahon ng Kastila
-sakop nito ang panahon mula ng duamating ang mga
kastila.
Panahon ng Propaganda
-saklaw pa rin ang panahong ito ng panahon ng
Kastila.
• Panahon ng himagsikan

– Tatalakayin sa panahong ito ang mga manunulat


na Pilipino at ang kanilang mga akdang
mapaghimagsik, at lantarang pagtuligsa ng nga
Kastila.
• Panahon ng Amerikano

-Saklaw nito ang panahon ng pananakop ng mga amerikano.


Bibigyang- halaga sa pag aaral ng panahong ito anf mga
impluwensya ng mga Amerikano sa panitikang Filipino.
• Panahon ng Hapones

– Saklaw nito ang maikling panahon ng pananakop


ng mga Hapones at ang kanilang mahalagang
impluwensya sa panitikang Filipino
• Bagong Panahon

- saklaw ng panahong ito ag liberasyon hanggang


kasalukuyan.
• MGA ANYO NG LITERATURA SA REHIYON 2
• Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II
Epiko
Salomon
Pasion
Verzo
Awit
Bugtong
• Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-
silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra
Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa,
ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.
• Ang Lambak ng Cagayan – ay matatagpuan sa pagitan ng
bulubundukin ng Sierra Madre at Cordillera Sentral sa Hilagang-Silangang
Luzon.

• Mga Lalawigan at Kabisera:


• · Batanes – Basco
• · Cagayan – Tuguegarao
• · Isabela – Ilagan
• · Nueva Vizcaya – bayombong
• · Quirino – Cabarroguis

You might also like