You are on page 1of 27

SOSYEDAD AT

LITERATURA/ PANITIKANG
PANLIPUNAN
Ano nga ba ang kahulugan
ng Panitikan o literatura?

Ang panitikan ay nagmula sa salitang “pang-titik-


an” na kung saan ang unlaping “pang” ay
ginagamit at hulaping “an”. At ang salitang “titik
naman ay nangangahulugang literatura
(literature), salitang Latin na litera na
nangangahulugang titik.
Ano nga ba ang kahulugan
ng Panitikan o literature?

• Kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o


adhikain ng isang lahi.
• Nasasalamin ang iba’t ibang damdamin ng tao tulad
ng kalungkutan, kaligayahan, galit, pag-ibig
paghihiganti at iba pa.
Ano nga ba ang kahulugan
ng Panitikan o literature?

Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na


makikilala sa pamamagitan ng malikhhaing
pagpapahayag, pandaigdigang kaisipan, sa
madaling salita ito ay isang salamin ng buhay o
lahi.
Ano naman ang Sosyedad
o lipunan?

Ang lipunan ay tinatawag na malaking pangkat ng


mga tao na may karaniwang nabubuong pag-uugali,
ideya, at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak
na teritoryo, at itinuturing ang mga sarili bilang
isang pamayanan o yunit.
Ano ang koneksyon
ng literatura sa
Sosyedad?
Dahilan ng Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

• Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, anyo


ng kanyang pagkalahi, kalinangan at mga minanang
yaman ng isip.
• Makikita nila sa kanilang sarili ang kalawakan, kalakasan at
kahinaan ng kanilang ng kanilang pag-uugali at
paniniwala.
• Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno;
kung paano sila nabuhay, nagkamali at nagtagumpay; at
dahil dito maiiwasan nila ang pagkakamali at higit pang
mapauunlad at mapayayabong ang mga minanang
kabutihan.
Dahilan ng Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

• Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling


panitikan at sa gayo’y magkaroon ng pagsasanay sa
paglinang ng kakayahan at kasanayan sa pagbabago at
upang higit na mapadalisay at mapaningning ang mga
kagalingang ito at maiwasan ang mga kamalian.
• Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at
maging matibay at matatag ang pagkilala sa kanilang
pagkalahi.
• Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at
pagpapahalaga sa sariling wika.
Uri ng Panitikan

Piksyon o kathang isip


ginagamit ng mga manunulat ang
kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng
mga akdang bungang-isip lamang.
Umiimbento sila ng mga kathang-isip na
mga tauhan, pangyayari, sakuna at pook na
pinangyarihan ng kwento parasa kanilang
akda.
Uri ng Panitikan

Di - Piksyon
paglalahad, pagsasalaysay o kinatawan
ng isang paksa na inihaharap ng isang may-
akda bilang katotohanan. Batay ito sa mga
tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon
sa kanyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
Anyo ng Panitikan

Anyong tuluyan Anyong patula

Patalata o nasa Pataludtod, may sukat at


karaniwang takbo ng tugma o maaring may
pangungusap. malayang taludturan
Mga uri ng anyong tuluyan

1. Nobela 5. Pabula

2. Maikling Kwento 6. Talambuhay

3. Alamat 7. Sanaysay

4.Parabula 8. Talumpati
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Nobela – tinatawag ding kathambuhay,
ito ay isang mahabang kwentong
piksyon na binubuo ng mga kabanata.
Isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkakasunod
at magkakaugnay.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Maikling Kwento – isang maikling
salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasangkutan ng isa o
ilang tauhan. Kadalasan maaaring
tapusin sa iisang upuan lamang.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Alamat – nagkukwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay. Mga
kwento ng mahiwagang pangyayari na
nagpasalin-salin sa taong bayan kaya’t
walang nagmamay-ari o masasabing
may akda nito. Kathang isip lamang,
karaniwang may elemento ng pantasya.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Anekdota – akdang tumatalakay sa
kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o
tanyag na tao. Layon nitong
makapaghatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Pabula – mga hayop o mga bagay na
walang buhay ang gumaganap na mga
tauhan. May natatanging kaisipang
mahahango mula rito sapagkat
nagbibigay ng moral na aral para sa mga
batang mambabasa.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Parabula – maikling kwentong may aral
na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Sanaysay – isang maiksing komposisyon
na kalimitang naglalaman ng personal
na kuru-kuro ng may akda. Isang anyong
nagpapaisip, nagpapalawak at
nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo
at nagpapatibay sa isip at damdamin ng
bayan.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Talambuhay – nagsasaad ng kasaysayan
ng buhay ng isang tao hango sa tunay na
tala, pangyayari at impormasyon.
Nakalahad dito ang mga pangyayari
mula pagsilang hanggang kanyang
kamatayan, mga adhikain, simulain,
paninindigan maging ang kanyang
tagumpay o kabiguan.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Kwentong bayan – nagsasalaysay ng
mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan.
Mga uri ng Anyong Tuluyan
• Balita – nagpapahayang ng mga
napapanahon o kasalukuyang
kaganapan sa loob at/o labas ng isang
bansa.
Mga uri ng Anyong Patula
Tulang Liriko - damdamin

Tulang Pasalaysay

Tulang Pandulaan – itinatanghan ng padula

Tulang Patnigan – nangangailangan ng


sagutan
Iba’t ibang uri ng tulang liriko

Pastoral –naglalarawan Pasyon –inaawit tuwing


ng paraan ng pamumuhay Kwaresma, hinggil sa
sa bukid buhay, sakit at pagdurusa
ni Kristo
Dalit – nagpaparangal sa Elehiya – may kaugnayan sa
Maykapal kamatayan.
Soneto – 14 na taludtod,
Oda – nagpaparangal sa
nagtataglay ng aral sa
dakilang gawain ng tao.
buhay.
Iba’t ibang uri ng tulang Pasalaysay

• Epiko – nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
• Awit – binubuo ng tig-aapat na saknong,
bawat taludtod at may lalabindalawahing
pantig. Pakikipagsapalaran ng bayani ang
karaniwang paksa.
• May walong patig bawat linya. Binibigkas
sa kumpas na martsa allegro. Nakuha ang
impluwensya mula sa Espanyol.
Iba’t ibang uri ng tulang padula

• Zarzuela – itinatanghal sa anyong


pasayaw na may masayang awit
• Tibag – isang pagtatanghal kung
buwan ng Mayo, ng paghahanap ni
Santa Elena sa krus na pinagpakuan
kay Kristo
• Moro-moro – naglalaman ng
paglalaban ng Muslim at Kristyano
• Senakulo – pagsasalarawan sa
pagkabuhay at pagkamatay ni Hesus
Iba’t ibang uri ng tulang Patnigan
• Balagtasan – pagtatalo ng dalawang panig
sa paraang patula
• Duplo – nauso sa panahon ng Kastila,
debate na patula na kalimitang ginagawa
sa pa-siyam. Kinapapalooban ng hari,
belyako, belyaka at berdugo at iba pa
• Karagatan – tulang kadalasang
sumusubok sa manliligaw ng babae

You might also like