You are on page 1of 36

ANG PANIMULANG

PAGTATALAKAY SA
PANITIKAN 1
ADVINCULA ASIO
ALVARAN BABIERA
APARICIO BANATE
Iba’t Ibang Kahulugan Ng

Panitikan
Ayon sa Webster’s New Collegiate Dictionary, ang panitikan ay ang
kabuuan o kalipunan ng mga pinagyaman isinulat o inilimbag sa
isang tanging wika ng mga tao.
• Ayon kay G. Honorio Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura ,
ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa
iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa
lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha.
• Ayon kay Arrogante, 1991, ang panitikan ay talaan ng buhay
sapagkat dito nailalahad ng tao ang kaniyang kaisipan at damdamin.
Iba’t Ibang Kahulugan Ng
ay walang kamatayangPanitikan
• Sang-ayon naman kina Salazar, et al (1995), ang tunay na panitikan
pagpapahayag ng damdamin ng mga tao ayon
sa kaniyang mga nararanasan sa araw-araw.
• Ipinaliwanag naman nina Gonzales, et al (1982), na “ang panitikan at
isang pagpapagataf na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang
nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin sa abot-kaya ng
manunulat.
• Kinatigan nanaman ni Sauco, et al (2004), ang panitikan bilang
kaluluwa ng mga mamamayan na sinasalamin ang pagkamasining at
pagkamalikhain sa pagpapahayag ng damdamin.
Mga Dahilan Bakit Dapat
Pag-aralan ang Ating Panitikan
Bilang isang Pilipino, tungkulin nating pag-aralan ang atin panitikan. Gayundin,
ang paggalang sa panitikan ng karating-bansa.
Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit kailangan nating pag-
aralan ito:
• Sinasalamin ng bawat akdang pampanitikan ang kultura, sining, agham, at
kasaysayan ng ating bansa. Sa pamamagitan nito, higit pang napauunlad ang
minanang yamang isip ng mga Pilipino sa kasalukuyan;
• Katulad ng ibang lahi, maipapakita nating bilang isang bansa, na mayroon din
tayong sariling tradisyon na nag bibigay larawan sa Pilipinas;
• Sa pag-aaral nito, mababatid natin ang kakulangan ng ating panitikan at
mabibigyan tayo ng pagkakataong mapaunla pa ito; at
• Bilang isang Pilipino, dapat tayo ang higit na tumangkilik sa ating
sariling kultura.
Kahalagahan sa Pag-aaral
ng Sariling Panitikan
1. Ang pag-alam sa kahalagahan ng panitikan ay sumasalamin sa pagiging
marunong ng isang tao, taglay ang kanyang pagiging Makabayan.
2. Ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa sa daigdig ay maihahalintulad
sa isang batis na walang humpay ang pag-agos ng tubig. Matatapos lamang
ito kung ang mga nakalimbag na titik ay maglalaho sa daigdig at kung ang
mga tao ay mawawalan ng kakayahan sa pagpapahayag ng kaisipan,
damdamin at karanasan.
Mga Akdang Pampanitikan na Nakaimpluwensiya sa Daigdig

1. Bibliya o Banal na Kasulatan. –pinagbabntayan ng mga


kristiyano
2. Koran na nagmula sa Arabya. – tekstong pang islam
3. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados
Unidos – demokrasya ng mga amerikano tungkol sa puti at
itim
4. Iliad at Oddysey ni Homer ng Gresya- alamat at mitolohiya
5. Divina Comedia ni Dante Alighieri ng Italia- 7 estado ng
impyerno
6. Cantebury Tales ni Chaucer – kaugalian at
pananampalataya ng mga ingles
Mga Akdang Pampanitikan na Nakaimpluwensiya sa Daigdig

7. Aklat ng mga Araw ni Confucius – kaugalian at


pananampalatay ng mga intsik
8. Isang Libo at Isang Gabi – pamumuhay ng tao sa
Arabiya at persya
9. El Cid Compeador – kaugaliang panlahi ng mga
kastila
10. Awit ni Rolando – labanan sa romcevaux
11. Aklat ng mga Patay- mitolohiya/telohiya
12. Mahabharata – pinakamahabang epiko sa India
Mga Teoryang Pampanitikan

1. Sosyolohikal (Max Weber) – kalagayan at


suliraning kinalalagyan ng may akda
2. Romantisismo (Victor Hugo) – pagalalay ng pag-
ibig
3. Dekunstruksyon (Jacques Derrida) – ibat ibang
aspekto bumubuo sa tao
4. Feminismo (Eliot) – kalakasan ng kababaihan
5. Realismo (Hobbes)- maipakita ang karanasan at
nasaksihan ng manunulat
Anyo ng Panitikan
 Ang panitikang patula ay ang masining na pagsasama-
sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod na may sukat
o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa
hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.

 Ang tuluyan o prosa naman ay nabubuo sa pamamagitan


ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga
pangungusap.
Ang Tula
Ang pagsulat o paglikha ng isang tula ay nangangailangan ng
maingat na pagpili ng wastong salita.
• Ayon kay Julian Cruz Balmaceda na binanggit sa aklat ni
Sauco (2004) “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan at kadakilaan.”
APAT NA URI NG TULANG PAMPANITIKAN

• Ang Tulang Liriko o Tula ng Damdamin – karanasan


at kaisipan
• Ang Tulang Pasalaysay – makulay at mahalagang
tagpo sa buhay
• Ang Tulang Patnigan (Joustic Poetry) – pagtatalong
patula
• Ang Tulang Pantanghalan o Padula – binibgkas ng
tauhan ang diyalogo
Ang Tuluyan o Pasalaysay/Prosa
• Ang maikling • Talambuhay
kuwento • Kuwentong bayan
• Nobela • Parabula
• Dula • Sanaysay
• Alamat • Talumpati
• Pabula
Ang Maikling Kuwento
• Ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
• Si Edgar Allan Poe ay itinuturing bilang Ama ng
Maikling Kuwento.
Ang Nobela
• Ito ay isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng
maraming ligaw na tagpo.
Ang Dula
Ito ay isang akdang pampanitikan na
ang layunin ay itanghal sa
pamamagitan ng pananalita, kilos, at
galaw ng kaisipan ng may-akda.
Mga Bahagi ng Dula
● Yugto - Ang bahaging ito ang pinanghahati sa dula.
Inilaladlad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng
pahinga ang mga nagsiganap at manonood.
● Tanghal - Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung
kinakailangang magbago ng ayos ang tanghalan.
● Tagpo - Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhang gumaganap sa dula.
Mga Uri ng Dula
● Trahedya - Sa dulang ito ay may mahigpit na tunggalian. Ito ay
nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing
tauhan.
● Komedya - Ang uring ito ay nagtatapos na masaya sapagkat ang mga
tauhan ay nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga
manonood.
● Melodrama - Ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa
mabubuting tauhan bagamat ang uring ito ay may malulungkot na
sangkap.
Mga Uri ng Dula
● Parsa - Ang layunin ng dulang ito ay magpatawa sa
pamamagitan ng kawil-kawil na pangyayari at mga
pananalitang lubhang katawa-tawa.
● Saynete - Ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang
ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito ay may layuning
magpatawa.
Ang Alamat
Ito ay isang akdang pampanitikan na ang
pinakadiwa ay ang mga bagay na makasaysayan at
tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga
bagay.
Mga Halimbawa:
• Alamat ng Pinya
• Alamat ng Sampaguita
• Alamat ng Mangga
• Alamat ng Pilipinas
Ang Pabula - Ito ay kuwento na ang mga hayop
ang gumaganap, kumikilos, at nagsasalita na
tulad ng tao. Ipinakikita dito ang katangian ng
tao na nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.
Mga Halimbawa:
• Si Langgam at si Tipaklong
• Si Kuneho at si Pagong
• Ang Daga at ang Leon
• Si Pagong at si Matsing
Ang Talambuhay
• "tala ng buhay" o biyograpiya
• akdang tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao hango
sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
Halimbawa: Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Mga Uri ng Talambuhay
• Talambuhay na Pang-iba - Isang paglalahad ng mga
kaganapan sa buhay ng isang tao na sinulat ng ibang tao; at
• Talambuhay na Pansarili - Isang paglalahad tungkol sa
buhay ng isang tao na siya mismo ang may-akda.
Mayroon ding tinatawag na talambuhay na karaniwan at talambuhay na di-
karaniwan o palahad:
• Talambuhay na Karaniwan - Isang paglalahad tungkol sa buhay ng
isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama dito
ang mga detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid,
kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga nagging tungkulin,
mga nagawa, iba pang mahalagang bagay tungkol sa kanya.
• Talambuhay na Di-karaniwan o Palahad - Hindi gaanong binibigyan
ng diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban
kung ito'y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-
pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang
tao, at kung paano ang mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan.
Ang Kuwentong Bayan
• Isang uri ng panitikan na ang bawat salaysay ay pawang
mga likhang isip, walang may-akda at nagpapalipat-lipat
lamang sa bibig ng mga tao.
• Ginagampanan ito ng mga tauhang karaniwan ay
kumakatawan sa isang pamayanan, bansa, at saloobin.
• Ang mga kuwentong ito ay galing sa ating bayan at
nagpatuloy ang paglaganap nito sa pamamagitan ng
pagsasalin sa iba't ibang konteksto at panahon.
Ang Parabula
• Isang uri ng maikling kuwento na may aral
• Kadalasan ito ay mula sa banal na kasulatan o Bibliya na
ginagamit para makapagturo ng magandang asal at ispiritwal
sapagkat ito ay makatotohanan.
Halimbawa: Dalawang Uri ng Taong Nagtayo ng Bahay
Mateo 7:24-27
Ang Sanaysay
• Isang akdang nakatuon sa isang tanging paksa at naglalayong
maglahad ng mga kuro-kuro o pananaw ng may-akda.
• Ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang
maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Ito ay isang paraan
upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga
mambabasa. Isang uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng
lathalain na may layuning maghatid sa nais na maipabatid sa kapwa
tao.
Halimbawa: Kapayapaan Ni Jane K. Lartec
Uri ng Sanaysay
• Maanyo o pormal - Ang sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang
tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang
kaisipan, nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na
maunawaan ng bumabasa; at
• Malaya o Di-pormal - Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay
karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may
akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kapaligirang
ginagalawan, mga isyung sangkot ang sarili o mga bagay tungkol sa kanyang
pagkatao. Karaniwan na ang sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob
at kaisipan tungkol sa iba't ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at
nararanasan ng may akda.
Ang Talumpati
• Isang pagpapahayag sa harap ng mga taong handang makinig.
Ang isang nagtatalumpati ay nagbabahagi ng mahahalagang
ideya sa paraang pasalita.
• Naglalahad ng mga lohikal na ideya na ang layunin ay
mahikayat ng mga tagapakinig.
Mga Bahagi ng Talumpati
• Panimula - Bahaging naghahanda sa kaisipan ng mga nakikinig upang
maakit ang kanilang kawilihan;
• Paglalahad - Bahaging nagpapaliwanag, ito ang katawan ng talumpati;
• Paninindigan - Bahaging naglalaman ng mga katunayan o ebidensya ng
nagtalumpati; at
• Pamimitawan. Pangwakas na bahagi ng talumpati na humahamon sa
nakikinig o mambabasa.
Salamat sa Pakikinig!

You might also like