You are on page 1of 8

Malugod na pagtanggap sa inyong lahat sa ating paaralang MALLIG PLAINS COLLEGES,INC.

-
ang pangalawang tahanan ninyo. Ako si Gng. Imelda S. Quinia ang inyong guro sa araling
Panitikang Panlipunan.

Simulan natin ang Taong Pampaaralang 2020-2021 ng pagdulog sa Diyos na may pagpapakumbaba at
pagsambit ng panalangin para sa patuloy na paggabay at pagprotekta sa atin mula sa kapahamakan,
disgrasya, gawain ng masasamang tao at ng COVID 19 at paggawad ng tiyaga at katalinuhan upang
mapagtagumapayan natin ang taong pamparalang ito.

Narito ang mga alituntunin na dapat sundin.

1. Kung magkakaroon ng problema sa koneksyon,


Modyul sa Pansariling Pagkatuto ay iaaupload ko.
SA MWF na Klase- Lunes – Upload ng Modyul
Consultation/Talakayan – Biyernes
Pagpasa ng mga sagot sa mga Pagsasanay – Lunes sa susunod na Linngo
Sa TTh na Klase – Martes – Upload ng Modyul
Consultation/Talakayan – Huwebes
Pagpasa ng mga sagot sa mga Pagsasanay – Martes sa susunod na Linggo

2. Ang mga sagot sa mga pagsasanay ay dapat na maipasa sa takdang araw


Sa pamamagitan ng mga sumusunod:
( email : imelda1521@yahoo.com/quiniaimelda@gmail/PM /Hard Copy sa dilaw na papel kung saan
kayo magagaan )

3. Ang GC natin ay gagamitin para sa pagpapalawak ng kaalaman.


Maging malaya sa pagtatanong na may kaugnayan sa aralin lamang

4. Laging isaisip ang salitang “RESPETO” sa opinion/ideya/ tanong ng bawat isa.


MALLIG PLAINS COLLEGES,INC.
COLLEGE DEPARTMENT
CASILI, MALLIG, ISABELA

MODYUL NG PANSARILING
PAGKATUTO

(Prelim)

SA

PANITIKANG PANLIPUNAN

ISASAKATUPARAN NI:

IMELDA S. QUINIA
Guro ng Aralin
MODYUL I
Modyul I Ang Panitikan: Katuturan at Kahalagahan
Kakayahan Natutukoy ang katuturan at kahalagahan ng Panitikan at nakapagpapahayag
ng sariling kaisipan tungo sa malalim na pang-unawa sa Panitikan na ikayayaman
ng sariling kaalaman sa kultura at lipunang kinagisnan at kinabibilangan.
Ang Panitikan ay isang payak na salitang nahihiyasan ng iba-iba at
Pagtalakay malalim na kahulugana. Para sa mga manunulat, ang panitkan ay isang malinaw
na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan
at kasaysayan (Reyes, 1992). Dito mo lubusang maaaninag ang mga impit na
hinaing ng buhay, ang mga panambitan ng mga naghihikahos, ang adhikain ng
maralitang may layuning makahulagpos sa karukhaang kinasasadlakan, ang di-
matingkalang suliraning kinasusuungan ng nakararami, ang inaasam-asam na
liwanag sa kabila ng karimlan, at ang tamis ng kaganapan ng isang pangarap.

Likas sa Pilipino ang pagpapahalaga sa mga kabiguan at mga naunsyaming


mga pangarapin, at ang silahis ng pag-asa ay matutunghayan natin sa pagbasa ng
mga mararangal na akdang pamapinitikan. Anupa’t sa daloy ng kamalayang
makasining sa panitikan ay lagi sana nating isipin na karampatang pahalagahan
ang sariling panitikan.

Isang pinakamabisang sangkap sa bansa ay ang panitikan para sa


pagkakakilanlan ng kakanyahan o identidad nito. Maging pasalita o pasulat man
ang kaanyuan nito, malinaw na masisinag sa panitikan ang mga mithiin,
damdamain, layunin, adhikain, pangarap, at landas na gustong tahakin ng mga
mamamayang bumubuo sa bansang ito. Nakikilala ang isang bansa dahil sa
kanyang simulain at adhikain para sa ikabubuti at maging sa mga pangyayaring
nagaganap dito, masama man o mabuti (Semorlan, 1984). Ang tunay na panitikan
ay yaong nagpapahayag ng damdamin ng mga tao bilang ganti niya sa reaksyon sa
kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa
kanyang kapaligiran. Lumipas man ang araw, taon o dekada, patuloy at buhay pa
rin
ang panitikan dahil hindi ito maiwawaksi sa kulturang umiiral sa lipunang
kinabibilangan. Ang bawat pangyayari at yugto ng buhay ay saksi rin at dahilan
para isaalang-alang at pahalagahan ang panitikan. Maiuugnay rito ang patuloy na
pag-iral ng mga oral na tradisyon at mga panitikang pabigkas sapagkat tanging
instrumento ang mga ito upang mapatatag ang paniniwala ng ibang Pilipino lalo
na para sa ikahuhusay at ikagaganda ng kanilang buhay (Atienza, et al., 1989).
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
Ang ibang panumbas ng panitikan sa Pilipino ay literatura at sa Ingles ay
"literature" na kapwa batay sa salitang-ugat ng wikang Latin na "litera" na ang
kahulugan ay letra o titik. Ito ay morpemang panlaping PANG - (unlaping nagiging
PAN-kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d, 1, r, s, t); ng
salitang-ugat na TITIK (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa
PAN-; at ng hulaping - AN. Samakatuwid: PANG - TITIK – AN (Panganiban, 1954).
Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hìnggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan. at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
Bathalang Lumikha.
Ayon pa rin kay Jose Villa Panganiban (1954), ang paraan ng pagpapahayag
ay iniaayòs sa iba't ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na
nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya lungkot, pag-asa o pangamba.
Ayon kay Miguel Bernard, S. J. (1954), ang panitikan a kaisipan at pagpapahayag;
di malilimot na kaisipan sa di-malilimot na pagpapahayag.

Binigyan din nina Luz de la Concha at Lamberto Ma. Gabriel (1978) ang
katuturan ang panitikan bilang salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng
isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng
isang lahi na ipinahahayag gamit ang mga piling salita sa isang maganda at
masining na paraan, nakasulat man o hindi. Sa pamamagitan nito, ang
kasaysayan, kalagayan at pinagdaanan ng isang bansa'y nababatid (Sebastian at
Nicasio, 1965).

May tungkulin o papel na ginagámpanan ang panitikan sa kultura at


kasaysayan (Cruz at Reyes, 1984):
1. Maaaring ito'y isang likhang-isip, isang bunga ng pagsasanib ng
imahinasyon ng manunulat at ng maraming bagay-ang panlabas na
realidad, ang kinabibilangan niyang sistema, ang pangkalahatang pananaw
ng komunidad, ang sistema ng sining at ang wikang ginagamit.
2. Maaaring sinasalamin ng panitikan ang mga karanasan ng indibidwal at
ng kanyang lipunan. Sa madaling sabi, ang isang akda ay nagiging
repleksyon ng mga karanasan ng mga mamamayan gayundin ng mga
pangyayari sa kasaysayan.

Nabanggit nga ni Alip (1974) na ang panitikan ay paglalarawan ng tunay na


pangyayari sa isang bansa at ng katotohanan.

Malawak ang nasasakupan ng panitikan. Naaaninaw nito ang kapaligiran at


mga pangyayaring nagaganap sa nasabing kapaligiran. Ito ang nagging paliwanag
ni Angelina Santos ng MSU-IIT, (1985) ukol sa panitikan.
Walang itinatago ang panitikan, kahit ang pinakapangit na bahagi ng mundo
ay tinatalakay nito. Lahat ay pinapaksa-ako, ikaw, siya, sila, tayong lahat ay
inilalarawan nito. Ang iba't ibang katangian; ang mahirap o mayaman; ang langit,
lupa, bituìn, araw, buwan, ang bundok, bukid, parang, dagat, ilog-ang buong
kapaligiran, ang kalikasan. Ang damdaming masaya, malungkot,
namumuhi, nahahabag; ang kadakilaan, kataksilan, kaapihan, pagyurak sa
dangal; ang lahat-lahat sa ilalim ng araw at kahit mga bagay na di kayang abutin
ng paningin basta't maaabot ng isip at damdamin. Ang lahat-lahat sa
sandaigdigan ay walang nakaliligtas, hanggang sa ganap nating maunawaan ang
mga pangyayari sa ating buhay at mga pangyayaring nagaganap sa ating
kapaligiran.
Panuto: Sumulat ng isang Sanaysay.
Pagsasanay
Mga Gabay na Tanong:
1. Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo mapahahalagahan ang panitikan ng
iyong lahi o etnikong kinabibilangan?
2. Ano-ano ang mga maaari mong magawa upang mapreserba o mapanatili,
mapaunlad at maisulong ang mga panitikang namana at nakagisnan?

Pamantayan sa Pagtataya ng Sanaysay

Antas/Paman Kahanga-hanga Mahusay Magaling (3) Pagbutihin


tayan (5) (4) Pa (2)
Nilalaman Ang lalim ng Ang nilalaman May kaunting Walang
35% punto ay nakita ng sanaysay lalim ang kabuluhan
(lalim at sa kabuuan ng ay may punto at mababaw
Kahalagahan) sanaysay makabuluhan gayundin ang ang punto ng
gayundin ang g ideya at nilalaman ay sanaysay
mga ideya ay malinis hindi gaanong
makabuluhan makabuluhan
Pagkamalikha Ang kabuuan ng Ang sanaysay Ilan sa mga Walang
in 30% sanaysay ay ay masining at wikang pagkamalikh
(Paggamit ng malinaw, natatangi ang ginamit ay ain at
wika) masining at mga wikang hindi kaayusan
natatangi ang ginamit magkatugma- ang wikang
mga wikang tugma ginamit
ginamit
Istilo 20% Ang Ang Ilan sa mga Walang
(pagsulat) pagkakasulat ay pagkakasulat salita ay hindi kalinawan
malinaw, malinis ay malinaw at malinaw at ang
at nababasa. nababasa may bura pagkakasula
t at
maraming
bura
Tema 15% Ang kabuuan ng Karamihan sa Ilan sa Walang
(Kaisahan) sanaysay ay may nilalaman ay nilalaman ay kaisahan at
kaisahan at kaugnay sa hindi kaugnay kaugnayan
kaugnayan tema sa tema sa tema ng
nilalaman
MAY PAGPIPILIAN
Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Unawain kung ano ang ibig
ipakahulugan ng mga pahayag. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

1. Kabuuan ng mga karanasan ang panitikan


a. Maligaya ang buhay ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila, Amerikano, at
Hapones. Malaya silang nakapaggagala nang walang pumipigil kahit
sinuman.
b. Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapag- aralan at maunawaan
ang wikang Kastila, Ingles, at Hapones.
c. Nailalarawan sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan ang paghihirap
at pambubusabos ng mga dayuhan sa sambayanang Pilipino, ang pang-aapi,
pang-aalipusta, at pagyurak sa karapatan nila bilang mga Pilipino.

2. Sinasalamin ng panitikan ang mga kaugalian ng mga Pilipino.


a. Marunong sumagot ang mga Pilipino ng Yes Sir! Yes, Ma'am! No Sir! No
Ma'am! Marunong din silang bumati sa Ingles ng Hi! Hello there? How are
you now?
b. Maaaring makipagkumpitensya ang mga Pilipino sa mga dayuhan sa
pagsasalita, sa pananamit, sa pag awit, at sa pagsayaw.
c. Opo! Hindi po! Magandang umaga po! Maluwalhating pagdating po!
Magmiryenda po muna kayo...Maraming salamat sa tulong ninyo. Kailanman
hindi ko makakalimutan ang tulong na naibigay ninyo sa aming pamilya.

3. Ang panitikan ay kabuuan ng mga paniniwala ng mga Pilipino.


a. Naniniwala ang mga Pilipino na dumating ang mga ay bigyan ng masaganang
buhay Amerikano upang sila at magandang kapalaran.
b. Naniniwala ang mga Pilipino na may awa ang Diyos sa kanila. Hindi sila
pababayaan Nito. Naniniwala rin silang kailangang ipagdiwang ang pista ng
Sto. Niño, San Isidro, Señor San Miguel, at Nuestra Señora de la Merced, at
iba pa. Sila ang mga patron ng iba't ibang lugar.
c. Naniniwala ang mga Pilipino na dapat makapangibang bansa rin sila upang
makita ang kagandahan ng mundo.

4. Ang panitikan ay kabuuan ng mga pamahiin ng mga Pilipino.


a. Ayon sa matatanda, hindi mabuti ang pag-iwan sa batang di pa binyagan na
nag-iisa at hindi rin mainam para sa isang dalaga ang pagkanta sa harapan
ng kalan.
b. Ayon sa matatanda, mainam talaga ang gulay para pampalakas ng katawan
dahil punong-puno ito ng mga bitamina.
c. Ayon sa matatanda, mainam talaga ang magtanim ng iba't ibang halaman sa
hardin upang maging kaaya-aya ang paligid ng kabahayan.

5. Nababatid ang pinagdaanan ng isang bansa sa pamamagitan ng panitikan.


a. Sa panahong nakaraan, may sinisikil at may naninikil (nang-aapi); may
tinutulungan at may tumutulong; may lumalaban at di lumalaban; may
nagtatagumpay at may nabibigo.
b. Sa panahong nakaraan, may mga naghahandog ng tulong sa mahihirap tulad
ng pagbibigay ng salapi, pagkain, at libreng pagpapaaral sa mga anak.
c. Sa panahong nakaraan, may nagbibigay pa ng mga pabahay sa mahihirap,
walang bayad kahit isang kusing.

6. Nababatid ang kasaysayan ng isang bansa sa pamamagitan ng panitikan.


a. Malalawak ang lupain na sinasaka ng mga mambubukid dito sa Pilipinas.
Hindi lamang palay ang kanilang itinatanim kundi iba't ibang pananim gaya
ng gulay, mais, at mga halamang-ugat (rootcrops).
b. Matatagpuan mo sa Pilipinas ang naggagandahang mga dalampasigan,
luntiang kagubatan, at sari-saring bulaklak sa malalawak na halamanang
nagpapahanga sa mga mamamayan.
c. Ang Pilipinas bilang isang bansa ay nalupig o sinupil ng iba't ibang dayuhang
mananakop kayat pagbabags ang naging adhikain ng mga repormista, Si
Andres Bonifacio naman ang siyang, naglunsad ng armadong rebolusyon.

7. Ang kalagayan ng isang bansa ay nababatid sa pamamagitan ng panitikan.


a. Namamayani rito ang walang katarungang pagturing ng mga panginoong
maylupa (landlords) sa mga kasamá (tenants), ang patuloy na
pagsasamantala ng mga may-ari sa mga manggagawa sa pabrika gaya ng
pagbibigay ng mababang sahod sa kanila, Napapaloob dito ang kasawian,
suliranin, pakikitunggali ng maliliit na mamamayan at ang inaasam-asam na
tagumpay ng mga taong naghahangad ng katarungan at pagbábago.
b. Ang mga kabataan, mapalungsod o mapanayon man, ay nabibigyan ng
pagkakataong mag-aral nang libre hanggang sa kolehíyo. Binibigyan pa sila
ng pera ng gobyerno para sa pagkain at pamasahe. Ang lahat ng
pribilehiyong ito ay nakakamit ng mga kabataan.
c. Nagbibigay ng puhunan ang gobyerno sa mga mamamayang nais na
makapagtayo ng negosyo sa kani-kanilang pamayanan na walang
babayarang utang. Halos lahat ay nabigyan ng tulong ng gobyerno para
umunlad ang kanílang kabuhayan.

8. Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa totoong


lipunan na kanilang kínabibilangan.
a. Ipinakikita sa mga akdang pampanitikan ang dalawang sakit ng lipunang
Pilipino: ang ekonomiyang pyudal (ang paghahari ng mga panginoong
maylupa) at ang kulturang kinakatawan ng relihiyon at pinagtibay ng
imperyalismong Amerikano. Ang mga ito ang nakadagdag sa pagkaapi ng
mahihirap at ang paniniil sa mga dukhang Pilipino sa pamamagitan ng
paggamit ng lakas laban sa sinumang naghahangad ng pagbabago.
b. Ipinakikita sa mga akda ang kagandahan at kasaganaang tinatamasa ng mga
mamamayan at masasabing kulay rosas ang kanilang kapaligiran.
c. Ipinakikita sa mga akdang pampanitikan ang lipunang puno ng pag-asa para
sa mahihirap, ang lipunang Pilipino na inaangat ang kabuhayan ng mga
maralita, isang lipunang walang katiwalian o korapsyon; isang malinis na
lipunan.

9. Ang panitikan ay naglalarawan ng tunay na pangyayari sa isang bansa at ng


katotohanan.
a. Tinatalakay sa mga akdang pampanitikan ang lalong pagyaman ng
mayayaman at damang-dama ng lipunan ang lalong paghihirap ng
mahihirap. Malinaw na makikita ang kakaibang katayuan sa buhay ng
mayayaman at mahihirap. Laganap ang katiwalian o korapsyon sa panig ng
mga pulitiko at pamahalaan. Naroon din ang kakulangan at pagkakait ng
karampatang proteksyon para sa mga manggagawa na maaaring manganib
ang buhay sa pagtatrabaho sa pabrika.
b. Alinsunod sa mga akdang pampanitikan, tumutulong ang mayayaman sa
mahihirap; binibigyan nila ang mga ito ng trabaho. Nagpapahiram sila ng
pera sa mahihirap kung kinakailangan-pagpapahiram na walang interes.
c. Nakasaad sa mga akdang pampanitikan na handing tumulong ang
pamahalaan sa mga pangangailangan ng mahihirap, sa mga
nangangailangan ng tulong. Kailanman hindi ipinagkakait ng pamahalaan
ang anumang tulong na maihahandog sa maralita.

10. Lahat ng bagay na nakikita at nadarama sa kapaligiran ay bahagi ng


panitikan.
a. Ang kagandahan ng kapaligiran, ng kalikasan, mga suliranin, mga
pangarapin, lahat ng mga bagay, pangit man o maganda, ay masasalamin sa
panitikan.
b. Ang kaligayahan ng isang tao, ang kanyang kalungkutan, hinagpis, at
hinaing sa buhay, ang kanyang adhikain, pangarap, at pilosopiya sa buhay
ay binibigyang-buhay ng panitikan.
c. Ang mga mababangong bulaklak o ang mga lantang bulaklak, ang mga
lantang dahon, ang nagtatayugang mga punungkahoy, at sari-saring kulay
ng mga nagliliparang paruparo ay nakikita sa panitikan.
Semorlan,Teresita et.al.,(2014). Ang Panitikan at Kulturang Pilipino. C & E
Sanggunian Publishing, Inc.
Arogante, Jose A., et.al. (2010). Panitikang Filipino ( Pampanahong Elektroniko,
Binagong Edisyon) National Book Store.

You might also like