You are on page 1of 8

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN

PAGSUSURI SA PELIKULANG

HENERAL LUNA

Ni

Cyrus Patrick M. Bajum


BSCE_3-1

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

GAWAING PANGKLASE
Unang Semestre 2020-2021
I. Panimula

Iba’t ibang kasaysayan ang naganap sa ilang lugar sa Pilipinas. Isa sa mga
naganap noong nakaraang panahon ang pangyayari noong taong 1898 kung saan
nagsimula ang Philippine-American War. Umikot ang kuwento ng pelikulang Heneral
Luna sa mga kaganapan noong umusbong ang labanan sa pagitan ng mga
Amerikano at Pilipino partikular na ang buhay ni Heneral Antonio Luna. Naipakita rito
ang sakripisyo, paninindigan, at katapangan ni Heneral Luna bilang isang pinuno ng
hukbong sandatahan ng mga Pilipinong rebolusyonaryo.
Sa direksiyon ni Jerrold Tarog, naipalabas ang pelikulang Heneral Luna
noong ika-9 ng Septiyembre, taong 2015. Sa pangunguna nina John Arcilla bilang
Heneral Antonio Luna, Mon Confiado bilang Presidente Emilio Aguinaldo at iba pang
mga tauhan na may kaugnay sa kanila. Isa sa mga pinakamahal na pelikulang
naipalabas ang Heneral Luna kung kaya’t hindi na nakapagtataka na marami itong
naiuwing parangal noong Pista ng Pelikulang Pilipino. Ayon kay Jerrold Tarog, isa sa
mga naging motibasyon niya sa paggawa ng pelikulang ito ay ang buhay mismo ni
Heneral Luna. Sinabi niya na namangha siya sa buhay ni Luna dahil wala itong
pakialam kung magkaroon man ito ng kagalit, ang pinakamahalaga raw kay Luna ay
ang kaniyang prinsipyo. Dagdag pa niya na kahit may bahid pa rin ng kamalian ang
ilan nitong nagagawa, para sa kaniya, isa pa rin itong kakaiba at kamangha-
manghang bayani ng Pilipinas.
II. Buod ng Pelikula

Nagsimula ang kuwento sa pagdebate nina Presidente Emilio Aguinaldo at


Apolinario Mabini kasama ang buong gabinete tungkol sa pagdating ng mga
Amerikano sa Pilipinas. Gusto nina Heneral Antonio Luna at Heneral Jose
Alejandrino na lumaban para sa kalayaan ng bansa ngunit karamihan sa mga
gabinete partikular na si Felipe Buencamino at Pedro Paterno ay gusto na
makipagsundo at tangkilikin sa bansang Pilipinas ang mga Amerikano. Sinabihan
naman sila ni Aguinaldo na tutulungan daw ng mga Amerikano ang mga Pilipino
upang makalaya sa pananakop ng mga Espanyol ngunit dumating ang balita sa
kanila na pinaputukan daw ng mga Amerikano ang mga sundalong Pilipino sa Sta.
Mesa na naging dahilan upang magsimula ang digmaan.

Marami ng bayan ang sinunog at sinakop ng mga Amerikano kung kaya’t ang
mga sundalong Pilipino kasama si Heneral Luna ay dinepensehan ang mga bayan at
nagsagawa ng hakbang upang pigilan ang mga Amerikano sa patuloy na pagsakop
ng mga bayan sa Maynila. Nagtipon pa si Heneral Luna ng mga sundalo galing sa
iba’t-ibang lugar upang tumulong sa pagdepensa laban sa mga Amerikano. Sa
bahaging ito naipakita ang kapangyarihan ni Heneral Luna bilang pinuno ng mga
sundalong Pilipino, kung saan bumuo siya ng hukbo na may 4000 bilang ng mga
sundalo.

Sa isang pulong muli kasama ang mga gabinete, sinuportahan nina


Buencamino at Paterno ang inalok ng mga Amerikano na “awtonomiya”, ikinagalit ito
ni Luna at pinahuli silang dalawa. Nagkaroon din ng alitan sina Luna at Mascardo
hanggang sa pinuntahan ni Luna si Mascardo upang turuan ng leksiyon ngunit sa
pag-alis niya sa kaniyang kampo ay umatake ang mga Amerikano at nagtamo ang
kaniyang mga kasama ng malaking pinsala. Gusto ni Luna na bumitiw sa puwesto
ng pagiging Heneral ngunit ayaw ni ni Aguinaldo na tanggapin ito, sa halip ay
pinayagan na niya itong magtayo ng sariling kampo sa Norte.

Pumunta naman si Luna sa Cabanatuan matapos makakuha ng telegrama


mula sa kampo ng Presidente kahit na mayroon ng pagdududa ang kaniyang
kasamahan. Hindi niya alam na isa pala itong patibong para siya ay patayin ng mga
sundalo ni Aguinaldo. Ipinalibing siya ni Aguinaldo sa kaniyang mga sundalo na
puno ng karangalang militar.
III. Mga Teoryang Pampanitikan na Makikita sa Pelikula

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Ito ay sitwasyon kung saan gustong gamitin ni Heneral Antonio Luna ang tren
upang gamitin na sasakyan ng kaniyang mga sundalo.
Antonio Luna: I am quite sequestering that train!
British Train Conductor: Are you what? (laughs) Don't be absurd, sir!
Francisco "Paco" Román: Baliw daw kayo, Heneral.
Antonio Luna: Absurd? Absurd!? Commandant General of the Philippines
absurd? Arrest him.
British Train Conductor: No wait wait wait! Look, see I have my passport!
Read the signature on that document.
Antonio Luna: Oh, my goodness! Signed by Secretary of State, Lord
Salisbury.
British Train Conductor: None other. So, my dear chaps, if you would just
release me.
Antonio Luna: Nauubusan na ako ng Ingles. Arestuhin niyo na tang ina
naman o! Sige na! Rápido! Ingles-inglesin mo 'ko sa bayan ko, puñeta!

Running time: 34 na minuto at 55 segundo (34:55)

Teoryang Ginamit: Teoryang Historikal

Pagtalakay/Paliwanag: Makikita rito sa diyalogong ito ang pag-uusap ni Heneral


Luna at isang Amerikanong konduktor. Mapapansin ang mga wikang ginamit ay may
halong Ingles na naaayon sa panahon na isinasadula ang pelikula kung saan
digmaan ng Pilipinas at Amerika. Dahil katatapos lamang rin ng digmaan laban sa
Espanyol sa panahong iyon, mapapansin rin na gumamit pa si Heneral Luna ng
salitang Espanyol, ito ay maaaring dahil nahawa na rin siya sa mga salitang
ginagamit bago pa ang panahong iyon. Kinakitaan natin dito sa bahaging ito na
mayroong pagbabago sa salita at kultura na mayroong kinalaman sa pagbabagong
naganap sa ating bayan.
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Bago pumunta si Heneral Luna sa kaniyang kampo matapos malaman na
pinaputukan na ng mga Amerikano ang ilang Pilipino na naging dahilan ng digmaan.

Heneral Luna: (Lumuhod sa harap ng mga Santong rebulto) Adelante,


compatriotas. Ang magtagumpay o mamatay. (Nagtanda ng Krus)

Running time: 11 na minuto at 50 segundo (11:50)

Teoryang Ginamit: Teoryang Kultural

Pagtalakay/Paliwanag: Bago pa man ang labanan sa pagitan ng Pilipino at


Amerika, sinakop na tayo ng Espanya. Nagsimula ito ng madiskubre ni Magellan ang
arkipelago ng Pilipinas, mula dito naimpluwensiyahan na tayo ng mga Kastila
kaugnay ang relihiyon. Lumaganap ang Kristiyanismo sa ating bansa at nagsimula
ng sumamba ang mga Pilipino sa mga Santo at rebulto. Naipakita rito sa eksenang
ito na patuloy pa rin ang paniniwala natin sa ganitong kultura kahit na wala na ang
mga Kastila sa ating bansa noong panahong iyon. Hanggang sa kasalukuyang
panahon, minana natin ang kultura at paniniwala sa relihiyon ng Katoliko kung saan
luluhod at magdasal muna bago gawin ang isang bagay kasama na ang pagkilala
kay Kristo bilang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Habang nagpupulong sina Presidente Emilio Aguinaldo at Apolinario Mabini
kasama ang mga gabinete upang pagpasyahan ang dapat maging relasyon ng
Pilipinas sa Amerika.

Heneral Luna: Señor Presidente, ipagpaumanhin po ninyo ang pagtataas ko


ng boses.
Emilio Aguinaldo: (tumango)
Apolinario Mabini: Aaminin ko na may batayan ang pagdududa ng lahat.
Hindi masamang mag-intay ngunit hindi rin masama kung palalakasin ni
Heneral Luna ang puwersa militar. Mga ginoo, ipagdasal natin ang
kapayapaan ngunit paghandaan natin ang digmaan.

Running time: 8 na minuto at 5 segundo (08:05)

Teoryang Ginamit: Teoryang Klasismo

Pagtalakay/Paliwanag: Sa aking pananaw, naging angkop ang teoryang klasismo


sa bahagi na ito ng kanilang pagpupulong. Sa halip na tuluyang magpadala sa
emosyon si Heneral Luna ay naisip niya na mas magiging mainam at mapayapa ang
pulong kung hahayaan niya na mamuno si Aguinaldo at Mabini sa pagtitipon na iyon.
Mas pinahalagahan niya ang kaisipan kaysa sa damdamin. Mapapansin rin dito ang
pagsasalita ng bawat isa partikular na si Apolinario Mabini kung saan mayroong
katangian ng pagkamalinaw, pagkamarangal, pagkapayak at pagkamatimpi. Ang
obhetibong pagsasabi ni mabini sa huling bahagi ay siyang nagtapos sa kanilang
pulong nang may kaayusan. Dahil sila ay mga pinuno at mataas ang estado sa
lipunan, ang naganap na pag-uusap na iyon ay piling-piling mga salita lamang at
hindi nahaluan ng mga salitang balbal. Maihahambing ko naman ang “pagkakaiba
ng estado sa buhay” sa Pilipinas at Amerika mismo. Dahil pinakamalakas na bansa
ang Amerika sa panahong iyon, nasa isip nila na kaya nilang maliitin ang Pilipinas sa
larangan ng digmaan. Isang mahirap na bansa at walang kakayahan ang tingin nila
sa bansang Pilipinas. Ito ay paghahambing kung saan nagpapakita ng dalawang
magkaibang estado sa lipunan – mahirap at mayaman.
IV. Pangkalahatang Teorya

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Eksena kung saan nagsusulat si Heneral Luna sa kaniyang mahal na ina na
mayroong lenggwaheng Espanyol. Hindi ko masiyadong naintindihan ang sulat dahil
ito ay salitang Kastila ngunit palagay ko ay tungkol ito sa pagsabi niya sa kaniyang
ina na inapbrubahan na ni Presidente Aguinaldo ang pagkakaroon at paghawak niya
ng gabinete.

Teoryang Ginamit: Teoryang Historikal

Pagtalakay/Paliwanag: Makikita sa bahaging ito ang paggamit ng salitang Kastila


sa pagpapadala ng sulat kahit na wala na ang mga Espanyol sa ating bansa.
Patunay ito na napakatagal ng naging pagsakop ng Espanya sa Pilipinas. Maging
ang kaniyang ina ay sanay rin sa lenggwaheng Kastila dahil pagkapanganak palang
nito ay nasa Pilipinas na ang mga Espanyol. Marahil noon ay naging mas dominante
pa ang paggamit ng salitang Kastila kaysa Filipino. Sumasalamin dito sa bahaging
ito ang naging kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng Espanya kasama na ang naging
impluwensiya at paghubog nito sa buhay ng mga Pilipino. Kakikitaan ang bahaging
ito ng pagbabago sa gawi at kultura ng mga Pilipino dulot ng naganap sa ating
bayan.
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon:
Eksena kung saan binalikan ang kuwento ni Heneral Luna noong siya ay
nasa Europa pa lamang at doon ay nakasalamuha niya si Dr. Jose Rizal. Pinakita
rito sa bahaging ito ang pagbaril kay Dr. Jose Rizal habang sinasambit niya ang
kaniyang tula na “Mi Último Adiós.”

Teoryang Ginamit: Teoryang Historikal

Pagtalakay/Paliwanag: Makikita sa bahaging ito ng pelikula ang pagsambit ni Dr.


Jose Rizal ng isa sa mga tanyag niyang tula kung saan naglalaman ng mensahe
kung gaano kaganda ang Pilipinas, kung paano niya tayo gusto matuto sa nakaraan
at gumising sa katotohanan kung paano ang trato ng mundo sa atin. Ang mga tulang
kagaya nito ni Dr. Jose Rizal ang isa mga humubog at bumuo ng kasaysayan ng
Pilipinas. Ang tula na ito ang itinuring na isa sa mga ebidensiya na si Rizal ay naging
matapang sa kaniyang prinsipyo. Pinag-alab din ng tulang ito kasabay ang pagpatay
kay Rizal ang mga Pilipinong Rebolusyonaryo. Dito pa lamang ay mahihinuha natin
na ang wika ay mas makapangyarihan kaysa espada. Napakalaking pagbabago
naganap noong sumunod na panahong iyon, isa na nga si Heneral Luna bilang
namuno sa hukbong sandatahan ng mga Pilipinong Rebolusyonaryo. Ang ganitong
sitwasyon ang hindi pumapatay sa apoy na lumiliyab at nagbibigay lakas ng loob sa
bawat Pilipino upang lagi at patuloy na hangarin ang kasarinlan. Hindi man lahat ng
Pilipino ay pumapayag at sumusuporta upang mahanap ang totoong kasarinlan, ang
mga ganitong kilos at gawa gaya ni Rizal na isang tunay na bayani ang
nagpapatuloy sa takbo ng buhay ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagbabago
sa ating bayan.

You might also like