You are on page 1of 6

HENERAL LUNA

TAUHAN:

 HENERAL LUNA
-Matapang, malakas ang loob, handang mamatay para ipagtangol ang bayan.
Nakikita ang nasyonalismo ni heneral Luna dahil sa hangad nyang bumuo ng isang
matatag na bansa. Ngunit sa kabila nito malambing syang anak at asawa, mahilig
maggitara, palabiro at tunay na tao.
 EMILIO AGUINALDO
-Kagalang-galang na Presidente ng Pilipinas.

 ISABEL
-Asawa ni Heneral Luna, mabuting asawa ngunit pinanindigan nila ang mas
mabigat nilang responsibilidad nila sa bayan. Nabanggit nya sa pelikula na “Mas
malaki ang responsibilidad natin sa gerang ito kaysa damdamin natin para sa isa’t-isa,
sa susunod na magkita tayo isa kang sundalo at ako naman ay isang taga krus-rowa.
 PACO ROMAN
-Seryoso dahil sa kanyang trabaho, kanang kamay sya ni Heneral Luna na
palaging kasa-kasama nya. Isa sya sa tapat na tagapaglinkod ni Luna. Isa sa
nagsakripisyo ng buhay para sa bayan.
 EDUARDO RUSCA
-Tagapaghatid ng sulat at balita kay Heneral Luna. Isa sa mga tapat na kanang
kamay ni Luna.

 JOVEN HERNANDO
-Sya ang tagapakinig ni Heneral Luna, isa syang manunulat. Sya rin ang nagsilbing
tagapagsalaysay ng buong kuwento.
 KAPITAN PEDRO JAHOLINO
-Isang panbayang kapitan na hindi ginawa ang kanyang responsbilidad, dahil
pinahiya sya ni Heneral Luna nagtanim sya ng galit. Sya ay napag-utusan na patayin si
Heneral Luna at sinunod nya ito ng walang awa at konsensya.

PARTE NG PELIKULA NA PINAKA GUSTO MO:


 Ang scenariong pinatay ng ating kalahi ang pinakamagiting na Heneral. Dahil sa
pagpapakita ng pagpapahirap sa heneral, hindi sumuko ang heneral. Itinayo nya
ang bandila ng Pilipinas walang bahid na pagsuko ang ginawa ni Heneral Luna.
Pinatunayan nya rin rito na totoo lahat ng mga sinabi nya na “may mas malaki
tayong kalaban maliban sa mga Amerikano ang ating sarili. Dahil dito naantig
aking puso at nagung emosyonal ako sa pinakitang kabayanihan ni Heneral Luna.
Isa sya sa simbolo ng pagiging isang bayani.

LINYANG HINDI MO MAKAKALIMUTAN:


 “May mas malaki tayong kaaway kaysa Amerikano ang ating sarli.”
-sapagkat may mga scenario na sa palabas na tayo mismong kapwa Pilipino ang
nag-aaway-away. Halos wala tayong pagkakaisa. Katulad nalang ng, sino ang
pumatay sa pinakamagiting na Heneral? Tayong kanyang kalahi din.

IMPAK SA NAPAPANAHONG ISYU SA PILIPINAS:


 Sinasalamin ng pelikula kung paano pinamunuhan ni Heneral Luna ang mga
Pilipinong sundalo upang sugpuin ang pwersa ng mga Amerikano sa bansa at
matupad ang kanilang hangaring makamit ang pangmatagalng kalayaang
hinahangad ng sambayanan ngunit may mgabalakid na naging hadlang upang
maisakatuparan ito. Isa na rin rito ang hindi maiiwasang pagpili ng maraming
Pilipino sa pansarili nilang kapakanan kaysa sa ikabubuti ng bayan. Ito ang naging
balakid sa pagkamit ng nasyonalismo noon pa lamang. Kung iisipin, ito ang mga
katangiang nakatatak parin sa lipunan maging sa kasalukuyan.

You might also like