You are on page 1of 2

Panunuring Pampelikula I. Pamagat ng Pelikula: The Panti Sisters Direktor: Jun Robles Lana II.

Mga Tauhan:  Gabriel Panti (Paolo Ballesteros) - Ang panganay na anak ni Don Emilio y Panti na
naglayas.  Daniel Panti (Martin del Rosario) - Ang anak ni Don Emilo y Panti na mahilig sa K-
POP.  Samuel Panti (Christian Bables) - Ang anak-sa-labas ng pamilya Panti.  Don Emilio y
Panti (John Arcilla) - Ang ama ng tatlong bakla na may cancer.  Nora Panti (Carmi Martin) - Ang
asawa ni Don Emilio y Panti, at ina nina Gabriel at Daniel Panti.  Vilma Panti (Rosanna Roces) -
Ang kabit ni Don Emilio y Panti, at ang ina ni Samuel Panti.  Zernan (Joross Gamboa) - Ang
dating kasintahan ni Gabriel at kasalukuyang kasintahan ni Daniel.  Kat (Roxanne Barcelo) - Best
Friend ni Gabriel.  Chiqui (Via Antonio) - Ang una at huling kasintahan ni Samuel.  Joy (Ali
Forbes) - Ang buntis na kapit-bahay ni Daniel.

III. Buod ng Pelikula: Ito ay isang kewnto ng pamilya Panti, na pinamumunuan ni Don Emilio y
Panti (John Arcilla), isang mayaman na na-diagnose ng may Testicular Cancer. At ang hiling niya
bago siya mamatay ay makasama ang tatlo niyang anak na mga bakla na may kapalit ng 100
milyong piso sa bawat isa at kung kung sino una makapagbigay ng apo ay may mamamana 300
milyong piso. Si Gabriel (Paolo Ballesteros) at Daniel ay magkapatid na nakatira sa mansyon ay
nakaranas ng pagmamalupit kay/ni Don Emilio sa pagiging bakla, at itoy naging sanhi ng
paglayas ni Gabriel sa mansyon. Si Samuel naman ay ang anak sa labas ni Don Emilio, na
nakatira sa Tondo kasama ang kanyang ina na si Vilma (Rosanna Roces) na nangangarap na
makasama ang kanyang ama. Pinabalik ni Don Emilio sa bahay ang magkakapatid at sinabi niya
ang kanyang kagustuhan/plano kung bakit niya ito ipinatawag sa mansyon. Sa kagustuhan na
makuha ng mga bakla ang 300 Milyon ay

nagkanya-kanyang isip kung papaano maisakatuparan ang mga plano. Si Daniel ay sumubok sa
isang bar para makahanap ng partner ngunit ito ay nabigo. Si Joy (Ali Forbes) ay ang kanyang
kapitbahay na buntis na isinalba niya sa pangaabuso at inalok niya na maging kapartner nito, at
pinakilala kay Don Emilio. Si Gabriel naman ay kinausap niya si Kat (Roxanne Barcelo) ang
kanyang matalik na kaibigan at kanyang planong buntisin,nabuntis ito ngunit ito ay hindi pala
kanya. Si Samuel naman ay lumapit kay Chiqui (Via Antonio) ang kanyang kababata ,na naging
tomboy dahil sa pambabusted niya dito,nang alok na mabuntis niya ito. Maraming
nakakatuwang pangyayari upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng anak o para makabuntis.
Sa kabila naman ng mga paraan, naisip nila ito ay may malungkot na nakaraan na sanhi ng
pagkagalit o di pagkakasundo nila ng kanilang ama. Si Gabriel ay umamin na isa siyang bakla at
ipinasok ni Don Emilio siya sa isang military academy upang maging isang tunay na lalaki siya,
ngunit ito di natupad. Lumayas ito at namuhay mag isa. Si Daniel naman ay nahuling nilagyan
ng lipstick ang kanyang teddy bear na si Pepe ngunit si Gabriel ang sumalo sa kaparusahan at
siyang nagsabi na siya ang may kagagawan at siyang kumuha ng pangpaganda ng kanilang ina
na si Nora (Carmi Martin). Si Don Emilio ay isang mahigpit na ama sa kanyang mga anak dahil
hindi niya kayang tanggapin at suportahan ang mga anak niyang bakla. Naging maganda
naman ang samahan ng mga magakakapatid ngunit namatay si Daniel matapos mabaril ng mga
kalalakihan. Sa mga sandaling iyon ay nanghihinaynang at nagsisisi si Don Emilio at humiling ng
kapatawaran sa kanyang dalawang natitirang anak at nakiusap na kung maari bang tawagin
siyang “Papa”.

IV. Banghay ng mga Pangyayari A. Tagpuan: Sa bahay ni Don Emilio. B. Protagonista: Gabriel
Panti (Paolo Ballesteros), Daniel Panti (Martin del Rosario) at si Samuel Panti (Christian Bables).
C. Antagonista: Don Emilio y Panti (John Arcilla). D. Suliranin: Ang makahanap ng kapartner na
buntis o mabubuntis. E. Mga kaugnay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas ng mga
suliranin: - Umuwi ng probinsya si Joy. - Nanganak si Kat at pinakasalan siya ni Gabriel kahit
hindi siya ang ama ng anak. - Naging isang madre si Chiqui.

Nagkaisa-isa sila sa kabila ng mga hinanakit na dulot ng nangyari nung sila ay bata pa. V. Paksa
o Tema: Family, Comedy, Romance, Drama Angkop naman sa istorya ang mga tema ng pelikula
A. Visual effects: Sa isang eskena sa pelikula, makikita natin na gumamit sila ng Visual Effects o
ng Motion Graphics na Light Streak na tumutulong sa imahinasyon na ang magakakapatid ay
mga Sailor Guardians (Pretty Guardian Sailor Moon) na pumipigil sa mga masasamang pwersa. 

B. Set Design: Ang nakikita kong Set Design ng pelikulang ito ay may pagkahalong Drag.
Katulad ng sa kasuotan ni Gabriel Panti (Paolo Ballesteros), may pagkakahawig ito sa isang Drag
Queen na si Manila Luzon (RuPaul’s Drag Race & RuPaul’s Drag Race: All Stars). Angkop naman
ito sa kabuuang tema at istorya ng pelikula. 

You might also like